Nagkita sina Liz at Phoenix sa restaurant ng isang hotel. Pinag usapan nila Ang detalye tungkol sa lalaking pakay ng dalaga. " Don't you think it's dangerous if you do it alone?", tanong ni Phoenix Kay Liz. Nagbunting hininga naman ang dalaga bago sumagot, " you know I've waited this for so long, Hindi ko na palalampasin pa ito",
Binigyan ng piraso ng papel ni Phoenix Ang dalaga kung saan nakasulat Ang address ng target niya. Nag-usap pa sila ng ilang detalye tungkol sa lalaking tutugisin ni Liz. Ilang sandaling katahimikan Ang namagitan sa dalawa habang umiinom ng kape, nakatanaw sa labas si Liz pero si Phoenix ay mataman syang tinitingnan. Hindi nakatiis Ang binata kaya't ipinatong nito Ang kamay sa kamay ng dalaga bilang pag comfort dito. Kilala na ni Phoenix si Liz, mula ng maging magkaibigan sila ay pareho silang walang sinisikreto sa isa't Isa. Batid nya na may malalim itong iniisip,
" What's bothering you?", tanong niya.
Napabaling sa kanya Ang tingin ni Liz at saka uminom ng kape.
" He knew about me ", maikling tugon ng dalaga.
" What's the big deal?", si Phoenix
" Ayoko syang madamay sa buhay na meron ako", usal niya
Lumipat si Phoenix sa tabi ni Liz at saka umakbay sa dalaga. Ganito silang dalawa kapag may problema ang isa.
Sa hitsura nila ngayon ay para silang magjowa na nagkakatampuhan at sinusuyo ng lalaki ang babae, pero sa kanilang dalawa ay walang malisya yun dahil sa katunayan ay engaged na si Phoenix at sa susunod na taon ay ikakasal na ito sa kaibigan ni Liz na isang surgeon sa America.
" You love him",
" Yes, but I don't think our relationship will last ",sagot ni Liz
" Kung ako Ang nasa katayuan nya ay mas gugustuhin ko na malaman Ang totoo Ayla, alam ko na kaya ka nyang protektahan".
" natatakot ako Nix",
"don't be, alam mo kung anong pinagdaanan namin ni Harriet", Ang tinutukoy niya ay Ang fiancee.
" magkaiba tayo ng sitwasyon Nix",
" magkakaiba Ang pinagdaanan ng mga tao Ayla, but the bottom line is Love,if you love each other you have to fight together".
" I'll try Nix".
Sabay silang tumayo at lumabas sa restaurant ng hotel, pero bago sila naghiwalay ay binigyan si Liz ng brotherly hug ni Phoenix.
Samantala sa di kalayuan ay huminto Ang isang Range Rover na nasa unahang linya ng stop light. Napatingin si Victor sa may right side nya at namataan Ang isang pamilyar na bulto. Nag-igting Ang panga ng binata ng makita ang pagyakap ni Liz sa isang lalaking matangkad, maganda Ang pangangatawan at gwapo. Gusto nyang bumaba ng sasakyan pero nakita nyang naka green na ito, ayaw nyang mag cause ng trapik Kaya iikot na lang sya para mag U-turn sa kabilang Kanto. Sa isip ay gusto nyang pilipitin ang leeg ng lalaking iyon. Nang makarating sya sa eksaktong lugar kung saan nya nakita Ang dalaga ay paalis na Ang Sasakyan nito, Hindi na din nya nakita pa Ang lalaki Kaya ipinasya nya na buntutan Ang Sasakyan ng dalaga.
Habang nagmamaneho Naman Ang dalaga ay napansin nya Ang pamilyar na sasakyan na nakasunod sa kanya. While driving, she dialed a number on her phone that is connected to her car speakers, naka dalawang ring ito bago may sumagot.
"why are you following me", bungad nya sa binata.
" because I want to",saad naman ng isa.
Walang paalam na ini-off ni Liz ang tawag at hinayaan na lang ang binata na sundan sya. May pakiramdam Ang dalaga na Hindi maganda Ang mood ni Victor. Ilang sandali pa ay nakarating si Liz sa kanyang bahay. Habang Si Victor ay nakabuntot pa din. Bumaba sya ng sasakyan at pumasok sa kabahayan, isasarado na sana nya Ang main door ng biglang may tumukod na paa dito.
Napatingin sya sa binata na salubong Ang makakapal na kilay at mariin na nakatitig sa kanya. " what are you doing here?", tanong nya.
" who is that f*****g asshole Ayla?", napataas ang boses ni Victor.
" what are you talking about Victor?", kunwang tanong nya pero Ang hinuha ng dalaga ay nakita sila nito ni Phoenix kanina.
Napasandal si Liz sa pader malapit sa pinto ngunit laking pagsisisi nya dahil lumapit Ang binata at inilapat Ang dalawang kamay sa pader dahilan upang makulong sya dito.
Napatingala ang binata at tila nagpipigil ng galit, ibinalik nya Ang tingin sa dalaga at muling nagsalita.
" Gaano ba kahirap sayo para mahalin ako?, sya ba Ang dahilan Kaya nahihirapan Kang aminin sa akin Ang totoo?, Kilala ka ba nya ng lubusan?"
Walang sagot na lumabas sa bibig ni Liz, kahit gustong gusto nyang itama Ang maling akala ng binata ay Walang salitang lumalabas sa kanya. Alam nyang nagseselos ito sa nakita.
Napapitlag si Liz ng hampasin ni Victor Ang pader sa tabi nya.
" Tangina naman Ayla, ano pa bang gusto mong gawin ko para maramdaman mo ko, Wala ba talaga sayo yung nangyari sa atin?"
" Victor", tanging lumabas sa bibig ng dalaga.
Humugot ng malalim na hininga si Victor na waring nagpapakalma.
" You used to call me Ace, Ayla, now you're calling me Victor...Wala lang ba talaga ako sayo?, Kasi Ako...
Napahilamos ng mukha ang binata at tumingala na parang may tinitingnan sa taas, Nang ibaba nya ang paningin ay namumula Ang gilid ng mga mata nito.
"Ako, putangina, high school pa lang alam ko na Kung anong gusto ko, Ikaw lang Ayla Grace, kahit kelan Hindi ka nawala dito", sabay turo sa tapat ng dibdib kung saan Ang puso nya.
" Kung ano man Ang nakita mo, it's not what you think it is", wika ni Liz
" Then what is it ?",
Napalunok muna ng laway Ang dalaga dahil sa tensyon na bumabalot sa kanila.
Binawi nya Ang tingin Kay Victor bago nagsalita, " he's a good friend and an ally , he knew about me", she uttered sincerely.
Victor smirked then speak, " right!, he knew about you, what about me Ayla?, kelan mo sasabihin sa akin, o may balak ka pa bang sabihin sa akin?"
Walang salitang lumabas sa bibig ni Liz, Hindi nya alam kung anong sasabihin nya Kay Victor. Sukol na sya sa pagkakataong iyon. Hindi na sya pwedeng magdeny pa. Hindi nya alam kung ano ba talaga sila ng binata. Bakit pakiramdam nya ay kailangan nyang mag-explain dito.
" Ano ba Ang meron Tayo?, matapang nyang tanong Kay Victor.
" Ano nga ba Ayla, ano ba ako para sa'yo?, balik tanong naman nito sa kanya.
Hindi nakaimik ang dalaga, nagtatalo ang isip nya kung susundin nya ang payo ng kaibigan o kung itatago na lang nya ito sa binata. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila,
" kung hindi pa sapat sa'yo ang mahabang panahon para makapag isip, siguro ako naman ang lalayo, baka sakaling mahalin mo na rin ako".
Tumalikod si Victor matapos itong sabihin at nasa may pintuan na sya ng biglang magsalita si Liz.
" Love"...
" Love please stay".
__________________________________
First time magselos ni Papa Victor,
mainit ang ulo nya, hindi ko lang sure kung yung ulo sa taas o yung sa baba, chaaar!
May babaeng pakipot, may lalaking marupok, ano kaya ang susunod dito? hmmmm!