Chapter 19

1208 Words
Liz/Ayla Grace POV: Dumating ako sa mansion ng mga Sandoval alas syete y media ng umaga. Sinalubong ako ni Governor Sandoval na nakangiti. Kahapon ko lang nalaman kay Papa na Ninong ko pala sa binyag si Gov. Mas lalo akong naging pursigido na matapos Ang mission na ito, dahil Hindi lang para sa hustisya ni Mama Ang ginagawa ko, pati na din sa kaligtasan ng aking Ninong. Napag-alaman ko din na si Ninong Gov pala Ang gumawa ng paraan para mapadali Ang pag adopt sa akin nila Mommy Norma. " Buenas Dias hermosa senorita, como esta tu viaje?", pagbati ni Ninong Gov, means Good morning beautiful lady, how's your trip. " estoy bien padrino, estoy feliz de verte", I answered him saying I'm fine Ninong, I'm happy to see you. "ponte comoda en nuestra casa, requerda que soy tu padre aqui", he said be comfortable in our house, remember I'm your father here. "no te preocupes por mi padre, lo puedo manejar", I said, don't worry about me Father, I can manage. Habang nag-uusap kami ni Ninong ay pumasok si Victor kasunod si Ace, nandito kami ngayon sa dining hall kung saan niyaya nya kami na sabay sabay na mag-almusal. Alam kong narinig ni Victor Ang aming pinag-usapan ni Gov, at alam ko din na nakakapagsalita sya ng Spanish dahil half Spanish sila Ninong Gov na kakambal ay ang Daddy ni Victor. " Hi Liz, how are you?", good to see you again, pagbati ni Ridge. " Hi Ridge, I'm good, how are you?" " I'm fine also,thank you. Good morning Gov", sagot nya sa akin na nakangiti at saka bumati kay Ninong Gov. Samantala si Victor ay nakita Kong nag-igting Ang mga panga, ewan ko sa kanya, kung ayaw nya ko kausap eh di wag. Umupo si Ninong sa kabisera ng lamesa, pinaupo naman nya ako sa kanang bahagi nya, nang makaupo ako ay biglang may humila ng upuan sa tabi ko, akala ko ay si Ridge iyon pero nagulat ako ng si Victor Ang umupo doon. Nagkibit balikat na lang ako, nagugutom na ako Kaya Wala akong pake, kakain ako dahil na-miss ko talaga Ang mga nakahain sa mesa. Mukhang pinaghandaan ni Ninong Ang pagdating ko Kaya tila mga paborito ko Ang nakahanda. May tapa, garlic longganisa, tinapa, kamatis at itlog. Sumimsim muna ako ng kape at inamoy Amoy ito, parang nabuhay Ang aking dugo ng maamoy ko Ang kapeng barako. " Enjoy your breakfast children", si Ninong bago uminom ng kape. Ang plano namin ay dito ako titira sa mansion ng mga Sandoval, ayon Kay Ninong ay ito Ang kanilang ancestral house. Napakalaki ng mansion na ito, halatang halata Ang pagiging aristocrato ng pamilya nila noong panahon ng mga Kastila. Mabait Ang mga ninunong Kastila ng mga Sandoval, ayon sa kwento ng nanay ni Andrea ay matulungin Ang mga ito sa mahihirap, at Ang hasyenda na pag-aari ng mga ito ay diumano pinagparte-parte Ang kalahati para ipamigay sa mga tauhan nito bilang pabuya sa kanila sa pagiging masisipag na manggagawa. Ang mission ko ay magpanggap na anak ni Ninong, ako diumano Ang nawawalang anak ni Gov at ng kanyang asawa. Naipaliwanag na ito ni Ninong sa asawa nya na nasa US kasama ang bunsong anak. Nakausap ko din si Ninang Giana sa telepono matapos ang meeting namin nina Victor sa opisina ni Papa. Nagvideo call kami para ipaliwanag ang simpleng detalye kay Ninang. Nang una ay nag-alala ito sa maaaring mangyari sa akin, pero dahil sa assurance ni Papa na walang masamang mangyayari sa akin kaya nakumbinsi namin sya. Samantala ay nanatiling lihim kay Victor at sa ibang kasama namin sa mission