CHAPTER 18

1191 Words
NAILIBING NA si Dad at halos umalis na rin ang mga taong nakiramay. Si Manang Carlota ay nauna ng umuwi sa bahay samantalang nagpaiwan na muna ako. Masyadong mabilis ang lahat. Hindi ako makausad dahil hindi ko na masisilayan ang nag-iisa akong pamilya. “Dad, iniwan mo na talaga ako.” Isang hikbi ang umalpas sa bibig ko. “Alam mo Dad, nalulungkot ako ngayon kasi…hindi ko na maririnig ang boses mo sa tuwing sinisermunan mo ako sa panonood ko ng drama series. Mami-miss kita, Dad, kayo ni Mommy. I know you’re both happy na wherever you are. Send my love to Mommy. Please guide me. I love you both…so much.” Binuhos ko ang lahat ng natitira ko pang luha. Kaya ko. Kakayanin kong mag-isa. Magiging malakas ako. Magiging matapang ako para sa buhay na naghihintay sa akin. May narinig akong mahinang tumikhim mula sa likuran ko. May iba pang tao bukod sa akin! Dali-dali akong lumingon at tumambad sa akin ang lalaking bahagyang nakatungo, ang dalawang kamay ay nasa bulsa at maliit ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan ko. Preskung-presko ang dating nito sa suot na itim na pantalon at puting polo shirt. Kanina pa kaya siya? “Lionel…ano ang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa umalis?” Pinahid ko ang basa kong pisngi. Tinawid niya ang distansiya naming dalawa. “What do you think, sweetie?” Sumilay ang pantay-pantay na ngipin nito nang ngumiti. “Hindi ba at sinabi ko sa iyo na hindi ako lalayo sa iyo. Kaya kahit hanggang gabi ka pa rito, hindi kita iiwan.” His words were too good to be true pero bakit kayhirap niyang paniwalaan? Ano ba ang mayroon sa lalaking ito at tila madali lang sa kanya na sabihin ang mga ganoong salita? “Lionel, hindi mo kailngang gawin ito, okay? Malaki na ako, matanda na ako and I don’t need you!” sigaw ko. “You’re still vulnerable – “ “Vulnerable be damned! Wala akong pakialam sa ano mang sasabihin mo. Tapos na ang pagiging guardian mo. Nailibing na si Dad. You’re no longer needed here.” Mapakla itong tumawa saka hinawi ang buhok. “Sa tingin mo matitinag mo ako dahil sinabi mo ‘yan? I’m not easy to please, sweetie. Hindi rin ako madaling sumuko. We will meet Arman’s lawyer after this. Maghihintay siya sa bahay ninyo.” Inilapit nito ang mukha sa akin. “And I’m not pressuring you. You can take your time. Sanay akong mag-adjust.” Pagkatapos sabihin ay mabilis itong tumalikod na parang walang nangyari. My eyes squinted. Hindi pala talaga biro ang isang Lionel. Lalo lamang nadagdagan ang inis ko sa kanya. Hindi rin naman ako basta-basta na lang susuko. Hindi ako pinalaki bilang anak ng isang Sandoval na hindi marunong lumaban. Inayos ko ang sarili ko saka mabilis ang hakbang na tinungo ang sarili kong sasakyan. He’s not easy to please ha? What do you think of me? Easy to please? Isa ka lang San Miguel pero isa akong Sandoval. “Hey, at saan ka pupunta?” Narinig kong sigaw ni Lionel palapit sa sasakyan ko. “Miya! Open this!” Tukoy nito sa car door. I just smirked and start the engine. Kahit na humarang pa siya ay wala rin siyang nagawa kung hindi pagmasdan ako na papalayo sa kanya. “Hindi mo pala hahayaan na malayo sa akin ha? Isusumbong kita kay Dad sa hukay, Lionel. Daig mo pa ang Dad ko pagbabantay-sarado sa akin kaya maghabol ka kung gusto mo.” Pinasibad ko pa ng mabilis ang sasakyan. Sorry, Dad. Magiging bad muna ang baby mo ngayon. Iniyak ko ng lahat kanina at kahit pa nalulungkot pa rin ako ay nararamdaman ko pa rin ang inis ko kay Lionel. “Akala niya siguro maghapon akong magmumukmok.” Iyon naman talaga ang dapat mangyari pero sinira ang moment ko ng lalaking iyon! Hinid na muna ako uuwi sa bahay. Wala akong pakialam sa abogado na naghihintay sa akin ayon sa sabi ni Lionel. Kung hindi sila makapaghintay, hanapin nila ako. Hindi ako magpapakita sa kanila. May dalawang kalsada ang maaari kong daanan. Ang isa ay paatungo sa siyudad at ang isa naman ang patungo sa isang lugar na walang kasiguruhan. Malayo sa kabihasnan at malayo sa toxic na kapaligiran. Pinili ko ang huli. Kakalimutan ko muna ang ibang bagay. Hahayaan ko kung saan ako dalhin ng kapalaran ko ngayong araw. Iilang sasakyan lang ang nakakasalubong ko sa daan. Maraming malalaking puno ang makikita sa paligid. I opened my car window to get some fresh air. I badly needed it this time. What a feeling! Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Minsan katahimikan ang sagot sa lahat ng kinakaharap natin sa buhay. Katahimikan ang sagot sa magulong takbo ng pag-iisip. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid. May nakita akong ilog sa di-kalayuan. Hindi naman siguro ako aabutin ng gabi sa daan kung mananatili ako roon ng ilang oras. Ito marahil ang nais ni Dad para sa akin…ang matutunan kong i-explore ang kahalagahan ng mga nakapaligid sa akin? Kaya nga ba ako natuto man lang na pumasyal sa ibang lugar? Bahay, opisina lang naman ang routine ko sa araw-araw except noong nag-aaral pa ako. I’m a homebody. Mas gusto ko kasi na nasa bahay kasama si Dad dahil namulat ako na siya lang ang pamilyang mayroon ako. Bumaba ako ng sasakyan at kinuha ang susi. Nilagay ko iyon sa aking bulsa saka isinara ang pinto ng sasakyan. This is the real freedom of all the pain and loneliness. A freedom of moving forward. Isang hakbang. Pangalawang hakbang. Pangatlong hakbang at akma ko ng tatakbuhin ang nag-anyayang ilog nang bigla na lang may pumigil sa akin. Who could it be? Oh, my God! “Lionel?” “See? You can’t ran away from me for so long. Where do you think you’re going? Hindi mo ba alam na delikado ang lugar na ito para sa isang katulad mo? You don’t even know this place. At pumunta ka rito mag-isa!” “Anong pinagsasabi mo, Lionel? Nakita mo naman siguro na walang nangyari sa akin, right? You can leave me now.” Tinanggal ko ang kamay niya saka nakapamaywang na hinarap siya. “Paano mo nalaman na narito ako?” “Kailan mo pa bang itanong ‘yan? Sinabi ko na sa iyo na hindi ka makakalayo sa akin. I have my ways, Miya. Now, be a good girl and come with me. Naghihintay na sa atin ang abogado ng ama mo.” “Paano kung ayaw kong sumama sa iyo? Ano ang gagawin mo?” Naninimbang kong tanong sa mayabang na lalaking nasa harap ko. Sa isang hakbang lang nito ay nakalapit na siya sa akin. “Ganito ang gagawin ko.” “Ah!” Walang ingat niya akong binuhat na parang isang maliit na bata. “Put me down!” “Not until you come with me and go back home.” “I’m not coming with you!” “Really?” Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa katawan ko. “Hindi tayo aalis dito at hindi ka rin makakawala sa mga bisig ko,” nakangisi pang wika ni Lionel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD