CHAPTER 14

1092 Words
SAKIT SA puso ang matagal nang iniinda ni Dad. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang mapansin na matagal na palang itinago iyon sa akin ng sarili kong ama. Puno ako ng pagsisisi dahil ngayon ko lang nalaman kung kailan malala na ang kanyang karamdaman. Bakit ngayon pa? Hindi na pumayag pa si Dad na dalhin ko siya sa hospital. Mas gusto niyang sa bahay na lang manatili hanggang sa… dumating ang oras na hinihintay niya which kills me everyday. Gusto ko siyang alagaan hanggang sa huli ngunit hindi siya pumayag. Naghihintay sa akin ang kompanyang pinaghirapan niyang itayo. Kahit hindi ko gusto na pumasok sa opisina ay wala akong magawa. Responsibilidad ko na ngayon ang lahat na maiiwan ni Dad. Unti-unti ko na rin tinatanggap na hindi na mapipigilan ang pag-iwan sa akin ng nag-iisa kong pamilya. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Pakiramdam ko kasi iyon na lang ang tama kong gawin. Gusto kong maging proud sa akin si Dad kahit…sa huling sandali niya na kasama ako. Alam kong iyon lang naman ang hiling niya para sa akin. “Miya, Miya, okay ka lang ba?” untag ni Sam. “Miya, uy!” Kinalabit niya ako sa siko. “Kausapin mo naman ako.” Nilinga ko si Sam na nakanguso. “Okay lang ako.” Kasalukuyan kong dino-double check ang mga dokumento na nasa priority list ko ngayong araw. “May problema ba?” “Kasi naman, anong oras na o! Mag-break ka muna at kumain. Baka magkasakit ka na niyan.” Umupo siya sa harapan ng mesa ko. “Kahit na marami kang ginagawa, dapat hindi ka nag-i-skip ng pagkain. Paano kung magkasakit ka niyan?” “Okay lang ako, Sam. May vitamins ako na tini-take at kumain naman ako bago pumasok. Hindi lang talaga ako nagugutom.” “Kailangan ba hintayin mo munang magutom ka saka ka lang kakain? Miya, baka nakalimutan mo ang sinabi mo sa akin noon. ‘Di ba ang sabi mo sa akin, kalimutan na ang lahat huwag lang ang pagkain?” Marahan kong ibinaba ang hawak na papel. Nasapo ko ang noo dahil sa biglang pagkirot niyon. Noong isang gabi pa masakit iyon ngunit hindi ko na lang pinansin. May mga trabaho akong inuwi sa bahay. Malaki ang naging kawalan ni Dad kaya pilit kong hinahabol ang ilan sa mga trabahong hawak nito. “Tingnan mo, masakit na ang ulo mo no? Magpahinga ka nga muna.” Biglang tumayo si Sam at may kung anong kinuha. Mayamaya pa ay nasa harap ko na siya. “Oh, uminom ka muna ng tubig. Malapit ka ng ma-dehydrate niyan sa ginagawa mo, e.” Kinuha ko ang inabot ni Sam saka ininom ang laman niyon. Halos maubos ko ang tubig dahil sa labis na pagkauhaw ko. “See? Ikaw talaga, Miya! Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. Tiyak na hindi matutuwa si Sir Arman kung makikita ka niyang ganyan.” “Sam. Huwag ka ng mag-alala. Naubos ko nga ang tubig, o!” Inalog-alog ko pa ang bote. “Okay naman talaga ako, Sam. Tatapusin ko lang ang ilang papeles na ito at saka kakain na rin ako.” “Promise?” Tumango ako saka ngumiti. “Promise.” “Sige, balik na muna ako sa table ko. Kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Babalikan kita mamaya.” Saglit kong pinagmasdan si Sam pabalik sa sarili niyang puwesto. Ako naman ay binalikan ang hawak kong papel. Minsan hindi ko napapansin na may mga tao pa ring nagmamalasakit sa akin. Mapalad ako na may kaibigan akong tulad ni Sam. Ayaw niya talaga akong tigilan kapag may gusto itong mangyari. Hindi bale, babawi ako sa kanya kapag maayos na ang lahat. Napangiti ako. Isang malakas na ingay ang ikinasigaw ni Sam. Nasa iisang opisina lang kami kaya naman nang bigla na lang bumukas ang pinto ay nagulat ito samantalang nag-angat lng ko ng tingin. Napalis ang ngiti ko sa labi nang makita ang madilim na mukha ni Lionel. Nakasuot ito ng coat and tie at mukhang galing sa isang business meeting. “Lionel – “ Kinalampag ng dalawa nitong kamay ang ibabaw ng aking mesa. “Totoo ba? Na pinapabayaan mo ang sarili mo dahil sa mga papel na iyan? How can you be so rude to yourself that you even sacrifice your own health because of your job here!” Nakita kong lumabas si Sam pagkatapos na sumenyas. Hindi nito ugaling manatili sa loob ng opisina kapag dumarating si Lionel. “Saan mo naman nalaman iyan, Lionel? Do I look like a hungry fox to you? Busog ako at kapag nakaramdam ako ng gutom ay kakain ako agad. Wala kang dapat ipag-alala. I’m doing fine here. I’m good.” Muli akong napapitlag nang suntukin nito ang mesa sa pangalawang pagkakataon. Nagtagis ang bagang nito habang nakatitig sa akin. Siguro kung first time ko siyang makita sa ganoong anyo ay matatakot pero dahil ilang beses na ‘yong ginawa ni Lionel, nabawasan na ang takot at kaba nadarama ko. “Are you sure of that? Or you’re just making excuses para mapaniwala mo ako. Look at yourself, kailan ka huling tumingin sa harap ng salamin? Tell me.” Bigla yatang kumulo ang dugo ko sa ulo. Matagal ng hindi ko nakikita si Lionel dahil naging abala ito sa sariling kompanya ngunit bigla-bigla na lang itong susulpot sa mismong opisina niya upang mangsermon? “Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, Lionel. Gagawin ko ang gusto ko. I’m not a child, okay?” “But you look like one to me, sweetie.” Nagtaas-baba ang adam’s apple nito kasunod ng marahang paglunok at pagkagat ng ibabang labi. Sweetie. “Lionel, stop it. Marami akong trabahong kailangan tapusin ngayon.” “No, you’re coming with me now, Miya. Sasama ka sa akin kung ayaw magwala ako rito.” “You can’t do that!” “Yes, I can kaya kung ayaw mong mabulahaw ang mga empleyadong nagtatrabaho rito ay sasama ka sa akin.” “Bakit mo ito ginagawa sa akin, Lionel? Dahil pa rin ba kay Dad? Inutos niya ba ito sa iyo? O naaawa ka lang sa a-akin?” Tila may bikig sa lalamunan ko. “Answer me, Lionel.” “Kailangan mong sumama sa akin, Miya or – “ “Alright!” Ibinagsak ko ang hawak kong papel sa ibabaw ng mesa saka marahas na hinablot ang bag ko. Tuluyan na ring bumagsak ang luha ko sa mata. One thing is for sure, awa ang sagot sa sarili kong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD