Liz/Ayla Grace POV:
Matapos kong asarin si Victor ay agad akong umalis, baka Kasi habulin ako ng chorizo nya.
Kilala ko si Victor, alam kong Hindi sya pikon pero gusto ko yung nakikita ko sa kanya ngayon, nag-eenjoy ako eh, trip ko to kaya wag syang ano! Bumabawi lang ako sa mga pinaggagawa nya sa akin nung high school kami. Sya na mahilig akong asarin at pagtripan, kahit na barumbado ay talagang crush ko sya, Ang description ko nga sa kanya noon ay maginoong bastos.
Noong highschool kami ay apple of the eye sya ng mga kababaihan, nahuli ko pa nga sya noon na may kahalikan sa malaking puno sa likod ng school building namin. Kaya hesitant ako noon na aminin Ang nararamdaman ko ay dahil ayokong matulad sa mga babae na
pinapaasa nya. Hindi Naman lingid sa akin na may pagka babaero si Victor dahil sa sobrang tamis ng dila nya kung magsalita ay talagang aakalain mong totoo Ang mga sinasabi nya. Pero iba ako, bukod sa Wala akong balak magka boyfriend ng mga panahon na iyon, ay ayoko din talaga mapabilang sa mga koleksyon nya ng mga babae.
Noong araw na magkita kami sa meeting kasama sina Papa at Director Punzalan ay nakita ko kung paano ako titigan ni Victor. Napaisip tuloy Ako Kung nakilala nya ba ako, pero ng kalaunan ay nakahinga ako ng maluwag dahil alam Kong kahit Hindi Naman ako nagparetoke ay talagang nag-iba ang lahat sa akin, gaya ng laging akala ng
mga tao na mukha talaga akong foreigner, siguro ay dahil na din sa mas nakuha ko ang genes ni Mama, Ang Lolo ko kasi ay halong Mexican-American.
Papunta ako ngayon sa ilog na madalas namin tambayan ng mga kaibigan ko. Sana nandun pa Yung Kubo na aming pinagtatambayan. Mula sa mansion ng mga Sandoval ay aabot ng 20 minutes Ang byahe ko, pero dahil mabilis akong magpatakbo Kaya 10 minutes lang ay nakarating na ako sa b****a, Ang ilog na ito ay Hindi puntahan ng mga tao noon. Kaya napili namin itong gawing tambayan dahil bukod sa tago ito ay maganda din ang paligid. Para itong hidden gem sa gitna ng kagubatan. Kapag may pupunta dito ay kailangan pang maglakad ng limang minuto mula sa kalsada. Itinabi ko ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Walang masyadong kabahayan dito di gaya sa kabilang barangay, medyo papunta na Kasi ito sa bundok at medyo masukal na din Ang karugtong na daan. Nadiskubre lamang namin ito noon dahil dito nangingisda sa ilog ang tatay ng isang kaibigan namin na si Tiyo Nestor. Sya din ang gumawa ng kubo noon na ginawa naming tambayan.
Bago ako bumaba ng sasakyan ay nagmasid muna ako sa paligid, lagi ko itong ginagawa mula pa noon, Isa sa mga naging training ko noon ay Ang pagiging matanglawin.
Sa di kalayuan ay may isang lalaki akong napansin, sa unang tingin ay mukha lang syang ordinaryong magsasaka, ngunit ang mga kilos nya ay kakaiba. I know there's something going on, iba ang pakiramdam ko. Lumabas ako ng kotse at maingat ko syang sinundan. Dumaan sya sa kabilang parte ng ilog, ibig sabihin ay Wala pang nakakadiskubre ng aming tambayan. Sabi Kasi ni Tiyo Nestor ay hindi talaga ito daanan ng mga taga Itaas, Bario Itaas ang nakakasakop sa ilog. Sinundan ko ang lalaki pero bigla itong nawala. Napansin kaya nya na sinusundan ko sya, pero imposible. Napagpasyahan ko na bumalik sa pakay ko, ang tumambay sa ilog. Sa ibang araw ay pupunta ako ulit dito at aalamin kung anong meron sa kabilang parte nito. Wala ako sa mood ngayon para alamin ang mga bagay-bagay. Gusto ko lang ngayon ay magrelax.
Umibis ako ng daan mula sa sinusundan ko patungo sa tambayan naming ilog. Habang naglalakad ay nagpalinga-linga ako, medyo may nagbago na pala dito, Hindi na ito kagaya ng dati na parang tagong-tago, may hinawan na daan dito patungo sa ilog, at medyo malinis na din Ang daanan di gaya dati na puro dahon ng kawayan Ang nadadaanan namin.
Ilang sandali pa ay narinig ko na Ang lagaslas ng tubig, medyo na-excite ako Kaya binilisan ko Ang aking paghakbang.
Nang matanaw ko ang malinis na tubig na umaagos ay para akong bumalik sa aking teenage years. Naalala ko kung paano kami dito lumalangoy ng mga kaibigan ko noon. Kumusta na kaya sila? Sa isang araw ay pupuntahan ko si Andrea, ang matalik Kong kaibigan, pero iisipin ko pa kung paano ko sya lalapitan. Hindi ako pwede magpakilala sa kanya na ako si Ayla dahil sigurado akong mabo-broadcast ako sa buong bario. At Isa pa ay ayokong makilala ako ni Victor. Hindi pa ito panahon para makilala ako ng lahat. Mahihirapan ako sa mission ko pag nagkataon.
Nakita ko Ang Kubo na tambayan namin, wow! iba na ito, parang totoong bahay kubo na talaga. At mukhang maayos, parang may nag aalaga nito. Dati ay isang open Kubo lang ito na malaki, pero ngayon ay may maliit na papag na din, may kwarto pa at may mattress? ay bongga! baka Naman may tao dito na nakatira? May pinto na din ito at may lock na din sa loob. Pumasok ako, Hindi Naman secured Ang lock eh, bahala na, Hindi Naman siguro ako pagkakamalan na magnanakaw, Wag lang sana maging bayolente Ang may-ari dahil kapag hinabol nya ko ng itak babarilin ko sya.
__________________________
Victor POV:
"gracias pero no gracias, no me gustan los chorizos"
Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sa likuran, akala ko ay nakasakay na ng sasakyan si Uncle, yun pala ay narinig nya ang usapan namin ni Amasona. Naiiling si Uncle habang pasakay ng kanyang bulletproof Van, pero bago sya makalayo sa akin ay tinapik nya muna ako sa balikat,
" I think you and Liz would be a great match pamangkin, hahaha! ".
Tangna! pati ba Naman si Uncle pinagtitripan ako. Napakatalas talaga ng dila ng amasonang dragon na yun. Akala nya yata kaya nya kong pataubin sa mga banat nya, pinagbibigyan ko lang ang kapricho nya. Pag ako naasar kahit amasona sya bubuntisin ko sya.
Hindi na masama kung sa kanya ako magkakaanak, willing naman ako ibigay ang magandang lahi ko sa kanya. Sa totoo lang ay napakaganda talaga nya,
nung una ko syang nakita ay may tumambol sa dibdib ko, ngayon ko Lang ulit ito naramdaman sa loob ng mahabang panahon, tanging si Ayla lang Ang nag-iisang babae na nagparamdam sa akin ng ganun. At sa pangalawang pagkakataon ay dito ko pa talaga ito naramdaman Kay amasona. Pero kapag pinagmamasdan ko sya ay may kakaiba talaga akong nararamdaman, parang matagal ko na syang kilala. Inaalala ko nga kung saan ko sya nakita noon. Pero mukha talaga syang foreigner, actually more of Asian American, pero saan nga ba kami nagtagpo?, posible Kaya na naka hooked up ko sya nung nagpunta akong America, pero mukhang malabo eh!, Sakit mo talaga sa ulo Elizabeth Harris. But I know there's something with this woman, at kapag tumititig ako sa mata nya ay para akong nahi-hypnotize, parang ganito ako noon kay Ayla, At Ang mga mata nya ay tila ba kilalang Kilala ko pero Hindi ko talaga maisip kung saan ko sya unang nakita.
Pero kapag naalala ko Ang sinabi nya kanina ay naaasar ako, pag nakahanap ako ng tyempo ingungudngod ko sya sa chorizo ko.
Chorizo pala ha! Tangna! sa laki ng
alaga ko tinawag lang nya na Chorizo, ano to t**i ng bata?, pwes ipapatikim ko sa kanya kung gaano kasarap ang
chorizo ni Victor. Maghintay ka lang baby girl, my chorizo is coming!.
__________________________
Si lolo Victor hindi maka move on sa chorizo, eh di sige Vienna sausage na lang!