bc

Under the Midnight Sky

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
possessive
powerful
billionairess
sweet
icy
like
intro-logo
Blurb

Midnight Theron De Loughrei, a well-known ruthless business man, the CEO of De Loughrei Group of Companies met an unexpected incident that leads him to lost his memories.

As he grumbles the day without a single memory about his whole being, he met Adreanna. A woman who has a radiating sweet smile plastered on her face, a dazzling almond-shape deep black eyes that captures his ocean blue ones.

As their fate collide, they find home in each others arms. And just like a whirlwind romance, they both fell on each others trap.

Would Midnight choose to stay in Adreanna's life or would he rather leave once all his memories returned?

chap-preview
Free preview
Chapter 00
It was almost five o'clock in the morning when I left the house heading my way to school. Medyo may kalayuan kasi ang bahay namin sa University kung saan ako nag-aaral. I need to walk for more than fifteen minutes para makarating sa sakayan at may ten minutes pang byahe para tuluyan ko ng marating ang iskwelahan. Madilim pa pero maliwanag naman ang daan na tinatahak ko dahil may streetlights na nagbibigay liwanag sa paligid. May bahay din na nakabukas na ang ilaw paniguradong naghahanda na sa pagpasok sa iskwelahan. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. "Argh.." I jumped in shock when I heard a grunt of someone from nowhere. Luminga linga ako sa paligid at saka hinigpitan ang hawak sa strap ng bag ko. Huminga ako ng malalim at binalewala ang narinig kani-kanina lang. "What's that? Oh god. Wag naman sanang multo.." I shivered. Sanay na akong maglakad sa dilim dahil halos araw-araw ko itong ginagawa sa nakalipas na buwan pero hindi ko maiwasan ang kabahan at makaramdam ng takot. "Arghh..S-stop. Argh.." mas lumakas ang daing na naririnig ko na para bang nahihirapan. Parang may sariling buhay ang mga paa ko at sinundan ang lugar kung saan nanggagaling ang nahihirapang daing ng kung sino. Napadpad ako sa isang madilim at masikip na eskenita kung saan madalas nag iinom ang mga tambay sa lugar namin. "..stop..arghh. S-top it. Help me." daing nito kasunod ng malakas na tawanan. Napakunot ang noo ko at dumeretso para pasukin ang masikip na eskinita. Natanaw ko si Jano at Chris, mga tambay sa lugar namin, na nagtatawanan habang nakatingin sa paanan nila. Napadako doon ang tingin ko at ganon na lamang ang pagsinghap ko nang makita ang isang lalaking nakahandusay sa lupa. Akmang sisipain pa ulit ni Jano ang kawawang lalaki kaya sumigaw ako para pigilan ang balak niya. "Jano!" sigaw ko, natigil sa ere ang paa niya kaya mabilis akong humakbang at naglakad papalapit para daluhan ang lalaki. "Adi.." gulat na gagad ng dalawa pero hindi ko sila pinansin. Lumuhod ako at pinaharap ko ang kawawa, marungis at mabahong lalaki sa akin atsaka marahang hinaplos ang marungis na pisngi at inayos ang may katigasan at magulong buhok. Mukhang tuluyan siyang nawalan ng malay hihil lupaypay na ang katawan. Kahit na madumi at puno ng putik ang mukha ay batid kong napakagwapo ng lalaking hawak ko. Hay! Adi, kung ano ano na naman ang isip mo. Inayos ko ng higa ang lalaki saka binalingan ng mariin at matalim na tingin ang gagong tambay na walang ibang iniambag kundi ang gumawa ng gulo. Kinunutan ko sila ng noo. "Ano naman ito, Jano, Chris?" taas kilay kong tanong. Napakamot sila ng batok. "Nakita kasi namin yan dito na nakahiga, kaya ano.." umiwas ng tingin sa akin si Jano saka siniko ang katabi. Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ano?.." "Napagtripan, pasensya na.." nakagiwing sagot ni Chris. Bumuntong hininga ako at binalik ang tingin sa lalaking nakahiga sa hita ko. "Palagi na lang gulo ang ginagawa nyo, hindi ba talaga kayo magtitino? Hay, tignan nyo naman o!" galit na sabi ko. Nagkatinginan ang dalawa at hindi umimik. "Magtawag kayo ng tricycle, kailangan madala natin to sa hospital kundi malaking problema." Bilin ko sa dalawa na agad naman umalis para sundin ang pinag uutos ko. I putted down my things and carefully studied the man who's lying on my lap. I am sure he is not from here, nakasuot siya ng American texudo, black slacks and at walang sapin sa paa. Nakita ko rin ang mamahalin niyang relo. Mabuti na lang ay hindi pinag interesan ng dalawa kanina. I bet taga syudad 'to, maybe a business man dahil sa suot niyang damit. "You'll be fine, mister. You'll be fine, hang in there." Kawawa naman siya. Hindi naman nagtagal ay dumating ang tricycle. Dahil hindi pwedeng ipasok ang tryci sa eskinita dahil sa kasikipan ay nagpatulong ako kay Jano at Chris para mabuhat ang lalaki. "Careful, Jano. Dahan dahan lang baka mas lalong mapurahan.." ani ko nang ipapasok na ang lalaki sa loob. Sumunod ako sa loob atsaka sumilip kila Jano na nasa labas. "Ako na lang ang sasama sa kaniya sa hospital, wag nyo ng uulitin kung ano ang ginawa nyo. I don't want to save your asses again.." banta ko. Tumango silang dalawa. "Pasenya niya, medo nakainom lang." ani Jano. "Sorry, Adi..ito kasi e," ani Chris sabay siko sa katabi. Bumuntong hininga na lang ako sa kanilang dalawa bago binalingan ang driver. "Sa Nuevo East Hospital po, Kuya." Tumango naman ang driver ng tricycle bago nagmaneho paalis. Pinasandal ko sa balikat ko ang lalaking katabi para alalayan at para hindi mauntog. Wala naman akong klase sa first period kaya okay lang kahit medyo matagalan. "Sino ka ba? Bakit ka napadpad dito, and what the heck happened to you? Para kang batang yagit pero hindi bata." Bulong ko sa lalaki saka marahang inayos ang buhok na tumatabon sa noo pababa sa mata niya. Akmang hahaplosin ko ang matangos niya ilong pababa sa labi niya pero hindi ko nagawa dahil tumigil ang sinasakyang tricycle. "Nandito na po tayo.." anang driver. Tumango ako. "Patulong naman po sa pagbuhat, manong." Hindi ko kayang buhatin ang lalaki dahil malaki ang pangangatawan nito at sigurado akong mabigat din. Tinulungan ako ng driver sa pagbuhat sa lalaki hanggang sa makapasok kami sa loob ng Hospital at naihiga sa stretcher ang lalaki. Nagbayad ako sa nasakyan at nagpasalamat. Bumaling ako sa nurse. "Ano pong nangyari sa kaniya, Ma'am." Tanong ng nurse habang chinecheck ang pulso ng lalaking nakahiga. "Nakita ko po siyang binubugbog ng tambay sa amin. Pagkarating ko hindi na siya gumagalaw, buhay naman po siya dba?" alanganing untag ko. Agad akong nakahinga ng maluwang nang tumango kausap at nagsalita. "Nawalan lang siya ng malay, Miss. Due to exhaustion and a weak body, dagdag na rin ang pambubugbog na sinasabi mo, hindi kinaya ng katawan niya kaya nawalan siya ng malay. Don't worry Miss, he's just resting, his body needs it." Nawala ang kaninang pangamba sa dibdib ko nang marinig ang tinuran ng nurse. Pinasok siya sa isang regular room at nilinisan at ginamot ang sugat. Nanatili akong nakaupo sa upuan ko, sinusundan ang bawat galaw ng nurse hanggang matapos ang ginagawa. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo nang makitang tapos na sila. "He'll wake up anytime, don't you know him?" anang lalaking doctor sa akin. Umiling naman ako kaagad at pinagmasdan ang mukha ng nakahigang lalaki na ngayon ay malinis na. Tama nga ako, he's breathtakingly handsome. "Bakit kilala nyo po siya?" nagtatakang tanong ko. He shook his head and glanced at the man lying on the hospital bed. "No, not really. He is familiar. I think I've seen his face somewhere, pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita," aniya saka binalingan ako ng tingin, "O siya aalis na ako. Magigising din siya anytime soon.." sambit ng Doctor saka lumabas ng silid. Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang noo ng lalaki atsaka marahang hinawakan ang kamay niya. "Hindi naman kita kilala pero bakit ang gaan ng loob ko sayo?" Marahan kong binitawan ang kamay ng estrangherong lalaki at pabuntong-hiningang tumingin sa orasan ng phone ko. I've been here for almost 3 hours, ilang oras na lang ay magsisimula na ang second class namin. Mukhang okay na naman siya. Iyon lang ang mahalaga. Tumalikod ako at dinampot ang bag na nasa may upuan para lumabas ng silid. Pumunta ako sa counter para I settle ang bills ng estrangherong lalaki. Nang maayos ang dapat maayos ay mabilis ang hakbang na lumabas ako sa Hospital para pumara ng pwedeng masakyan papunta sa iskwelahan. Pagkarating ko University ay huminto ako sa ID scanner na nasa bungad ng gate papasok sa University. Ito kasi ang magiging pass mo para makapasok at magsisilbing attendance, magrereflect sa mga professors mo kaya kung nakaenter ka sa University at hindi ka nakapasok sa isang klase ay automatic na Cutting ang remarks mo. Ngumiti ako kay Manong Nestor, ang guard namin sa University. "Good morning po, Mang Nestor.." bati ko. Malugod naman siyang ngumiti sa akin. "Magandang umaga din, Adi. Mukang natanghalian ka ng pasok ah?" puna niya. Ngumisi ako at sinuot muli ang ID na tinanggal ko kanina para maiscan. "May insikaso lang po, kaya medyo natagalan. Sige po una na ako, masisimula na kasi ang second class namin.." paalam ko. "Galingan mo sa klase!" aniya na nagpangiti sa akin. Kumaway ako sa kaniya at mabilis na tumakbo papasok ng building namin. Sa COEA building ako dumeretso, I am a graduating Architecture student sa El Nuevo University. Kung tinatanong nyo kung mahirap, aba syempre. Nakakastress at sobrang nakakapagod lalo na pag sunod sunod ang plates na pinapagawa pero keri lang kasi ito naman talaga ang gusto ko. I am good in creating designs for construction projects, alterations and redevelopments. They say, Architects uses their specialist construction knowledge and high-level drawing skills to design buildings that are functional, safe, sustainable and aesthetically pleasing. I agreed on that, in taking up architecture you should consider the skills you have. It's a big plus points to your Archi journey. Bago ako makapasok sa room ay nakasalubong ko si Kallen, a super closed friend of mine. "Good morning, langit.." Napangiwi ako sa narinig na tinawag niya sa akin. I am not used to him calling me like that. "Don't call me that. Adi is fine, Kal." He smiled cutely. "You know I like you, right?" Pinagkrus ko ang kamay sa dibdib at pinakatitigan ang kaharap. Kung tutususin ay gwapong lalaki si Kallen, sa totoo lang ay girls do flocked to him pero hindi e, hindi naman siya ang tipo ko. Atsaka hindi pa ako handa makipagrelasyon. And Kallen's a good friend of mine kaya mas mabuti na ireject ko n lang siya kaysa payagan ko kahit hindi ko naman siya gusto. "Ilang beses ko bang sinabi sayo na, hindi Kal. Tigilan mo na ako..Wala kang mapapala sa akin.." "No, ayoko. Hindi." Giit niya. Irita kong kinamot ang ulo ko at tinignan siya na puno ng kaseryosohan. I don't want to hurt him, I like him as a friend but not as a lover. "We better off as friends.." seryosong ani ko. Bagsak ang balikat na pumasok si Kallen sa room, sumunod naman ako. Kung totoo man ay infatuation lang ang nararamdaman ng kaibigan sa akin, hindi iyon kalalim. But I doubt that. Nevertheless, he still saw me a good friend of his. Sumunod na pumasok ang professor namin and the class started. Habang nagdidiscuss ang prof ay lumalipad ang isipan ko hanggang sa maalala bigla ang lalaki kanina. Is he fine now? Ilang oras na ang nakalipas, gising na kaya yon? Maybe he is. Gusto ko siyang bisitahin at kamustahin pero huwag na lang. What important is natulungan ko siya and I didn't know him for pete's sake at ganoon din siya sa akin. Natapos ang klase ko sa umaga ng medyo tuliro. Kumain kami ni Kallen sa cafeteria na nasa loob ng University kasama sina Deana, ang isa ko pang kaibigan at Keana, Kallen's younger sister. "Ang sungit talaga ni Miss Canios, Ate Dean. Ganoon ba talaga yon?" nakangusong tanong ni Keana sa kaibigan ko. Natawa ako sa narinig. "Aba Oo, laging may dalaw yon tapos," she leaned to Keana and whispered, "Man hater, mukang iniwan kaya galit sa mga lalaki at pinagdidiskitahan ang mga may jowa.." Namilog naman ang mata ni Keana sa narinig. "Talaga? Kaya pala binabad mouth niya palagi ang cheaters and unfaithful partners," sang-ayon ni Keana at sabay tango niya. Hindi ko na mapigilan ang matawa sa naririnig na usapan nila. Nasa counter si Kallen para bumili ng tubig namin, malapit kami sa counter nasa isang metro lang ang layo kaya nagpresinta siya na daw ang bahala sa inumin. Tapos na kasi kaming kumain and we're now heading to our respected buildings after this. Deana's a nursing student while Keana is a 1st year- freshie Accountancy student, medyo may kalayuan ang magkahiwalay na building nilang dalawa mula sa Cafeteria samantalang sa amin ay halos katapat lang. "Diba, Langit? Naiinis nga yun sayo kasi magnet ka ng boys, naiinggit siguro.." she giggled. Bakit ba sila langit ng langit? As far as I know, Hindi naman langit ang ibig sabihin ng pangalan ko. Sumimangot ako. "I told you to just call me Adi. Ang sagwa ng langit. Parehas kayo ni Kallen," I said. "Bakit naman?" Deana asked. Nagkibit balikat ako. "Basta.." "Tss! Wag mo nga ako ikukumpara kay Kallen." bulong niya. Ngumiti ako. "Aysus, gusto mo lang marinig na para kayo sa isa't isa e.." halakhak ko. Napatingin sa kin si Kallen, nagtataka. Napailing siya at binalik ang atensyon sa harapan, nakapila kasi. "Adi! Ang ingay mo," she hissed, "porke boy magnet ka!" sabi niya. Huh? Anong konek? I made face. "Hindi ako boy magnet, Dean. Atsaka huwag ka nga magsalita ng ganon kay Miss Canios. She's still a teacher, mas mataas siya sa atin. Hindi mo siya ka-lebel, Deana, para magsabi ng ganon.." Ngumuso naman siya at nagpapaawang tumingin kay Keana. "Inaaway niya ako.." sumbong niya sa bata. Napailing ako sa inakto ng kaibigan. Tama nga ang sabi sabi na sa isang grupo ng magkakaibigan ay may isang baliw, and in our case, it's no other than Deana. "Atsaka, baka may nakaraan siya patungkol don, nasaktan kaya ganon. Huwag mong ini-invalidate ang nararamdaman ng isang tao, it's what they feels, it's their own view at hindi sa akin. Hindi natin mararamdaman ang nararamdaman nila, hindi natin naranasan ang nga narasanan nila. So please, pigilan mo yang bibig mo. Baka ikapahamak mo iyan." I said in a matter of fact. Hay, iyan ang nakakainis kay Deana, bukod sa madaldal siya at puro kalokohan ang lumalabas sa bibig niya. I'm always correcting her when she's wrong. Gladly she doesn't take it negatively. She judge a person quickly based on what she sees. Not minding what's behind it. Umawang ang bibig niya at napahawak sa dibdib na animoy nasaktan sa narinig. "Grabe ka, Adi. Ang sama mo sa akin." Arte niya. Natawa si Keana. "Ate Adi's right, Ate Deana..maybe Miss Canios has her reasons." "Pati ikaw, Keana? Inaaway mo rin ako?" nagpunas pa siya ng pekeng luha at bumaling sa akin. Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan. Bumuntong hininga naman siya at ngumuso. "Oo na, mali na ako. I am sorry, Miss. I am sorry everyone. Sorry, masama akong tao, sorry ako na. Ako ng may kasalanan.." Ani Deana na nagpatawa sa amin. Nag usap muli ang dalawang kaharap at naging hangin muli ako kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagbobrowse ng social media. "Thank you," wika ko kay Kallen ng makabalik siya sa mesa namin dala ang apat na bottled water. Inabot niya rin ang bottled water na binili niya para kay Deana at Keana. Nanatili muna kami saglit doon hanggang sa matapos ang break. Mas nauna akong tumayo at sumunod naman sila, sabay naming tinahak ang daan palabas ng cafeteria. "Una na kami, Adi, Kallen." paalam ni Deana. "We gotta go, Kuya and Ate Adi.." paalam naman ni Keana and went to me to kissed my cheek. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. "Galingan mo sa klase, Keana.." "Opo.." tugon niya saka naglakad paalis. Pinanood namin ang pag alis nila hanggang sa nawala sila sa paningin naming dalawa ni Kallen. "I think I saw you kanina sa Hospital when I took my Mom there. Or baka namalikmata lang ako." Sambit ni Kallen habang sabay naming tinatahak ang pathway patungong building. Nagulat ako sa narinig mula sa kaniya pero hindi nagpahalata at umaktong normal lang. Will I tell him about the stranger? Pasimple akong lumunok at saka iniwas ang tingin sa kaniya. "Baka namalikmata ka lang, Kallen. Ano namang gagawin ko don?" para akong kinukuryente sa pagsisinungaling na ginawa. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong ipaalam kay Kallen ang tungkol sa estrangherong lalaki na tinulungan ko at dinala sa hospital kanina. Parang may nag-uudyok sa aking isekreto iyon at hindi ko malamang kung ano ang dahilan. And we're not going to meet each other again so I let it slipped my grasp. Kallen shrugged. "Well, you're right. Baka namalikmata lang ako. Ano namang gagawin mo don, atsaka parang likod mo lang naman ang nakita ko na papasok sa room. Buti nga hindi kita tinawag dahil baka mapahiya ako.." natatawang aniya. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Dumeretso kami sa room at doon hinintay ang professor namin para sa dalawa pa naming klase sa hapon. Hindi rin nagtagal ay dumating ang prof at nagsimula ng magturo. Our afternoon class went well. Puro discussion lang ang nangyari. There's no quiz, surprise exam or impromptu performances dahil kung meron ay wala akong maiisagot at malamang bagsak ako dahil lumilipad sa kung saan ang isip ko. Wala kaming last period dahil vacant namin iyon. Pagkalabas na pagkalabas ng professor namin sa room ay kaagad akong tumayo para makalabas din. Hindi pa ako nakakarating sa bungad ng pinto nang pigilan ni Kallen ang kamay ko. "Wait. Adreanna, where are you going?" kunot-noong tanong niya. "Uh kailangan ko ng umuwi. May emergency sa bahay." Dahilan ko. Tumayo naman siya. "Let's go, ihahatid na kita. Wala naman ng klase.." Umiling iling ako at bumitaw sa hawak niya. "Hindi na, kaya ko na. hintayin mo na lang ang kapatid. I can manage, promise.." paninigurado ka. "Are you sure? Ipapasundo ko na lang si Keana kay Dad." Alok ni Kallen. "Kaya ko na, nagtext na ako kay Mang Drew. Sige alis na ako.." ngiti ko sa kaniya atsaka nagmadaling tumalikod para makaalis. Lakad takbo ang ginagawa ko hanggang sa makalabas ako ng gate ng University at pagkatapos ay pumara ng tricycle para masakyan papuntang Hospital. "Kuya sa Nuevo East Hospital po tayo," hinihingal na pahayag ko sa tricycle driver pagkapasok sa loob. "Sige po, Ma'am" tugon niya saka nagmaneho paalis. Pagod na isinandal ko ang ulo patalikod upuan at ipinikit ang mga mata. Mabigat ang bawat pagbuga ko ng hangin dahil sa pagod, I can't believe na tinakbo ko ang distansiya ng building namin hanggang sa labas ng gate para lang puntahan ang hindi ko kilalang lalaki. And why the heck I am doing this? He's a stranger, a complete stranger. I know nothing about him. Ni hindi ko na alam kung anong klaseng tao yon, malay mo isang sindikato or what, I trust my instinct so much and it is telling me that the stranger guy is far from being dangerous. Nanatiling nakapikit ang mata ko at nakasandal patalikod sa upuan hanggang sa huminto ang tricycle na sinaksakyan at nagsalita ang nagmamaneho nito. "NE Hospital na po, Ma'am" anang tricycle driver. Dumilat ako saka umayos ng upo, binuksan ko ang bag ko at inabot kay kuya ang bayad. "Salamat po," pagpapasalamat ko saka kaagad lumabas sa tricycle at patakbong pumasok sa loob ng Hospital Pagkapasok sa loob ay hinanap ko ang nurse na nag asikaso sa amin kaninang umaga. Pero hindi ko na iito makita kaya tumungo ako sa may nurse station para magtanong. "Good morning, nurse.." bati ko sa dalawang nurse na nandoon. "Good morning, ma'am. How may I help you?" ani ng Nurse. "Pakitingnan naman kung nadischarge na ang pasyente na dinala namin kanina dito.." sabi ko. "Anong room number po?" tanong ng nurse atsaka humarap sa computer. Inisip ko ang room number ng lalaki at nang ma alala ay agad kon sinabi iyon sa nurse. "Room-0298A po, nurse." "Just a minute, ma'am.." Ngumiti ako at umayos ng tayo habang hinihintay ang nurse na ngayon ay nagtitipa sa keyboard ng computer niya. Hindi rin naman nagtagal ay umangat ang tingin niya sa akin. "Discharged na po, Ma'am. Kaninang 12 pa po.." imporma sa akin ng nurse. I nodded. "No parents, guardians or relatives po?" Umiling yung nurse kaya tumango muli ako at nagpaalam. "Sge, salamat." Iyon lang ang sinabi ko bago ako umalis sa lugar na yon. Wala rin naman akong magagawa kung umalis yon, syempre magtataka kung bakit siya nasa hospital. Huminga ako ng malalim at napagpasyahang umuwi na lamang. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang Bookstore / School Supplies Mart na malapit sa Hosptal. I decided to but 3 novel books for me to read in my free time and then bumili na rin ako ng mga kailanganin sa paggawa ng plates dahil paubos na rin ang stock ko sa bahay. Saktong pag apak ko sa labas ng shop siyang pagtunog ng cellphone ko. Mommy calling.. Nang makita kong si Mommy ang tumatawag ay kaagad ko iyong sinagot. "Hello Mom.." masayang bati ko. "Hey there, honey." may galak na bati ni Mom sa kabilang linya. "Napatawag ka po, 'my. It's still early..May problema ba?" tanong ko. Mommy chuckled on the other line. "Just want to know how my beautiful daughter is." "I am fine Mom, kayo po kumusta?" Narinig ko ang paggalaw niya. "Okay lang anak, stress dahil sobrang dami ng kailangang gawin and I didn't sleep yet, I am about to and decided to give a call.." paliwanag niya. Nababaksan ko ang pagod sa boses siya. "Then take a rest now, Mom. Alam kong kaya mo yan,mommy. Ikaw pa ba? The best ka e kaya nga naakit mo si Dad.." pagpapagaan ko sa loob niya. Tumawa ni Mommy. "Silly, maganda ang lahi ko kaya naakit ang daddy mo." pakikisabay ni Mom. I laughed with her. While the phone is on my ear talking to my Mom, I made my way towards the waiting shed to settle myself. "Speaking of which, where's Dad?" natatawang sambit ko kay Mom pagka-upo. "Nasa office anak, maagang umalis para saluhin ang ibang trabahong hindi pa natatapos doon. And he doesn't want me to work today. Kaya eto, just burning my ass off without doing something." naiiritang sambit niya. Napailing ako. Kahit hindi ko nakikita ang nanay ay alam kong umirap ito sa pagkairita. "Because he cares for you mom, mahal na mahal ka ni Dad." nakangiting sabi ko. Hay. Even at their age, they are still sweet just like a teenage couple. "I know, honey... Wait, dismissal nyo na ba? Maingay diyan.." "Pauwi na po ako, Mom. Dumaan muna ako sa bookstore para bumili ng gamit.." imporma ko. "Commuting again?" marahang tanong ni Mommy. Tumango ako na para bang nasa harapan abg kausap. "Yes po, 'my." Sagot ko. "Bakit pa kasi? Nandiyan naman si Mang Drew to take to you school and fetch you.." I chuckled. "Hmm always worried, I am fine mommy at nag eenjoy ako.." Agad akong napatayo nang may humintong jeep sa harap ko kaya kailangan ko ng magpaalam kay Mommy. "I need to hang up now, Mom. May sasakyan na po, always remember that I miss you. Tell daddy I miss him too and remind him give me a call when he got home. Bye mom and sleep now, ingat kayo. Love you.." paalam ko habang nakangiti. I miss them. So much. Palagi ko naman silang namimiss, halos walang araw na hindi ko sila namiss. "Okay, honey. Take care always. I will tell your dad. I miss you and I love you.." Ibinaba ko ang tawag atsaka sumakay sa jeep para makauwi. Ngumiti ako sa lalaking nagbigay ng seat para sa akin. Punuan kasi ang mga pampasaherong jeep kapag ganitong uwian na. "Thanks,"I smiled. Tumango lang siya at sinalpak muli ang earphones sa tenga. Hmp! Suplado. My parents aren't with me. Nasa Canada sila working as both Engineer. They are great and most sought Engineers abroad. Kahit naman gustuhin nilang umuwi ay hindi pwede dahil wala iyon sa kontrata na pinirmahan nila. They've been abroad for almost 4 months now. Malaking project din kasi ang hinahawakan nila doon kaya hindi nila mabitawan ng basta basta. I miss them both. Ang tanging kasama ko lang sa bahay ay ang yaya ko simula pakabata na si Mang Yeni at ang family driver namin na si Mang Drew. Simula nang umalis ang mga magulang ko ay natuto akong maging independent. Pumapasok sa school ng nagcocommute, gumagastos gamit ang sarili kong pera at matutong gumawa ng gawaing bahay at matutong tumayo sa sariling paa. In life, you need to learn how to be independent, learn how to handle things on your own. Not everyone stays, but I am not saying that everyone leaves. There are some instances in life that you'll be going to stand all by yourself without depending on someone's shoulder.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.8K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
557.5K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
20.1K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook