Matapos ang masayang hapunan ng mag-anak na Sandoval ay nagpasya Ang mommy Amelia nya na pumanhik na sa silid nilang mag-asawa, ngunit bago iyon ay nagbilin pa ito Kay Victor na wag ng umalis at doon na lamang matulog. Bagay Naman na sinang ayunan ng anak dahil ito talaga Ang nakaplano na nya, at dahil sa dami ng ginawa sa opisina ay talagang pagod sya ng araw na yun.
Sabay na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay Ang mag-ina, samantalang Ang ama nito ay dumirecho sa study room. Pumasok muna si Victor sa kanyang silid upang makapagpalit ng damit. Inisip nya na mukhang mahaba haba Ang magiging pag-uusap nila ng ama Kaya minabuti na nyang maligo muna at magbihis.
Matapos Ang dalawampung minuto ay lumabas sya ng kanyang silid at dumirecho sa study room Kung saan sya hinihintay ng ama. Pagpasok nya ay syang pag-angat ng ulo nito mula sa binabasang dokumento.
" get in son, I have something to tell you", agad na sabi nito sa kanya.
" what is it dad?"
Bumuntong hininga ang ama bago ito sumandal sa swivel chair.
Sa edad na 58 ay matikas pa ang kanyang ama, hindi ito makikitaan ng kahit na anong karamdaman sapagkat health concious ito, at bakas pa din ang pagiging gwapo nito noong kabataan. Kung Ang kuya ni Victor na si Vito ay kumuha ng features sa kanilang Ina, siya Naman ay sa ama hinulma Ang mukha.
Kitang Kita Ang mix race ng Spanish and Turkish blood ng kanilang mga ninuno. Ang daddy nya na si Roman Salvador ay half Spanish samantalang Ang kanyang mommy Azalea naman ay anak ng isang half Turkish and half Moroccan soldier.
Ayon sa Lola Minerva nila, nakilala nito ang asawa sa isang hospital Kung saan sya nurse doon, sya umano Ang nag alaga sa binatang sundalo hanggang sa nagkapalagayang loob at kalaunan ay nagpakasal, ngunit habang pinagbubuntis Ang kanilang mommy Azalea ay nasawi Naman Ang ama nito sa isang bakbakan sa middle east.
" is everything okay dad?", tanong nya sa ama.
Mula sa nakapikit na mata ng ama ay nagmulat ito at tiningnan sya ng direcho.
" Promise me one thing Victor, whatever
we talk about tonight don't let your mom know about this" , seryosong saad ng ama.
Napatango naman sya sa tinuran ng ama, ayaw din Naman nya na mag-alala pa Ang kanyang Ina sa kahit ano mang bagay na makakapagbigay stress dito.
Tumayo Ang ama at nagtungo sa isang drawer at kinuha Ang isang brown envelope. Umupo muna ito sa kanyang swivel chair at nagbuga ng hangin bago nagsalita.
" Your Uncle Ramon received a death threat earlier this morning"
Ramon Salvador is a twin brother of his father Roman. He is the incumbent governor in the province of Camarines Norte.
Napahugot ng malalim na paghinga si Victor, " you need to go out of the country Dad, you and Mom"
" Pero hindi ko pwedeng iwan ang Uncle mo anak, kailangan nya ako"
" Dad this is for your safety and Mom,
Hindi ko hahayaang may masamang mangyari Kay Uncle, I assure you that"
" Pero hindi pa ako napapalagay sa kung ano man Ang nangyari noon anak, di ba't wala pa din naman tayong nakuhang ebidensya sa nangyari noon?"
"Yes Dad, but I'm still looking into it, may mga leads na ako but my men are looking for a solid evidence, and also Hans wanted to help us. It's been a decade Dad, pero pasasaan ba at mahuhulog din yan sa mga kamay ko"
" I will leave it all to you, Kung ano man sa tingin mo Ang mas nakakabuti anak gawin mo, by the way speaking of Hans, he was with me Yesterday, and he gave me this" , inabot sa kanya ng ama Ang brown envelope na kinuha nito sa drawer.
Tiningnan nya Ang loob ng envelope at kinuha Ang dokumento sa loob nito, nagtataka sya sa Kung ano Ang mga iyon. Pero mas nagulat sya sa mga nakasulat dun.
______________________
Earlier Yesterday...
Nakipagkita si Don Roman sa kaibigan ni Victor na si Hans, lingid sa kaalaman ng anak ay nagpapatulong siya sa kaibigan nito para mapadali ang pagresolba sa kaso na kinasangkutan nila isang dekada na ang nakaraan. Aminado Kasi si Victor na naging busy ito at mas tutok sa negosyo nila nitong mga huling taon. Mas tinutukan nya Ang pagpapalago nito at ang paghahanap sa babaeng mahal nya.
Sinadya ni Don Roman si Hans sa opisina nito para Hindi magduda Ang asawa nya sa kung ano man Ang pag uusapan nila.
Pasado alas diyes ng umaga ng dumating sya sa Monteclaro Security Agency. Saktong pasok nya sa opisina ni Hans ay sya namang labas ng mga tauhan nito na tila ba mga nagmamadali.
" Tito Roman kumusta po? please take a seat", pinaupo nya ito matapos makipag kamay sa ama ng kaibigan.
Ang security agency na pagmamay-ari ni Hans ay Isa sa pinakamagaling at pinaka malaking agency sa buong bansa. Meron din silang ilang connections sa NBI at FBI pero ito ay patago lang. Tanging si Hans at Ang kapatid nitong dating Navy Seal Ang nakakaalam. Ginagamit lang nila ito Kung kinakailangan. At dahil ngayon nga mukhang kailangan ito ng kanyang Tito Roman kaya naman Hindi sya nagdalawang isip na gamitin ang koneksyon.
" I have a suggestion to make Tito" panimula ni Hans
" Spill it Hans, I'll listen"
" May kaibigan ako sa FBI na tinatrabaho ang large scale drug dealer and human trafficking sa US, may hinala sila na Ang ugat nito ay nanggaling sa China, ayon sa kanya ay nandito sa Pilipinas nagtago Ang pinaka ulo ng organization. Sa nakalap na impormasyon ay tinatayang sampung taon na ito dito sa Pilipinas na palipat lipat ng lugar. Meron din itong mga kasosyo na ibang negosyante at malalaking politiko. At ngayon nga ay nakakuha sila ng impormasyon na dito nila sa Pilipinas planong ilipat ang pinaka malaking laboratoryo ng droga"
" Kung tama ang hinala ko ay may kinalaman ito sa nangyaring threat sa buhay ni Ramon ten years ago, am I right Hans?
" absolutely Tito, dahil ng panahon na yun ay sa probinsya ni Gov nila ginustong itayo Ang drug laboratory, pero dahil tuwid na politiko at hindi nila kayang suhulan Ang kapatid nyo Kaya binalak nila itong itumba"
" Then what do you suggest", tanong ni Roman sa kausap.
"Isa ito sa malaking Kaso na tinututukan ng FBI sa ngayon Tito, at nakikipag
tulungan din Ang NBI dahil Ang pinaka ulo ng organization nito ay isa din sa mga Most Wanted Criminal Hindi lang sa US dahil hawak din nila Ang buong Asia.
Napa tango ang ama ni Victor sa nalaman, sa hinuha nya ay Hindi nga Basta lang Ang mga taong nakabangga ng kanyang kapatid. Kung sya lang ay ayaw na nyang abalahin Ang anak sa mga Nalaman dahil batid nyang hindi ito makakatiis at baka maging dahilan pa ito para muling sumabak si Victor sa dati nitong trabaho.
Napabalik sa ulirat si Don Roman ng muling magsalita Ang kausap,
" Magkakaroon ng operation Ang FBI dito sa Pilipinas Tito, Isa itong secret mission at tanging piling pili lamang na NBI special agents Ang makakasama, pwede tayong makipag tulungan sa kanila para mapadali ang mission na to"
Kinuha ni Hans ang brown envelope at ibinigay Kay Don Roman, " ito Ang special agents na pinadala ng FBI para sa kaso na ito Tito, pwede tayo makipag coordinate sa kanila. "