Chapter 23

1775 Words
bang!bang!bang!... Sunod-sunod Ang nakakabinging putok na sumalubong sa bulletproof na Mercedes Benz ni Governor habang binabagtas nito Ang kahabaan ng diversion road pauwi ng mansion. Sumadsad ang sasakyan tanda na napuruhan ang gulong nito, ngunit dahil may alam Ang dalaga sa drag racing kaya nakuha pa nyang i-maneobra agad ito. Inihinto ni Liz ang sasakyan sa gitna ng kalsada upang iharang sa mga bala ng kalaban.Mabuti na lang at nagpalit sya ng sapatos kanina bago nya naisipan na paandarin ang Sasakyan ni Gov. Isinuot nya ang mid cut boots at isinuksok ang isang swiss knife doon. Kinuha nya ang M16 rifle sa backseat ng kotse, habang palapit sa kanya Ang mga kalaban ay patuloy ng mga itong pinapaulanan ng bala ang sasakyan. Nang makakuha ng magandang pwesto ay agad na nagkubli dito si Liz at sunod sunod na nagpakawala ng bala sa kalaban, animo'y mga dummy target ang mga ito na halos sabay sabay nagsibagsakan dahil sa walang mintis na pagtama ng bala sa kanila. Nagtagal ang putukan ng higit isang minuto, sa hinuha ni Liz ay wala ng buhay ang mga kalaban. Sa di kalayuan ay narinig nya ang tunog ng isang motor na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Tumayo sya sa gitna ng kalsada at akmang babarilin ito pero narinig nya ang boses sa earpiece na nakakabit, "Hop in", doon lang nya napagtanto na si Victor ang nakasakay doon. Pagtapat sa kanya ng motor ay inabot sya nito sa kamay para tulungang sumampa sa motor. Subalit ang di nila inaasahan ay may nakabuntot palang dalawang sasakyan kay Victor, kaya ng makita ito ni Liz ay agad na kinuha ang pistol sa holster ng kanang binti at ikinasa. " hold tight baby", si Victor bago mabilis na pinaandar ang motor. Labag man sa kalooban ng dalaga ay Wala syang nagawa kundi ang iyakap ang isang braso nya sa katawan ng binata. Sa bilis ng pagapapatakbo nito ay maaari syang mahulog kung di sya kakapit ng husto. Halos panginigan pa sya ng kamay bago nya niyakap ang binata pero wala syang oras para makipagtalo pa. At nang lingunin ni Liz ang likuran ay nakita nyang naghahanda na ang mga ito na paputukan sila, " s**t!, faster Victor, they're following us", sabi nya sa binata. Mas binilisan ng binata ang pagpapatakbo ng motor, mas lalo Naman humigpit Ang yakap ng dalaga sa kanya, ngunit di namalayan ni Liz na medyo dumulas ang kanyang kamay sa may bandang baba ng pusod ni Victor. " ah! tangna baby wag ngayon, nasa gitna tayo ng laban", narinig iyon ni Liz kaya kinurot nya ng bahagya Ang tyan nito. " what were you thinking?", iritang tanong nya sa binata. Natawa ng malakas si Victor habang pinaekis ekis ang patakbo sa motor kaya lalo syang napakapit dito ng mahigpit. Sa muling paglingon ni Liz ay nakita nyang nakaamba na ang kalaban para magpaputok ngunit inunahan nya ang mga ito. Pinaputukan ng sunod sunod ni Liz ang mga kalaban ngunit naubusan sya ng bala. Sa lagay nya ay limitado ang kanyang galaw ngunit may naisip syang paraan. Pinunit ni Liz ang kanyang gown at natira na lang kanyang black shorts and black bralette top, lumipat sya sa unahan ni Victor at humarap sa binata, ipinulupot nya ang dalawang binti sa bewang nito. " s**t! baby you're so hot, anong position ba to..face-off, lazy lotus?", nakangising tanong ni Victor habang patuloy lang sa pagmamaneho ng motor. " shut your mouth or else...", "or else what baby girl?", Tila napipikon Naman