CHAPTER 19

1336 Words
“WILL YOU PLEASE put me down!” Kanina pa ako walang tigil sa pagsigaw subalit tila walang naririnig ang nagmamayabang na si Lionel. Tahasan niya akong isinakay sa kotse niya at kahit nagpumiglas pa ako ay hindi rin ako nakatakas sa kanya. Auto-lock na naman ang [into ng magara niyang kotse kaya hindi ako makalabas. “Ano ba? Palabasin mo nga ako! Hindi mo pwedeng panghimasukan ang buhay ko porke’t matalik kang kaibigan ng Dad ko!” Ngumisi lang ito saka binuhay ang makina ng sasakyan. Lalo lang akong nabwisit sa inasta nito. Hindi ko alam kung bingi ba ito o hindi nakakaintindi e! “Gusto mo bang i-spell ko sa iyo ang sinabi ko para maintindihan mo?” paasik na sabi ko. “W-I-L-L-Y-O-U-“ “Marry me?” dugtong nito kasabay ng pagharap sa akin. Nakakaloko ang ngiti nito na sinundan pa ng pagkagat ng ibabang labi. Binilang ko kung ilang beses niyang tila pinanggigilan ang sariling labi. Biglang natuyo ang lalamunan ko. “So, ano ang sagot mo?” Nag-iwas ako ng tingin kasunod ng pag-abot niya ng seatbelt upang ikabit sa akin. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Bakit ko ba kasi naisip ang ganoon? May pa spell-spell pa akong nalalaman tapos…ako lang din pala ang nagmukhang talo sa huli. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Kahit na alam kong hindi bukal sa loob ni Lionel ang sinabi niya, it startled me for real. “Pababain mo ako. Hindi ko maaaring iwan ang sasakyan ko rito.” Nakahalukipkip kong sabi. “Ipapakuha ko na lang ang sasakyan mo. You don’t have to worry about it. Sinisiguro ko sa iyo na makakabalik ‘yan sa bahay ninyo well, technically bahay mo. Ikaw na ang may-ari ng lahat ng mga pag-aari ni Arman.” Nagmaneho na ito na may ngiti pa rin sa labi. “Pagkatapos kong makausap ang abogado ni Dad, siguro naman masaya ka na? At titigilan mo na ako.” Lagi na lang may paraan ang lalaking ito! Ano pa kaya ang mga bagay na hindi nito kayang gawin? “You knew my stand about you. At hindi magbabago iyon.” Confident ang tinig nito na tila hindi matitinag ninoman. “You are fully aware of what will happen to us. At – “ “Wala na akong magagawa? Tama?” Mapakla akong tumawa. “I am just absolutely nothing to you, bakit kailangan mo pang pahirapan ang sarili mo? Guilt feeling ba ‘yan dahil wala na si Dad. Do you think marrying me will solve my father’s death? Wake up, Lionel! Life is too short, don’t waste any second of it on me. I’m just nothing – ah!” Malakas na nag-preno si Lionel kasunod ng malakas na paghampas sa manibela. Mabuti na lang at naka-seatbelt ako. “I don’t want to hear anything, Miya! Enough, enough!” Nanlilisik ang mga mata na tiningnan niya ako. “I’m trying my best to be patient. I have also limitations, okay?” Marahas itong nagbuga ng hangin. “S-sorry, kung natakot kita. I did’nt meant to scare you.” Umabot ang kilabot ng kaba ko sa buong sistema ko. Nasaksihan ko kung paano naglabasan ang mga ugat ni Lionel habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. He’s surely mad at me. Kulang na lang ay may gawin itong masam ngunit sa huli ay agad ding kinontrol ang sarili. Wala kaming naging imikan hanggang sa ihinito niya ang sasakyan sa harap ng bahay. Kalat na ang dilim dahil sa layo ng binyahe namin. Tinapunan ako ng tingin ni Lionel bago siya bumaba ng sasakyan. Umibis ito upang pagbuksan ako ngunit binilisan ko ang pagkilos at bago pa man siya makalapit sa bahagi ko ay nakababa na ako. Diretso akong pumasok sa loob. Naabutan ko sa sala ang isang lalaking may hinihigop sa tasa. Kaharap nito si Manang Carlota na biglang napatayo nang makita ako. “Miya! Diyos ko, batang ka! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni Attorney Mikee. Hindi ba kayo magkasama ni Lionel? Ang sabi niya sa akin kanina ay hindi ka niya iiwanan. Mag-isa ka lang bang umuwi?” sunud-sunod na tanong ni Manang. “Manang,” ipinikit ko ang mga mata kasabay ng pagharang ng isang daliri sa aking labi. “Isa-isa lang po ang tanong, mahina po ang kalaban.” Nilinga ko ang abogado. “Good evening, Attorney. Kumain na po ba kayo ng hapunan?” “Actually – “ “Great, Attorney. Kumain muna tayo before we proceed with your objective. Magbibihis lang ako. Manang, pakihanda po ang hapag-kainan.” Tinalunton ko ang daan patungo sa silid ko sa itaas. Pagpasok ko sa silid ay agad kong ni-lock ang pinto. Kung dati ay nagagawang pumasok ni Lionel, hindi ko na mapapahintulutan ngayon. May hangganan ang lahat ng pagtitimpi at tiyak kong hindi maglalaon ay mangyayari iyon sa pagitan naming dalawa ng lalaki. Marrying a man which is my Dad’s bestfriend will never be a question kung noon pa lang ay nakatakda na. Uso naman ang ganoong klase ng pagpapakasal lalo na kung pareho ang level o estado sa buhay. But we’re different. Wala akong ibang pagkakilanlan sa lalaki bukod sa napakabatang successful businessman na madalas ibida ni Dad. Ni hindi ko nga alam o kilala ang pamilya niya kung mayroon man except his friends. I am aware na ang pagpapakasal ang isa sa dahilan ng pagpunta ng abogadong naghihintay sa akin sa ibaba. My life is so complicated now. Kumuha ako ng damit sa tokador at mabilis na nagpalit. Tila hinihila na ako ng kama ko upang matulog. Ramdam ko pa rin ang matinding pugad at puyat but I still have business to attend to. Bumaba na ako at natagpuang masinsinang nag-uusap si Lionel at Attorney Mikee. Tumigil ang dalawa nang makita ako. “Miss Sandoval, hindi ko na kayo masasabayan sa hapunan. Mayroon akong urgent meeting sa office,” ani ng lalaki na halatang bumalatay ang pag-aalala sa mukha. “Can we just proceed with – “ “Sure, Attorney,” sagot ko. Nagkatinginan pa ang dalawa bago ako umupo sa harap ni Lionel. Inabot niya sa akin ang ilang piraso ng papel. “Ito ang last will ni Mr. Arman Sandoval na inyo pong ama, Miss Miya. Nakalahad po riyan ang lahat ng kanyang inihabilin. Nakasaad po sa unang pahina na ang lahat ng ari-arian including the Sandoval Company ay ililipat na sa inyong pangalan sa oras na siya ay mamatay gayundin ang bahay na ito. Makikita po ninyo sa ibabang bahagi ng pahina ang mga pag-aari ng inyong ama pati na rin ang isang private resort na binili niya noong isang taon. Isa pa…nakalahad din sa testamento na ikaw ay maiiwan sa pangangalaga ni Mr. Lionel San Miguel at dito kayo maninirahan sa oras na kayo ay makasal.” “Makasal? Attorney, sigurado ba kayo na nakalagay ang pagpapakasal ko sa kanya?” Turo ko kay Lionel na prenteng nakaupo at nakikinig lang. “Yes, Miss Miya. Siya rin po ang tatayo ninyong guardian hangga’t hindi pa kayo nakakasal.” “Paano kung ayaw kong magpakasal? Hanggang kailan ko siya magiging guardian?” “Matatapos lang po ang pagiging guardian niya sa oras na kayo ay magpakasal.” Nagpuyos ang galit sa dibdib ko. Tila wala rin akong ibang option. “Kung ayaw kong magpakasal?” “Lahat po ng pag-aaring iniwan sa inyo ng inyong ama ay mapupunta sa bawat empleyado ng inyong kompanya at ililipat ang Sandoval Company sa pangalan ni Mr. Lionel San Miguel,” mahabang pahayag ng abogado. “Ano? Hindi iyan gagawin ng Daddy ko! Are you sure na ang mga sinabi moa ng last will ni Dad, Attorney?” Nagkandabuhul-buhol na ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang malalaman ko sa last will ni Dad. “It also stated from his will na mayroon po kayong dalawa hanggang tatlong linggo upang maihanda ang inyong kasal,” dagdag pa ni Attorney Mikee. “What?” pasigaw kong sabi. Oh, my God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD