Chapter 26

1390 Words
" sinong boss ang kausap mo kanina?", tanong ni Victor sa lalaking nakaupo sa isang silya. Nasa isang isolated area ito kung saan tanging mga tauhan lamang ni Gov ang nakakaalam. Ngayon lamang nagising ang lalaki matapos itong makatulog dahil sa lakas ng pagsipa ni Liz sa kanya. " Wala akong alam sa sinasabi mo", sagot nito kay Victor. " Sige, kung ayaw mong magsalita Hindi Kita pipilitin". Tumayo si Victor sa upuan at lumingon sa mga tauhan na nakatingin. " Alam nyo na gagawin nyo dito", pagbibilin nya sa mga tauhan saka lumabas ng kwarto. Samantala ang mga tauhan naman ni Gov ay inihanda na ang mga gagamitin para mapaamin ito. Kung kailangan nila itong i-torture ay gagawin nila para lang mapaamin. Ilang oras pa ang lumipas at tila ba pagod na pagod na ang lalaki sa mga ginawa sa kanya ng mga tauhan ni Gov. Kahit anong pagpapahirap ng mga ito ay hindi pa din nagsasalita. Lumipas pa ang isang buong araw, Wala talagang makuhang impormasyon sa lalaki. Nang malaman ni Liz ang tungkol dun ay agad nyang pinuntahan ang lugar na pinagdalhan sa lalaki. " I want to see that asshole", sabi nya sa mga nagbabantay doon. Iginiya sya ng bantay papasok sa kwarto at matamang tinitigan nya Ang lalaki. Samantala si Victor naman ay nag-aabang lamang sa labas niyon. Matapos ang ilang sandali ay lumabas na si Liz, nakangisi ito na humarap Kay Victor. " It's Congressman Ventura", Saad nya dito. Napamaang si Victor sa dalaga, halos dalawang araw nang ginugulpi ng mga tauhan ni Gov ang lalaki pero walang nakuha na kahit na anong impormasyon ang mga ito sa lalaki, ngunit si Liz na nagtagal lang ng halos 5 minuto sa loob ay napaamin kaagad ito. " how did you do that?", tanong ni Victor sa dalaga. " we've just talked", sagot naman nito. Samantala matapos iyon ay agad na dumirecho ang dalawa sa Kapitolyo upang personal na ibalita sa Gobernador ang ginawang pag-amin ng lalaki. Isang sasakyan lamang ang ginamit nila at ito ay ang kay Victor dahil sa safehouse kung nasaan ang lalaki ay masyadong masikip at matarik ang daanan. Hindi na nakipagtalo pa si Liz sa bagay na iyon dahil ayos na din sa kanya na meron syang driver, at wala naman syang balak na umalis ng araw na iyon kundi sa Kapitolyo lamang. Tatlumpong minuto lamang ang itinagal ng dalawa sa opisina ng Gobernador. Ayon kay Victor ay sya na ang bahalang magpa imbestiga pa ng tungkol Kay Congressman Ventura. Palabas na ng opisina ni Gov ang dalawa ng biglang mamataan ni Liz ang isang lalaki. Ito yung lalaki na nakita nya nung araw na pumunta sya sa ilog. Patungo ito ngayon sa isang opisina ng Kapitolyo. Samantala si Victor naman ay pinagmasdan ang dalaga, sa hinuha nya ay may nakita ito base sa reaction ng dalaga. Nilapitan ito ni Victor, " what is it?", tanong nya. Humarap si Liz sa kanya bago kumunot ang noo at nagsalita, " That's him, the man in a black shirt, I saw him in the ilog, heading to opposite direction, pero bigla syang nawala at Hindi ko na nasundan pa, I know there's something about that man", sagot nya sa binata. " Puntahan natin yung sinasabi mo", si Victor habang nakatanawsa lalaki na nakatalikod. Lumulan ang dalawa patungo sa sinasabing lugar ng dalaga, ngunit bago pa man ay may plano si Victor ng araw na iyon. Alam ng binata na malapit lang sa ilog ang Bario Itaas kaya niyaya nya si Liz na magpunta sila sa sinasabi nito. Bago pinaandar ang sasakyan ay kinuha muna ni Victor Ang cellphone at nagtipa ng mensahe kung kanino. Samantalang si Liz naman ay nakatuon ang mata sa mensahe na pinadala ni Phoenix. Habang nagdadrive ay napapatingin si Victor sa dalaga, ilang ulit itong ginawa ng binata ng mapansin sya ni Liz kaya sa huli ay nagkatinginan sila, " why?, may gusto ka bang sabihin?", tanong ni Liz sa kanya. Umiling lang sya at napangiti habang Ang mata ay nakatuon sa daan, Ang kanang kamay ay nasa manibela at Ang Isa ay nakatukod sa may bintana habang hinahaplos ng marahan ang panga. Napakunot noo si Liz kaya muling nagtanong, "bakit mo ko