si Liz sa inaasal ni Victor sa kanya, nasa gitna sila ng bakbakan pero Kung anu-ano ang naiisip nito. " can you just do your thing Victor", pagalit na sigaw ng dalaga, sabay nagload ito ng bala sa kanyang baril at kinuha ang baril na nasa tagiliran ni Victor. Walang pakundangan na ipinutok nya ng sabay ang dalawang baril at pinunturya ang gulong ng mga sasakyan na sumusunod sa kanila. Walang anu-ano ay biglang bumangga ang pick up na sumusunod sa kanila sa isang puno habang ang isa naman ay patuloy na sumusunod. Napansin ng dalaga na nakatuon ang shotgun ng lalaking humahabol sa kanila kaya naman naisip nyang puntiryahin ito, tig- tatlong putok ang pinakawalan niya sa magkabilang baril. Unang natumba ang may hawak na shotgun kasunod ang paghampas ng sasakyan sa gitna ng kalsada na mukhang nawalan ng preno. Ilang sandali pa ay tuluyan na silang nakawala sa mga humahabol at nasisiguro ni Liz na hindi na sila nito mahahabol pa. ____________________ Earlier at the Party ... Pumasok si Victor sa venue na may kasamang babae na naka hawak pa sa braso nito. " Walang hiyang lalaki ka, di pa umiinit ang pwet mo dito may babae ka na naman", kausap ni Liz sa sarili. Namataan pa nya na tuwang tuwa ang babae habang may paghampas hampas pa ito sa dibdib ng binata. Samantala, isang matipunong lalaki naman ang kanina pa nakatitig kay Liz mula sa di kalayuan. Kasama sa table nila Gov ang host ng party na si Mrs. Benzon, nilapitan ang ginang ng isang lalaki na sa tantya ni Liz ay kaedad lamang nya. " Oh, there you are my son, I'd like you to meet Governor Sandoval, Gov this is my son Aaron James Benzon ", anang ginang. Inilahad ng binata ang kamay at iniabot naman ito ng gobernador, "kumusta ka Hijo?" nakangiting tanong nito sa binata. " Mabuti naman po Governor, I'm glad you came, kumusta kayo?" "very well hijo! how's your business?" "Doing well Gov", sagot ng binata, ngunit ang mata nito ay biglang napunta sa dalaga. Nakuha ni Mrs.Benzon ang atensyon ng binata, " by the way son, I'd like you to meet Elize, she's the daughter of Governor Sandoval", nakangiting wika ng ginang. "Please to meet you Elize, I'm Aaron", sabi ng binata na inilahad ang kamay kay Liz. Inabot ng dalaga ang kamay nito at ginantihan ng ngiti, " nice meeting you Aaron". Pinisil muna ng binata Ang kamay nya bago ito tuluyang binitiwan. Alam na ni Liz ang kahulugan ng pagpisil na 'yon, at maging ang mata nito na halos Hindi maialis sa kanya. Samantala nasa kabilang mesa naman sina Victor at ang ibang mga bisita na kakilala ng binata. Kasama pa rin nito ang maharot na babaeng kasabay pagpasok ng venue. Hindi nakaligtas sa paningin ni Victor ang pagpisil ni Aaron si kamay ni Liz kaya na-badtrip sya sa nakita. Nang may dumaan na waiter ay agad syang kumuha ng baso na may laman na alak at tinungga ito, napalakas ang paglapag nya ng baso kaya napatingin sa kanya ang mga kasama sa table. Samantala ang babaeng panay ang pulupot ng kamay sa kanya ay parang ahas na nakalingkis sa binata. Habang si Liz ay nag-eenjoy sa pakikipag usap kay Aaron, hindi maalis Ang mata ni Victor sa mga ito. Nakikita nya kung paano tumawa ang dalaga sa tuwing may nakakatuwang sinasabi ang kausap. Napansin ng isang kaibigan ni Victor na panay ang tingin nya sa kabilang table kaya napalingon ito. " Dude!, nandito na pala si Aaron", sabi ni Clinton. Napatingin sa gawi nila si Aaron at kumaway. Maya-maya ay tumayo ito at inalalayan si Liz, lumipat sila sa table nila Victor, ipapakilala diumano sya nito sa mga kaibigan. Hindi naman tumutol ang dalaga kaya't lumapit sila sa mga ito. " what's up guys?", si Aaron. " Dude!, kumusta?", nag fist pa bomb ang mga ito. Nang makita ni Aaron si Victor ay masaya nya itong binati. " Brader kumusta?, tagal natin di nagkita ah", si Aaron kay Victor. " Ayos lang Brader, Ikaw nga itong nawawala lagi eh", si Victor naman. "Hindi naman, sakto lang, oh by the way guys I'd like you to meet this beautiful lady beside me, Elize" Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa dalaga. Hanggang sa mapako ang tingin nito kay Victor at sa babaeng kasama nito. Pero ang intrimididang babae ay nagpakilala ng sarili nya sa lahat. Tila na-insecure ito kay Liz kaya tinaasan sya nito ng kilay. Gusto nitong mapahiya si Liz sa mga taong naroon Kaya imbes na English ay nagpakilala ito sa salitang French. " s'il vous plaît de vous rencontrer mon nom est Frances", nakataas kilay nitong pakilala sa dalaga. " ravie de te rencontrer Frances, je m'appelle Elize", sagot naman niya dito na nakangiti. "So Frances pala ang pangalan mo ha", bulong sa isip ni Liz. Napahanga naman ang mga kasama nila sa table dahil sa pag-uusap ng dalawa, ngunit Hindi mawala Ang inis ni Frances dahil ang balak nyang ipahiya si Liz ay hindi nangyari. Samantala ang dalaga ay napapangiti lamang, alam nya ang mga ganitong karakas ng babae. Ang babaeng kasama naman ni Clinton ay napatingin kay Liz at nagtanong. "Elize you look familiar to me, are you some kind of a model?". Ngumiti muna si Liz sa kausap, " Yes, but I quit already, I only did one season on a runway in Paris then I flew back to US". sinserong sagot nya. " Oh, I see, that's why, I saw you last year in a Spring summer collection of Le Brize couture if I'm not mistaken". " Yes, it's me, that's the last project I made", she added. " Wow!", halos sabay sabay na wika ng mga kaharap. Tila naman lalong napahanga si Aaron sa kanya, samantalang si Frances ay lalong napasimangot na umikot ikot pa ang mata. Hindi nakaligtas Kay Victor Ang reaction na ito ng babae kaya naman natawa sya. Pero sa isip ng binata ay gusto na nitong tirisin si Aaron dahil sa harap-harapan na pagpaparamdam ng paghanga nito kay Liz. "Iba ka talaga, amasona pero saksakan ng ganda, sino ba ang mag-aakala na ang ganda mo ay nakamamatay". usal ni Victor sa isip. Ayaw ipakita ni Victor na dehado sya, ayaw nyang bigyan ng satisfaction si Liz at isipin na naisahan na naman sya nito, Kaya naman sa harap ng mga kaibigan ay hinalikan nya si Frances. Bigay na bigay Naman ang babae sa halikan nila kaya't napatikhim na lang Ang mga kaharap. Sa isip naman ni Victor ay Wala lang iyon, sanay na sya sa ganung eksena, ano pa nga ba at nabansagan syang barumbado. " Get a room Dude", si Harry na nakatawa, hinagisan ng pinilipit na tissue si Victor. Napangiti naman ang huli habang napakagat labi na tumingin sa gawi ni Liz, ngunit ang dalaga ay agad na binawi ang tingin at kinausap si Aaron. Nagpanggap na lang sya na busy sa pakikipag usap sa binata, ayaw nyang ipaalam Kay Victor na gusto na nyang barilin ang babaeng linta na kanina pa nakadikit sa kanya. ________________________ Ay sya Victor at Ayla, maglaro kayo ng taguan...taguan ng feelings! Mga charotero!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD