Federal Bureau of Investigation
AGENTS PROFILE:
Name: Elizabeth Harris
Age: 28
Birthplace: Chula Vista California
Rank: Senior Special Agent
Skills:
- Linguist, can speak fluently in French, Spanish, German, Mandarin, Nihonggo, Italian and Filipino language
- Taekwondo 3rd degree Black Belt
- Aikido and Muay Thai trainer
- Weapon Mastery:
Arnis and Kendo
__________________
Pagkatapos basahin ni Victor ang pinaka last profile ng FBI agent na makakasama sa mission ay sakto Naman pumasok si Hans sa opisina nito. Nagbro fist ang dalawa na madalas nilang ginagawa kapag nagkikita. Umupo sa swivel chair si Hans samantalang si Victor ay sumandal naman sa katapat nitong upuan.
" Bok, anong plano mo?", tanong ni Hans sa kaibigan.
" Sa ngayon Bok, ay mas priority ko ang safety ni Uncle Ramon", sagot naman nya dito.
Napatango naman si Hans bago muling nagsalita, "nabasa mo na ba Yung profile ng mga FBI agents?"
" oo pero nagulat lang ako na may kasamang babae sa team nila".
"Ang totoo nyan, Hindi lang Basta FBI agent Ang babaeng yun Bok," pagtatama ni Hans.
" Anong ibig mong sabihin Bok?"
Tumayo si Hans at kinuha Ang isang file sa filing cabinet na naka lock. Pagkatapos ay bumalik sa swivel chair bago nagsalitang muli.
" Si Elizabeth Harris ay Hindi lang special agent ng FBI, dahil Isa din syang secret agent Bok, madami na syang mission na natapos sa madaling panahon, Kaya sya Ang pinadala dito sa Pilipinas dahil subok na Ang kakayahan ng babaeng iyan, at di hamak na magaling talaga, sya given naman sa kanyang data".
Napatango si Victor sa sinabi ng kaibigan, parang na-curious tuloy sya sa hitsura ng babaeng iyon. Sa isip nya ay baka boyish yun, or Kaya ay bato bato ang katawan gaya ng ilang mga babae na nakasama nila dati ng nagtitraining pa sila noon.
" Bakit Walang picture Yung profile na pinadala sayo Bok?", biglang tanong nya Kay Hans, kahit Naman alam nya na Ang sagot ay gusto pa din nya marinig sa kaibigan, baka sakaling meron Naman talaga ayaw lang ipakita sa kanya.
" Sa totoo lang Bok ay may picture na kasama yan, pero yung kay agent Harris ay Wala, Ang sabi ng kausap ko ay masyadong mailap Ang babaeng iyan, bukod tangi na sya lang Ang walang picture sa FBI data system, malamang ay pinoprotektahan nila Ang identity dahil sa maseselan na mission na ginagawa nya.".
Napatango siya sa tinuran ng kaibigan, alam nyang may katotohanan Ang sinasabing iyon ni Hans. Bilang sundalo ay alam nya Ang importansya ng identity ng isang secret agent.
" Sya nga pala Bok, nakausap ko na si General Matias, pumayag na sya sa gusto mo, nakatimbre na din sa Presidente Ang tungkol dun."
Ang sinasabi ni Hans ay Ang Plano ni Victor na magbalik serbisyo, pero Hindi bilang kapitan ng Navy kundi ay Ang maging Isa sa mga taong tutugis sa malaking sindikatong sampung taon na nasa bansa. At dahil sikreto Ang magiging galaw ng NBI Kaya piling pili lang Ang mga tauhan na nakakaalam sa mission na ito. Pinakiusap ni Victor Kay General Matias na kung maaari ay isama sya sa mission na ito. Hindi lingid sa kaalaman ng Heneral na delikado Ang mission na ito lalo pa at malalaking tao Ang nasa likod ng sindikato.
Yesterday...
Habang binabagtas ni Victor ang kahabaan ng Edsa ay tinawagan nya
Ang Ina para sabihin na maaga syang umalis, alam Kasi nya na magtatampo na Naman ito lalo pa at matagal na naman sya makakabalik sa mansion. Batid ni Victor na magiging abala sya sa mga susunod na araw lalo pa at sunod sunod ang projects nila, idagdag pa Ang isipin na may death threat na natanggap ang tyuhin nya. Hindi maalis sa isip ni Victor na baka maulit Ang nangyari sa kanyang ama noon. Bago pa man nya mai-dial Ang Numero ng Ina ay tumunog na Ang cellphone nya, pinindot nya Ang speaker na nakakabit sa kanyang sasakyan at sinagot ito. Nakita nya sa screen na Ang daddy pala nya Ang tumatawag sa kanya.
" Hello Dad"
" Son, where are you?"
" Along Edsa Dad, papunta ako sa opisina ni Hans"
" Drop by at your Ninong Oscar's office,
gusto ka nyang makausap"
" Sure Dad, please tell Mom I'll call her later".
" I will, mag -ingat ka Victor"
" Thanks Dad, kayo din po"
Matapos nilang mag-usap ay ipinasya ni Victor na dumaan ng Camp Crame para daanan Ang opisina ng Ninong nito. Si General Oscar Matias ay syang kasalukuyang AFP Chief of Staff. Habang nagmamaneho ay may nabuong Plano sa isip ni Victor, Ang kailangan lang nya ay makumbinsi Ang kanyang Ninong para maisakatuparan ito.
______________________
FBI Headquarters, Washington D.C ...
" Agent Harris please come in", ito Ang narinig ng nag-iisang FBI agent na babae
na makakasama sa mission sa Pilipinas.
" Good Morning Director Murphy", bati ni Agent Harris sa kausap.
" Cut the formality Lizzie, I know that you're very much excited to go to the Philippines, am I right?", tanong ng FBI Director Kay Agent Harris.
" Come on Chris, It's not as if I'm going
to a vacation, you know that", sagot Naman nito sa kausap.
" I know, I know my dear, but after your mission if you want to extend there for a vacation just lemme know alright?"
" Then maybe I should already ask for it
now", nakangising sagot ni Agent
Haris.
" Granted", nakangiting saad ni Director Murphy.
Nag usap lang ng ibang detalye Ang dalawa patungkol sa kanilang gagawin ng mga kasamang agent para sa mission sa Pilipinas.
" Thank You Chris, I owe you this", kinindatan pa ni Lizzie si Chris bago tuluyang tumayo at magpaalam.
"I think I should be going now, I'll prepare for my flight later Chris, see you when I get back, Saad nya sa Boss.
"Ciao Bella", sagot Naman ni Murphy, na ang ibig sabihin ay" Bye Beautiful".
Pagdating sa condo unit ng dalagang Agent ay Hindi na ito nagpatumpik tumpik pa. Naglagay ito ng mga damit sa maletang maliit, Hindi na sya magdadala pa ng madaming damit dahil pwede Naman syang bumili sa Pilipinas. Balak din nyang pumunta sa Boracay at Palawan, Ang dalawang tourist destination na matagal na nyang gustong puntahan. Pagkatapos nyang mag impake ay naisip nyang tawagan Ang mga magulang na nasa California.
Kinuha nya Ang cellphone at nagdial ng number. Sa pangatlong ring ay may sumagot sa kabilang linya,
" Lizzie my darling, how are you?", sagot ng nasa kabilang linya.
" Hi mom, I miss you, how's Daddy Trevor?"
" Oh he's doing fine baby, when will you visit us?"
Bago pa makasagot sa Ina ay narinig nya na may boses na sumingit sa kabilang linya" hey honey who's that", tanong ng lalaki, alam nya na ito Ang kanyang hinahanap kanina,
" Mom is that Daddy?", tanong nya sa kausap.
" ah, yeah, wait I'll put you on speaker", sagot nito sa kanya.
" Hey sweetie, daddy misses you a lot",
narinig nya sa kabilang linya.
" Hi Dad, I miss you too and Mom, sorry if I can't visit you there, it's just that I have lots of workload this time. "
" It's okay I understand, but please visit us here soon, how are you in DC"?
" I'm good here Dad, by the way, I called because I want you and Mom know that I'm going to the Philippines tomorrow, I mean my flight will be later this evening."
"What! "
"Seriously!"
Halos magkapanabay na sagot ng dalawang kausap nya sa kabilang linya.
Halos maihagis Naman ni Lizzie Ang hawak na cellphone dahil sa lakas ng boses ng mag-asawa. Nang makabawi ay sya na din Ang unang nagsalita.
" of course Mom, Dad, I'm serious, and don't worry because I'm not going there alone okay, I have two agents with me"
Hindi na bago sa dalaga Ang reaction ng mga magulang, alam nya na maaring tumutol Ang mga ito kung sinabi nya agad ang pagpunta sa Pilipinas, Kaya mas pinili nya na ipaalam ito ngayon, Kung kelan ilang Oras na lamang ay aalis na sya. Hindi lingid sa kaalaman ng mga magulang na nagtatrabaho sya FBI as Linguist and interpreter, pero Ang Hindi Alam ng mga ito ay Isa na syang Special Agent ng ahensya, at mas lalong Hindi alam ng mga ito na Isa din syang secret agent. Sa pagtatrabaho ni Lizzie bilang secret agent ay madami na syang naipundar, Kung tutuusin ay kahit di na sya magtrabaho ay Kaya na nyang mabuhay ng masagana sa Amerika.
Matagal bago nakasagot Ang dalawa sa kabilang linya, pero di kalaunan ay nagsalita si Mommy Norma,
" Are you sure about this Elizabeth"
" Yes Mom, don't worry about me too much, I will be fine"
" Just always make sure that you're safe there my Lizzie", sabi Naman ng kanyang Daddy.
" I'll take note of that Dad, and you too, please take your medicine alright?, and Mom please don't stay up late night"
" Don't worry about us, we're old enough to always be reprimanded by our own daughter".
" Sure I know that Mom, Dad, but please don't be too hardheaded , both of you, I don't wanna go back there knowing that one of you is sick. "
Natawa Ang dalawang matanda, alam nya na nagtuturuan na naman Ang dalawang iyon dahil sa sinabi nya.
" by the way, I'm about to go now oldies,"
" hey!what did you say lady, who is old anyway?, Saad ng Dad nya.
" whatever Dad, I love you, and I love you Mom, I'll call you again when I'm in Manila already. "
" alright then, take care and enjoy your vacation in the. Philippines", wika ng ama.
" Bring something for me when you get back home Darling", singit Naman ng Ina.
" I will Mom, I'll bring home the Philippines with me when I get back"
" Bye Mom, Bye Dad, I'll hang up"
" alright, Bye, see you soon"