Matapos ang interview ni Margaux ay inihatid na ito ni Adrian sa Condo unit nito.
Nang makapasok sila ay siniil ng halik ni Adrian hanggang nakarating sila sa silid nito at muling pinagsaluhan ang init ng katawan..
Pareho silang pagod at nakatulog na magkayakap.
Biglang tumulo na naman ang luha sa mata nito ng maalala ang nakaraan..
Margaux is just 16 when her both parents died in an accident
.
Kinupkop siya ng Tita niya na kapatid ng Mama niya.
Pinag-aral at binigyan ng magandang buhay sa kanya..
Ngunit hindi maikubling may kulang sa pagkatao at buhay niya.
Namatay ang Tita niya dahil sa malubhang sakit.
At the age of 23 ay pinasok niya ang mundo ng pagmomodelo at doon una niyang nakilala si Nick ang unang nagpatibok ng puso at unang nagpaiyak sa kanya.
Hanggang nakilala niya si Mike ang unang nakakuha ng pagkababae niya at pinaglaruan din siya nito.
Ang pangatlong si Adrian na handang ibigay ang lahat ngunit tila hanggang bed partner lang sila.
Biglang nagising si Adrian at napansin agad ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata at niyakap na lang ito ng binata sapagkat alam na nito ang dahilan.
****
Samantala nakalabas at nakauwi si Jazz galing ng ospital.
Dahil nga maselan ang kanyang pagbubuntis minabuting magpahinga ito at si Janelle na ang bahala sa boutique.
Napagpasyahang kumuha sila ng makakasama ni Jazz sa bahay at ito'y si Sam at Rose..
Naging abala si Nathan kaya kumuha siya ng wedding coordinator.
Araw ng usapan nina Gerlie at Nathan ngunit hindi iyon matutuloy sapagkat may urgent meeting si Nathan kaya tinawagan si Gerlie ng sekretarya nito.
"Hello,Is this Gerlie Cadiao
"yes!speaking..who's this please?"
"this is Ella Madrid Nathaniel Bernardo's secretary. "
"Maam Gerlie pinapasabi po ni Sir na hindi kayo matutuloy meron kasi siyang urgent meeting siya at sa fiancee ka na po makipagkita po.."
"Nasa bahay po siya ngayon at puntahan mo na lang.."
"Okay!salamat Miss Ella."
Pagkatapos ng usapan nila ay biglang tumawag ang bestfriend niya na si Margaux.
"Hello Bessy Saan ka?"
"Tuloy ba tayo"tanong ni Margaux kay Gerlie,.
"Naku Bessy,pasensiya nakansel kasi eh.."tipid nitong sagot.
"okay"
Biglang niyakap ni Adrian si Margaux at pinaghahalikan na naman ito at dating gawi pinagsaluhan na naman ang tawag ng laman.
Pumunta na si Gerlie sa bahay ni Jazz at nang makarating ito ay agad bumaba at nagdoorbell.
Lumabas ang kasambahay ni Jazz na si Sam at binuksan ang gate.
"Magandang araw po!ito po ba ang bahay ni Ms.Jasmine Gonzales?"magalang niyang tanong dito...
"Oho ito nga po...sino po sila?"balik tanong ni Sam
"Gerlie Cadiao ang wedding coordinator nila"tipid nitong sagot.
"tuloy po kayo at nasa living room po si Maam Jazz".
Nang makapasok sila ay agad pinaalam ni Sam kay Jazz ang naturang bisita.
"Maam Jazz excuse me po may bisita po kayo si Ms.Gerlie Cadiao ang wedding coordinator niyo daw."ani ni Sam at agad din itong umalis.
"ahh.Ganun ba?sige ako na bahala salamat".
"Magandang araw po Miss Jasmine,ako po pala si Gerlie Cadiao ang wedding coordinator na kinuha ng fiancee niyo "pagpapakilala nito sa sarili niya.
"ahh..alam mo hindi ko alam na kumuha si Nathan ng wedding coordinator."takang wika nito at ngumiti't nakipagkamay.
"Halika at maupo ka at magpapahanda ako ng maiinom."yaya nito.
Pinag-usapan nila ang mga detalye ng kasal..
From the motiff.principal and secondary sponsors,flowers,venue at reception.
Pati ang invitation,pictorials,vtr's,musib etc.
Matapos nito ay nagpaalam na rin si Gerlie.
Samantala si Nathan ay umuwi na nang matapos ang kanyang meeting.
Pagkarating nito ay agad siyang sinalubong ni Jazz.
Yumakap at humalik ito kay Nathan.
"Mahal pumunta ang wedding coordinator natin kanina"wika ni Jazz habang tinatanggal ang sapatos ni Nathan.
"Ganun ba?ano ang napag-usapan niyo "tanong nito habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga.
"Marami at bukas na natin pag-usapan at kakain na muna tayo at makapagpahinga ka na"wika nito habang hila ng kamay papuntang dining area.