ILANG ULIT kong ipinilig ang ulo ko sa higaan. Hindi pa rin ako makatulog kahit na malalim na ang gabi. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman bumaba ako. Madilim na ang buong paligid at tiyak na tulog na si Manang Carlota. Nakakapanibago ang katahimikan samantalang ilang araw ding halos walang puno ng bisita ang aming bahay. Now is so different. Nakakapanibago but I need to move forward.
Tinungo ko ang kusina. Maliwanag naman ang ilaw sa labas kaya kahit hindi ko buksan ang ilaw ay hindi ko maipagkakamali kung nasaan ang refrigerator. Binuksan ko iyon kasunod ng pagkuha ng isang pitsel ng tubig. Nilapag ko muna sa mesa at saka ako kumuha ng baso. Pagbalik ko sa mesa ay wala na roon ang pitsel. Bigla na lang nawala?
“Is this what you’re looking for?” Lumitaw si Lionel sa tagiliran ko na hawak ang pitsel. “Are you thirsty?”
Malakas akong napasinghap kasunod ng pag-abot ko ng pitsel ngunit nilayo lamang iyon sa akin ni Lionel. “What – ibigay mo sa akin ‘yan. Gusto kong uminom ng tubig,” ani ko. Sa bawat pagtangka kong kunin iyon ay lalo lamang nilalayo sa akin ng lalaking wala yatang magawa kung hindi ang pagtripan ako hanggang sa umabot na iyon sa ulo niya na hindi ko na maabot. “Ano ba ng problema mo? Kung gusto mong uminom ng tubig, bakit hindi ka na lang kumuha ng sa iyo? Talaga bang ayaw mo akong tigilan? Pati pag-inom ko ng tubig pinakikialaman mo?”
“Hindi ka ba makatulog?” pag-iiba nito. Siya na mismo ang kumuha ng baso sa kamay ko saka nilagyan ng tubig. “Maybe we have the same thoughts kaya hindi tayo pareho makatulog.”
“Salamat.” Mabilis kong kinuha ang baso at uminom ng tubig. “Matutulog na ako.”
“Not so fast, sweetie,” anito matapos akong pigilan sa kamay. “Let’s entertain each other. Malay mo, bigla na lang tayong antukin at makatulog ng mahimbing.”
“Anong pinagsasabi mo?” Hinawi ko ang kamay niya ay humakbang na ngunit mabili pa rin niya akong pinigilan.
“Hindi naman siguro masama if we do a little chat. I promise, I won’t hurt you.”
Pakiwari ko nakangiti ito habang hinihintay ang response ko. Sa huli, namalayan ko na lang na nakaupo sa sofa kaharap ng lalaki sa madilim na kapaligiran. Wala ni isa man sa amin ang nag-on ng ilaw dahil sa kabila ng dilim ay kitang-kita ko ang kabuoan ng bulto niya.
“So, ano ang pag-uusapan natin? Kung tungko ito sa kasal, wala kang - ”
“Hindi nating pag-uusapan ang bagay na hindi ka komportable. I’m not a rude man. Well, sometimes, kapag kinakailangan. You are Arman’s daughter, after all.”
Nakita ko kung paano ito ngumiti sa gitna ng dilim. Tila lalo lamang lumilinaw sa aking paningin ang nag-uumapaw na awra nito. “Lionel, hindi ako ang tipo mong babae. Aminin mong ginagawa mo lang ang lahat ng ito dahil naaawa ka sa akin. Dahil kaibigan mo ang Dad ko, right? Alam mo, hindi mo naman kailangang magpkabayani. Kaya ko ang sarili ko, kakayanin kong magsimula ulit na mag-isa.”
“It will never happen, sweetie. Kahit wala sa last will ni Arman ang tungkol sa pagiging guardian ko at sa kasal, hindi ka pa rin malalayo sa akin. That I guarantee you. I am a man with my words. Lahat ng sinasabi ko, ginagawa ko.” Ang nakahalukipkip nitong kamay sa dibdib ay sabay na ipinatong sa arm rest ng sofa.
“Walang patutunguhan ang usapang ito.” Nag-iba na ang pakiramdam ko sa maliit na pagitan ng distansiya naming dalawa. May palagay ako na hindi magiging maganda ang diresksiyon niyon kapag nagtagal pa ako na kaharap ang lalaki.
“Easy, sweetie. I’m not going to bite you.” Masuyo niyang hinawakan ang dalawa kong kamay. “Mag-uusap lang tayo. Minsan, kailangan din nating makilala ang isa’t isa. I’m not letting you go kahit na ano pa ang mangyari.”
“H-hindi ka ba napapagod? We’re not even related. Hindi ko naman ikamamatay ang mag-isa. Pinalaki ako ng mga magulang ko na independent. I can live with my own. Isa pa, ayaw kong maging pabigat sa iyo.” Nakatayo na kami pareho. Ang mga mata ko ay nakatuon sa kanyang dibdib. Sa tangkad niyo ay isa lamang akong langgam sa paningin nito.
“No, don’t say that. Kahit kailan ay hindi ka magiging pabigat sa akin. I love seeing you everyday, taking care of you and being with you.”
Ang mga kamay nito ay kusang pumalibot sa baywang ko. Naririnig ko ang marahang pagbuga nito ng hangin na tumatama sa buhok ko.
“Can we dance?” tanong nito. Hinahaplos na nito ang likod ko. Marahan, pataas, pababa. “Kahit walang saliw ng musika, we can dance with our hearts desire.”
Kinabig niya ako at nagmistula kaming magkayakap. Sunod niyang iginiya ang kamay na ipalibot sa kanyang leeg. Maingat niyang tiningala ang mukha ko upang magtagpo ang mga mata namin. Nahigit ko ang paghinga nang idiin pa niya ang kamay sa baywang ko na naging daan upang mas magdikit ang aming mga katawan.
“Lionel…” Napalunok ako. Hindi ako makahinga ng maayos. Tila may mala-magnet ang lalaki na nakakahipnotismo sa akin. I can’t barely move. Kumabog na ng malakas ang dibdib ko. May kung anong tila hinahabol habang mahinang gumagalaw sa Lionel. Ang katawan ko ay nagmistulang nakakabit sa kanya dahil kusa akong sumusunod sa bawat pag-indak niya. “I-I can’t breathe.”
Instead of letting me go, mas lalo lamang naging isa ang aming mga katawan. He gasped for air, breathing heavily then kissed me on my hair. Heat widespread all over me. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ni Lionel. Dinig na dinig ko iyon mula sa kanyang dibdib. He’s eyeing at me when I look up him. Nagningning ang mga mata nito na mariing nakatitig sa akin.
The moment I closed my eyes, his lips already landed on mine. Nakadikit lamang iyon ngunit nakakapaso ang init na hatid niyon. Nakakapaso, nakakabuhay ng pakiramdam. Lionel halted his step, giving more focus on our lips. Dahan-dahang gumalaw iyon, nananantiya, nanunuyo na tugunin ko. Even if I wanted to stop, my lips initiate to kiss him which made him move deeper in me.