Chapter 7

1449 Words
Victor POV: Matapos naming mag-usap ni General Matias ay sinabi nyang kailangan nya munang kausapin ang Presidente tungkol sa suggestion ko. Anyway, Hindi lang Naman Ang iisang tao Ang makakapag benefit Kung sakaling masawata Ang malaking illegal na operasyon dito sa bansa. Sa ganang akin naman ay gusto Kong mabigyan ng hustisya Ang nangyari sa Daddy ko na pag ambush noon, at Ang death threat na meron ngayon Ang Uncle ko na governor sa aming probinsya, alam Kong lahat ng ito ay magkaka konekta, Hindi lang sa hinala ko kundi sa ilang impormasyon na nakalap ng mga tauhan ko. When I talked to Ninong Oscar, I suggested na kung pwede ay gagawa ako ng isang grupo na makikipag tulungan sa mga NBI at FBI para madali naming mahuli Ang sinasabing Drug Lord, at nang sya mismo Ang magturo Kung sino Ang syang mga kasabwat nito na malalaking negosyante at mga politiko. Inilatag ko sa kanya Ang ilang Plano ko, at ako na din Ang pumili ng mga tao na pwede Kong makasama. Sa ganito ay nakakasiguro ako na Walang maaring mag double cross sa aming operasyon. Pagkatapos naming mag-usap ni Ninong ay dumirecho ako sa opisina ko, kailangan ko din asikasuhin Ang aming negosyo, ayokong mapabayaan ito lalo na at kami Ang nangunguna ngayon sa industriya. Kinabukasan ay maaga naman akong nagpunta sa security agency ni Hans. Sinabi ko sa kanya Ang napag usapan namin ni Ninong Oscar, si General Matias na aking Ninong ay tyuhin ni Hans, kaya naman madalas din silang nagkakausap. At laking pasalamat ko ng malaman na pumayag ang Presidente sa suggestion ko, sa tulong na din ni Ninong. Ngayon ay pupunta ako sa hide out namin ng aking mga kagrupo, sila din ang napili Kong isama sa mission na ito. May tiwala ako sa mga ito dahil Hindi lang sila Basta Basta, mga ex military din sila na umalis sa serbisyo at mas pinili na lang na mamuhay ng simple. Ang grupo namin ay isang brotherhood na kapag Ang Isa Ang mangailangan lahat kami ay nandyan para tumulong. Kami ni Hans ang nagtatag ng grupo na ito, meron kaming sampung member. Ibat- iba din Ang expertise namin sa grupo. Ang hide out namin ay tago sa karamihan, mukha itong simpleng lumang mansion sa gitna ng malaking lote, pero sa loob nito ay kumpleto sa kagamitan, meron din kaming sari-sariling silid dito. Kung minsan ay dito na din kami nagsasanay. Isang beses sa isang buwan ay nagkikita-kita kami dito para mag-meeting at magkamustahan. Nang makarating ako sa hide out ay nakita kong may mga nakapark na sasakyan, halos nandito na pala silang lahat, ako na lang yata Ang kulang. Pagpasok ko sa loob ay narinig ko Ang malakas na tawanan ng mga Gago, mukhang ako na naman Ang topic nila. Palibhasa dalawa na lang kaming binata sa grupo, ng umalis Kasi sila sa serbisyo ay agad nagsipag asawa. Palibhasa mga takusa, takot sa asawa. Sa di kalayuan ay nakita ko si Jaime, Ang pinaka kwela sa aming lahat. Pag angat nya ng mata ay sakto palapit na ako sa kanila. " Pota mga Bok, eto na pala si chickboy" Sabay-sabay pa silang tumingin sa gawi ko. " Chickboy, ano yun pwede sa chix at sa boy?", Tangna Bok, ayusin mo, sabi Naman ni Luis. Napamura ko sa mga pinagsasabi ng mga gunggung. " Putang Ina, pag naubos na babae sa mundo kakamayin ko na lang tong alaga ko kesa ipasipsip ko to sa bampirang may lawit". Nagtawanan Naman ulit Ang mga sira-ulo, ganito kami kaingay pag nagsama-sama. Para lang kaming bumalik sa mga panahon na magkakasama pa kami sa training. Dito ay walang ranggo, lahat kami pantay-pantay. Matapos mag asaran ay naging seryoso na ang usapan namin. Nilatag ko sa kanila Ang mga impormasyon na nakalap ng mga tauhan ko. May mga litrato ng mga politiko na sangkot sa nasabing organisasyon, maging ilang artista at kilalang mga negosyante sa bansa ay kasabwat din. " Si Jojo Canlas madali natin Yan mako-corner Bok", saad ni Nicolo. " May Plano nako para dyan Bok, pero kailangan natin plantsahin", sagot ko naman. " Sa tingin mo Bok legit lahat ng nasa listahan?", tanong ni Mateo " Yan Ang dapat nating siguruhin, Kasi Yung ibang nakalista dito mukhang di kapani-paniwala ". " Eto nga kanina ko pa iniisip, Jaque Dupont, magaling to sa negosyo at maingat sa pakikipag transaction, Wala din itong record ng kahit anong anomalya", si Ridge habang nakatingin sa picture ni Dupont. " Hintayin natin ang FBI at NBI kung anong info meron sila, madali lang natin Yan maveverify Kung legit Ang lahat ng nakasulat dito". ____________________ Ayla Grace POV: " Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Philippine Airlines welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Dalisay with First officer Pimentel and the rest of the team, we thank you for choosing Philippine Airlines, the heart of the Filipino. Mabuhay!" Wow! Pilipinas, muli na naman tayong nagkita. After 15 years, nasilayan ko ulit Ang aking Lupang Sinilangan, Ang mausok, maingay, mainit at polluted na hangin ay muli ko na namang malalanghap. I somehow miss this place, totoo nga Ang kasabihan, Home is where the heart is, at nandito pa Rin Naman Ang puso ko, nasa Pilipinas pa din, at naiwan sa isang tao long time ago. Char! Pero mukhang sa tagal ng panahon na di kami nagkita ay baka nakalimutan na ako nun, or baka may pamilya na sya. Magsesenti muna ako habang Wala pang action, sa mga susunod na araw for sure bakbakan na naman eh. Kinuha ko Ang aking maliit na maleta, naglakad ako papunta sa exit ng airport, Ang sabi ni Papa ay may susundo sa akin, Isa sa mga tauhan nya, gusto ko sanang umayaw pero mapilit sya, Kaya ngayon ay hahanapin ko pa tuloy Kung sino Yung hudas na susundo sa akin. Sana Naman pogi yun para worth it Ang paghihintay ko. Habang naglalakad ay tumunog Ang messenger ko, si Papa Ang nagmessage, " Look for the man wearing black polo shirt with Red handkerchief on his head" Ano ba Naman to si Papa, magbibigay na lang ng tagasundo si Mang Kepweng pa, Wala ba syang ibang matinong tauhan. Ilang saglit pa akong nagpalinga linga sa kinatatayuan ko, hanggang nakita ko Ang tinutukoy ni Papa na lalaki. Lumapit ako dito at nginitian ito kahit pa di ko Naman sigurado kung sya na nga yun. Bahala na, sya lang Naman Ang mukhang Mang Kepweng eh. Nang makalapit ako ay nagtanong sya, "Ma'am Grace, are you the one" Naks! natawa ako sa English ni Mang Kepweng. Naisip ko tuloy syang pagtripan. " Yes, it's me, I'm Grace, so you're the one whom my father send to fetch me right?" "Yes Ma'am, let's go, the car is waiting outside", matigas na sagot niya. Naaliw talaga ako Kay Mang Kepweng, Kaya pahihirapan ko muna syang mamilipit sa English. Ilang saglit pa ay narating na namin Ang Sasakyan. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Kuya, naks! feeling turista talaga ko. Sino ba Naman Ang maniniwalang Hindi ako foreigner, eh sa hitsura ko pa lang Hindi na makikita Ang bakas ng pagiging Pilipina ko. Noon kasing bago ako magpunta ng Amerika ay mahaba talaga Ang buhok ko, mahabang maitim na unat, at medyo chubby din ako nun, matangos Naman Ang ilong ko at Ang mata ay may pagkasingkit na bilugan. Kahit maputi ako ay halata Ang features ko bilang Asian. Pero ngayon ay Wala ng ganitong bakas sa akin. Sabi nga ng mga kaibigan ko ay para akong pinaghalong mukha ni Chloe Bennet and Shu Qi. At sa height ko na 5'7 mukha akong turista na rumarampa habang naglalakad kanina habang papunta ng exit gate. Sa naging mga trabaho ko ay natuto akong mag-ayos ng sarili, at Isa din Kasi iyon sa mga skills na kailangan kong matutunan. Sa ilang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay madami na din akong naging trabaho. Naranasan ko din maging part time model at rumampa sa runway ng Paris. Kung sa ibang babae ay dream come true ito, pwes sa akin ay trabaho lang talaga. Sa trabaho ko ay natutunanan ko na din magtago ng emosyon. Pero kahit ganun ay meron pa din isang tao na namumukod tangi sa puso ko. Saan na Kaya sya ngayon, ano na Kaya Ang hitsura nya?. I have all the ways and means para mahanap sya at malaman Ang tungkol sa kanya, pero mas pinili ko pa Rin wag gawin iyon. Mas gusto Kong tadhana Ang gumawa ng paraan, dahil sa klase ng trabaho ko ay di maiwasan na baka mauwi lang din sa hiwalayan kung magkakaroon man ako ng karelasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD