Liz/Ayla Grace POV:
" Minarkahan na kita, mula noon hanggang ngayon akin ka lang, nakatakda ka ng maging isang Sandoval".
Nagulat ako sa tinuran ni Victor, alam na ba nya na ako si Ayla?, hindi pa ako handa, ayoko pa. Marami pa akong planong gawin bilang si Elizabeth Harris.
Sa tono ng pananalita niya ay siguradong may alam na sya, pero paano ? Alam ko na walang magsasabi ng sikreto ko sa kanya dahil ito ang hiniling ko sa mga taong nakakaalam nito. Nagkunwari ako na walang alam sa sinasabi nya kaya tinanong ko sya.
" anong ibig mong sabihin?,
Mula sa pagkakasubsob sa aking leeg ay dahan dahan syang bumagon pero hinalikan muna ako sa pisngi at sa labi.
" Dont deny it love, I know everything", saad nya.
" what do you mean everything?", kunwang tanong ko.
Tiningnan nya ako sa mata at pumikit ng mariin, " Elizabeth Harris, Lady Violet, Ayla Grace Espinosa, you're one and the same person".
Mula sa pagkakahiga ay napaupo akong bigla dahil sa narinig ko. So, totoo nga, alam na nya lahat. Wala na akong kawala, alam ko ang karakas ni Victor, Hindi na ako makakapag sinungaling pa, pero gusto Kong malaman kung paano nya nalaman Kaya hanggang sa dulo ay kailangan Kong magpanggap na mali ang alam nya. Tingnan ko nga kung hanggang saan makakarating ang alam mo tungkol sa akin.
" Ano bang pinagsasabi mo dyan, mali ka ng inaakala mo Victor", sabi ko.
Humarap sya sa akin at hinawakan ang aking baba, Ang mga Mata namin ay napako sa isa't Isa. "Maaari mong maloko ang mga mata ko Ayla, pero ang puso ko ay hindi".
" Bakit Victor, ano ba Ang nasa puso mo?"
" ikaw!, Ikaw lang Ayla Grace, at hinding hindi ako nagkamali ng una kitang makita, alam ko na may iba sayo, dahil bukod tanging Ikaw lang ang nakakagawa sa akin ng mga bagay na iyon".
" ano ba ang ginawa ko sayo Victor?"
"bakit Hindi mo Kaya alalahanin mula umpisa", sagot nya.
Natawa ako ng maalala ko Yung mga sinabi ko sa kanya, Yung pagtawag ko ng supot at chorizo.
" ngayon natatawa ka", wika nya.
Mukhang Wala na nga akong kawala pa, pero gusto ko lang syang asarin, gusto ko din malaman kung paano nya nalaman na ako nga ito.
" Still, I'm not Ayla Grace, kaya wag mo kong daanin sa pa-cute mo", sabi ko.
He looked at me from head to foot, he chuckled then bit his lower lip
" nalawayan ko na ang buong katawan mo love, alam ko ang bawat himaymay nyan", sabay turo sa aking kabuuan.
"and so", pagtataray ko.
" and so, gusto mong isa-isahin ko Ang mga palatandaan sa katawan mo?, he asked.
Napatigil ako sa tinuran nya, ano nga ba ang alam nya sa akin. Bukod sa nagsex kami kahapon ay Wala na akong ibang maalala.
" We just had s*x yesterday Victor, kahapon lang, kaya wag mong sabihin sa akin na marami ka ng alam sa katawan ko unless binobosohan mo ko",I said.
He chuckled again,
" the heartshape birthmark near the tip of your n****e, the mole between your breasts, how can you explain that?, he looked at me intensely.
" the way you kiss me, is the same kiss I knew long time ago, alam Kong alam mo yun, dahil ako Ang nagturo sayo kung paano gawin iyon Ayla", mahabang turan nya.
Napamura ako sa isip, naalala ko na, sya nga pala Ang first kiss ko, sya din Ang nagturo sa akin na gawin iyon ng paulit-ulit. He bit his lower lip as if he's being pissed.
"And one more thing Ayla, what we had yesterday is not s*x, we made love.
Yes, I had s*x with some random women I barely know, ,I won't deny that, but I only made love with you, only with you! and I'll do it over and over again.! ", mariin nyang sabi.
" I won't allow you Victor, once is enough,"
" wag mo kong subukan mahal ko, I will not be a badass Sandoval for nothing, and you knew that very well", wika nya.
"you have no bragging rights Victor", I said.
" the hell I care!, I will claim what is rightfully mine, and you are mine Ayla, mine alone!", pagbabanta nya.
Napapikit na lang ako sa tinuran ni Victor. Alam ko sa kaibuturan ng puso ko kung gaano ko sya kagusto noon, pero Hindi ko nagawang ipagtapat sa kanya, at sa tagal ng panahon ay napagtanto ko na mahal ko pala sya, pero eto na naman ako, Hindi ko sya magawang mahalin ng malaya. Alam Kong masasaktan ko lang sya sa huli, alam Kong Walang patutunguhan ang mga bagay na ito sa amin. Hindi ako ordinaryong babae na kahit anong Oras ay kayang bitiwan Ang sinumpaang tungkulin.
Mula ng makabalik sa mansion ng mga Sandoval ay Hindi na muling napag usapan ng dalawa Ang tungkol sa pagkatao ni Ayla. Naiintindihan nya kung bakit ito nagawang itago ng dalaga, alam nyang ginawa ito para sa kaligtasan ng huli. Kinabukasan ay tinawagan si Victor ng kanyang assistant para ipaalam na nagkaroon ng problema sa isang project nila, agad Naman na umuwi ng Manila Ang binata para daluhan Ang kompanya.
Matulin na lumipas Ang dalawang linggo at naging abala silang pareho sa kani kanilang obligasyon. Si Victor ay naging abala sa negosyo habang si Liz ay sa kanyang tungkulin bilang FBI at ang personal na pakay nya.
Sa ilang araw na Wala si Victor sa probinsya ay umugong Ang balita na si Liz ay anak ng Gobernador na matagal na nawalay. Madalas din syang nakikita na kasama ng ama-amahan sa mga pagtitipon kung saan ito imbitado.
Isang araw ay naimbitahan ang Gobernador sa kasal ng anak ng kanyang kaibigan sa kabilang bayan, kasama nya si Liz na dumalo roon at gaya ng nakagawian ay ipinakilala sya nito na kanyang anak. Nasa venue na ng reception sina Liz ng makatanggap sya ng tawag galing Kay Phoenix. Lumayo muna sya sa mga tao at naghanap ng medyo tahimik na Lugar bago ito sinagot.
"Yes Phoenix"
" Violet, you need to see the pictures I sent to your email", sabi niya, sanay si Phoenix na tawagin ang dalaga sa code name nito na Violet lalo na kapag nag-uusap sila. Pero kapag usapang personal ay lumalabas Ang pagiging kaibigan nito at Ayla Ang tawag nya sa dalaga.
" I'm checking it", sagot Naman ng dalaga.
Ilang sandaling katahimikan bago bumuntong hininga si Liz.
" okay ka lang Violet?", tanong ng kaibigan.
" I'm fine, where can I find him?"
" I'll give you the address once you get here", saad nito.
Nang araw ding iyon ay nagpaalam si Liz kay Gov na babalik ng Maynila. Pumayag Naman Ang ama-amahan at binilinan sya na mag-ingat sa byahe.
Habang nasa daan ay madaming tumatakbo sa isipan ng dalaga. Halos gusto na nyang paliparin ang sasakyan para makarating agad sa Manila at makaharap Ang taong matagal na nyang hinahanap, Ang tao na naging dahilan ng pagkawalay nila ng Ina. Isinumpa nya mula noon na hindi sya titigil hangga't hindi nya nakukuha Ang hustisya para sa Ina, at malapit na itong mangyari, ngunit Hindi nya ito gagawing madali para sa lalaki.