Chapter 18

1729 Words
Liz Harris POV: This is the day I've been waiting for, I'm heading to Camarines Norte, and when I was about to start the car engine, General Matias appeared, I opened the door and he hugged me tight. " I trust you, and I don't intend to question your ability but please return home safe, take care of yourself, anak!", he said. Yes, I'm his daughter, the one and only Ayla Grace Espinosa Matias. The only person who knew about our secret is my Auntie Norma who adapted me when I was sixteen years old. Mommy Norma is my mother's only sister, a half sister actually but they love each other and they were close eversince because they grew up in the same roof . She was married to Daddy Trevor who used to be a pilot, sadly they were not given a chance to become a parent because Daddy Trevor has no capacity to produce, in short he is barren. Despite of his condition, Mommy Norma loves him unconditionally. When my mother died Papa sent me to US to hide me from his enemy. And just to make sure that I'm safe before leaving the country, they change my name to Elizabeth Harris, I used the surname of Daddy Trevor. They adapted me so that no one can trace Ayla Grace Matias. I even changed my looks when I was growing up, this is because Papa wanted me to be safe always. He said that if only I could then it's better to change my looks so that no one can notice me from my old self back when I was living here in the Philippines. 12 years ago... Nang makaalis ang sinasakyan namin ng kaibigan ni Tito Samuel ay agad din syang sumakay sa sasakyan, nakita ko pa sya sa side mirror habang nagmamadali na umalis. Ang sabi nya ay sya na ang bahala kay Mama. Dahil sa haba ng byahe ay nakatulog ako, nagising na lang ako ng may tumapik sa aking balikat. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Papa. Nasa isang safe house kami at nakita ko na madaming naka unipormeng pulis, Ang iba ay sundalo at Ang iba Naman ay naka civilian lang. Pero lahat sila ay alam Kong may baril. Nagtataka ako Kung bakit nandito ako imbes na sa bahay namin sa Manila. Hindi ko din alam kung anong lugar ito, basta sabi ni Papa ay ligtas ako dito. Pinagpahinga muna ako ni Papa dahil alam nyang pagod ako sa byahe pero Hindi ako mapakali hanggang di ko nakakausap si mama, Kaya imbes na matulog ay sinabi ko kay Papa na hintayin namin si Mama. Nang sabihin ko iyon ay biglang nanigas Ang panga niya, nakaramdam ako ng takot. " Pa, nasaan po si Mama?", tanong ko. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita, " wag kang mabibigla anak, Wala na Ang Mama mo". "anong Wala Pa", naguguluhan Kong tanong. Malungkot na tumingin si Papa sa akin at nakikita ko na may butil ng luha na tumulo sa pisngi nya. " Patay na sya anak, at Wala man lang akong nagawa para iligtas sya". Tuluyan ng umiyak si Papa habang yakap ako. "Sorry anak, patawarin mo si Papa, dahil sa akin ay nalagay sa alanganin Ang buhay nyo". Wala akong maintindihan ng mga sandaling iyon. Pilit Kong iniisip na mali lang si Papa, baka nagkamali lang sya ng sinabi. Pero napabalikwas ako ng marinig Kong may tawag Kay Papa, si Tito Samuel, ibinalita nito na naayos na nya ang katawan ni Mama. Mula ng araw na iyon ay ayokong kausapin si Papa, nagalit ako sa kanya, lalo na nung sabihin nya na bawal akong magpunta sa libing ni Mama dahil para sa kaligtasan ko. Dalawang araw lang Ang burol, at saktong pagdating nila Auntie Norma ay libing na, pero sa kasamaaang palad ay Hindi ko talaga nakita sa huling sandali Ang aking Ina. Ang sabi ni Tito Samuel ay ginagawa lang daw ito para sa kaligtasan ko. Siya din ang nagpaliwanag sa akin kung ano Ang nangyari. Si Papa ay isang sundalo, nang panahon na iyon sya ay si Major Oscar Matias. Iyon din Ang panahon na Ang kaibigan nyang si Ramon Sandoval ay nahalal na Gobernador ng lalawigan ng Camarines Norte. Nadestino si Papa sa naturang lalawigan sa loob ng isang taon. Dahil sa pagiging tapat sa serbisyo ay madami syang nasagasaan na malaking sindikato. Nagkaroon ng engkwentro sa isang checkpoint kung saan naharang ng grupo ng mga sundalo na pinamumunuan ni Papa Ang isang truck na naglalaman ng ibat- ibang uri at kalibre ng baril, kasama Ang milyong halaga ng ipinagbabawal na gamot. Ayon kay Gov ay gustong pasukin ng sindikato Ang kanilang lalawigan sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang establishment kunwari ngunit sa nakarating na impormasyon sa Gobernador ay gagawin itong shabu laboratory at illegal na katayan ng mga lamang loob ng tao na ibinibenta sa black market. Bagay na mahigpit na tinutulan ng Gobernador at Hindi pinayagan na bigyan ng permiso para makapagpatayo ng struktura sa lalawigan. Malaking sindikato Ang namumuno dito, sinubukan din nilang suhulan si Papa upang palayain Ang mga nahuling tauhan at kanang kamay nito. Lingid sa kaalaman ng ibang tao na