continuation...
Sa paglipas ng mga araw ay lalong naging mailap si Ayla Kay Victor, ayaw ng dalaga na mahulog Ang loob nya ng tuluyan sa binata, naisip nya na Ang kanilang nararamdaman ay paghanga lang, at kahit naging vocal si Victor sa kanya tungkol sa nararamdaman ay mas pinili ng dalaga na wag itong bigyan ng mas malalim na kahulugan. Hindi nagbago Ang trato nila sa isa't Isa, si Victor ay inaasar pa din sya lagi samantalang si Ayla naman ay binabale Wala lang sya at Kung minsan pa ay sinusungitan.
Lingid sa kaalaman ng binata na ang pagsusungit ni Ayla sa kanya ay dahil nais lang nitong pagtakpan Ang paghanga na nararamdaman na din nya para sa kanya. Alam ni Ayla na may pagtingin na din sya para Kay Victor, pero hangga't maaari ay ayaw nyang ipaalam ito kahit na kanino, kahit pa sa kaibigan nyang si Andrea dahil ayaw nyang makarating ito Kay Victor.
Matapos Ang Christmas break ay masigla na ulit na nagsibalikan Ang mga estudyante sa school, unang araw ulit ng klase nila at excited si Victor na makita
si Ayla. Katulad ng nakagawian ay umupo muna ito sa tabi ng dalaga, kahit na Hindi sya nito pinapansin ay kuntento na sya na katabi nya ito.
Ngunit dahil sadyang likas na may pagkapilyo Ang binata ay Hindi nya tinitigilan si Ayla hanggang Hindi sya nito napapansin. At Ang tanging way lang para mapansin sya nito ay Ang pang-aasar. Kinalabit nya Ang dalaga, ng lumingon ito sa kanya ay nagkunwari syang tulog, nakapikit sya kunwari.
Nang muling tumalikod Ang dalaga at kinalabit ulit sya nito, naka ilang ulit na ginawa yun ni Victor, at ng sa huli ay nagtagumpay sya, naasar nya na naman ito, " Ano ba Ace bumalik ka na nga sa upuan mo, wag mo ko bwesitin Ang aga pa huh!'", litanya ni Ayla habang nakakunot Ang noo na humarap sa kanya.
Sa tinuran ng dalaga ay parang naestatwa Naman si Victor, napakagat labi sya at sumilay Ang nakakalokong ngiti sa labi, samantala muling umirap si Ayla at nagkamot sa ulo,
" ano na naman Ang tinatawa-tawa mo dyan "
Lumapit si Victor sa kanya at bumulong,
" Gusto ko Yung tawag mo sa akin, no one calls me by my second name except you and my mom, don't change it, unless you want to call me Love"
Napa-awang ng kaunti Ang labi ni Ayla, parang ayaw rumehistro sa utak nya Ang sinabi ni Victor, pero ganun pa man ay pinanaig pa din nya Ang matinong kaisipan, sumagot sya dito na waring naiinis, " Victor or Ace, whatever Ikaw pa din Naman yun", sagot nya dito. Sa isip ng dalaga ay kinikilig sya pero ayaw nyang ipahalata,at lalo Naman na ayaw nyang umamin.
" Call me Ace please, I will not allow any woman to call me by that name except you, because you're special to me Ayla Grace, or shall I say Love?"
Muli na namang napamaang si Ayla sa tinuran ni Victor, para syang namamagnet ng mga matatamis na salita ng lalaking kaharap, nung kelan lang ay para silang aso't pusa, ngayon Naman ay para itong timang na kung ano ano Ang sinasabi sa harap nya.
"May lagnat ka ba?", tanong ni Ayla ,sinalat pa nito Ang ulo ni Victor para makasiguro. Tinawanan Naman sya nito, Maya maya pa ay nagsalita na,
" anong kala mo sa akin nagdedeliryo na?, if I know kinikilig ka nga eh", Walang preno nitong tudyo sa kanya. Tila nag-init Naman Ang ulo ni Ayla, alam Naman nya sa sarili na kinikilig nga sya pero bakit parang nahulaan ng mokong na kaharap nya. Samantala tila ba na-save Naman sya dahil biglang dumating Ang teacher nila para sa first subject. Pero mas lalo pa syang naasar dahil sa mga sumunod na nangyari. Nakita ng teacher si Victor na nakaupo sa tabi ni Ayla, nakuha nito Ang atensyon nila," Victor bakit ka nasa tabi ni Ayla, di ba alphabetical arrangements Ang
upuan nyo? tanong ng maestra.
"babalik na po sa upuan ma'am, nagbakasakali lang po ako, sagot nya.
" anong nagbakasakali?, Ang layo ng Espinosa sa Salvador , muling tanong ng teacher nila.
Habang tumatayo sa upuan sa tabi ni Ayla ay muling sumagot si Victor, " nagbabaka sakali lang po na mapalapit si Ayla sa apelyido ko ma'am, mukhang maganda po Kasi Ang tunog ng pangalan ni Ayla Kung karugtong Yung Salvador, nakangiting sagot ni Victor.
Bigla na lamang umingay Ang loob ng classroom dahil sa tuksuhan ng mga kaeskwela nila. Maging Ang guro nila ay natawa na lang sa tinuran ni Victor. Para sa guro ay normal Naman Ang biruan na yun sa mga high school students. Samantala si Ayla naman ay namumula na sa kahihiyan dahil sa mga tukso ng kaklase.
Mabilis na dumaan Ang mga araw, araw ng mga puso ay saktong magkakaroon ng JS prom sa school nila. Isang linggo bago Ang prom ay nilapitan ni Victor si Ayla, " ehem! Love, este Ayla, ", napalingon Naman Ang huli, tila di nito narinig Ang tawag na Love sa kanya.
" Bakit?",tanong nya, nagkamot muna sa batok si Victor, " may sasabihin Sana ko eh", tila di mapalagay si Victor Kaya Naman napakunot noo si Ayla,
"ano ba, bakit para Kang manok na di mapaitlog dyan" , tanong nya Kay Victor.
" ah, eh! taena di ko masabi"
"ano? minumura mo ba ko Ace"?, tanong ni Ayla ng marinig Ang huling sinabi nya.
" no, ah Kasi gusto ko Sana Ako Ang date mo sa promo Ayla" there, nasabi din nya sabay kamot sa batok.
" Bakit Naman ako", tanong ni Ayla
" bakit Naman Hindi Ikaw", balik tanong nya sa dalaga. Umirap muna si Ayla bago ulit sumagot, "actually nag iisip pa Kasi Ako Kung pupunta ako sa prom night", matapat nyang sagot sa binata.
Tila nalungkot Naman si Victor sa narinig, Hindi ito nakalampas sa mata ng dalaga, Kaya Naman agad din nyang binawi, " Wala kasing magsusundo sa akin pag uwi Kaya nagdadalawang isip akong pumunta, sobrang late na Kasi yun matatapos eh".
Tila nag ilaw Naman Ang mga bombilya sa likod ng ulo ni Victor, may naisip sya na gawin, " yun lang ba Ang inaalala mo Ayla?, Kung yun lang ay Kaya Naman Kita ihatid sa inyo pauwi, Kung gusto mo ay ipagpaalam pa Kita at ako na din Ang susundo sayo para sabay na tayo papunta dito.
Nag-isip muna Ang dalaga, maya-maya ay humarap ito ulit sa kanya,
"okay", simpleng sagot ni Ayla. Napamulagat si Victor sa narinig, " okay na Love, I mean Ayla", tanong nya sa dalaga.
" anong love ka dyan, okay na pumapayag na ko, sige na,sige na"
" pumapayag ka na? Tayo na?, yes Tayo na, yes!yes!", may pag suntok pa ito sa hangin.
" huy! anong Tayo na, pumayag lang ako na maging partner mo sa prom, anong pinagsasabi mo dyan unggoy ka?"
" sabi ko nga Tayo na, Tayo na Ang partner sa prom, yun Ang ibig Kong sabihin, yun ganun" ,halos magkanda utal utal siya kapapaliwanag Kay Ayla.
" yun, ganun, ayusin mo, baka kalbuhin Kita ", pairap Naman na sabi ni Ayla.