THIS IS not happening! “Attorney, hindi ako naniniwalang nakalagay sa last will ni Dad ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Lionel. Hindi ni Dad gagawin ang ganoon sa akin!” Hindi pa rin ako makaapaniwala na nakasaad iyon sa papel na hawak ko. Ilang ulit binasa ang bahagi kung saan nakalagay ang mismong pangalan ni Lionel subalit hindi pa rin iyon matanggap na aking isipan.
“Miss Miya, authentic po ng lahat ng dokumentong hawak ko. Hinding-hindi ko po sisirain ang tiwalang ibinigay sa akin ng inyong ama. Matagal niya na pong ipinaayos ang last will niya kaaya sigurado po akong walang pagkakamali sa lahat ng mga detalyeng ipinaliwanag ko,” paliwanag ni Attorney Mikee.
Tiningnan ko si Lionel na mataman lang na nakatungo, binabasa ang dokumentong hawak. Naiinis ako dahil wala man lang itong pahayag.
“Miss Miya, nabanggit at naipaliwanag ko na ang nilalaman ng last will ni Sir Arman, kung may iba pa po kayong katanungan ay tawagan po ninyo ako agad.” Inabot ng abogado ang isang kapirasong papel. It’s a calling card.
“Salamat, Attorney. Pag-iisipan ko ang lahat. Tatawagan ko po kayo one of these days.”
Tumayo na ang lalaki at agad na nakipagkamay sa akin. Nang tanggapin ko iyon ay nahuli kong nakatitig si Lionel sa kamay naming nagkadaupang palad.
“Attorney, ihatid ko na kayo sa labas,” sabad ni Lionel nang biglang tumayo. “Mag-uusap tayo, Miya.” Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin. May pagbabanta.
“Miya, tama ba ang narinig ko? Ikakasal kayo ni Lionel?” Untag sa akin ni Manang Carlota na ikinalingon ko. “Narinig ko kanina na sinabi ni Attorney. Tama ba ako?”
Malakas akong bumuntunghininga. “Manang, hindi talaga ako makapaniwala. Paanong naisip ni Dad na ipakasal sa kanya? It doesn’t make sense to me.” Hinilot-hilot ko ang sentido ko sa kalituhan. “Mawawala sa akin ang lahat pati na ang kompanya kapag hindi ako pumayag. May ipon naman ako pero hindi ko alam kung kaya kong mawala pati ang bahay na ito. Manang, hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang bahay na ito. Ito lang ang alaala na mayroon ako ky Mommy at Dad,” mangiyak-ngiyak kong wika.
Niyakap ako ni Manang at aaminin kong nagbigay iyon sa akin ng kaginhawaan. Hinaplos niya rin ang likod ko habang paulit-ulit na sinasabing magiging maayos din ang lahat. Sa eksenang iyon dinatnan kami ni Lionel.
“Lionel, handa na ang hapag-kainan. Miya, kumain na muna kayo saka kayo mag-usap, hmmn?” ani ni Manang Carlota. “Tayo na, baka lumamig pa ang pagkain.”
Tinanguan ko si Manang kahit na wala akong gana. Sinundan ko siya sa hapag-kainan kahit na ayaw kong makasabay si Lionel. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Hindi sumabay sa akin si Lionel na kumain. Natapos na ako at lahat ay hindi siya sumunod sa dining.
Siguro naman, umalis na siya.
Nagpaalam na ako kay Manang upang umakyat na sa aking silid. What a long day! Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang isang buong araw ng pagdadalamhati at naudlot na pagtakas sa katotohanan na kay bilis na magbabago ang buhay ko sa isang iglap. Puno ng misteryo ang buhay at masasabi kong magsisimula pa lang ako sa bahaging iyon.
Pumasok na ako sa aking silid aat sunod na ibinagsak ang patang-pata kong katawan sa malambot na kama. Maraming pumapasok sa isipan ko na hindi ko mawari. Pakiramdam ko ay bibigay ang katawan ko sa pag-iisip.
“Let’s talk.”
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. “Lionel?” Galing sa loob ng banyo ko ang lalaki at nakatapis lang ng tuwalya ang kalahating katawan. “Ano ang ginagawa mo rito?”
“Naligo ako sa banyo mo habang kumakain ka. Nagkusa na ako dahil wala akong ibang silid na maaaring gamitin. Besides, magpapakasal din naman tayong dalawa. Kailangan nating masanay na magkasama sa isang silid.”
“What are you talking about?” Napabalikwas ako ng bangon. “Are you insane? Talaga bang pursigido ka sa kasal na sinasabi mo? Hindi mangyayari iyon, Lionel!”
“Gusto mo talagang mawala sa iyo ang lahat ng iniwan ni Arman, including this house?” Unti-unti itong lumapit sa akin na ikinaatras ko. Nanunuot ang mabangong amoy na body wash sa mamasa-masa nitong katawan. Napalunok ako. Iisa ang amoy namin. “Well, kung ayaw mo talaga, tatawagan ko na si Attorney Mikee para maayos na ang lahat.”
Akma itong tatayo nang hawakan ko siya sa braso. Wrong move, Miya. Lalo lamang naglapit ang mga mukha namin dahil sa ginawa ko. “Hu-huwag. Hi-hindi ba at sinabi ko na pag-iisipan ko pa? Ako lang ang pwedeng tumawag kay Attorney, huwag ka ngang bida-bida!” Nakagat ko ang labi matapos sabihin ang huling salita. Sa drama ko lang naririnig iyon pero kusa na ng nabanggit.
Nanlaki na naman ang mga mata ko nang ikulong niya ang mukha ko sa dalawa niyang kamay. “Remember, we only have two to three weeks preparation for the wedding. Kung ayaw mong magmistulang shotgun wedding ang kalabasan ay ibibigay mo agad ang desisyon mo.” Marahan pa nitong hinaplos ang pisngi ko habang sinusuri ang kabuoan ng mukha ko. Mayamaya pa ay nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito saka biglang lumayo sa akin. “Wala ka dapat na ikabahala, magkakaroon tayo ng agreement bago ang kasal. Ayaw kong isipin mo na dahil kaibigan ko ang ama mo ay hindi ko isasaalang-alang ang mga inaalala mo.”
“Agreement?”
“Yeah. I need your decision tomorrow. Ako na ang bahala sa lahat. Bukas mo rin malalaman ang nilalaman ng agreement na sinasabi ko.” Tumalikod na ito. “Oh, before I forgot,”’ muli itong bumalik sa pwestong pinanggalinggan malapit sa akin. “I really need this, for now.” Walang babalang hinagkan nito ang labi ko.
Electricity runs on my veins. My blood boils na tila nabuhay sa simpleng pagdadaiti ng aming mga labi. Hindi ako nakagalaw sa sensasyong dulot niyon. Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng oras at napako ako sa isang sitwasyong mahirap kong kalabanin.
“Now, I can sleep more tonight.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha. “Good night and sweet dreams, sweetie.” Ninakawan pa niya ako ng isang mabilis at matunog na halik bago tuluyang lumabas ng silid ko.
Shit! What is happening to me?