NADATNAN KONG nagbabasa ng hawak na papel ang aking ama nang pumasok ako sa opisina niya. Naroon pa rin si Sam na tila kanina pa naghihintay sa akin. Mabilis kong inilibot ang mga mata sa paligid. Wala na akong ibang nakita pang ibang tao.
“Sir, nandito na po si Miya.” Tumayo si Sam. “Hintayin na lang kita sa office ha?”
Tumango lang ako at naupo sa harap ng mesa ni Dad. “Sorry, Dad kung pinaghintay kita. May binalikan lang ako sa office ko.”
“It’s fine. Umalis na rin naman si Lionel. May biglaang lakad.”
“Si Lionel?”
“Yeah, dapat sana ay kakausapin kita to formally announce our business partnership with him. Kaya lang ay umalis din siya agad for some urgent matters.”
“Dad, bakit mo sinasabi sa akin ang bagay na ‘yan?”
“Miya – “
“I mean…wala naman po akong kinalaman sa pakikiharap sa mga nagiging kliyente natin o business partners.”
“I know, Miya. Pero ikaw ang hahawak ng project na may kinalaman kay Lionel.”
“Bakit ako, Dad?”
“Dahil kailangan mo ng matuto.” Ibinaba niya ang hawak na papel. “Ikaw lang ang anak ko, Miya. Hindi magtatagal ay ikaw ang mamamahala ng negosyong mayroon tayo.”
“I’m aware of that, Dad. I need to train myself, right? Pero ba-bakit kay Lionel pa?”
Hindi agad nakapagsalita si Dad. Matiim niya akong tinitigan na tila ba may binabasa sa mukha ko. Ilang saglit pa ay umiling ito. “May problema ba kay Lionel?”
“H-ha? Anong problema ang sinasabi ninyo, Dad?”
“May problema ka ba kay Lionel, anak? Ayaw mo ba siyang makatrabaho?” Tumayo na siya at hinila ang upuan na nasa tabi ko. “Alam mo, Miya, hindi basta-bastang tao si Lionel. Marami ang nais siyang makatrabaho kaya sinisiguro ko sa iyo na marami kang malalaman sa totoong buhay ng negosyo. Lionel will help you a lot.”
“Akala ko ba, Dad, kliyente natin sila? Bakit parang magiging teacher ko pa yata siya?” I rolled my eyes at hindi ako nagdalawang-isip na ipakita iyon kay Dad. “I know marami akong matututunan sa kanya pero hindi ako ang tamang tao na magha-handle when it comes to him. Kayo na nga po ang may sabi na marami ang nais siyang makatrabaho, why not give them a chance? I have a long way to go – “
“That’s why I am giving you the job! You said you are aware but you don’t like the idea of being challenged. Dahil ba si Lionel ay hindi maganda ang pagtrato sa iyo o you just assumed na hindi magiging maganda ang resulta kapag siya ang – “
“No, Dad!” Napatayo ako at pilit na dumistansya sa kanya. “Hindi ko siya gusto! That’s it. Pakiramdam ko wala akong magagawang tama kapag siya ang kasama ko. Sa inyo na rin nanggaling na hindi siya basta-basta. Sa tingin ninyo ba ay pakikitunguhan niya ako ng maayos kahit pa anak ninyo ako? Paano na lang kung hindi ko ma-meet ang expectations ninyo?” Wala na akong pakialam sa iisipin ni Dad. Hindi niya ako mapipilit sa isang bagay na hindi ko gusto.
“This is the first time na naringgan kita ng pagtutol, Miya. Alam mo naman na wala akong ibibigay sa iyo na hindi mo kaya at hindi makakatulong sa iyo, anak. You only need to believe in yourself.”
“Pero, Dad…”
“Yuou have to do it, Miya. Ikaw ang anak ko at alam kong kakayanin mo.”
Nilapitan niya ako saka hinagkan sa buhok kasabay ng pagyakap niya sa akin. Kapag ganoon si Dad ay wala na akong magagawa ka. I maybe a spoiled brat subalit sa tuwing naglalambing ito ay bigla na lang natutunaw ang aking depensa. Hindi na ako ang nasusunod kung hindi siya.
BUMALIK AKO sa office na binabagabag pa rin ng tungkol sa trabaho ko kung saan makakasama si Lionel. Pasalampak akong naupos sa swivel chair nang mapansin kong lumabas mula sa banyo si Sam.
“Nandito ka na pala. Tapos na kayo mag-usap ni Sir?” Nakunog ang noo niya nang ipikit ko ang mga mata ko. “May nangyari ba? Bakit ganyan ang itsura mo?”
“Napagod lang ako.”
“Napagod? Bakit? Pinaglinis ka ba ni Sir ng office niya? Naglinis ka ng banyo?”
Umayos ako sa pagkakaupo. Tutok na tutok naman ang mga mata ni Sam sa akin. Tiyak na hindi niya ako titigilan kahit na anong iwas pa ang gagawin ko.
“Gusto ni Dad na ako ang makatrabaho ni Lionel.”
Namilog ang mata ni Sam kasabay ng pagbuka ng bibig niya. “Si Sir Lionel?”
“May iba pa bang Lionel?”
“Oh, my God! Seryoso ka?”
Nginisian ko siya. “Mukha ba akong nagbibiro? Ayaw ko naman talaga pero hindi ako pinayagan ni Dad na tumanggi.”
“Ibig sabihin, lagi mo siyang makakasama at makikita?” Tinakpan niya ang bibig.
“Ano pa nga ba?”
“Naku, Miya, go mo na ‘yan! Tiyak na hindi nagkamali ang Dad mo na gawin moa ng trabaho. Maniwala ka, para sa iyo rin ‘yan.”
Humugot ako ng malalim na buntunghininga. Naiinis talaga ako. Kung trabaho lang sana ay wala siyang magiging problema ngunit hanggang doon lang kaya ang maaaring mangyari sa kanila? S**t! Ano ba ang iniisip ko?
“Alam mo ba na sinundan ka niya kanina? Ang sabi niya ay sasamahan ka niya at sabay na kayong pupunta sa office ng Dad mo. Noong dumating naman siya ay hindi ka kasama tapos bigla na lang nagpaalam dahil may urgent daw na pupuntahan. Hindi ba kayo nagkita? Ang alam ko kasi sinundan ka niya talaga, e.”
“Hi-hindi.”
“Talaga? Para kasi siyang nag-aalala sa iyo kaya ka niya sinundan. Sinabihan niyang huwag siyang sundan ng mga bodyguards niya bago sumunod sa direksiyon mo. Kung titingnan mo siyang maigi, parang…”
“Parang ano?”
“Para siyang manunuyo ng sinisinta niya.”
Inirapan ko si Sam. Kung anu-ano na lang ang naiisip niya. “Anong pinagsasabi mo?”
“Oo nga! Sobrang nag-aalala ang mukha niya. Kaya nga nagtataka ako sa iyo, e. Bakit ba ayaw mo siyang makatrabaho? Hindi kaya may tinatago ka? O may tinatago kayong dalawa?” Naningkit ang mga mata niya kasunod ng paglapit ng mukha niya sa akin. Tila hinahanap niya ang sagot sa buong mukha ko.
“You’re wrong, Sam! Ano naman ang itatago ko? O kami? Kahapon ko lang siya nakilala tapos may taguan ng naganap? Sam, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan.”
“Naisip ko lang naman. Bakit parang guilty ka?” Nginitian niya ako ng nakakaloko at ginantihan ko naman siya sunud-sunod na pag-irap.