Nang maghiwalay ang labi nila ay animo'y kinapusan ng hininga..
Iginayak ni Nathan patungong mesa at inalalayang umupo at umupo na rin ito sa tapat niya.
Tinitigan ni Jasmine ang fiancee niya.
Bahagyang ningitian siya nito at inabot ang bulaklak.
"Salamat"aniya rito sabay ngiti sa kanya.
"Kumain na nga tayo Mahal ko bago pa ako matunaw sa mga titig mo"
Pabirong saad ni Nathan kay Jasmine na hindi nakaligtas ang kaninang nakatitig lang niya sa binata.
Pinamulahan ng mukha si Jasmine at halos hindi niya nagagalaw ang kanyang pagkain na pinagtakhan ni Nathan.
"Mahal ko,hindi mo ba gusto ang food?"
"Bakit tila hindi pa yan nagagalaw ahh?"
Nag-alalang tanong ni Nathan at kinuha ang kubyertos at kumuha ng konting pagkain at sinubuan ang nobya na tinanggap din ni Jasmine.
Matapos nilang kumain ay hinatid na ni Nathan si Jasmine at may mga trabaho sila kinabukasan.
Tahimik lang ang dalawa sa sasakyan ng nagpatugtog si Nathan ng musika..
Biglang tumawa si Jasmine ng maalala ang naturang kantang narinig.
IKAW LAMANG na kinanta niya sa isang Bar dahil pinilit siya ng bestfriend niya.
It was the time na una silang nagkakilala ni Nathan.
FLASHBACK...
"Bessy,Pwede ba akong magrequest?"
"Ano iyon?"
"Hmmm..Pwede ka bang kumanta kahit isa lang?"
"Ako?kakanta...NO!!Bessy ayoko."
"Sige na please..."
Ilang minuto ay biglang tinawag ang pangalan niya..
"May I Call Ms.Jasmine Gonzales..you are requested to go up here.."
Walang nagawa ang dalaga para
paunlakan ang kaibigan at ayaw niya din niyang mapahiya.
Umakyat at sinimulan na nga ni Jazz ang pagkanta ng IKAW LAMANG...
Hiyawan ang mga tao dahil sa ganda ng boses niya at ito agad ang napansin at narinig ni Nathan ng papasok ito sa naturang Bar..
Kasama ni Nathan ang kaibigang si Daniel at CJ.
Sa isang sulok sila pumuwesto at hindi inalis at titig na titig si Nathan sa maganda at maamong mukha ng dalaga.
Lalo na ang maganda nitong boses na hindi niya mapigilang humanga rito.
Hindi nakaligtas sa dalawa nitong kaibigan ang maaliwalas nitong hitsura at natulala habang nakatitig sa kumakantang si Jazz.
Matapos kumanta si Jazz ay nagyayang umuwi na ito sapagkat may pasok pa ito kinabukasan.
Aktong palabas na ito ay may biglang humarang sa kanila..
"Hello Girls! Saan kayo pupunta?"
"Pwede ko ba kayong maihatid?"
Bati at alok ng binata na ikinagulat ng dalawang babae...
"May kotse kami."
"At pwede ba Mister padaanin mo kami at late na at may pasok pa kami bukas.."pagtataray na wika ni Jazz na ikinangiti ni Nathan.
"Pangiti-ngiti ka pa diyan at akala mo'y gwapo ka.."sa isip niya habang naghahanap ng paraan para makaalis sila doon.
Nangigigil talaga si Jazz sa kayabangan ng binata..
"Aalis lang ako dito kung ibigay mo ang mobile number mo at ang pangalan at address mo"wika ni Nathan na nagpakunot sa noo ni Jazz.
"Bessy bigay mo na at para matahimik at makauwi na tayo"
"Hoy Mr.Yabang kung hindi dahil sa gusto naming umuwi..mapilitan akong ibigay ang hinihiling mo.."saad niya rito at bumaling sa kaibigan at inutusang si Janelle na siya ang magbibigay at sumunod na rin ito para matapos agad ang usapan.
Matapos maibigay ay inalis na rin ni Nathan ang pagkaharang at pinadaan ang dalawa.
Ngumiti na lang si Nathan sa kanyang ginawa at bumalik na ito sa pwesto nila.
END OF FLASHBACK.
****
"Mahal Bakit ka napatawa diyan?"
"May naalala lang iyong una nating pagkikita.."
"Hahahaha...Oo nga tinarayan mo nga ako nun eh.."
"Na lalong nagpabihag sa akin"
"Ang yabang mo kasi eh"
Nakarating sila sa Bahay ng dalaga..
Pagpasok pa lang nila ay walang gatol na hinalikan ni Nathan ang nobya..
Parehong nag-init ang mga katawan nila at dahan-dahang natatanggal ang mga saplot nila na hindi man lang naghihiwalay ang mga labi nila..
Inihiga ni Nathan sa couch ang dalaga at pinaghahalikan ang buong katawan nito..
Hindi mapigilan ni Jazz ang nararamdaman at napagat-labi at ungol habang sinasambit ang pangalan ni Nathan.
Right there they make love passionately at parehong pagod na naghiwalay ang mga katawan..
Nakaidlip ang dalawa bago pumasok ng kwarto at ilang ulit din ang pagniniig nila ng gabing iyon..
****
MARGAUX ALFEROS
Isang kaakit-akit at magandang modelo ng Bansa.
Sa edad na 25 ay nasa kanya na halos ang lahat..
Liban sa isang bagay ang Tunay na Pag-ibig.
Ilang beses ng nakipagrelasyon ngunit tila lagi siyang bigo..
Nasa Rehearsal ng Fashion Event si Margaux..
Katatapos lang nito at tama lang ang pagsundo ng Pinsan niyang si Daniel ang kaibigan ni Nathan.
"Couz,ang galing mong tumayming ahh.."
"Katatapos lang namin kaya tara na at pagod na ako.."
Salubong at bati nito sa pinsan sabay halik dito.
Kasama nito ang kanyang PA na si Rhoda at bestfriend nitong si Gerlie.
Dumaan muna sila ng Food court at kumain saglit.
"Bessy pagkatapos ng Fashion Event pwede mo ba akong samahan?"pakiusap ni Gerlie sa kanya.
"Hmmm..sige Bessy Saan naman?"tanong niya rito.
"Ah.!nung isang araw kasi may tumawag sa opisina kung pwede ba akong maging wedding coordinator."
"Samahan mo lang ako makipagkita sa Groom"pahayag ni Gerlie rito.
"Sure why not"