CHAPTER 16

1224 Words
ILANG GABI rin akong walang tulog dahil sa pag-aasikaso ng burol ni Dad. Saglit lang akong umiidlip upang makabawi ng lakas. Si Lionel naman ay laging present sa pag-aasikaso sa mga bisitang dumating upang magpaabot ng pakikiramay. Dumating din ang mga empleyado ng aming kompanya gayundin ang iba pang business partners ni Dad na si Lionel lang ang nakakaalam. Muli kong pinagmasdan si Dad. May bakas ng ngiti ito sa mga labi na tila ba masaya na ito kung nasaan man siya. Nasa gitna ako ng hindi ko maintindihang lungkot at saya. I’m all alone now and it’s the sad truth. On the other hand, magkasama na silang dalawa ni Mommy. Tiyak na magiging masaya na si Mommy dahil makakasama na niya si Dad na matagal na niyang iniwan. As for me, pipilitin kong maging malakas at matatag. “Miya,” bulong ni Manang Carlota na kasalukuyang nasa tabi ko. “Magpahinga ka na muna sa silid mo. Ako na muna ang magbabantay rito. Umalis naman na ang ibang mga bisita. May inihanda na pala akong pagkain sa loob. Kumain ka na rin. Alam kong hindi ka pa kumakain simula kaninang tanghali.” “Hindi po ako nagugutom, Manang.” “Pero subukan mo pa rin. Makakasama sa iyo ang malipasan ng gutom. Kapag kailangan mo ng kausap, narito lang ako ha? Parang anak na ang turing ko sa iyo. Nasaksihan ko ang paglaki mo kaya alam na alam ko na kapag may dinaramdam ka.” “Manang, sa-salamat. Kung wala kayo, hindi ko alam ang gagawin ko. H-hindi ko kasi inakalang iiwan ako agad ni Dad. W-wala akong alam na matagal na pala siyang maysakit. Hindi ko man lang alam.” Humagulhol na ako. Kailan ba mauubos ang mga luha ko? Nangako akong hindi magpapakita ng ano mang kahinaan sa ibang tao ngunit hindi ko pa pala kaya. “Ano ka bang bata ka? Lahat ng tao ay may kahinaan lalo na pagdating sa mga taong mahal natin. Natural lang na tayo ay masaktan, malungkot at mawalan ng gana sa mga bagay-bagay pero lahat ng iyon lilipas din. Isang araw, magigising ka na lang na sapat na ang lakas mo upang harapin ang panibagong bukas. Mas magiging matapang, malakas at matatag ka, hmmn?” Marahan niyang hinaplos ang buhok ko katulad ng ginagawa niya sa akin noon. Napakatagal na pala ng taong lumipas at si Manang lang ang tunay na nakakakilala sa akin. “Manang, iiwan mo na rin ba ako?” Pinahid niya ang naglandas kong luha saka ngumiti. “Sa tingin mo, iiwanan ba kita? E, hindi na ako sanay na tumira sa ibang bahay, e. Gusto ko na ako ang nag-aayos dito, okay lang ba ‘yon sa iyo?” Tumangu-tango ako. “Thank you, Manang…” “Naku, batang ito. Alam mo naman na love na love ka ng matandang ito kahit na nagkaka-okrayan tayo. Sige na, kumain ka na muna at magpahinga. Kakailanganin mo iyon.” Mahigpit ko ulit na niyakap si Manang saka pumasok sa loob ng bahay. Agad kong tinungo ang dining upang kumain nang makasalubong ko si Lionel. “Kumain ka na ba?” Nanibago ako sa tono ng boses niya. Tila nasobrahan ng lambing. “Kakain pa lang. Ikaw… kumain ka na ba?” “Sabayan na kita para makakain ka ng maayos.” Tumalikod na ito upang kumuha ng isa pang plato saka tumabi sa pwestong upuan ko. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. “Let’s eat.” Lionel is merely a friend of my Dad pero sobra pa sa isang kamag-anak ang ginagawa nito para sa akin. Wala akong ibang kamag-anak na kilala dahil parehong wala ng pamilya ang mga magulang ko nang nagpakasal sila. Sayang lang at wala akong naging kapatid. Kahit papaano ay may masasandalan ako sa oras ng kalungkutan. Bakas na ang pangingitim ng ilalim ng mga mata ni Lionel. Katulad ko ay wala rin itong maayos na tulog. Medyo magulo rin ang buhok nito. “Pasensiya ka na kung pati ikaw ay naabala sa nangyari. Alam ko naman na busy kang tao, e. Hindi mo dapat na pinoproblema pa ang mga dapat ay problema ko.” Nag-angat siya ng tingin at sinuri ang kabuoan ng mukha ko. “Your problem is my problem kaya kahit ano pang mangyari ay nasa tabi mo lang ako.” “But you have your own life too. Masyado na kitang naaabala.” “Hindi mo ako naaabala, sweetie. Okay? I’m happy of what I’m doing. Alam kong hindi ka sanay na nasa tabi mo ako subalit wala ka ng magagawa pa. Hindi ako mawawala sa tabi mo kahit na ayaw mo.” “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Hindi mo naman ako responsibilidad. Oo, sa ngayon inaamin kong vulnerable ko pero lilipas din ito. Kakayanin ko ito.” Matiim niya akong tinitigan. Nag-iba ang timpla ng mukha nito. Bigla akong kinabahan. Hindi maalis sa alaala ko kung paano magalit ito sa loob pa mismo ng opisina kung saan ako nagtatrabaho. “I’m done eating.” Tumayo na ito at dinala ang pinagkainan sa kusina. Diretso na itong lumabas at tinungo ang garden kung saan nakaburol si Dad. Wala naman sigurong masama sa mga nasabi ko. Labis ko na siyang naaagrabyado at natatakot akong magising na lang isang araw na sanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko. Wala kaming kinalaman sa isa’t isa maliban na lang sa kaibigan siya ni Dad at isa rin siya sa kliyente ng Sandoval Company. Nagpakatotoo lang ako. Paano na lang ang sarili nitong pamilya? Hindi kaya sila nagtataka kung bakit ilang gabi na itong hindi umuuwi? Tinapos ko ang pagkain at hinugasan na rin ang pinagkainan ko sa lababo. Sunod na umakyat ako sa aking silid. Kumuha ako ng malinis na tuwalya mula sa aking tokador at pumasok sa banyo. Binilisan ko lang ang paglilinis ng katawan ko. Nagbihis din ako agad. Pahiga na ako nang may kumatok sa pinto. “L-Lionel? Bakit? May kailangan ka ba?” wika ko pagkatapos kong buksan ang pinto. Imbes na sumagot ay pumasok na ito sa loob. “Gusto ko lang makasiguro na maayos ka.” “I’m fine. Magpapahinga lang ako saglit. Pinalitan muna ako ni Manang sa pagbabantay kay Dad.” “Good. Kumain ka ba?” “O-oo naman.” “Sige, magpahinga ka na.” Tumango ako saka pumwesto na sa aking higaan. Inayos ko ang pagkakahiga ko patagilid saka inabot ang kumot. “Pakipatay na lang ng ilaw paglabas mo.” Ipinikit ko na ang mga mata ko. Kulang na lang ay lumubog ang katawan ko sa kama dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Mayamaya pa ay narinig ko ang pag-click ng switch ng ilaw. Kusa naman na bumukas ang lampshade na nasa bedside table. Inabot ko ang isang unan na nasa kabilang gilid ko. Ilang beses ko ng hinila ngunit hindi ko pa rin makuha. Dahan-dahan akong tumagilid at nang hindi ko pa rin makuha ay nagmulat ako ng mga mata. “Sino ka?” malakas kong tanong. Napakunot ako nang makilala ang pamilyar na bulto. “Bakit ka – “ “Miya, please… gusto ko lang magpahinga kahit saglit. Let’s rest for a while together.” Kinabig pa niya ako palapit sa katawan niya saka iniyakap ang mga bisig nito sa akin ng walang kahirap-hirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD