Ayla Grace POV:
Pagkasakay ko sa Passenger seat ay agad Naman umibis papunta sa drivers seat si Mang Kepweng. Nakakatuwa siya dahil mukha syang mabait, at medyo may pagka kwela Ang personality nya.
Nang umusad na Ang Sasakyan ay pinagtripan ko ulit sya.
" What's your name by the way?", tanong ko sa kanya.
" Me, well...
wow, maka well naman to si Kuya, ano yun balon?, charot! sige lang kuya mag English ka lang, nyahaha! para akong kontrabida sa pelikula.
" I'm Juan, but you can call me John, you know imported, here in the Philippines we are local that's why they call me Juan, but because you are imported you call me John", nakangiting paliwanag nya.
Wow! haba ng paliwanag ni kuya huh! spokening dollar pa Yan. haha!
" alright John, nice to meet you"
" nice to meet you too Ma'am Grace, you know you are beautiful, I'm lucky because Sir Oskie choose me to drive for you".
" oh, thank you John, you're really a nice person. Don't worry I'll give you tip later"
" No need Ma'am, I'm happy because I see you now, but if you really like to give me I will not refuse. Thank you in advance"
Natawa ako sa sinabi nya, pajengjeng din to eh, kunwari ayaw pero gusto Naman. Pero seryoso Naman ako, bibigyan ko talaga sya ng tip mamaya.
" How long have you been driving for your boss by the way?, tanong ko ulit.
" I'm just a part time driver Ma'am, if Mang Lito is not feeling good, I drive for Sir Oskie, but my true job is bodyguard"
Hahaha! true job talaga huh! meron bang false job?, chaaar!
Paniwalang paniwala talaga si Mang Kepweng este si John na foreigner ako, pati Kasi Yung accent ko Walang sablay. hahaha! sige lang John, nag-eenjoy pa ako eh.
" Do you love your job as bodyguard, its risky isn't it"?
" Risky sometimes if there is action, bakbakan, you know fighting fighting"
"ah, I get it, so you're at ease with your job the way I see it. "
" actually Ma'am...,
wow maka actually ka talaga dyan huh! sige push mo yang actually mo, kala mo Naman Ang hirap ng English ng actually, Wala lang kontrabida Ang utak ko eh. haha!
" Actually Ma'am, I'm lucky because Sir Oskie is very generous, he send me to school that's why I choose to work for him because of my...of my, tangina ano na nga English nun, ...ah! I know, because of my credit inside"
Napakamot sya sa batok, sabay bumulong sa sarili nya pero narinig ko pa din." Tama ba Yung English nun, bahala na, may common sense Naman yata sya", kausap nya sa sarili.
Alam ko na Yung tinutukoy nya pero natutuwa talaga ako sa determination nya para lang maintindihan ko sya.
" what's credit inside"?, tanong ko sa kanya.
" credit inside means, in Pilipino, we call it utang na loob, you know when someone do something good to you, and you cannot pay back because you have nothing to pay".
Napatango ako kunwari sa sinabi nya,
narinig ko na naman ulit syang pumalatak,
" tangina, ubos na English ko dito", di naman sinabi ni boss na mapapalaban pala ako ngayon sa englisan, Sana nagbaon ako dictionary".
Bubulong -bulong na sabi nya, at dahil nag eenjoy ako sa pagpapahirap sa kanya kaya di ko sya tinantanan.
" what, are you saying something?", tanong ko sa kanya.
" ha?, a,e, nothing, I said I hope you understand me, sorry limited English only, sometimes wrong grammar".
" it's alright John, don't belittle yourself, in fact you're a good conversationalist".
Syempre bumawi Naman ako, totoo naman Kasi, naaliw ako sa kanya.
" if you're tired Ma'am you can sleep, traffic here in the Philippines is worst, maybe we arrive our destination after 1hour".
" alright then, just lemme know if we're already there, thanks John".
" Sure, you're welcome Ma'am."
Pumikit ako ng mata, nagkunwari akong tulog, naglagay pa ako ng eyepad para effective Ang pagpapanggap. Maya-maya ay naghilik ako ng mahina, syempre kunwari din lang.
" Hay salamat, tulog na, lintik talaga to si Mang Lito, ngayon pa talaga umabsent kung kelan susundo ng imported. Pero di bale, buti na lang maganda, at mabait pa, at Ang pinaka malupet mamaya may tip ako, sorry ka na lang Mang Lito, okay na din pala na Hindi ka pumasok".
Natatawa ako sa isip ko habang pinapakinggan ko Ang litanya ni John.
Makalipas Ang isang Oras ay naramdaman Kong bumagal Ang takbo ng sasakyan, maya-maya ay huminto ito.
Naramdaman ko na tumikhim si John, Kaya Naman tinanggal ko Ang eyepad at nagkunwari na nagising. "Mam Grace we arrived already". Nakangiting wika nya.
"yeah, thanks John". Pinagbuksan nya ako ng pintuan at kinuha Ang aking maleta. Bago ako bumaba ay kumuha muna ako ng pera sa wallet, Wala akong dalang Peso, Hindi kasi Ako nakapag papalit ng Philippine money bago nagboard kahapon, Kaya bibigyan ko na lang si John ng 100 dollars dahil talagang naaliw ako sa kanya. Bahala na sya magpapalit. Nang pababa na ako ng sasakyan ay inalalayan nya pa ako, at sinabing welcome to Manila. Natawa ako sa sinabi nya, dapat ay kanina pa nya Yun sinabi nung andun pa sa airport.
" I forgot to welcome you kanina Mam, so welcome again.".
Ayun nakalimutan Naman pala nya.
Bago kami makapasok sa pinto ng bahay ay inipit ko sa kamay nya Ang 100 dollars. Nagulat pa sya sa ginawa ko,
" that's for you John, thank you for a very warm welcome, napasaya mo ako, Ikaw na bahalang magpapalit nyan ha, wag ka ng tumanggi, salamat ulit".
Tila Naman naestatwa sya sa sinabi ko, ng makabawi ay biglang nagsalita,
" nagtatagalog ka Mam?, marunong ka mag Tagalog?" tila Hindi makapaniwala ng tanong nya. Tumango Naman ako sabay tawa. " syempre Naman, eh nag-eenglish ka Kasi kanina Kaya sinasagot Kita ng English.
" Ay tangina, ay sorry Mam, nabigla lang ako, akala ko kasi foreigner ka, anak ng tokwang panis oh! "
Napahalakhak Naman ako sa reaction nya. Habang sya Naman ay kakamot kamot sa ulo.
" Grabe Mam,nagutom ako sa kakaenglish ko kanina di ko alam na marunong ka pala magtagalog, langhiyang buhay to oh, Ang tagal ko pa naman tinago sa baul Yung mga English ko, inipon ko Kaya yun ng matagal na panahon, paubos na nga eh". Mahabang litanya nya sa akin habang ako Naman patuloy na tumatawa.
" Alam ko nga ubos na Yung Baon mong English eh", sabi ko Naman.
"Paano mo po Nalaman Mam?".
" Eh pinatulog mo na ko, so malamang ayaw mo na ko kausap.".
Wala syang ibang magawa kundi magkamot na lang sa ulo habang napapailing.
Nang makaakyat ako sa kwarto ay agad Kong inilapag Ang aking mga dala, nahiga muna ako dahil talagang miss ko Ang kama. Nakatingin lang ako sa kisame ng biglang may nag pop up na message sa screen ng phone ko. It's from Papa.
" Just take a rest anak, we'll have dinner later, I'll treat you, where do you want to eat?".
Nag-isip muna ko ako bago nagreply, Hindi pa Oras para lumabas ako kasama si Papa. Baka may makakita sa amin, kahit nag- iba na Ang hitsura ko ay Hindi pa din nawawala Ang pangamba sa akin.
Tuluyan lang akong makakampante kapag natapos ko na Ang dapat Kong gawin. I typed my reply to Papa,
" Let's have dinner at home Pa, it's not yet time, baka may makakita sa atin sa labas."
Maya-maya ay nagreply sya,
" sige anak kung Yan Ang gusto mo, magpapaluto na lang ako ng paborito mo then sabay Tayo magdinner pag uwi ko, for now magpahinga ka muna, alam ko may jet lag ka pa, may importante lang akong meeting ngayon. Please understand anak".
"okay po. see you later Pa. "
Ang haba ng message ni Papa tapos ako okay lang, kaloka!
Pero okay lang Naman talaga ako, Hindi ako nagtatampo sa kanya, mula ng magpunta ako ng US ay lagi Naman kaming magkausap. Pero sa tagal ng panahon na yun ay once a year lang ako Kung madalaw ni Papa, at nag umpisa nya lang akong dalawin doon two years after Kong magpunta ng US. Naiintindihan ko Naman Kung bakit nya Yun kailangang gawin. Tanging ang kapatid ni Mama at Ang kanyang asawa Ang tumayong magulang ko. Palibhasa Wala silang anak dahil baog Ang asawa ni tita Kaya itinuring nila akong tunay na anak.