matalik na magkaibigan Ang gobernador at si Papa. Nakulong Ang kanang kamay ng sindikato at dahil sa sunod-sunod na raid na ginawa ng grupo nila Papa Kaya tuluyang bumagsak sa kamay ng batas Ang natitirang galamay nito. Subalit sa lawak ng koneksyon ng sindikato at sa Galit ng pinakapinuno nito ay pinuntirya nya si Papa. Nasa Manila kami ng mga panahon na iyon, at Hindi lang isang beses kami nakatanggap ng pagbabanta. Kaya Naman minabuti ni Papa na wag muna magpakita sa amin ng ilang buwan, at itinago nya kami sa probinsya. Pinili nya na sa Camarines Norte kami itago dahil alam umano ng mga kalaban nya na Hindi Naman sya taga roon, Kaya Naman naisip nya na lituhin Ang kalaban, sino nga ba Naman Ang makakaisip na doon kami itatago kung alam nila na Hindi Naman lihitimong taga roon si Papa. Nang mga unang buwan ay meron kaming mga bodyguard na pinadala ni Governor dahil ito Ang pangako nya Kay Papa, na Hindi kami pababayaan. Kaya Naman bukod Kay Tito Samuel ay meron pang dalawang nagbabantay sa amin. Umabot ng isang taon at tila normal Naman Ang lahat sa amin. Minsan ay patago na dumadalaw si Papa dahil ayaw nya na maexpose kami at malaman ng mga tao kung sino talaga Ang tatay ko. Sa katunayan nga ay nagpanggap pa si Tito Samuel na sya ang tatay ko. Napagpasyahan ni Mama na ibalik na Ang mga bodyguard ni Gov, sa una ay tumutol si Gov at si Papa, pero kalaunan ay napapayag din dahil naiilang daw si mama na may mga bodyguard kami sa bahay. At dahil mukhang humupa Naman na Ang tensyon Kaya pumayag na din sila. Pero sa tuwing aalis si Tito Samuel ay nagpapadala ng isang tauhan si Gov para magbantay sa amin. Noong araw na umalis si Tito Samuel ay may pinadalang tauhan si Gov para magbantay sa aming bahay. Umalis din ako ng araw na iyon dahil may training kami sa school. Si mama naman ay naiwan sa bahay kasama Ang aming kasambahay. Ang sabi ni Tito Samuel ay dumating sya bandang alas tres y media ng hapon, nasa malayo pa lang daw sya ay narinig nya Ang sunod sunod na putok sa aming bahay, nagmadali sya upang Makita kung ano Ang nangyayari, ipinarada nya Ang Sasakyan sa medyo may kalayuan at patakbong tumungo sa aming bahay. Sa gate pa lang ay nakita nyang nakahandusay na ang bantay namin. Sa di kalayuan ay nasipat nya Kung gaano kadami Ang lalaking nanduon, ngunit Hindi nakagalaw si Tito ng marinig nya Ang sigaw ng isang lalaki kay mama. " Nasaan Ang anak mo?" " Wala sya rito, nasa malayo sya", sagot ni Mama. " sinungaling, halughugin nyo Ang kabahayan, hanapin nyo Ang batang yun", utos ng pinuno. Sa di inaasahan ay nanlaban si Mama, kinuha nya Ang baril ng isang lalaki na nakasuksok sa tagiliran nito at pinaputukan ito, hudyat na ito upang lumabas si Tito sa pinagtataguan nya Kaya nakipagpalitan din sya ng putok sa mga ito. Nasa sampung kalalakihan umano Ang sumugod sa aming bahay, Ang tatlo ay inutusan ng pinuno na hanapin ako, Kaya nagkaroon ng pagkakataon na manlaban si Mama pero sa di inaasahan ay napuruhan sya. Pareho kaming marunong humawak ng baril ni Mama, ito ay dahil sa turo ni Tito Samuel, at alam din ito ni Papa dahil sya mismo Ang nagsabi Kay Tito na turuan kami para na din alam namin protektahan ang aming mga sarili. Napatay ni Tito Samuel Ang anim na lalaki, pero Ang pinakalider ay sumunod sa mga lalaking inutusan na maghanap sa akin. Pagpasok nya sa loob ng bahay ay nakita nyang duguan si Mama, pero nakausap nya pa ito, sinabi daw ni Mama na hanapin ako at iligtas. Sakto Naman na dumating Ang aming kasambahay na sakay ng tricycle galing palengke. Isinakay ni Tito si Mama sa tricycle at ibinilin dito na dalhin si Mama sa hospital. Nang makaalis ay sya namang paharurot ng kotse ni Tito para hanapin ako, at sakto Naman na nagkita kami sa may kalsada kung saan nya ako pinasakay. Kung Hindi ako tumambay ng araw na iyon sa bahay ng kaibigan Kong si Andeng ay malamang dalawa kaming namatay ni Mama. Pero Hindi ipinahintulot ng pagkakataon, marahil ay may dahilan kung bakit ako nabuhay, at yun ay Ang bigyan ng hustisya Ang pagkamatay ng aking Ina. Habang nag-uusap kami ni Tito Samuel ay iniabot nya sa akin Ang isang envelope, binuksan ko ito at nakita ko Ang isang larawan. " Ano po ito Tito?", tanong ko sa kanya. " Yan Ang cartographic sketch ng lider ng mga lalaking sumugod sa bahay nyo ng araw na iyon, sya din Ang nakita Kong bumaril sa Mama mo". Pinakatandaan ko Ang hitsura ng lalaking iyon, bawat detalye ng mukha nya ay inukit ko sa isip ko, mula ng araw na iyon ay itinanim ko sa aking isipan na kailangan Kong bigyan ng katarungan Ang pagkawala ni Mama. _________________________ At dahil na-excite ako at sinipag kaya may kasunod na update para sa inyo. Sino Ang magagaling dyan na nakahula ng sikreto ni Liz Harris? comment na mga detectives! More bangayan for Victor and Liz, Abangan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD