Dalawang araw bago Ang town fiesta ay naimbintahan ang Gobernador na dumalo sa isang pagtitipon na dadaluhan ng mga negosyante sa naturang lalawigan. At dahil wala ang asawa ng Gobernador ay si Liz ang sasama dito sa naturang okasyon. Magandang pagkakataon din ito upang ipakilala sya bilang anak ng Gobernador.
" We need to heightened the security on this event, si Liz habang nakatingin Kay Victor at Ridge.
" I will be in the vicinity an hour before the party starts", si Ridge.
" we will secure the place once the Governor is already in the venue, but we need to alert the close in security", Saad Naman ni Victor.
" Don't worry about the close in security, I can handle it myself", kompyansang sabi ni Liz.
Araw ng party, nakagayak ang Gobernador, sya din kasi ang magbibigay ng kaunting opening remarks sa pagdiriwang na iyon ayon sa organizer ng party. Bilang kilalang negosyante at pamangkin ng Gobernador ay napadalhan din si Victor ng imbitasyon. Ipinagpasalamat naman ito ng binata dahil malaya syang makagalaw sa loob ng venue.
Samantala si Liz naman ay nagpatulong sa isang kasambahay ng mansion para maayos ang kanyang suot. Isa itong pormal na okasyon kaya naman obligado syang magsuot ng evening gown. Sanay Naman syang magsuot ng ganoon dahil minsan na din syang naging model kuno sa Paris kung saan ginawa nya itong cover para sa isang mission. Tinanong pa sya ni Gov kanina kung anong Oras magpapadala ng taga ayos para sa kanyang hair and make up pero tumanggi sya. Isa din kasi ang hair and make up na inaral nya noon bago sya naging model sa Paris. Dahil may pagkawavy Ang mahabang ash blonde
hair ng dalaga Kaya naisip nya itong Itaas at gawing bun na may nakalawit na kaunting takas na buhok sa magkabilang Tenga, sapat upang maitago Ang kanyang earpiece, lumitaw tuloy ang
kanyang mahaba at makinis na leeg. Naglagay din sya ng manipis na make up pero ang kanyang wine red lipstick ang nagpalitaw sa kanyang seductive look. at ng maisuot ang black evening gown na deep V neck cut at may slit na umabot sa halos isang dangkal mula sa hips sa kanyang isang binti ay talagang lumabas ang kanyang alindog. Hapit ito sa katawan Kaya Naman litaw na litaw Ang hubog ng kanyang katawan. Pinarisan pa ito ng isang silver stiletto sandals na syang lalong nagpatangkad sa kanya.
" Ang ganda nyo po Mam Liz, mukha po kayong artistang porener, ", manghang sabi ng kasambahay na tumulong sa kanya habang nagbibihis sya.
" thank you Gema, mukha ba talaga akong porener?, nakangiting tanong ni Liz.
" Ay naku mam, walang duda, akala ko nga po di ka marunong magtagalog eh, Kaya ayaw ko Sana kaninang pumayag na ako Ang tumulong sayo pag-ayos, baka Kasi duguin ako", seryosong sabi ng kasambahay.
Natawa Naman Ang dalaga sa sinabi nito, nang sipatin nya Ang relo sa bedside table ay nagmadali na syang naghanda para bumaba. Alam nyang mapapanganga na naman si Victor pag nakita sya.
Samantala sa baba ng mansion ay medyo naiinip na nga si Victor sa paghihintay Kay Liz. May kung ano sa kanya na tila nae-excite na makita ang dalaga. Hindi nya maamin sa sarili pero may damdamin na tila kabute na biglang
umusbong para sa amasonang dragon. Nang marinig ni Victor na bumukas ang pinto ng kwarto ni Liz ay agad na napatingin ito sa hagdan, at sa isang iglap ay Hindi nya magawang iaalis Ang paningin sa babaeng dahan-dahang bumababa sa hagdan. Laglag Ang panga ng binata sa nakikita nya, Hindi nya mawari na Ang ganda nito na kanyang hinangaan ay may mas igaganda pa pala.
Nasa huling baitang na ang dalaga ng marinig nila Ang pagtikhim ng Gobernador, " you look lovely my daughter",saad nito sa kanya habang nakangiti. " Thanks Dad, you look like a dashing debonair tonight", pambobola nya sa Ninong. Napatawa Naman silang dalawa sa tinuran nya habang si Victor ay matamang nakatitig sa kanya.
Nagtama ang kanilang mga mata at Ang inaasahan ni Liz na paghanga buhat sa binata ay talaga namang bakas na nakikita sa mga mata nito. Subalit ang hindi nya napaghandaan ay ang pagkabog ng kanyang dibdib ng Makita nya ang anyo ng binata, napakgwapo nito sa suot na tuxedo, ang matikas na pangangatawan ay Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata, tila Isa itong Greek God na nakawala sa Olympus at napadpad sa kanyang harapan. Parang gusto na lang nyang magpakulong sa mga bisig nito habang hinahalikan Ang mapupulang labi. " Shet!, Ang landi mo Ayla", usal nya sa isip.
Natitiyak nyang palilibutan na naman ito mamaya ng mga kababaihan.
" Shall we?", pagyaya ni Victor.
" let's go", sagot Naman nya.
Si Governor ay sumakay sa isang bullet proof Mercedes Benz na minamaneho ng kanyang driver bodyguard, habang si Liz naman ay nanatili sa kanyang tabi. Ang katabi ng driver ay si Cabrera, Ang head ng security ni Governor. Si Victor naman ay mag-isang lumulan sa kanyang Range Rover, habang nagmamaneho ay Hindi maiwasan ng binata na maisip Ang magandang mukha ng dalaga, maging Ang kabuuan nito kanina habang pababa ng hagdan,tila Isa itong palabas sa telebisyon na paulit ulit na nag-playback sa kanyang balintataw.
" Hay! amasona, masakit ka na sa ulo masakit ka pa sa puson", usal nya sa sarili.
Samantala, lingid sa kaalaman ng binata ay tahimik Ang dalaga sa kabilang sasakyan dahil Hindi Rin sya nito maiwasan na Hindi isipin. Sobrang paghanga Ang naramdaman ni Liz Kay Victor ng makita nya ito kanina. Aminado ang dalaga na may itinatago syang pagtingin dito noon pero Hindi nya inamin sa kanya kahit kelan. At alam nya na hanggang ngayon ay walang ibang lalaki Ang nagtangkang pumasok sa puso nya kahit sa tagal ng panahon na Hindi sila nagkita. Nagtataka lang din sya Kung bakit sa tinagal tagal ay Wala pa din asawa Ang binata, Wala din Naman itong nobya. " ano kayang nangyari bakit Wala pa syang asawa, Hindi Kaya ako Ang hinihintay nya", kausap nya sa sarili.
" medyo assuming ako ngayon, pero Malay ko ba, Kaso kung sakali man ay Ang hinihintay nya ay si Ayla at Hindi si Liz", muling sabi niya sa isip, nalungkot
Ang dalaga sa isipin na iyon pero may isang bagay syang gustong makumpirma bago nya aminin ang totoong pagkatao nya kay Victor.
Matapos Ang ilang sandali ay nakarating na sila sa venue, paglabas pa lang ng sasakyan ay naging matanglawin agad si Liz. Hindi Naman maikubli Ang paghanga sa mga mata ng mga lalaking nakakakita Kay Liz. Pagpasok pa lang sa venue ay sinalubong agad si Gov ng host ng party, ngunit naagaw ni Liz Ang pansin nito na halos lumuwa Ang mata sa sobrang paghanga sa kanya.
" And Who is this lovely lady Governor?"
" Mrs. Benzon, this is my daughter Elize".
Napamaang naman Ang ginang at halos di makapaniwala sa narinig.
" oh! nice to meet you Hija, I'm so glad you came too, I'm sure my son will be happy to meet you, is it okay Gov?"
" It's my daughter's call Mrs.Benzon, Hindi ako namimili sa kung sino Ang gustong kaibiganin ng anak ko", paliwanag ni Gov.
" Right, so later Hija ipapakilala Kita sa anak ko, for sure magkakasundo kayo".
Sa isip Naman ni Liz ay bored na agad sya sa party na ito, at mukhang may match making pa yata na mangyayari na hindi nya napaghandaan. Kung barilan lang naman ay lagi syang handa pero sa ganitong usapan ay Wala syang amor. Isa lang Naman Kasi Ang gusto nya, at yun ay Ang lalaki na papasok ngayon sa venue at may babaeng nakapulupot sa braso. "Ay teka! Hindi pa nag-iinit Ang pwet mo dito sa loob may babae ka na agad ha!, pwes manlalalaki din ako", usap nya sa sarili.