CHAPTER 4

1107 Words
“YOU CAN open your eyes now, Miya.” Sa narinig ko ay bigla kong iminulat ang mga mata kong kanina pa nakapikit. “As much as I wanted to kiss you more here ay hindi na pwede. Baka hindi na tayo makalabas pa kapag tinagalan pa natin dito sa loob.” Nakangisi ito ng nakakaloko. Pinandilatan ko siya. Doon ko lang napagtanto ang posisyon naming dalawa sa loob ng isang cublicle ng banyo. Dikit na dikit ang katawan ko sa kanya habang ang dalawa nitong kamay ay nakapalibot sa baywang ko. Ang mga kamay ko naman ay nasa leeg nito at nakakapit doon. Agad ko siyang tinulak. Bakit nga ba ako nakakapit sa kanya? Dali-dali kong binuksan ang pinto upang lumabas ngunit pinigilan na naman niya ako. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako!” “Kanina lang nag-eenjoy ka sa halik ko sa iyo and now your shouting at me?” “Hindi ko ginusto iyon! Pinilit mo lang ako, Mr. Lionel. Now, if you’ll excuse me, lalabas na ako at baka madungisan ang maganda mong pangalan once na may makakita sa ating dalawa rito.” Buong lakas kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa akin saka tinalikuran ko siya. “I’ll gonna be seeing you, Miya.” “In your dreams,” sagot ko saka malakas na sinara ang pinto. Hindi ko makakalimutan ang mayabang niyang mukha na kaysarap suntukin! Totoo naman ang sinabi ni Sam na saksakan ito ng kagwapuhang wala sa lugar. Gwapong bastos! Patungo ako sa office ni Daddy. Kung kailangan kong lumuhod ay gagawin ko, huwag lang muling mag-krus ang landas naming dalawa. “Miya, nandito ka lang pala!” Napalingon ako mula sa likuran. “Kanina ka pa hinahanap ni Sir Arman. ‘Di ba sabi mo, pupuntahan mo siya kanina? Saan ka nanggaling?” Hinawakan pa niya ako sa braso nang magpatuloy pa rin ako sa paglakad. “Hoy, kinakausap kaya kita.” “Sumaglit lang ako sa banyo.” “Bakit parang bad mood ka?” “Mukha ba akong bad mood?” “Magsalamin ka kaya.” Inirapan ko si Sam. “Sumakit lang kasi ang mga mata ko. May nakita akong hindi maganda sa paningin ko.” “Ano naman iyon?” “Hindi ano kung hindi sino.” “May nakaaway ka ba ngayon lang? Sa bait at ganda mong ‘yan may naging kaaway ka rito?” Kahit hindi ko lingunin si Sama ay alam kong nagtataka siya. “Huwag mo ng alamin. Baka sa susunod masuntok ko na ‘yon, e.” “Basagulera lang, Miya? Grabe naman ang galit mo sa kaaway mo at gusto mo na siyang suntukin ngayon.” “Hello po, Sir!” bati ni Sam sa nakasalubong namin na hindi ko man lang pinansin. Amoy pa lang nito ay gusto ko ng tumakbo palayo. “Miya, si Sir Lionel, o!” Kung alam lang ng makulit kong katabi na ang tinutukoy kong kinaiinisan ay ang lalaking nasa harap na naming ngayon. May mga kasama na itong mga lalaking bantay nito. Akala mo naman may magtatangka pang manakit sa bastos na lalaking ‘to. “Hi. Papunta rin ba kayo sa office ni Arman?” “A, opo, Sir! Kanina pa nga po pinapatawag ni Sir Arman si Miya.” Bakas sa boses ni Sam ang excitement. “Doon din ako patungo.” “Sam, pakisabi kay Dad na mamaya na lang ako pupunta sa office niya. Babalikan ko lang ang dokumento na kailangan ng pirma niya.” “Ako na lang ang kukuha, Miya. Baka pagalitan na ako ni Sir Arman kapag hindi ka pa niya nakita. Sige ka, kapag napagalitan ako, ililibre mo na naman ako.” Nakanguso na sabi pa ni Sam. “Bibilisan ko na lang, Sam. Please.” Nang bitiwan ako ni Sam ay malalaki ang hakbang na tinalikuran sila. Ang totoo ay wala naman talaga akong kukuning dokumento. Hindi ko lang talaga matagalan na makasama sa iisang lugar maging sa opisina ni Dad ang lalaking wagas kung makahalik sa akin. Ilang minuto lang ay narating ko na ang opisina ko at bago pa ako makapasok ay may biglang humila sa akin paapasok kasunod ng pag-lock ng pinto. “Ano ba!” Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang galit na mukha ni Lionel. “Ano na naman ang ginagawa mo rito? Pwede ba, bitiwan mo ako!” “You can’t just turn your back on me, Miya. Huwag mo ipakita at iparamdam sa akin na tila may nakakahawa akong sakit!” Dumiin ang pagkakahawak niya sa akin. Pakiramdam ko ay mababali ang buto ko sa braso na hawak niya. “Nasasaktan ako, Lionel. Bitiwan mo ako, please.” Tuluyan na akong napaiyak. Kitang-kita ko ang pamumula ng balat ko. Walang sino mang nakasakit sa akin kahit ang Dad ko pero madali lang nagagawa ni Lionel sa akin iyon. Bigla niyang binitawan ang braso ko. “I’m sorry, Miya. Hi-hindi ko sinasadya.” “Iwan mo na ako, please. Please lang, Lionel.” Umiiyak pa rin ako sa pinaghalong sakit na ginawa nito pati na rin sa inis ko sa kanya. “I will not go out unless you...” Tumigas na naman ang boses nito. “What? Kiss you? No way!” Umatras ako upang magkaroon ng distansiya sa kanya. “Bakit mo ba ginagawa sa akin ang lahat ng ito, ha? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo na hindi ko alam?” Hindi ko talaga siya maintindihan na lalong nagpalala pa ng sakit na iniwan niya sa braso ko. “Miya…I’m sorry.” Nawalan na ako ng lakas nang hilahin na naman niya ako at ikulong sa mga bisig niya. Walang kasing-higpit ang yakap niya sa akin na kahit ano mang pilit ang gawin ko upang makawala ay wala ring silbi. “I didn’t mean to hurt you, Miya. Belive me, hindi ko gustong gawin iyon sa iyo.” Naramdaman kong magaan niya akong hinagkan sa buhok ng paulit-ulit. Maingat at masuyo. Malayung-malayo sa paraan ng paghalik niya sa akin kanina sa loob ng banyo. “Sorry, sorry.” Patuloy lang ako sa pag-iyak na hindi ko alam kung bakit ayaw maubos ng mga luha ko sa mata. Wala na akong maintidihan sa nangyayari. Naguguluhan na ang isip ko. “I have to go,” sabi niya saka muli niya akong pinatakan ng halik sa noon. Madiin iyon na tila iyon na ang huli. Lumabas siya ng pinto na hindi ko pa rin maintindihan ang nangyari. Walang buhay na napaupo ako sa upuan. Bakit siya ganoon sa akin? Bakit kaybilis niyang magalit at magpalit ng emosyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD