Iginiya ng mga bodyguard ang dalaga sa tutuluyan nito kung saan naghihintay si Master Lee. Ayon sa bodyguard ay kailangan nyang maging mabait sa amo nila dahil kapag diumano nito nagustuhan ang kanyang performance ay magagaya sya sa mga babaeng nauna sa kanya. Hindi naman umiimik si Liz at nanatiling nakasunod sa mga bantay, ang hindi alam ng mga ito ay nakikita sila ng mga kasamahan ni Liz sa control room. May hidden camera kasi na nakakabit sa hikaw ng dalaga na syang nagsisilbing mata nila. Samantala, hind naman mapakali si Victor habang naka monitor sa nobya. Naka ilang stick ng sigarilyo na sya mula ng kunin si Liz ng mga bodyguard ni Master Lee. May tiwala sya sa kakayahan ng nobya pagdating sa pakikipaglaban, ngunit ang labis na inaalala nya ay paano na lang kung maunahan ito ni Master Lee na kilala ding marunong sa wushu.
Umakyat sina Liz kasama ang mga bodyguard sa helepad, ayon sa isa ay nauna na ang amo nila sa isla na pag mamay-ari nito. Narinig nila Hans ang usapan ng mga tauhan ni Lee kaya naman doon nila susundan ang target. Samantala panay mura naman si Victor dahil sa di inaasahan, ang akala kasi nila ay di na lalayo pa ang target nila pero sa kasamaang palad ay tinangay pa nito si Liz sa isang isla. Wala pang limang minuto ay dumating ang back up nilang chopper at agad silang lumulan doon upang sundan sina Liz. Nakamonitor pa din sila sa dalaga hanggang sa makalapag na ang helicopter na sinasakyan nito sa isla. Napakaganda ng nasabing isla, private island na kung titingnan mo ay isang sanctuary dahil sa taglay na ganda at katahimikan. Sa pagkakaalam ni Liz ay sakop iyon ng probinsya na pinamumunuan ng kanyang Ninong Ramon. " Kung suswertehin ka nga naman, wika ng dalaga sa sarili.
Muling iginiya si Liz ng dalawang tauhan ni Master Lee kung nasaan ito. Isolated ang nasabing isla dahilan upang manaka nakang mawala ang dalaga sa radar ng grupo nila Victor. Tinatandaang mabuti ni Liz ang lahat ng kanilang nadadaaan, mula sa kabuaan ng isla habang nasa himpapawid sila hanggang sa paglapag nila dito, maging kung ilang tauhan ang
naroon upang salubungin sila ay hindi nakaligtas sa pagmamatyag ng dalaga.
Sampung minuto matapos makalapag ng helicopter na sinasakyan ni Liz ay sya namang pagdating ng chopper na sinasakyan ng grupo ni Victor, hindi sila pwedeng lumapag malapit sa kinaroroonan ng mga kalaban kaya't
isa-isa silang nagsipaglundagan sa mababaw na parte ng dagat. Muli na namang nawala sa radar nila ang dalaga, ang hindi nila alam ay tinanggal na ni Liz ang kanyang earpiece at tanging ang hikaw na lamang ang monitoring device na meron sya.
Pagtapat ni Liz sa pinto kung saan naroroon ang target nya ay agad syang pinagbuksan ng tauhan nito.
"Master Lee, narito na po si Lady Violet", saad nito sa amo. Kumumpas naman ang matandang lalaki na nagpahiwatig na iwan na silang dalawa roon. Nakatanaw si Master Lee sa labas ng bintana kung saan makikita ang malawak at kulay asul na karagatan.
Pumihit ito ng dahan dahan sa kanya, tumayo ito mula sa upuan at lumapit sa kanya. Hindi gumalaw sa pagkakatayo ang dalaga, pinakiramdaman nya ang mga kilos ng matanda. Nang tuluyang nakalapit ito sa kanya ay hinawi nito papunta sa isang bahagi ng batok ang
kanyang mahabang buhok.
"nice to meet you Master Lee?", pagbati nya sa matanda.
Inamoy amoy ng matanda ang buhok ng dalaga, nang tangkain nitong hawakan ang mukha nya ay agad na kinuha ni Liz ang kamay nito. " not so fast Master Lee", mapang akit na usal nya.
Napangisi naman ang matandang manyak, ngunit sa isip ng dalaga ay pinipilipit na nya ang ulo nito.
Itinulak ng bahagya ni Liz ang lalaki, dahilan upang mapahiga ito sa kama, lalo lamang lumaki ang pagkakangisi nito na napadila pa sa labi. " I like that Violet, I like wild and hot woman in my bed", anas nito. Napangiwi naman ng lihim ang dalaga dahil sa pandidiri ngunit hindi nya ito pwedeng ipahalata. Inutusan nya ang lalaki na dumapa sa kama, " I'll make it more satisfying for you Master Lee", wika ng dalaga habang hinahaplos nya ang likod nito na animo ay minamasahe. Halos mabaliw baliw naman ang matanda dahil sa hagod ng kamay ni Liz. Inupuan pa ng dalaga ang pang upo ng matanda at marahang hinahagod ang likod nito sa pamamagitan ng kanyang mga palad.
Samantala mula ng makapasok si Liz sa kwarto ni Master Lee ay automatic na nawalan ng signal ang kanyang device na nakakabit sa hikaw, hindi na sya ngayon namomonitor nila Hans, bagay na nagpainit ng ulo ni Victor.
" Bok anong nangyari bakit nawala?", alalang tanong nito sa kaibigan.
" Nawalan ng signal Bok, hindi na namin ma-retrieve", sagot naman ni Hans.
Muling napahithit sa kanyang sigarilyo ang binata at di na mapakali. Ilang saglit pa ay hinagis nito ang stick ng sigarilyong nakakalahati pa lamang.
" Hindi na ko makapag hintay, hindi ko kayang tumayo lang dito at maghintay ng balita", wika ni Victor.
Nasa isang tagong parte sila ng isla kung saan walang mga nakabantay. Sa tantya nila ay nasa mahigit limampu ang mga tauhan ng matanda.
Naglakad si Victor malapit sa may cottages, sinigurado nya na hindi sya makikita ng mga bantay doon. Kasunod nya ang dalawang kaibigan na sina Jigger at Hans, samantalang naka position naman ang iba pang kasamahan sa kanya kanyang mga pwesto. Naghihintay ang mga ito sa magiging desisyon ni Victor kung kelan susugod. Sa di kalayuan ay natanaw nila ang malalaking bangka na de motor na nilalagyan ng mga kahon, kung anong laman ng mga iyon ay sya nilang aalamin.
"Mga Bok", pagtawag ni Victor sa dalawang kasama, agad naman nagsilapit ang mga ito sa kanyang kinaroroonan at pinagmasdan ang kanina pa nya tinitingnan.
" Positive Bok", wika ni Jigger
" Drugs, guns and amunitions", saad naman ni Hans.
" Kailangan nating makita mismo ang pinanggagalingan nyan, malakas ang hinala ko na dito nila sa isla ginagawa ang mga droga", si Victor habang patuloy na tinatanaw ang mga lalaking maya't maya ang paglagay ng mga kargamento sa mga bangka.
Maglalakad na sana ang tatlo upang tuntunin ang pinagmumulan ng mga kargamento ng may marinig silang magkakasunod na putukan.