NAGULAT si Nathan nang biglang sumulpot sa harap niya si Margaux.
"Magandang umaga Lover boy" malanding bati ni Margaux.
"Margaux ano ang ginagawa mo rito?" takang tanong ni Nathan at akmang iiwas sa papalapit na dalaga.
"Relax, I just came here to say thank you for the great night.. I enjoy it" wika ni Margaux habang papalapit ito at akmang hahalikan si Nathan.
Napalunok si Nathan at parang yatang may magnet ang kanyang puwet at hindi siya makagalaw at unti- unting magkalapit na ang kanilang mukha at naglapat ang kanilang mga labi.
Sadyang malupit ang kamandag ni Margaux at nagtagumpay na yata siya.
Samantala si Jazz ay papuntang opisina ni Nathan natunugan niyang naroon si Margaux.
Kumakabog ang kanyang dibdib at magkahalo ang kanyang nararamdaman paakyat sa Opisina nito.
Nang makarating siya ay parang biglang gumunaw ang kanyang mundo at nagdilim ang kanyang paningin sa eksenang kanyang nasaksihan.
Napasugod ito at kinaladkad si Margaux at isang sampal ang ginawad rito.
"Mga HAYOP kayo! diba binalaan kita lintang ahas na sisiguraduhin mong wala ako.. At diba ang sabi ko'y mag-ingat ka baka makatay ka nang wala sa oras"
"At ito pa ilang lalaki pa Margaux ang papaikutin at aakitin mo"
"Natikman mo na ba ang asawa ko kaya ka nandito?"
"Kulang pa ba ang isang gabi?"
Umuusok sa galit na saad ni Jazz sa kanila habang natahimik at napayuko si Margaux.
"Jazz stop it" pigil ni Nathan rito at bumaling naman si Jazz sa asawa.
"Bakit Nathan? Ayaw mo bang marinig ang paliwanag niya."
"At ikaw, kaya ka umiiwas kagabi dahil may nagawa ka at sa tingin ko nag-eenjoy naman kayo.
"Nathan, ngayon sa ginawa mo ay hindi mo na kami makikita ng mga anak mo"
"Binalaan kita na kung kakagat ka, magkakamatayan tayo"
INIWAN at LUMABAS si Jazz sa Opisina habang umiiyak at dali-daling bumaba at tinungo ang kotse at umuwi.
Samantala parehong natulala ang dalawa sa loob ng Opisina..
Nang matauhan ay lumapit si Margaux kay Nathan..
"Get out" sigaw ni Nathan kay Margaux..
Nagmatigas si Margaux at biglang niyakap si Nathan ngunit nagpupumiglas ito.
"Narinig mo bang sinasabi ko? I said get out at huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin. Pwede ba?"
"ayoko Nathan dito lang ako sa tabi mo"
Hinawakan nya ang mga braso ng dalaga..
"Nahihibang ka na ba? alam mong may pamilya na ako at bakit ako pa Margaux?" galit na turan ni Nathan dito.
"Mahal kita Nathan"
"Anong mahal Margaux at bakit ako pa? " tanong nito at kinaladkad palabas ng Opisina.
Nang makarating si Jazz sa bahay nila ay agad tinungo ang silid at dali-daling ipinasok ang kanyang mga damit at gamit sa Bag at pagkatapos ay tinungo ang kwarto ng mga anak.
" Sam bilisan nyo ihanda nyo mga gamit at ng mga bata at aalis tayo ngayon" utos niya rito.
"Bilisan nyo para di tayo maabutan ng Sir nyo"
"Bakit po Ma'm?" takang tanong ng dalawa.
" Saka ko na ipaliwanag basta sundin nyong sinasabi ko "
Ilang minuto ay natapos na rin sila at sabay-sabay na bumaba't tinungo ang pintuan at nang makalabas sila ng mansiyon ay ang pagdating din ni Nathan.
"Jazz, Anong ibig sabihin nito?" takang salubong ni Nathan sa asawa.
"Aalis muna kami, I need space Nathan at mas maigi din ito para sa atin habang sariwa ang sakit."
"Pansamantala lang ito, kahit magkalayo tayo di ko iaalis ang karapatang makita ang mga anak mo"
"After what happen, ayoko muna kitang makasama't baka di ko makayanan."
"Kaya paalam na muna"
Mga katagang binitiwan ni Jazz bago tuluyang tumalikod patungong sasakyan ngunit bigla siyang hinawakan at niyakap ng mahigpit ng asawa.
"Mahal ko, please don't leave me.. Di ko kayang mawala kayo sa buhay ko" pagsusumamo ni Nathan.
"I'm sorry, I'm so sorry"
Kumalas si Jazz sa pagkayakap at tiningnan ang asawa. Pareho na silang umiyak, masakit man kay Jazz pero kailangan niya ito upang maghilom ang sugat at para makalimutan din niya,
"Sana maintindihan mo ito, kailangan ko itong gawhn " naluluhang wika ni Jazz.
Walang nagawa si Nathan sa naging desisyon ng asawa at naluluhang sinundan ang papalayong sasakyan samantala di mapigilan ni Jazz ang sarili at napahagulgol na din ito.
Pumasok si Nathan sa loob at dumeretso sa Mini Bar at do'n binuhos nya ang lahat.
Nagpakalasing ito't halos di na umaalis do'n. Sinisi niya ang kanyang sarili sa pangyayaring dulot nang minsang paglimot at nagpadala siya sa tukso kaya ngayon hindi niya makapiling ang mga mahal niya.
Sa tindi ng galit niya sa sarili ay nagwala ito.. tinapon ang lahat ng kanyang mahawakan at pinagsusuntok ang dingding na dahilan nang pagkasugat ng kanyang kamay.
Di pa ito nakuntento at lumabas patungong sasakyan at pinaharurot ito.
Dahil nga ito'y lasing ay halos hindi na nito napansin ang papasalubong na sasakyan na sanhi ng kanyang aksidente.
Naisugod si Nathan na nag-aagaw buhay sa Ospital.
Tinawagan agad si Jazz ng isang staff at pinaalam ang nangyari.
Nasa kusina si Jazz at umiinom ng tubig nang biglang nabitawan niya ang baso at ang lakas ng kabog ng dibdib niya't sa isip nito ay may masamang nangyari at lalo siyang kinabahan nang tumunog ang kanyang cellphone at nanginginig na dinampot ito.
"Hello"
"Hello, ito ba si Jasmine Bernardo?" wika ng nasa kabilang linya.
"Ako nga, bakit po? Sino po sila?" tanong niya rito habang magkahalo ang kanyang nararamdaman.
" Sinugod po kasi ang asawa niyo dito sa Ospital" sagot ng kausap.
"Ano?"