CHAPTER 3

1048 Words
HINDI ako agad nakakilos. Nanigas ang buo kong katawan sa hatid ng halik ni Lionel sa akin. Nanatili lang na nakalapat ang labi niya sa akin habang titig na titig ang mga mata ko sa kanya. Parang may apoy sa loob niyon na nagliliyab na nakikita ko lamang sa tuwing malapit kami sa isa’t-isa. Pagdating sa lalaking ito ay nawawalan ako ng lakas na gumalaw. Nawawalan din ako ng kakayahang makapag-isip ng maayos. Ilang sandali pa ang lumipas nang makabalik ako sa sariling katinuan. Mabilis kong itinukod ang kamay ko sa dibdib niya ngunit agad naman niyang hinawakan. “You can’t get away from me that easy, Miya.” Nakangisi ito na umabot na sa taenga niya. Halos maubos ko na ang amoy niyang pumuno na yata ng baga ko. Napakabango. Ang sarap amuyin. Ano ba ang iniisip ko? “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Lionel? Are you crazy? Wala ka bang magawa at ginaganito mo ako?” I tried to control my anger ngunit hindi ang mga nais kong sabihin. Wala sa bokabularyo ko ang basta na lang magpatalo sa isang lalaki kahit pa ano ang estado niya. “Ikaw, Miya? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin?” balik tanong niya na lalo kong ipinagtaka. “Hindi ko alam ang sinasabi mo at pwede ba bitiwan mo ako?” Pilit akong kumakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin ngunit sa halip na luwagan iyon ay lalo niya lamang akong ikinulong sa mga bisig niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha sa akin na ikinasinghap ko. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko kasabay ng panlalambot ng aking mga tuhod. “Will you please stop doing this? This is not right!” Wala na akong ibang gagalawan pa dahil dikit na dikit na ako sa katawan niya. “Why do I have this feeling na gusto mo rin ang ginagawa ko?” kagat labing tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa akin. Lalo akong nanliit sa pagkakalapit naming dalawa. Hindi ko gusto ang posisyon naming dahil hindi ako makahinga ng maayos. “Hindi ko alam ang sinasabi mo! Bitiwan mo na ako kung ayaw mong may makakita sa atin!” “Well, I like your idea.” Nabubwisit na ako sa pagngiti niya. Nagmistula na siyang isang demonyo na may hindi magandang gagawin. “Hindi kita gusto! Will you please stay away from me? Wala akong koneksiyon sa iyo kaya please lang itigil mo na ito!” naiiyak na sigaw ko. Wala na ang depensang binuo ko upang pigilan siya sa ano mang nais niyang gawin sa akin. Litung-lito na ako sa ipinapakita ng lalaking pangalawang beses ko pa lang nakita sa buong buhay. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito! “Huwag kang umiyak, please.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakatungo lang ako at patuloy pa rin sa pagluha. Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanang nagawa ko sa pagtrato niya sa akin. Biglang lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin kasunod ng marahan niyang paghaplos sa mukha ko. “I don’t want to see you crying. Please,” nagmamakaawa ang boses niya. Magaan niyang kinintalan ako ng halik sa buhok ng paulit-ulit. Ramdam ko ang pag-iingat niya sa bawat halik na iginagawad niya. Bumaba siya upang hagkan ang noo ko at pilit na tinuyo ang mata kong basa pa sa pagluha. Saglit kong pinakiramdaman ang aking sarili. Kanina lang ay galit na galit ako samantalang nadadarang na agad ako sa pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Hinagkan niya ang tungki ng ilong ko kasunod sa magkabila kong pisngi. Nag-angat na ako ng tingin saka siya unti-unting bumaba sa labi ko. Masasabi kong ibang-iba ang halik na iginagawad niya sa akin ngayon. Punung-puno ng pag-iingat at kakaiba ang init na hatid niyon sa akin. Hindi siya nagmamadali. Sinusuyo niya ako hanggang sa unti-unti na akong tumugon sa kanya. Nawala na lang sa isang iglap ang galit na nararamdaman ko habang patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Wala akong alam sa ganoong bagay subalit kusa na lang gumagalaw ang aking labi upang sundin ang tamang ritmo na ginagawa ni Lionel. Ang kamay niya ay pumaikot sa aking baywang na naging dahilan upang lalo akong mapadikit sa kanya. Kusa ring pumalibot ang mga kamay ko sa leeg niya kaya naging daan iyon upang mas lalo pang lumalim ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa. Matapos ang ilang sandali ay sabay kaming naghiwalay. Kapwa kami humahangos at nag-aagaw ng hininga. Idinikit niya ang noo sa noo ko. Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang damit. Nakakatunaw ang gesture niya. Nadadala ako sa hindi ko maintindihang damdamin na pinukaw niya sa sistema ko. “See? Ganito ang ginagawa mo sa akin,” mahina niyang sabi. “I can’t control myself whenever you’re near. Ngayon mo sa akin sabihin na hindi mo gusto ang – “ Sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Malapit na ang mga iyon sa kanilang kinaroroonan kaya malakas kong itinulak si Lionel. Kailangan ko ng makalabas ng banyo. Bahala na siya kung ano man ang iisipin sa kanya ng ibang papasok basta ang mahalaga ay maiwanan ko na siya. “Where do you think you’re going?” Kahit anong lakas at bilis ko ay agad niya pa rin akong nahuhuli. “Escaping?” Hawak na naman niya ako sa baywang. Pinandilatan ko siya. “May tao sa labas at tiyak na dito sa loob pupunta. Bitiwan mo na ako upang makalabas. Bahala ka kung gusto mo pang manatili rito.” Tumalikod na ako ngunit hindi pa rin ako makahakbang dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Palapit ng palapit ang mga yabag at palakas ng palakas ang mga boses na naririnig ko sa labas kaya lalo akong nagpumiglas. Dahan-dahan na tumunog ang seradura. s**t! Papasok na sila! Tiyak na wala na akong mukhang maihaharap sa mga kapwa ko empleyado! Bago pa man bumukas ang pinto ay nasa loob na ako ng isang cubicle. Ini-lock ni Lionel ang pinto habang nakayakap sa akin. “It will be alright,” sabi niya saka sunud-sunod na hinagkan ang ibabaw ng ulo ko. Ano ba itong napasok ko? Naramdaman ko na namang bumaba ang labi nito sa akin at bago pa ako makapagprotesta ay inangkin na niya ito ng paulit-ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD