CHAPTER 13

1178 Words
LULAN NA ako ng sasakyan ngunit hindi ko pa rin magawang magsalita. My Dad is dying. Tama ba ang narinig ko? Alam kong walang sakit si Dad. How come he’s dying? No. Nagsisinungaling lang si Lionel. Walang sakit si Dad. “Are you okay?” mahina ngunit malinaw ang boses ng katabi ko. “You’re lying.” May luhang bumagsak sa pisngi ko. I can’t imagine my Dad in that situation. “Sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka lang. Hindi totoong mamamatay na si Dad!” Nilingon ko siya. Nanginginig ang buo kong katawan. I can’t resist it. Hindi maaaring totoo ang isiniwalat nito sa akin. “Calm down, Miya.” “How can I do that, Lionel? You told me my Dad is dying. Are you f*****g insane? Sino ang hindi kakalma?” “I know.” “Ano ang alam mo? What? You’re really lying to me?” Malakas na kumakabog ng dibdib ko sa pinaghalong galit at inis. Gusto ko sumigaw ng malakas. Gusto kong magwala. That is very unlikely of me. Pinalaki akong maayos at hindi isang warfreak. Hindi magugustuhan ni Dad na maging ganito ako. Ang reaksiyon ko. “Miya…” “Hindi ito totoo. Hindi!” Bumulwak ang mga luhang kasing-bigat ng dinadala ng puso ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa dalawa kong kamay. “There’s no other way I can tell you.” Itinigil nito ang sasakyan sa isang tabi. “Hindi gustong ipaalam ni Arman ang kalagayan niya sa iyo. Hindi niya kayang sabihin sa iyo.” Tuloy lamang ang pagbuhos ng mga luha ko na sinundan ng malakas kong paghagulhol. Tuluyan ng nabasag ng iyak ko ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. “You have to be strong, Miya. I’ll be by your side whatever happens.” Naramdaman ko ang isang kamay ni Lionel sa balikat ko. Marahang humahaplos. “Ba-bakit hindi niya sinabi sa akin? Na-nasa tabi niya sana ako para alagaan siya. Bakit, Lionel?” “He loves you so much. Ayaw ka niyang saktan in any means.” “This can’t be happening. He’s all I have, Lionel!” “I’m just right here.” Kinabig niya ako saka niyakap ng mahigpit na tila iyon lang ang tangi kong makakapitan sa mga oras na iyon. Hinayaan ko ang sarili ko na tangayin kung saan man ko nais dalhin ni Lionel. Kaakibat ng yakap nito at haplos ay ang unti-unting pagkalma ng umaalpas kong damdamin. The one I hated the most keeping me company, telling me things to make me calm. Panaka-naka niya rin akong hinahagkan sa noo na tila ba normal lang na gawin sa sitwasyong mayroon ako. Nakatulog ako sa labis na pag-iyak. Sa pagmulat ko ay nasa tumambad sa akin ang puting kisame. Pamilyar ang kinaroroonan ko. Nilibot ko ang buong paligid. I’m home. Nakauwi na ako at si Lionel ang siyang nagdala sa silid ko. No doubt about it. Siya lang ang kasama ko bago ako mahimbing san nag-uumapaw na emosyon sa aking dibdib. Bigla kong naalala si Dad. I need to see him. He’s sick. Mali. He’s dying. Muli na namang nagtubig ang mga mata ko. Unti-unti akong bumangon kahit pa tila may hindi ako maintindihang bigat sa katawan. Bago pa ako tuluyang makatayo ay may dalawang bisig na ang sumalo sa akin. “Miya, magpahinga ka na lang muna,” ani ng boses na hindi na yata mawala sa sistema ng utak ko. “Bumalik ka na muna sa kama.” “Li-Lionel,” tawag ko sa pangalan niya kasunod ng pagluha ko. Halos wala ng boses na lumabas sa bibig ko. “I want to see my Dad. Please.” Pinakatitigan niya ako ng mabuti saka tumungo. Nasa mukha niya ang pagtutol. Mayamaya pa ay nag-angat na ito ng tingin. “I will only allow you if you promise me one thing.” Malakas siyang suminghap kasunod ng paghawak sa mukha ko. “Hindi mo ipapakitang malungkot ka sa harap ni Arman. He might get worse in instant.” Sunud-sunod akong tumango. “Yes, I promise.” “Okay.” Pinatakan niya ako ng isang masuyo at mariing halik sa noo. Gusto kong magprotesta ngunit tila iyon ang kailangan ko. Bigla na lang kumkalma ang nagririgodon kong puso dahil sa pag-aalala. Tinanguan niya ako kasunod ng paghawak sa kaliwa kong kamay. Sabay pa kaming humakbang patungo sa pinto ngunit saglit itong tumigil upang pahirin ang bakas ng luha sa aking mga mata. “Okay na ako,” ani ko. Mas lalo lamang ako kinakabahan habang tumatagal. I need to be strong for my Dad. Tinahak namin ang daan patungo sa silid ni Dad. Namataan ko si Manang Carlota na mataman lang na nakatingin sa akin. Tumango siya saka ibinaling ang tingin sa silid ni Dad. Unti-unti ng na akong nadudurog. Habang papalapit ako kung nasaan si Dad ay mas bumibigat ang bawat paghakbang ko kasabay ng pagbigat ng paghinga. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras. Ni sa hinagap ko ay hindi ko inakalang mararanasan ko ang ganoong pakiramdam. “Miya…” tawag ni Lionel. “I’m alright. Kaya ko, Lionel. Just don’t leave me.” “Okay,” anito saka inalalayan ako sa baywang. Tulog si Dad nang makapasok kami sa silid niya. Iginiya ako ni Lionel na maupo sa gilid ng kama kasunod ng paghila nito ng isang silya na inupuan nito sa kanyang tabi. Hindi ako iniwan hanggang sa magising si Dad at aaminin kong nagbigay daan iyon upang lumakas ang loob ko. “Dad?” Pinilit kong hindi pumiyok. “Kumusta ka?” “Miya,” wika nito sa mababang boses. Inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil. “Alam kong nabigla ka. Your Dad is so bad.” “Don’t say that…” sabad ko. “You were a great Dad for me. The best of all fathers in the whole world.” Humigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad naman na umalalay ang marahang paghaplos ni Lionel sa likod ko. “It’s inevitable, anak. We have our own paths to take. Gusto ko lang na maging masaya kahit wala na ako.” “Dad, b-bakit hindi mo sinabi sa akin?” Wala akong alam na may sakit siya. Hindi ko nakakitaan ng kahit anong karamdaman. “Bakit hindi tayo pumunta ng hospital? Gagaling ka, Dad. Dalhin ka na namin doon. Lionel is here. Sasamahan niya tayo.” Ngumiti si Dad na tila ba gumaan ang pakiramdam. “Hindi na kailangan, anak. They knew my condition already. You can ask and talk Dr. Suarez in Asean Hospital. Siya ang doctor ko sa matagal na panahon.” “Dad…” “Miya, don’t cry. You’re my little angel who turn to be a fine woman. Kamukhang-kamukha mo ang Mommy mo at alam kong masaya siya of who you become now. I love you, my baby.” Tuluyan ng humulagpos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. “I l-love you too, Dad…” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Mahal na mahal kita. Kayo ni Mommy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD