Chapter 37

1305 Words
The event will start in 15 minutes, lahat ng babaeng kasama sa auction ay nakahanda na rin. Si Ayla ang nag- undercover sa nasabing event bilang si Agent Liz Harris sa kanyang mga kasama. Nakapasok si Liz sa nasabing event dahil sa bugaw na kakilala ng organizer ng sindikato. Ang bawat babae sa nasabing auction ay may minimum bid. Depende kung virgin pa ito o slightly used. Napeke ni Ayla ang result ng test nya dahil na din sa connection ni Victor. Lumabas sa tests na virgin sya kaya't sya ang pinaka highlights ng event. Bukod kasi sa virgin ay talagang napakaganda ng dalaga at siguradong pag-aagawan sya ng mga negosyante na hayok sa laman. Hindi basta-basta ang pwedeng pumasok sa auction house, tanging mga kilalang negosyante lamang iyon at ang mga member ng organisasyon ng sindikato. Ang target ni Ayla ay makuha sya ng negosyante na si Huazse Lee o mas kilala sa tawag na Master Lee. Ito diumano ang pinaka pinuno ng sindikato na syang nagbibigay ng financial aid sa mga corrupt na politiko para pagtakpan ang kanyang mga illegal na negosyo. Magaling magtago si Huazse Lee dahil hindi alam sa business world na isa syang sindikato, sa katunayan ay kilala ito bilang isang pilantropo, at walang kahit na sinong mag aakala na sya ay pinuno ng isang big time and international syndicate. Sadyang magaling lang talaga si Liz at lahat ng impormasyon ay nakuha nya dahil sa pagkakahuli nya sa kanang kamay nito. Samantala si Victor naman ay naka antabay sa event hall at hinihintay ang pag-uumpisa ng auction. Kasama sa nasabing operasyon ang grupo ni Victor, si Hans ang nasa control room ng van kung saan namomonitor nila ang galaw ng nasa loob ng event venue, kasama nya doon ang isang FBI agent na kasamahan ni Liz. Samantala nakakalat din sa nasabing lugar ang mga kaibigan ni Victor na mga ex military. Ang iba sa kanila ay nagpanggap na waiter habang ang iba ay barista. At dahil hindi basta nakakapasok sa event na iyon ay kailangan nila ng invitation, hindi rin pwede ang fake invitation dahil may seal iyon na tanging ang organisasyon lamang ang meron. Naka earpiece si Liz kaya't naririnig nya ang pag uusap ng mga kasama. Nasa waiting room siya ngunit sumilip sya sa kabuuan ng nasabing lugar sa pamamagitan ng kanyang multi function watch na kung titignan ay isang malapad na bracelet or bungle. Sa karamihan ng tao ay nahagip ng mata nya si Victor na nasa loob ng venue. May pinihit sya at biglang dumirekta ang tawag kay Victor. " paano ka nakapasok sa loob ng venue?", bungad nya kay Victor. " wag mo ng alamin Mahal ko, basta legit ang pagpasok ko dito",sagot naman ng huli. " Wag kang gagawa ng kalokohan Victor, baka masunog ang pagcover ko", banta nya dito. " Basta wag kang magpapahawak sa ibang lalaki Mahal ko magbe-behave ako". " ewan ko sayo, bahala ka", sagot naman ng dalaga. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay inabangan ni Victor ang isang French Businessman, tinakot nya ito kaya ibinigay sa kanya ang invitation na para dito. Hindi alam ng dalawa na naririnig sila ng mga kasamahan na ngayon ay nangingiti na. Samantala ang FBI agent naman na nasa control room ay nakakunot noo na bumaling kay Hans, " what are they talking about?", tanong nito. " Nothing, they're just talking about whats happening inside", tugon naman ni Hans. Nang mag-umpisa ang pagtawag sa mga babae ay naririnig ni Liz ang pag-iingay sa loob ng event venue. " calling once,calling twice,... Lady in Red sold for one hundred thousand dollars", saad ng emcee. Nang matapos ang mga babaeng naisalang sa bidding ay mas lalong umingay ang buong paligid. " and now, the wait is over for the most anticipating part of this event, the highlight of this evening is none other than an international model who came all the way from Paris", narinig ni Liz ang pagpapakilala sa kanya ng emcee. Sinuggest ng dalaga na magsusuot sya ng maskara kapag lalabas sya sa event hall para may element of surprise, hindi naman tumutol ang organizer, bagkus ay pumayag ito sa suhestyon nya para mas mapataas diumano ang presyo nya. Ang hindi alam ng organizer ay ang maskarang gamit ni Liz ay ang maskara na pamatay sa target nya. Tumayo si Liz sa isang malaking glass tube habang, nakatakip ito ng tela na parang ginawang telon, at dahil sya ang highlight ng event, kailangan na masabik ang mga magbibid sa kanya. Nang lumapat ang glass tube sa isang entablado ay narinig nya ang pagpapakilala ng emcee, "Gentlemen I'd like to introduce to you Lady Violet". Ibinaba ang tela na nakatakip sa kanyang kinalalagyan at bumaba sya mula doon. Narinig nya ang pagsinghap ng mga kalalakihan na naroon, ang iba ay sumisipol pa habang ang iba ay nababakas sa mga mata ang pagka mangha, unti -unting umingay ang buong lugar. Mula sa kanyang maskara ay nakikita nya lahat ng reaction ng mga nandun, hindi nila alam na ang maskara na iyon ay may especial na katangian sapagkat yun ay parang cctv camera at lahat ng anggulo ay nakikita. Maging ang pangalan ng mga naroon ay kaya nitong mabasa. Tanging ang organisasyon na kinabibilangan ni Violet ang nakakaalam ng mga bagay na iyon sapagkat konektado iyon sa data base nila. Samantala si Victor naman ay kanina pa nagngangalit ang mga bagang dahil sa selos na nararamdaman, sino ba naman kasi ang hindi magseselos kung halos lahat ng naroon ay pinagnanasaan ang kanyang mahal. Muling nagsalita ang emcee, "Bidding for lady Violet starts at one hundred thousand dollars". Nagtaas ng kamay ang isang may edad na lalaki, " two hundred thousand dollars", saad nito. Kumumpas ang isa pang may kaputian na din ang buhok, " three hundred thousand dollars". " five hundred thousand", saad ng matandang manyak Pinapakiramdaman ni Victor ang mga nagbibid at halos kulang na lang ay magwala sya doon, nanlilisik ang mga mata nya na tinitingnan ang mga lalaki. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ni Liz kaya't nagsalita ito ng magkalapat ang mga ngipin para hindi mapansin ng mga tao ang pagkibot ng bibig nya. " I can see you Victor, sinasabi ko sayo wag kang eeksena kung hindi masisira ang lahat ng pinaghirapan natin dito", pagbabanta sa binata na patuloy pa din nagtataggisan ang mga ngipin at nagngangalit ang bagang sa inis. " Konti na lang babarilin ko na sa ulo ang mga hayup na katabi ko", saad naman ng binata. Bigla naman sumingit sa usapan nila si Jigger, " Bok relaks, mamaya naman babalik na sayo ang mahal mo", pang aasar nito. " Tangna Bok magtrabaho ka dahil pag may nangyari sa asawa ko isusumpa kita, mag-aasawa ka ng matrona tangna ka!". ganti naman ni Victor sa kaibigan. Napahagalpak ng mahinang tawa si Jigger. Napansin naman ni Liz ang pagngiti ng mga kasama nila, waring natatawa ang mga ito sa sagutan ng dalawa. Kitang kita mula sa kanyang kinaroroonan ang lahat ng mga tao doon dahil bukod sa nasa mataas na bahagi sya, nakatulong din ang hi-tech na maskara nya. Samantala biglang nagsalita si Hans, " stand by team, pumasok na ang target", imporma nya sa mga kasamahan. Tila naman naging matang lawin ang mga ito dahil sa narinig. Nagtuloy-tuloy ang palitan ng presyo para kay Liz, hangang sa umabot na ito ng one million dollars. "going once, going twice,... naputol ang sasabihin ng emcee ng may biglang nagsalita, "two million dollars", saad ng lalaking kakapasok lamang. Nabuhayan ng loob si Liz, eto na ang hinihintay nyang pagkakataon, hinihiling nya na sana ay wala ng pumatol pa doon. "two million dollars", going once, going twice, binitin muna ng emcee pagkatapos ay pinukpok ang malyete katunayan na tapos na ang bidding. "sold for two million dollars. Congratulations Master Lee, the lady is yours.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD