Dumating si Victor sa opisina alas nuebe ng umaga, sinalubong sya ng kanyang assistant na may dalang kape galing sa isang coffee shop malapit sa kanilang opisina.
" Anong Oras Ang meeting ko Jaz", tanong nya sa assistant na mala Adonis ang katawan pero malambot pa sa mamon ang galawan.
" you're meeting will start in 15 minutes boss", sagot Naman nito ng pormal sa amo nya.
Sanay na si Victor sa kanyang assistant, mas gusto nya pa ito kesa sa mga babaeng naging assistant nya noon dahil mas nakakapag concentrate sya ng maayos, di gaya noon na nauuwi lang sya sa pakikipag harutan dahil mismong Ang mga sekretarya nya ang nagpakita ng motibo sa kanya. Sa apat na taon na magkasama sila ni Jazy sa opisina ay Wala syang naging problema sa trabaho nito.
" Where's the team? are they all prepared for the presentation?"
" they are already in the conference room boss, they are all prepared"
Humigop lang ng dalawa sa kanyang kape si Victor at agad na sinenyasan si Jaz na sumunod na sa meeting room.
Naging maayos Ang presentation ng team nila na umabot ng 2 Oras , at katulad ng inaasahan ay nakuha nila ang project na nagkakahalaga ng 2.5 million dollars. Inatasan nya ang team leader na syang mag- inspect ng location Kung saan itatayo Ang naturang struktura.
Nang makabalik si Victor sa opisina ay naabutan nya Ang kaibigan na si Hans na prenteng nakaupo sa sofa.
" Bok, kumusta?", bati nito sa kanya.
" O Bok, napadalaw ka, buti Naman nakalaya ka sa kumander mo?", pang aasar nya sa kaibigan.
Natawa na lang ito sa kanya at napaupo ng maayos habang si Victor naman ay napasandal sa swivel chair nya.
Silang dalawa ay matalik na magkaibigan mula ng college, sila din ang laging magkabuddy nang nagsasanay sila para maging isang Navy. Bago naging ganap na inhinyero si Victor ay pinili nya munang sundin Ang matagal na nyang pangarap na maging sundalo.
Si Victor ay captain ng Navy habang si Hans Naman ay commander. Nang mag-asawa si Hans ay ipinasya nito na umalis sa serbisyo dahil na Rin sa pakiusap ng asawa, habang si Victor naman ay pinakiusapan ng kanyang Ina na tumigil na at pamahalaan na lamang Ang kanilang negosyo dahil tumatanda na din Ang kanyang ama.
" Kumusta nga pala Ang agency mo Bok?", tanong ni Victor sa kaibigan.
" Ayos Naman Bok, kailangan ko na din magsanay ng mga bago, lalo na ngayon malapit na Ang election, kakailanganin ko ng maraming tao.", mahabang salaysay nya sa kaibigan.
Si Hans Monteclaro ay nagtayo ng security and investigation agency, in demand Ang kanyang agency lalo na sa mga politiko na nangangailangan ng protection. Bukod Kasi sa magagaling Ang kanyang tao ay siguradong Pulido Ang trabaho ng mga ito lalo na sa larangan ng pag imbestiga.
"Maiba ako Bok! kumusta na nga pala Yung pinaimbestigahan mo", tanong ni Hans Kay Victor.
Muling napasandal si Victor sa kanyang upuan at huminga ng malalim.
" Wala pa akong mahanap na lead Bok, mukhang may humaharang sa mga
impormasyon".
" Palagay ko Bok, may malaking tao na nasa likod ito, Kung kailangan mo ng tulong ko sabihan mo lang ako".
"Salamat Bok, maasahan talaga Kita"
" Ngayon pa ba, eh halos magkarugtong na Ang mga bituka natin, yun nga lang pagdating sa chix Wala akong panama sayo", natatawang saad ni Hans.
Natawa si Victor sa tinuran ng kaibigan. Noon Kasi na binata ito ay kaliwa't kanan din Ang mga babae ni Hans, ngunit ng matagpuan nito si Desiree na syang asawa ngayon ay hindi na nito pinakawalan. Sa isip ni Victor ay masaya na nga Ang kanyang kaibigan lalo na ngayon na malapit na magdalawa ang anak nito.
" Sa totoo lang Bok, Kung minsan ay naisip ko na din na lumagay sa tahimik, pero parang napakailap sa akin ng tadhana"
Tumayo si Victor at lumapit sa mini bar ng opisina, nagsalin sya ng alak sa dalawang baso, Ang Isa ay inabot Kay Hans. Umupo sya sa sofa na katapat ng kaibigan at saka ininom Ang hawak.
Hindi lingid sa kaibigan Ang lungkot na pinagdaanan niya sa loob ng mahabang panahon, ito Ang saksi nya sa lahat ng mga kalokohan, at maging Ang pagkabaliw nya sa isang babae na tanging minahal nya pero hindi sya sigurado kung magkikita pa nga ba sila.
Tila Naman nahuhulaan ng kaibigan Ang kanyang naiisip ng mga sandaling iyon kaya nangingiti ito habang tinutungga Ang nasa baso.
"Nagtataka lang ako Bok, sa tagal ng panahon na hinahanap mo sya pero hanggang ngayon Hindi mo pa rin sya matagpuan, Hindi Kaya nasa ibang bansa na sya"
" Possible din na nagpalit ng pangalan, pero anong dahilan", sagot Naman niya Kay Hans.
" Wala bang nakakakilala sa mga magulang nya noon sa probinsya"
" Hindi nya totoong ama Ang kasama nila noon ng kanyang Ina Bok, at nalaman ko din na dayo lang sila doon sa Lugar namin. Hindi ko nga lang alam kung anong dahilan ng pag Alis nila doon ng biglaan, Wala din Naman nakakaalam maging Ang kanilang mga kapitbahay noon."
Napatango si Hans sa tinuran ni Victor, maging Ang Isa Kasi sa pinakamagaling nyang detective ay Wala din makuhang impormasyon tungkol sa pinapahanap ng kaibigan.
" wag kang mag-alala Bok, malakas Ang pakiramdam ko na malapit mo na syang matagpuan, at Kung talaga sya ay para sa'yo, kahit harangin man ng sibat ni Andress Bonifacio ay sigurado akong makukuha mo din sya. "
Mag iisang Oras din Ang itinagal ng pag uusap nila ni Hans sa opisina, hanggang sa nagpasya na Ang huli na magpaalam para dumaan sa opisina nito. Dumaan lang pala ito para iabot Ang imbitasyon sa nalalapit na 2nd birthday ng kanyang inaanak.
Maghapon inabala ni Victor ang kanyang sarili sa opisina, bandang alas singko ng hapon ay nagpasya na syang umalis at naisipan nyang pumunta sa bahay ng magulang para madalaw Ang kanyang mommy na nagtatampo na sa kanya.
____________
Sandoval's Mansion
Sa sobrang trapik ay inabot ng isang Oras at kalahati Ang kanyang byahe papunta sa Esquivel Mansion. Naisipan nya na dito na lang din magpalipas ng Gabi para Naman matuwa Ang kanyang Ina, sa higit na isang buwan Kasi ngayon lang ulit sya makakapunta dito, laging sa
telepono na lang sila nag uusap. Di hamak naman kasi na mas malapit Ang kanyang condo sa opisina nila.
Nang makapasok sya sa malawak na garaje ng mansion ay agad syang nagtungo sa dining, alam nyang ganitong Oras ay naghahapunan na Ang mga magulang. Hindi sya nagsabi sa Ina na pupunta ngayon dahil balak nya itong surpresahin. Hawak Ang isang bouquet ng bulaklak sa likuran ay tahimik syang naglakad patungo sa dining table, nasa bungad pa lang ay nakita na sya agad ng Ina, napaka laki ng ngiti nito sa labi ng makita ang kanyang unicohijo.
" Ace honey, I'm so glad you're here"
Hinalikan nya Ang Ina sa pisngi at niyakap ng mahigpit,
" I miss you mom"
Iniabot nya Ang bouquet sa Ina na Walang pagsidlan Ang kasiyahan,
" beautiful flowers for the most beautiful woman in the world"
" oh! thank you anak, you're so sweet"
inabot ito ng Ina na tuwang tuwa habang Ang isang kamay Naman nito ay nakahawak sa braso nya at tinatangay na sya palapit sa hapag.
" halika na at tamang tama mag umpisa pa lang kami ng daddy mo kumain"
Sakto Naman na nakababa na din ang
ama nya galing sa study room nito, ng makalapit sa kanya ay niyakap nya ito at tinap Ang kanyang balikat.
Habang kumakain ay nagkukwento Ang kanyang Ina tungkol sa last trip nito kasama Ang mga Amiga Kung saan ay nagtour sila sa southern Europe. Naging magana Ang hapunan ng mag-anak. Tila natuwa Ang matandang mag Asawa dahil nakasalo nilang muli Ang anak sa hapunan na minsan na lang nila nagagawa dahil sa pagkaabala nito sa negosyo. Nang mag-asawa Kasi Ang kanyang kapatid na panganay ay mas pinili nito na manirahan sa Canada Kung saan Ang asawa nito ay isa sa mga highest paid cardiologist habang Ang kuya Naman nya ay isang Neuro surgeon. Nang matapos Ang dinner ay nagpaalam Ang Ina na pupunta sa kitchen para magpaserve ng dessert.
Nagkaroon ng pagkakataon Ang mag ama na mag-usap.
" how's our company son", tanong nito sa kanya.
" doing very well dad, don't worry to much, just enjoy you're retirement with mom, Hindi ko hahayaang mawala Ang pinaghirapan nyo ni mom ng mahabang panahon", sagot nya Naman sa ama.
"I'm not worried at all son, I know that you are more than capable of handling it, and I'm so proud of you".
" Thanks Dad, by the way, how's Tito Ramon?
Napalingon Ang kanyang ama sa tinunguhan ng mommy nya, at ng makita nito na palapit na muli Ang kabiyak ay mas minabuti na lang na Hindi sagutin Ang tanong nya.
"let's talk at the study room later",
Ito Ang huling tinuran ng ama bago tuluyang makalapit Ang mommy nya sa kanila.