Present Time...
Maagang umalis si Victor papuntang opisina, hindi na din nya nagawang magpaalam pa sa mga magulang, tanging Ang guard ng mansion at ang mayordoma na laging maagang magising ang syang nakakita sa kanya ng umalis. Ipinasya nya na puntahan ang kanyang Uncle Ramon na kasalukuyang nasa bahay nito dito sa Manila, ayon sa sekretarya ay tumaas umano Ang blood pressure nito matapos makatanggap ng death threat. Habang nagmamaneho sya papunta sa bahay ng tiyuhin ay naisip nya Ang envelope na ibinigay ng ama kagabi. Alam ni Victor Ang kakayahan ng kanyang kaibigan pagdating sa pagkalap ng mga impormasyon, madami itong mga maasahang tao at marami ding koneksyon sa loob at labas ng Pilipinas.
Kaya lang ay ipinagtataka nya na sa loob ng tatlong taon ng paghahanap nya Kay Ayla Grace ay Hindi nya ito matagpuan, Wala ding bakas Kung saan ito huling nagpunta, tanging sa school nila nya ito huling nakasama at matapos noon ay naglaho na lang ito na parang bula. Wala din Naman itong record ng pagkamatay Kaya nasisiguro nya na buhay pa ito at malamang ay nagtatago lang, pero anong dahilan, tanong nya sa isip.
Samantala, pagkarating nya sa gate ng subdivision ng kanyang tiyuhin ay kinausap nya Ang mga guard na bantay nito, Exclusive subdivision ito at mahigpit Ang seguridad pero ayaw nyang pakampante Kaya mahigpit syang nagbilin sa sekyu, kilala sya ng mga ito dahil galing ito sa agency nila Hans. Bago lumagpas sa gate ay sinaluduhan pa sya ng mga guard at siniguro na gagawin nila Ang lahat para Hindi makatyamba Ang mga masasamang loob na magtatangka na makapasok sa subdivision.
Nang makapasok sya sa gate ng mansion ng tiyuhin ay nakita nya Ang naglipanang bodyguard nito na mga nakabarong pa. Ang iba Naman ay mga naka itim na polo. Nang makilala sya ay halos sabay sabay na sumaludo ito sa kanya. Bago sya nagtuloy sa loob ay sandali muna syang nakipag usap sa mga ito gamit Ang maotoridad na boses.
"Kumusta kayo dito?", tanong nya.
Nilapitan sya ng head ng security na si Leonel Cabrera, dalawang taon ang tanda nito sa kanya pero alam nito ang katungkulan nya sa dating trabaho.
" Maayos naman sir, nagdagdag na din kami ng mga escort na pulis kapag lumalabas si Gov", saad nito. Ang security head ng kanyang Uncle Ramon ay higit na maasahan, Kaya Naman ito Ang laging katabi nito kapag nasa sasakyan. Mahigpit din ito sa mga bagong tauhan, maglilimang taon na ito na kasa-kasama ng Gobernador at talagang palagay na Ang loob nito dito. Malaki umano Ang utang na loob nito sa amo sapagkat kung hindi dahil kay Gov ay baka matagal ng nawala ang kanyang asawa't dalawang anak. Hindi lang din iilang beses na napatunayan ni Gov ang katapatan nito, naroong sinuhulan ito ng kalaban ng gobernador ng nakaraang halalan para lang magbigay ng impormasyon ngunit imbes na masilaw sa pera ay mas pinili nitong maging tapat sa pinagsisilbihan. Dati din itong sundalo ngunit ng mamatay Ang ka-buddy nito sa isang engkwentro ay dinamdam nito, at sa pakiusap ng asawa ay umalis ito sa serbisyo, nang mangailangan ng dagdag na bodyguard si Gov ay kinuha nya ito at syang ipinalit sa nagretirong head ng security.
" kapag nagkaroon ng aberya wag kang magdalawang isip na tawagan ako", bilin nya dito. " yes sir", maagap nitong sagot. Tinapik nya ito sa balikat at saka sya nagtuloy sa loob, doon ay nakita nyang nakatayo Ang tyuhin sa harap ng garden habang nakapamulsa at tila malalim Ang iniisip. Nilapitan nya ito at kinuha Ang kamay para magmano. Medyo nagulat ito ng makita sya, marahil ay inisip nito na napaka aga pa para puntahan sya. pasado alas sais pa lang ng umaga.
" Hijo, napaaga ka yata ng dalaw, Tara sa dining at sabayan mo na ako mag almusal"
Magkasunod silang pumunta sa dining, nang makaupi ay saka nagsalita si Victor.
" Ang totoo Uncle ay halos hindi ako makatulog kagabi, nag aalala ako sa
inyo"
Habang kumukuha ng tinapay ay tiningnan sya ng tyuhin,
" Kung Ang inaalala mo ay Ang nangyari sa amin ng iyong daddy ten years ago, ay masasabi Kong Hindi na mauulit iyon Victor"
Pagkainom nya ng kape ay tumingin sya sa gobernador, " paano kayo nakasisiguro Uncle?"
" Dahil mahina na Ang kapit ngayon ng mga ulupong na kumakalaban sa akin, at alam nilang Hindi ako madaling kalaban Victor, look at me, I'm still alive and kicking after the incident mas lalo akong naging determinado na malagay sa dapat nilang kalagyan Ang mga Walang hiyang tiwaling opisyal sa gobyerno", mahabang salaysay nito sa kanya.
" Sa palagay ko ay malapit na nating mahuli Ang pinaka ugat nito Uncle, nagkausap kami ni Dad kagabi, at yun Ang aalamin ko ngayon, dumaan lang talaga ako dito para kumustahin kayo at siguraduhin Ang kalagayan nyo".
" Don't worry too much Victor, malakas pa Ang Uncle mo kesa sa kabayo", pabiro nitong wika.
Natawa si Victor sa banat ng tyuhin.
" Malakas ka pa nga sa kabayo Uncle kaso Wala ka Naman napaglalaanan ng lakas mo, Hindi nyo ba namimiss si Auntie Giana?", ang tinatanong ni Victor ay Ang asawa ng tyuhin na nasa US kasama Ang bunsong anak na si Gratzel.
Katulad nilang magkapatid ay magkahiwalay din Ang kanyang tatlong pinsan, Ang panganay na si Gwen ay isang music teacher sa Spain, Ang pangalawang si Randall ay sikat na chef sa Las Vegas, at Ang bunsong si Gratzel Naman ay unti-unti ng nakikilala sa Paris bilang Fashion Designer. Kasalukuyang nasa US Ang mag-ina para mabisita si Randall at pagkatapos Naman ng isang buwan ay pupunta ng Spain para makasama si Gwen.
Sa tinanong ni Victor ay napabuntong
hininga Ang tyuhin at saka nagsalita.
" Sa totoo lang ay nagpapasalamat pa ako na Wala sila dito sa mga panahon na ito, kahit paano ay palagay ang loob ko na malayo sila sa panganib na dulot ng pinili kong landas. Ngayon ko napagtanto na sa panahon ngayon ay Kung sino pa Ang mabuti Ang kalooban ay sya pang nadedehado, at Ang mga kawatan Ang syang malakas Ang loob na gumawa na kalokohan. Pero Hindi ako titigil hanggang di ko nakikitang nabubulok sa kulungan Ang mga tinamaan ng magagaling na yun, at Kung papalarin ay mas maigi ng mamatay na sila para mabawasan Ang mga kriminal dito sa Mundo, at ng mabawasan na din Ang mga katiwalian sa gobyerno. Alam Kong madaming sangkot na malaking pangalan dito, at di ako natatakot sa kanila, Basta nasa Tama ako, pasasaan ba at matatapos din ito".
Nakakuyom Ang kamay ng tyuhin nya habang nagsasalita, halata Ang galit nito. Marahil ay di rin nito maiwasan na isipin Ang nangyari sa daddy nya noon.
Matapos Ang almusal at kwentuhan ng magtyuhin ay nagpaalam na si Victor, sinabi nito na may importante pa itong pupuntahan at binilinan Ang gobernador na wag munang uuwi ng probinsya lalo na at mahabang byahe iyon. Paplanuhin nila Ang pag uwi nito pagkatapos ng kanilang governor's assembly para siguradong ligtas ito na darating sa probinsya.
_______________
Binabagtas ni Victor Ang kahabaan ng Edsa, papunta sya ngayon sa opisina ni Hans na malapit lang sa Camp Crame.
Napapa isip na naman sya sa profile ng mga FBI agents na nakita nya kagabi, hindi sa Wala syang tiwala sa mga ito pero parang may iba syang pakiramdam sa mga iyon. Parang gusto nyang makilala Ang mga iyon, gusto nyang makita sa personal para makasiguro sya na magiging maayos Ang mission ng mga ito, at handa Rin syang makipagtulungan lalo na at involve din Ang kanyang tyuhin sa nangyayari. At Ang nais nyang magkaroon ng katarungan Ang naging pag ambush sa kanyang ama Sampung taon na Ang nakaraan.
Nang panahon Kasi na na-ambush Ang kanyang ama ay nasa training sya, Wala syang komunikasyon sa pamilya dahil ipinagbabawal ito, Isa ito sa mga dapat nilang tiisin sa loob ng kampo Kung saan sila nagtitraining, pero sulit Naman Ang kanyang paghihirap dahil natapos nya ito ng may mataas na karangalan.
Nang malaman nya Ang nangyari sa ama ay isang buwan na Ang nakaraan, saktong palabas na sila ng training at mag - uumpisa ng sumabak sa totoong hamon ng kanilang propesyon. Halos pangapusan pa sya ng hininga ng Makita nya Ang ama sa hospital ng dalawin ito.
dalawang buwan na-comatose Ang ama nya dahil sa Tama ng bala na natamo nito sa katawan.
Nang lumabas Ang initial report ay napag alaman na Ang kanyang ama ay biktima ng mistaken identity, Ang bala na natamo ng kanyang ama ay para pala sa kanyang tyuhin na si Ramon Salvador, Ang bagong halal na Gobernador ng kanilang probinsya. Marahil ay inisip ng gunman na ito si Gov dahil magkamukhang magkamukha silang magkapatid, malamang dahil identical twins sila. Ngunit kahit hindi napuruhan Ang ama ay Hindi maikakaila na meron namang isang buhay Ang nasawi dahil doon, at yun ay Ang matagal ng driver ng kanilang pamilya.
Mula ng araw na iyon ay ipinangako ni Victor na pananagutin nya sa batas Ang may gawa nun, ngunit sa Hindi malamang dahilan ay naging mailap Ang hustisya sa kanila, hanggang ngayon ay patuloy pa din nyang inaalam iyon. At dahil sa natanggap na death threat ng tyuhin ay muli na namang sumidhi Ang kanyang mithiin na tuluyan ng mabura sa Mundo Ang mga may gawa nun. At nagpapasalamat sya dahil may kaibigan sya na handang tumulong sa kanila.