tinitingnan?" "masama ba?", balik tanong ni Victor "bakit nga?", si Liz " Ang ganda mo!", nakangiting sabi ni Victor na napakagat pa ng labi. " matagal na", napangiting sagot ni Liz "bagay ka sa gwapo...bagay tayo", banat ng binata sabay kindat. " Likas talaga sayo ang pagiging malandi no?", balik banat niya. " Actually it's the other way around, sila Ang lumalandi sa akin", ilang segundong katahimikan bago ulit nagsalita si Victor, " isang babae lang ang nilandi ko sa buong buhay ko, unfortunately she doesn't like me", seryosong sabi nito sa dalaga. " TOTGA?", tanong ni Liz Napakunot noo si Victor, " ano yun?", "The one that got away?" "Maybe, I don't know", sagot nya. Hindi na nagsalita ang dalaga pero nilingon nya si Victor na nangingiti, Walang syang nagawa kundi ang umiling na lang. Napaisip tuloy sya kung sino ang tinutukoy nito, gusto nyang umasa na sana ay sya na lang ang tinutukoy ni Victor. Aminin man nya o hindi ay may kirot sa puso nya ang mga salitang binitiwan ni Victor. Napaisip tuloy sya kung anong klaseng boyfriend kaya ito kung sakaling naging sila. Ilang saglit na katahimikan Ang bumalot sa dalawa hanggang sa itinigil ni Victor ang sasakyan sa tagong parte ng kalsada. Bumaba sila at naglakad na lamang patungo sa sinasabi ng dalaga. Nasa kalagitnaan pa lamang sila ng paglalakad ng biglang dumilim ang kalangitan. Maya-maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Naisipan ni Victor na sumilong muna sa kubo na malapit sa ilog kaya doon nya niyaya ang dalaga. " madulas ang daan paakyat sa Bario Itaas, mas mabuti kung magpatila muna tayo ng ulan sa kubo", wika ni Victor. Hindi naman nakitaan ng pagtutol sa dalaga kaya't tinahak nila Ang daan patungo sa may ilog, habang ang ulan ay lalong mas lumalakas na may kasama pang hangin. Inalalayan ni Victor si Liz habang naglalakad, nang bigla itong nadulas at napakapit sya sa binata habang si Victor naman ay nahawakan sya sa bewang. Nagkatinginan sila na halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng mga mukha. " I got you baby!", nakangiting wika ni Victor. Hindi Naman ito pinansin ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad, ilang saglit pa ay narating na nila ang kubo ngunit ang mga damit nila ay halos inilubog sa ilog dahil sa sobrang pagkabasa. Hinubad ni Liz ang suot na cardigan ngunit maging ang black halter top na panloob nya ay basa na din. Hindi Naman nya iyon pwedeng tanggalin Kaya tiniis na lang nya Ang lamig. Samantalang si Victor naman ay hinubad ang pangtaas na polo shirt at natira na lamang ang pantalon nito. Itinali ni Liz Ang kanyang buhok in a messy bun style. Si Victor naman ay binuksan ang isang kabinet na naka-hang, kumuha sya ng 2 towel mula doon. Ang Isa ay ibinigay kay Liz at sinabihan Ang dalaga na hubarin muna Ang kanyang damit, sa una ay nagdalawang isip pa ito ngunit dahil sa lamig Kaya napilitan na din sya sa suhestyon ng binata. "c'mon Lizzie tanggalin mo na Ang damit mo, baka magkasakit ka pa", si Victor " talikod ka", maiksing tugon ni Liz. Agad namang tumalima si Victor at inayos na lamang ang kanyang baril na inilapag sa maliit na upuan. Nang mahubad ng dalaga Ang damit ay inilagay nya Ang mga ito sa hanger na nakasabit sa isang lagayan na mukhang open closet. Nagulat sya ng pagharap sa binata ay nakatapis na lang din ng twalya ang pang ibabang bahagi ng katawan nito. Pinaglandas ni Liz Ang kanyang paningin sa matipunong katawan ng binata, kitang kita nya ang anim na pandesal nito na parang gusto na nyang sunggaban. "shet! eng sherep!", usal nya sa isip. Napako ang tingin ni Liz sa kaliwang dibdib ni Victor, namangha sya sa magandang detalye na nakaguhit dito, hugis puso ito na may mga letra sa loob hindi nya magawang iiwas ang mga mata sa tattoo ng binata ngunit napukaw ang atensyon nya ng tumikhim si Victor. _____________________________ Hinga muna ng malalim para sa next chapter guys. Yung mga nagrequest ng SPG, eto na . Kapit na mga LACE fan dyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD