ILANG araw na rin ang nakalipas mula nang magkakilala kami ni Lionel ngunit hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya ako titigan. Ang kakaibang init sa kamay niya na tumutulay papunta sa akin ay binubuhay ang bawat ugat sa aking katawan. Twenty two years old na ako, walang boyfriend since birth at madalas taong bahay lang.
May maliit na negosyo si Daddy na siyang pinapasukan ko bilang isa sa empleyado. Ako na mismo ang nakiusap sa Daddy ko na magsimula ako sa mababang posisyon. Ayaw ko rin ng special treatment dahil anak niya ako. Kapantay ko lang ang lahat ng empleyado at masaya ako sa ganoon. Magaan akong nakakapagtrabaho kahit na madalas tambak ang mga paperworks. Panonood ng mga drama series ang siyang tanging libangan ko lalo na sa tuwing uuwi ako sa bahay. Nakakatulugan ko na nga lang ngunit laking tulong sa akin upang makatulog sa gabi.
“Miya, bakit hindi mo sa akin sinabi?”
Nilingon ko si Samantha na halos magdugtong na ang kilay na nakatingin sa akin. Isa siya sa naging close friend ko na sa opisina. Mabait at makulit siya kaya naman madalas kami magkwentuhan ng walang humpay.
“Sam, ano na namang balita ang nasagap mo? Magkasama lang tayo last week, hindi ba? Then, sa bahay lang naman ako ‘nung weekends.” Saglit kong ibinaba ang hawak na mga papel at humarap. “May bago bang headline ngayon na hindi ko alam?”
“Ikaw talaga, Miya! Ayaw mo lang sa akin i-share si Sir Lionel. Nakakatampo ka naman,” naghihimutok na sagot ni Sam na lalong ikinagulat ko.
“Si-Sir Lionel?” Napalunok ako. Bakit pati sa office ay usapan ang lalaking iyon?
“Oo. Nakilala mo na pala siya pero hindi mo sa akin nakwento. Alam mo ba na siya ang next client natin?”
“Next client? Bakit hindi ko yata alam?”
“Ang sabi ni Sir Arman, bibisita raw ang next client natin today. Itanong ko raw sa iyo kung saan mo balak i-meet si Sir Lionel. Kung nabanggit mo sa akin na nagkita na kayo, hindi na sana ako nagulat na kilala mo na siya. Usap-usapan kasi kanina ng iba nating mga kasama ay ang gwapo raw niya! Makalaglag panty raw!”
“H-ha?” Sa bilis magsalita ni Sam ay hindi ko lubos na naunawaan ang sinabi niya. “Teka lang. Unang-una, isang beses ko lang siya nakilala dahil pumunta siya sa bahay. Pangalawa, why should I be the one who will meet him? Hindi naman ako kasama sa pag-entertain ng mga bisita. Lastly, ano naman kung gwapo siya? What’s in it for me?”
“So, inamin mo rin na gwapo talaga siya. Ikaw, ha?” Makahulugan niya akong kinindatan kaya napaatras ako sa mesa. “Type mo ba siya? Ha?”
“Naku, Sam! Hindi ko alam iyang pinagsasabi mo. Ku-kung gusto mo ikaw na lang ang makipag-meeting sa kanya. Ako na ang bahala kay Daddy. Solohin mo siya, for all I care!” Sa isip ko ay hindi ko naman na kailangan pang makita si Lionel lalo pa sa trabaho. Hindi ko gusto ang paninitig niya sa akin na tila may nais siyang kuning bahagi ng katawan ko. He’s like a wolf na tila ano mang oras ay mangangagat.
“Asus, kunwari ka pa ayaw makipag-meeting. Baka kapag iba ang humarap kay Sir Pogi ay magsisi ka. Ano ba itsura niya? Makalaglag panty nga ba talaga?”
Natawa ako sa pagtaas-baba ng kilay ni Sam. Halatang tinutudyo ako. “Well, siguro,” kagat-labi kong sagot sabay iwas ng tingin. Bigla kasing nag-init ang pisngi ko. Lalagnatin yata ako.
“Bakit may pag-iwas ng tingin, Miya?” Kinapa niya ang noo ko. “Hindi ka naman mainit pero kulay mansanas na ang mukha mo.” Tumawa pa siya ng malakas.
“Ows, talaga? Namamalik-mata ka lang. Puntahan ko muna sa office si Daddy. Sasabihin kong ikaw ang dapat makipag-usap sa sinasabi mong Sir Pogi, okay? Usap na lang tayo mamaya.” Hindi ko na hinintay pa ang tugon ni Sam at dire-diretso na akong lumabas ng pinto. Napailing na lang ako nang marinig ang malakas niyang halakhak.
Kapag talaga sa usaping lalaki ay ganoon na lang niya ako asarin. Never pa raw kasi akong nagkaroon ng boyfriend kaya hindi ko alam kung paano kontrolin ang expression ng mukha ko. Madalas na tinatawanan ko na lang iyon.
“Good morning, Maam Miya!” bati sa akin ng staff na nakasalubong ko sa lobby.
“Miya na lang, Ara! Good morning din!” Kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanila na sa pangalan na lang nila ako tawagin ay nakakaligtaan pa rin minsan. Hindi pa rin sila nasasanay lalo na kung nasa paligid lang si Daddy.
“Is that the way your employee treats you?”
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ako maaaring magkamali sa tono ng boses na narinig ko. Nakatatak na yata iyon sa memorya ko na at hindi na mawala. Dahan-dahan ako nag-angat ng tingin. Matangkad siya sa akin sa taas kong five feet and six inches.
“Anak ka ng may-ari ng building na ito pero gusto mong tawagin ka nila sa pangalan mo?” Madilim ang mukha ni Lionel na tinitigan ako. May ilan siyang kasamang lalaki na nakabantay lang sa likod.
“Excuse me?”
“Paano ka magiging tagapamahala ng negosyo ni Arman kung wala kang pinagkaiba sa mga empleyado rito? Where’s Arman? Kailangan niyang malaman ito.”
“Seriously?!”
Halos mayanig ang katawan ko nang bigla niya akong hatakin. “Iwanan ninyo kami,” bilin niya sa mga kasama saka mabilis akong hinila.
“Bitiwan mo nga ako! Wala kang karapatan na gawin sa akin ito!“
Hindi niya ako pinakinggan kaya halos madapa na ako sa paghila niya sa akin. Sunod ko na lang narinig ang pagsara ng pinto. Nasa loob na pala kami ng banyo!
“What do you think you’re doing?!” sigaw ko. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Lionel?”
Agad na sumungaw ang ngiti nito sa labi. Siraulo ba ito? Kanina lang para sinaniban ng demonyo pero heto parang isang musmos na bata kung makangiti.
“What did you just call me?” kagat labi niyang tanong.
Umatras ako hanggang sa maramdaman ang malamig na pader. Dead end. Unti-unti namang lumalapit siya sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko kasabay ng nag-uunahang paglabas-masok ng aking hininga.
“Makakarating ito kay Daddy, Lionel – “ Huli na para maituloy ko pa ang sasabihin ko dahil mabilis na niyang sinakop ang labi ko.