Chapter 3

1188 Words
Matapos ang pag-uusap ng mag-ama ay ipinasya ni Don Roman na magpahinga na, samantalang si Victor naman ay pinili na maiwan muna sa study room. Iniisip nya ang posibleng mangyari sa mga susunod na araw, batid niya na kahit nakikita nyang kalmado Ang daddy nya ay may pangamba din itong nararamdaman lalo na para sa kanyang Ina. Lumabas ng study room si Victor at nagtungo sa bar counter ng mansion, nagsalin sya ng alak sa baso at inamoy muna ito bago sumimsim ng kaunti. Nang ibaba ang baso ay nasulyapan nya ang stock room Kung saan tanging sya lamang Ang nakakaalam ng password nito. Pinasadya nya ang mala vault door nitong pinto, tanging sya lamang at Ang daddy nya Ang nakakapasok doon. Lumakad sya palapit at pinindot Ang number combinations. Pagbukas ng pinto ay matic na nagbukas Ang ilaw, tumambad sa kanya Ang tatlong hilera ng divider Kung saan nakalagay Ang ibat- ibang uri ng baril. Agad nyang kinuha ang .45 caliber colt marine pistol na matagal tagal na din nyang hindi nagagamit mula ng umalis sya sa serbisyo bilang Navy captain. Sinuri nya Ang baril na hawak at pagkuway kinargahan ng bala. Lumabas sya sa kwartong iyon at agad na isinarado ang pinto. Muli syang bumalik sa bar counter at nagsindi ng sigarilyo habang tinutungga Ang alak, ganitong pagkakataon na mag-isa sya ay Hindi maiwasan na maisip nya Ang kaisa-isang babae na minahal nya bukod sa kanyang Ina. Habang umiinom ay napabalik tanaw sya sa nakaraan. __________________ 14 years ago... " Ayla,Ayla!" sigaw ng babaeng nakasunod Kay Ayla Grace habang nagmamadaling maglakad papunta sa classroom. " oh Jen,Ikaw pala, bakit mo ko sinusundan", tanong naman nito. " eh Kasi Naman Ang bilis mo maglakad, may ibibigay lang Naman ako sayo, o eto kunin mo na", agad na binigay ni Jen Ang bulaklak ng Santan sa kanya, sa dulo ng tangkay nito ay may nakasulat... " Para sa babaeng masungit pero crush ko" - Ace Napakunot noo si Ayla ng mabasa Ang nakalagay sa note, Hindi nya kilala Kung sino Ang Ace na yun, Wala din Naman syang kilalang may pangalan na Ace sa school nila. Tinanong nya si Jen Kung sino Ang nagbigay pero nagkibit balikat lang ito. Samantala si Victor naman ay nakaupo sa bench malapit sa classroom Kung saan papasok si Ayla, kitang Kita nya Ang paggalaw nito buhat sa kinalulugaran nya, Ang paghampas ng mahabang buhok na itim sa makinis nitong mukha, Ang pagsimangot nito, Ang pagkibot ng mapupulang labi kahit Walang bahid ng lipstick maging Ang pagtaas ng kilay at pag-irap ay Hindi nakaligtas sa kanya. Gustong gusto nya itong nakikita na naasar, Hindi maipaliwanag ni Victor pero ng una nyang makita ito ay nagandahan sya sa simpleng Ganda na taglay nito. Plus factor pa na matalino ito at mabait, ngunit kapag nakikita sya nito ay tila nag-iiba Ang timpla dahil asar na asar ito sa kanya. Paano ba Naman Kasi Hindi ito maasar sa kanya eh nung first day ng school eh nagkulang Ang upuan sa classroom nila, ng makakuha ng upuan sa kabilang room Ang mga boys nilang kaklase ay agad na nagsipasukan Ang grupo na kinabibilangan ni Victor, Ang grupo nila Victor ay kilala na anak ng mayayaman sa school na yun, at sila din ang tinatawag na "Barumbadong Gwapings" sa campus. Karamihan sa mga kababaihan ay nagpapapansin sa anim na lalaking Gwapings na kilala sa school na yun. Bukod tangi lang na si Ayla ang waring Walang pakialam sa kanila. Akmang uupo na si Ayla ng magulat sya dahil may naupuan syang hita, paglingon nya ay nakakandong na pala sya Kay Victor. Sa sobrang asar ni Ayla ay nasinghalan nya ito, "ano ba?, bakit Kaya Hindi ka kumuha ng upuan mo, papansin ka din eh", sabay inirapan pa nya ito. Tila naman Hindi apektado si Victor, sa halip ay pangiti-ngiti pa itong lumabas ng classroom at kumuha ng upuan sa labas, pagpasok ay sinadya pa nitong tumabi sa kanya. Mula ng araw na yun ay Hindi na tinantanan ni Victor si Ayla, lagi nya itong inaasar at kapag nakikita nyang napipikon na ito ay saka sya tumitigil. Si Ayla naman kapag napipikon ay Hindi na umiimik pero halata ito dahil namumula na sa inis Ang buong mukha niya. Makalipas Ang unang dalawang linggo ng pasukan ay araw-araw na inaabangan ni Victor si Ayla sa labas ng gate ng school habang naninigarilyo. Pangiti - ngiti pa sya habang tinatanaw Ang dalaga na papalayo habang naglalakad. Si Ayla naman ay naalibadbaran sa mukha nya. Para silang aso't pusa sa loob ng classroom, pero pagdating sa academics ay Hindi sila nagkakalayo. Parehas silang nag eexcel sa lahat ng subjects, pero mas lamang si Victor dahil Ang kahinaan ni Ayla sa Math ay sya namang ikinagaling nito. Lalo pang sumidhi Ang asar ng dalaga sa Barumbadong binata ng sila Ang naging magkapartner sa sayaw na gagawin nila para sa practical exam sa P.E. Hindi Kasi alam ni Ayla na Victor Ace Ang totoong pangalan nito, pero ng tawagin ito ng kanilang teacher sa buo nitong pangalan ay parang nangatog Ang tuhod nya. Naisip nya agad na baka si Victor nga Ang nagpadala sa kanya ng bulaklak na Santan. Ipinagkibit balikat ni Ayla Ang kanyang nalaman, ngunit makalipas Ang isang linggo ay may natanggap na naman syang bulaklak, pagpasok sa classroom ay isang long stem Pink Rose ang nakalagay sa kanyang upuan. Wala itong nakalagay na note pero mukhang alam na nya Kung kanino ito galing. Pumasok sa loob ng classroom si Victor na pangiti-ngiti ,katulad ng nakagawian nito ay tumabi muna ito sa kanyang upuan, alphabetically arranged sila Kaya malayo Ang upuan nito sa kanya, pero dahil kaibigan ni Victor Ang katabi nya Kaya nauuto ito ng huli ng makipagpalit ng upuan para makatabi sya. Nang umupo na Ang binata ay inirapan nya lang ito, sya namang bulong nito sa kanya... " nagustuhan mo ba Yung bulaklak" Nagcross arm muna si Ayla saka nagsalita, " bakit mo ba ko binigyan nito?" " hindi ba halata Ms.Sungit?",sagot Naman ni Victor, " ano Naman Ang dapat mahalata sayo Mr. Barumbado?", sagot ng dalaga. Victor chuckled then he lean closer to Ayla, "pink rose means admiration" Tila natulos Ang dalaga sa narinig, Hindi nya sigurado kung yun nga ba Ang narinig nya. I gave you Santan before remember?, then I told you na crush Kita, now I gave you pink rose dahil gusto na Kita, Malay mo sa sunod puso ko na Ang ibigay ko sayo, sa tingin ko Naman malapit na yun Ayla" , mahabang tugon ni Victor. Pagkasabi nun ng binata ay tumayo ito pumunta sa kanyang sariling upuan. Si Ayla naman ay Hindi agad nakakibo sa sinabi ng huli, pakiramdam nya ay may biglang sumibol na Kaba sa dibdib nya. Tila may damdaming Hindi nya maipaliwanag ng mga Oras na iyon. Aminado Naman Ang dalaga na talagang gwapo si Victor, sa totoo lang ay ito agad Ang napansin nya ng unang araw ng pasukan, tila ba sa anim na mga gwapong kaibigan nito ay si Victor lang namumukod sa mata nya, para sa kanya ay ito Ang pinaka gwapo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD