LIONEL’S SMELL filled all over my room. Nagising akong wala na siya sa tabi ko. Mahaba ang tulog ko na hindi ko na namalayan na umaga na pala. Mabilis akong bumangon. Kailangan ko ng palitan si Manang sa pagbabantay kay Dad. Ilang sandali kong inayos ang sarili ko saka bumaba na. Naabutan kong naghahanda ng pagkain sa hapag-kainan si Lionel. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong na pantalon. Napatingin ko sa bakat nitong dibdib. Ilang beses ko na bang nayakap iyon?
“Gising ka na pala. Join me.”
“Mamaya na lang. Papalitan ko na lang muna si Manang. Napahaba ang tulog ko.” Magkasalikop ang dalawa kong kamay na hindi ko alam kung para bakit.
“Kakapalit lang naming dalawa ni Manang kaya hindi mo kailangang magmadali. So, sit down and join me. Siguradong gutom ka na rin.”
“O-okay.” Tipid akong ngumiti.
Pinaghila niya ako ng upuan saka umupo sa harapan ko. “What are your plans after this. I mean…mamaya na ililibing si Arman. Gusto mo bang pumunta ng ibang bansa o kahit magbakasyon sa ibang local vacation spots.”
“Gusto ko lang na manatili rito sa bahay kahit isang linggo lang. Kailangan ko ring bumalik agad sa trabaho.”
“Don’t be hard on yourself, Miya. You can choose to unwind for as long aas you want and I’ll take care of Arman’s Company.”
“Ako ang anak and I’m responsible to take over my father’s company. Alam kong marami ka ng naitulong sa akin, I mean – sa amin ni Dad but you should focus on your own life after these. Ayaw kong maging pabigat sa iyo. Labis-labis na ang mga naitulong mo sa akin at ayaw ko ng madagdagan pa ang utang na loob ko sa iyo.” Tumayo na ako. Nawalan na ako ng gana. Para akong sinampal ng kaliwa’t kanan sa sinabi nito. Ganoon ba ako kahina upang pati ang isang kompanyang pinaghirapan ni Dad ay siya na rin ang mamamahala? Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? May kumirot sa dibdib ko.
“Miya, hindi ka pa kumakain.”
“Hindi na ako kakain. Salamat.”
Napasinghap ako ng malakas nang may bigla na lang bumlot sa katawan ko mula sa likuran.
“Miya, don’t move.” Humigpit ang kamay nito sa baywang ko. “So-sorry kung may nasabi akong hindi mo gusto. Nag-aalala lang ako sa iyo. Arman will hate me dahil hinayaan kita masaktan. I’m sorry. I’m so sorry.”
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko. Nalilito ako sa ipinapakita sa akin ni Lionel. Marahas akong nagbuga ng hangin. “Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Lionel?” Dahan-dahan akong kumilos upang mapaharap sa kanya. “Why you’re so being kind to me? D-dahil pa rin ba kay Dad?” Pinaglipat-lipat ko ang mata ko sa kanya. Gusto kong makita ang sagot sa mga mata niya.
“Ano ba ang gusto mo marinig?”
May threat akong nahihimigan sa boses niya. “Ang totoo.” Napalunok ako kasabay ng kabang bumabalot sa nararamdaman ko. “Sabihin mo sa akin ang totoo.”
Sari-saring emosyon ang nakita ko sa mukha niya. Ilang beses niyang pinilig ang ulo habang pagkunot ng noo. Sinapo ang ulo saka inihilamos ang dalawang kamay sa mukha. “Miya, there’s no easy way to tell it. This is not the right time. Palipasin muna natin ang lahat ng ito then I’ll tell you everything.”
“No! Gusto kong malaman ngayon na, Lionel! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ang isang tulad mo ay may malawak na pagmamalasakit sa akin. Patay na si Dad, Lionel yet you’re being so good to me! Ito ba ang paraan mo para makiramay sa akin?”
“Miya, don’t push me.” May diin ang bawat pagbigkas niya.
“Bakit ba nahihirapan kang sabihin? Naduduwag ka ba o sadyang hindi tuna yang lahat ng ipinapakita mong concern sa akin?” It’s now or never. Hindi ko na maaari pang patagalin pa ang mga katanungang hindi maalis sa isip ko.
“I’m not a coward. Damn it!”
Umatras ako dahil sa kabiglaan. Hindi na biro ang galit na nasa mukha ni Lionel. Mayamaya pa ay tinitigan niya ako. A murderous look.
“Lionel – “ Malakas akong napasinghap. Tila bigla akong kinapos ng hangin.
“Gusto mong malaman, ‘di ba? Right here, right now? Okay, I’ll give what you want.” Umiling ito. “Kung ako lang ang masusunod, I will tell this sa harap ng abogado ni Arman but you insisted me to do it now!”
Nilakasan ko ang loob ko kahit na nagsimula ng manginig ang dalawa kong tuhod.
“I’m doing all of these to you para hindi ka na mahirapan pang mag-adjust.”
“Mag-adjust saan? Sa pagkamatay ni Dad? Dahil ba mg-isa na lang ako ngayon?” sunud-sunod na tanong ko.
“You.and.I.will.get.married. You will be my wife and I’m your soon to be husband.” Nag-igting ang panga nito matapos sabihin iyon.
Kinurap-kurap ko ang dalawang mata. Those words he enunciate were like daggers in her heart. “Are you kidding me? Saan mo nakuha ang ideyang ‘yan?”
“You’ll know soon. For now, sanayin mo ang sarili mo na nasa paligid mo ako dahil hindi ko hahayaan na malayo sa iyo even a tiny space. You got that?” Humakbang siya palapit sa akin sak hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Now that you knew my intention, you can start adjusting to it because no one can stop it. Always remember that, sweetie.”
Goosebumps spread all over my body. Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na ganoon ang magiging kapalaran ko. Natameme ako. Walang salita ang nais na lumabas sa bibig ko kahit na ang dami kong gustong sabihin.
Literal na natulala ako. Hindi ako makakilos. Paanong humantong sa ganoon ang lahat? Bakit wala akong alam? Yes, Lionel is definitely a good man – no, an ideal man but for me? I don’t think so.
“Miya, nandito ka lang pala. Kumain ka na ba? Si Lionel na muna ang pumalit sa akin roon. Sabay na tayong kumain para may lakas ka mamaya.”
Boses iyon ni Manang Carlota pero bakit hindi ko pa rin magawang maibuka ang bibig ko.
“Miya, okay ka lang ba?” Tumango ako saka sinubukan akong humakbang ngunit sa panlalambot ng tuhod ko ay muntik na akong matumba kung hindi lang ako naagapan na hawakan ni Manang. “Ano ka bang bata ka? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Halika nga at maupo ka muna. Kumain ka muna, ha? Sinasabi ko naman sa iyo na huwag kang magpapalipas ng pagkain. O siya, maupo ka na lang muna riyan at sasabayan kitang kumain.”
Ang dami pang sinabi ni Manang ngunit ni walang pumapasok sa isip ko dahil sa katotohanang isinawalat ni Lionel.