ang aking katauhan. Tanging si Ninong Gov, Ninang Giana at si Tito Roman lang ang nakakaalam ng aking pagkatao. " From now on you should call me Dad, it would be more realistic", si Ninong na nakatingin sa akin. " Sure Dad", sagot kong nakangiti sa kanya. "You should take a rest after this Hija, it's been a long drive and I know you're tired". " it's okay Dad, I want to stroll around". Nang akmang kukuha ako ng kanin ay inunahan ako ni Victor, sya ang naglagay ng kanin sa plato ko, pagkatapos ay nilagyan nya ako ng tapa at longganisa at saka nilagyan ng kamatis sa gilid. Hindi sya ngumingiti pero maingat sya sa paglalagay ng mga iyon sa plato ko. Para akong prinsesa na pinagsisilbihan ng aking prinsipe. Ay mali pala, sabi nya nga pala amasona ako, so malamang Isa akong amasona na pinagsisilbihan ng aking alipin. Natatawa ako ng lihim sa naiisip ko. Akalain mong may ka-sweetan pala sa katawan ang supot na ito. Ay teka! parang Hindi Naman sya supot, Ang laki nya kasing tao. Napatingin tuloy Ako sa longganisa na nasa plato ko, sabay tumingin ako kay Victor, bumalik Ang tingin ko sa longanisa at napangiti ako ng hindi ko namalayan. "termina tu comida y come más", he said while looking at me, it means Finish your food and eat more. " gracias", I simply said. He leaned closer to me and whispered, " Stop staring at the longganisa, I know what you're thinking". I bit my lower lip then smirk and look at him," what is it then?" He chuckle while shaking his head. Napatingin kami pareho Kay Ridge ng bigla itong nagkunwari na nabilaukan at nagpanggap na naubo habang nagsalita "ehem, ang sweet". Matapos naming mag-agahan ay nagpaalam si Ninong na pupunta ng Kapitolyo. Si Ridge ay magko-convoy lang sa sasakyan nya habang ang mga bodyguard ay nakasakay sa dalawang hiwalay na sasakyan. Bago umalis ay nagpaalam ako sa kanya na mag-iikot ako sa ibang lugar. Plano kong pumunta sa ilog na tambayan namin noon. Gusto ko din kumustahin Ang kaibigan Kong si Andeng, pero syempre hindi ako pwede magpakilala sa kanya bilang si Ayla. Bago umalis si Gov ay narinig kong kausap nya si Victor. " Don't worry too much about me Hijo, nandyan Naman si Ridge, ipasyal mo na lang si Liz kung saan nya gusto". " Uncle Hindi kailangan ng bodyguard ng amasonang yun, saka sumasakit Ang ulo ko kapag kasama ko Ang babaeng iyon". Nanggigil na naman ako sa supot na to, anong akala nya sa akin batang alagain. Baka pagbuhol-buhulin ko sila ng mga bodyguard ni Ninong Gov. Magpapanggap lang sana Ako na Walang narinig pero naiirita talaga ako kay supot Kaya naglakad ako papunta sa kanila, " that's fine Dad, I want to stroll alone", nakangiting sabi ko Kay Gov. "Bueno, Ikaw Ang bahala Hija". Bago ako sumakay ng kotse ay tumingin muna ako Kay Victor, nginitian ko sya bago nagsalita, " Alin ba Ang sumasakit sayo kapag nakikita mo ako, Yung ulo sa taas or yung ulo sa baba?". He bit his lower lip and gently rub his chin while smirking, " alin ba ang gusto mong gamutin?", tanong nya sa akin, I pouted then shake my head, "gracias pero no gracias, no me gustan los chorizos" " Thanks, but no thanks, I'm not into Chorizo's", I said and then leave in a hurry. ___________________________ Iba din talaga magtrip si Liz, nagpapasweet na nga si Victor eh, iba ang epekto ng almusal, kasalanan ito ni Gov bakit kasi sya nagpahanda ng longanisa. I know what you're thinking guys!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD