Chapter 24

1104 Words
continuation... Ilang saglit pang nag-usap sina Liz at Aaron hanggang sa magpaalam ang dalaga na pupunta ng restroom. Agad naman tumayo ang binata at itinuro sa kanya ang daan patungong CR. Nagmadali si Liz na pumunta sa tagong parte ng venue, hindi naman talaga sya naiihi, gusto lang nya magmasid sa paligid at kumustahin ang lagay sa labas. At dahil naka earpiece kaya mas madali sa kanilang tatlo nina Ridge at Victor ang mag-usap. "Ridge how's your post?", tanong ni Liz. " Nothing unusual", sagot ng kabilang linya. "Where is Victor?", tanong ni Ridge sa kanya. " Still flirting with a lizard", sagot naman ni Liz. Narinig pala ito ni Victor kaya't nagsalita ito na ikinagulat nila. "I'm not flirting with anyone, I'm working, and by the way she's not a lizard. " Working your ass!, alright she's not a lizard, some sort of a gecko perhaps", sagot ng dalaga. Narinig nila ang pagtawa ni Ridge. " Are you jealous", tanong ni Victor. " Jealousy is only for insecure people so it's not in my vocabulary". Sasagot pa sana si Victor ngunit naunahan na siya ng kaibigan. "Hey guys, relax okay, save that in your honeymoon", si Ridge na inaawat ang bangayan ng dalawa. Maglalakad na sana si Liz papasok muli sa venue ng may makita syang anino na kahina-hinala. Nang una akala nya ay lalaki ang anino ngunit nagulat sya na may kahabaan ang suot nito. Tinangka nya itong lapitan ngunit mabilis ito at agad na humalo sa karamihan ng bisita. Samantala si Victor naman ay may nabuo ng konklusyon kaya't minabuti nyang wag iyon ipahalata sa mga kasama. Sa parking lot kanina ay hindi agad sya bumaba ng sasakyan dahil nagmasid muna sya sa paligid. Tama ang instict niya, may nakakasa dito na plano ang mga kalaban. Nakita nya ang isang black Van na nakaparada sa di kalayuan ng venue. Sinabi nya ito kay Ridge at tama nga sya dahil parehas sila ng hinala. Nakabuo sila ng plano, lilituhin nila ang kung sino man na magtatangka ngayong gabi para sa Gobernador. Nang makabalik sa venue si Liz ay agad itong lumapit sa Gobernador, bumulong sya dito at agad namang tumango ang huli tanda na sang ayon ito. Samantala, hindi pa din nawawaksi ang tingin ng isang matipunong lalaki kay Liz mula ng dumating ito doon. Ang buong akala ng lalaking iyon ay Hindi sya napapansin ng kanyang sinusundan ng tingin, ngunit Hindi nito alam na mas nauna pa syang makilala ni Liz. Ayon sa pagkakatanda ng dalaga ay Ang lalaking iyon ay si Marco Giuseppe, he is an Italian who is into wine business. Nakita nya ito noon sa Italia ng maging mission nya Ang dating business partner nito, ngunit dahil malinis Ang record Kaya Hindi sya nadamay ng makulong Ang kapartner nya sa negosyo. Lumalabas Kasi sa imbestigasyon na Walang alam si Giuseppe sa lahat ng illegal na transaction nito. Ngunit ngayon na nandito ito ay may nabuong katanungan sa isip ng dalaga. Ipinoste ni Ridge ang ibang tauhan sa may di kalayuan sa venue, pinauna nya Ang mga ito doon sa dadaanan upang masiguro na walang makakaalam sa gagawin nila. Nang makalabas ang Mercedes Benz ng Gobernador ay sumunod na din Ang dalawang SUV ng mga bodyguard. Ilang metro Ang layo sa madilim na parte ay biglang huminto Ang mga sasakyan at madaling pumasok Ang Gobernador sa Range Rover ni Victor na minaneho ngayon ng driver nito. Si Liz naman ay nanatili sa Mercedes Benz at hinintay muna na makalayo ng konti Ang sinasakyan ng Gobernador bago sya tuluyang magmaneho. Nakikita na nya ngayon Ang dalawang kotse na nakasunod sa kanya. Samantala si Victor naman ay naghihintay na sa kanyang inutusan upang dalhin ang motor nya sa lugar na sinabi. Makalipas Ang isang minuto ay dumating na Ang hinihintay, mabilis nya itong pinatakbo at tinunton ang tunog ng putukan, batid nya na napapalaban na si Liz ngayon, samantalang si Ridge ay nakabuntot Kay Gobernador, Hindi sya dumidikit sa sasakyan ng mga ito para Hindi sya mapagkamalan na kasama nito. Halos paliparin ni Victor Ang motor sa sobrang bilis ng marinig nya Ang sunod sunod na putukan. At sa isang iglap nga ay nasa tapat na sya ng dalaga, kung anong bilis ng patakbo nya ng motor ay sya ding bilis ng kilos ni Liz para mapatumba Ang mga kalaban. Nang masiguro ng dalawa na nakalayo na sila sa mga humahabol ay unti- unting bumagal Ang takbo ng motor ni Victor. Samantala naisip Naman ng dalaga na awkward Ang position nilang dalawa dahil nakaharap pa din sya sa binata. Dahan dahan nyang binalik ang baril nya sa holster na nasa isang hita pero Ang baril ni Victor ay nanatiling hawak nya. " Victor can you stop for a while?" "why?, takang tanong naman ng huli. " lilipat ako sa likod mo, I'm not comfortable here", sabi nya dito. Napangisi Naman si Victor bago nagsalita, " this is more comfortable baby". Napa ikot Ang mata ni Liz sa tinuran ni Victor. " will you stop calling me baby, naalibadbaran ako", sagot nya. Napangisi si Victor at sumagot lang ng okay, pero mabilis nyang hinalikan sa pisngi Ang dalaga na syang ikinalaki ng mga mata nito. Unti-unting tinaas ni Liz Ang baril patungo sa panga ni Victor pero Hindi natinag sa pagngisi Ang binata, hanggang sa itinutok ni Liz Ang baril sa ibabang parte partikular sa pagkalalake ni Victor. Biglang naglaho Ang ngiti nito at tila nataranta. " oh!wag dyan please, baka makalabit mo yan baby, parang awa mo na, sige ka pag ginawa mo Yan di mo matitikman Ang chorizo ko, Spanish chorizo pa naman to". Natatarantang wika nito. " Wala akong pake kahit Italian sausage pa Yan, sarilinin mo, baka magka tetanus pa ko dyan, kung kani-kanino mo na yan ipinasok!, stop now!" maotoridad nyang utos kay Victor. " ito na, masusunod mahal na amasona", sabi nya habang inihinto Ang motor at agad na lumipat sa likod si Liz. "kung di lang kita mahal nilaglag na Kita kanina pa", bulong ni Victor. " may sinasabi ka ba?", "Wala, sabi ko kumapit ka ng mahigpit, baka mahulog ka, ayos lang sana kung sa akin ka mahulog buong hubad na katawan ko pa ang ipangsasalo ko sayo." Pinitik sya ng dalaga sa tenga, " Eto na, sige na,! go", utos nya dito. Niyakap ni Liz ang binata mula sa likuran, sa isip ay gustong gusto nya ang paglalapit ng mga katawan nila. Maya-maya pa ay pinaandar na ulit Ang motor pero medyo alalay na lang ang takbo nito. "Lizzie!", pagtawag muli ni Victor. " Hmmm?" " Pag ako ba mahulog sayo sasaluhin mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD