Chapter 25

1055 Words
Araw ng fiesta, maagang inumpisahan ang parada sa bayan , lahat ng mga tao ay abalang abala. Samantala sa may Kapitolyo naman ay abala ang mga empleyado para sa gagawing programa. Isang festival ang highlights ng fiesta kaya naman bilang ama ng lalawigan ay minabuti nyang pangunahan ang nasabing okasyon kasama na din ang ilang opisyales ng naturang bayan. Ang alkalde ng nasabing bayan ay kaalyado ng Gobernador kaya naging maayos ang pag-oorganisa ng fiesta. Nakatakdang magbigay ng maikling talumpati ang gobernador bilang panimula sa kasiyahan. Sa karamihan ng tao ay nagkalat ang mga tauhan ni Gov. Nasa isang sulok si Ridge habang pinagmamasdan ang mga tao ng nagkakasiyahan. Samantala, si Liz naman ay nanatili sa tabi ng kanyang ninong. Napako ang tingin ni Ridge sa isang tao sa tabi ng nagtitinda ng ice cream, mukhang kahina-hinala ang kilos nito, agad nya itong nilapitan ngunit mali ang kanyang inaakala, hinihintay pala nito ang buntis na asawa. False alarm, sa isip ng binata. Samantala, si Victor ay nanatili sa loob ng restaurant na halos katapat lamang ng Kapitolyo. May iba syang pakiramdam sa araw na iyon. Parang may mangyayaring hindi maganda. Inalerto nya ang mga tauhan ni Gov at binilinan na maging mas lalong mapagmatyag lalo na at kumakapal na ang tao sa Plaza. "Bok, kumusta dyan?", tanong ni Victor kay Ridge. " Ayos naman Bok, aakyat na si Gov sa sa stage, kailangan ng close in security", si Ridge. " Sige, Hindi maganda Ang pakiramdam ko dito Bok, Basta kahit anong mangyari Ikaw bahala kay Uncle", " Wag ka mag-alala Bok, akong bahala kay Gov. "Teka, nasaan nga pala si Amasona", tanong nya Kay Ridge. Samantala si Liz naman ay binilinan si Cabrera na wag iwanan si Gov dahil may nakita syang kahina-hinalang lalaki na sinundan nya. Naririnig nya ang usapan ng dalawang lalaki habang nakakubli sya sa isang puno. Narindi na naman sya sa tawag sa kanyang amasona ni Victor. " Hoy supot! magtrabaho ka dyan, wag mo Kong hanapin dahil hindi ako si Gov", sagot nya sa dalawa. " sinong supot?", "ano?, supot!", magkasabay na tanong ng dalawang lalaki na syang ikinangisi ni Liz. Pero si Ridge ay pigil na pigil ang paghalakhak sa kabilang linya ngunit bakas ang mga mahinang pagtawa nito. Batid nyang si Victor ang pinatatamaan ng dalaga. " Ridge wag mong pigilan Ang tawa mo, baka sa iba Yan lumabas", si Liz Samantala napamaang na naman si Victor sa tinuran ng dalaga, nabibigla sya sa mga lumalabas sa bibig nito, kung Ang ibang babae ay puro lang pabebe at pa-cute kapag kaharap at kasama sya, si Liz ay handang makipag bangayan. Walang kahit sino man na babae ang nagtangka ng mga ganitong bagay sa kanya. Masyado syang nacha-challenge sa pinapakita nito sa kanya, at ang Isa pa ay tila hindi ito nadadala sa panglalandi nya. " Don't worry baby, dahil kapag nagkita tayo mamaya siguraduhin kong hindi ka makakalakad ng isang linggo, ipapatikim ko sayo ang supot na chorizo", mahabang sabi ni Victor. Hindi na napigilan ni Ridge at napahagalpak na ito ng tawa. Samantalang si Liz naman ay napakagat labi at pinipigil ang tawa. Nag-umpisa ang program ng maayos, hanggang sa tawagin ang Gobernador para sa panimulang talumpati. Si Victor ay lumabas sa restaurant at pumwesto sa kaliwang parte ng plaza, habang si Ridge ay nasa kanan naman. Si Liz naman ay nanatili sa tabi ni Gov. Nasa kalagitnaan na ng pagtatalumpati Ang Gobernador ng biglang magsalita si Liz na narinig ng dalawang lalaki mula sa earpiece na nakakabit sa kanila. "Guys , I don't like this feeling, may mali dito". " I agree, sabi ni Ridge Samantalang si Victor ay nanatiling tahimik na nakikinig sa kanila. Sa di kalayuan ay napatingin sya sa taas ng restaurant kung saan sya naroon kanina. Napatanggal sya ng aviator glasses at napamura sa nakita.. "Lizzie, may sniper", pasigaw nyang usal sa linya. At sa isang iglap ay may isang putok na umalingawngaw sa buong paligid. Ngunit bago ang pagputok ay naitulak na ni Liz ang Gobernador papunta sa pwesto ng bodyguard nito na si Cabrera. Parehas natumba ang dalawa ngunit agad din na nakabangon. Nagkagulo Ang buong paligid at nagtakbuhan Ang mga tao kung saan saang parte para magtago, samantalang ang iba naman ay tuluyang lumayo at umalis sa plaza. Si Victor naman ay agad na tinakbo ang taas ng restaurant ngunit hinarang sya ng dalawang guard. Nagpakilala sya sa mga ito na bodyguard ng Gobernador ngunit Hindi sya pinaniwalaan kaya nag-init ang ulo nya at sinuntok nya ang isa at tinutukan ng baril Ang Isa pa. Walang nagawa Ang mga ito kaya't hinayaan na lang syang umakyat sa taas. Subalit nahuli na sya dahil nakita nyang nakababa na ito na dumaan sa fire exit. Sinundan nya ito ngunit sadyang mabilis Ang kilos ng lalaki. Agad itong nakasakay sa get away motorcycle. Walang nagawa si Victor kundi sundan ang motor nito gamit Ang kanyang sasakyan, ngunit sadyang mabilis ang patakbo nito kaya naman nawala ito sa kanyang paningin. Puro mura Ang lumabas sa bibig ng binata, kung Hindi Sana sya hinarang ng dalawang guard ay siguradong naabutan nya iyon. Samantala si Liz naman ay sinundan ang isang lalaki na kanina pa nya napapansin. Nakasumbrero ito ng itim at naka-jacket pa ng maong. Sa gitna ng kaguluhan ay nakita nya ito na itinapon ang sigarilyong hawak at saka naglakad ng kaswal , nang nakasakay Ang Gobernador sa Van ay sinabihan niya si Ridge na iuwi si Gov sa mansion dahil may pupuntahan sya. Sinundan ni Liz ang lalaki hanggang sa makarating sya sa isang bakanteng lote malayo layo na sa kabahayan. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. " Hello Boss, pumalpak si Castro, ayun nakawala si Sandoval", sabi nito sa kausap. Kumpirmado ang hinala nya, may kinalaman nga ito sa kaguluhan kanina, pero sino ang boss nito?, tanong nya sa sarili. Ilang sandaling katahimikan pa ng muling nagsalita ito. " Boss ano kaya kung kidnapin na lang natin ang isa sa mga anak ni Gov, balita ko dumating galing America yung babaeng anak nya". Nang matapos ang pag-uusap ng lalaki at ng boss nito ay agad itong naglakad palayo pero bigla itong lumingon at tila may hinala ito na may sumusunod sa kanya. Nang muli itong humarap sa daraanan ay sya namang paglitaw ni Liz na nakatutok ang baril sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD