Pagkatapos ng meeting sa opisina ni General Matias ay naunang lumabas sina Victor at Ridge. Habang naglalakad ay nakita si Ridge ng kakilala nitong dating kasamahan sa Airforce. Nagkwentuhan muna ang dalawa habang si Victor naman ay nagsindi ng sigarilyo malapit sa kung saan nakaparada Ang Sasakyan. Napansin ni Victor na katabi ng Range Rover nya ang Porsche Spyder na nakatabi din nya sa parking noong nag-meeting sila ilang araw na ang nakakaraan. "Sino Kaya Ang may ari nito", aniya sa isip.
Nakakalahati na ng stick ng sigarilyo Ang binata ng lumapit si Ridge sa kanya. Iniabot nya dito ang kaha ng sigarilyo at kumuha ng isang piraso Ang kaibigan.
" Bok, pansin ko mukhang mainit ang dugo sa'yo ni Agent Harris ah!", pamumuna ni Ridge Kay Victor.
Natawa si Victor bago sumagot,
" Kulang lang yun sa lambing Bok, konting lambing ko bibigay din yun"
Natawa din si Ridge sa tinuran nya.
"Pero grabe Bok! chix nga talaga, Kaya lang iba Yung datingan Ang lakas", si Ridge ulit.
", sinabi mo pa, nakakadalawa na sa akin yun, pag ako bumawi yari sya sa akin",
" mukhang mahirap nga paamuhin yun, mabangis pa sa Leon"
" Tangna, kung di lang maganda Yung amasona na yun matagal ko ng sinakal yun", sagot ni Victor.
Hithit buga ang ginawa ng dalawa habang nag-uusap kaya't di nila namalayan Ang pagdating ng may-ari ng sasakyan sa tabi ni Victor. Nang lumingon si Ridge ay nagulat ito na nasa tabi na nya halos Ang dalaga.
" A,agent Harris, I mean Liz, ah, Hi! this car is yours?", nauutal na tanong ni Ridge. " yes", simpleng sagot ng dalaga na matiim na nakatitig sa kanya.
" how long you've been here, we didn't notice you", si Ridge.
" Just right in time to hear you two talking about me, what is it again Captain Sandoval?", nakataas kilay nyang tanong Kay Victor.
Tila naumid Naman Ang dila ng binata pero Hindi ito nagpahalata, he chuckled then he speak,
" nothing, I just said you're a big headache every time I see you", sagot ni Victor habang mataman nyang tinitigan ang dalaga.
Lumapit ng kaunti si Liz na nakapamewang at pinaglaruan sa isang kamay ang susi ng sasakyan bago nagsalita na medyo natatawa.
" Oh!, I thought I heard you saying na kung Hindi lang ako magandang amasona sinakal mo na ako, well anyway, I'll take that as a compliment...na maganda ako!, pero Yung sasakalin mo ako,
she pouted before she speaks," I doubt kung magagawa mo", sabay kinindatan nya ang binata at naglakad sya paatras habang pangiti-ngiti na inabot ang pinto ng sasakyan.
Napamaang Ang dalawang binata sa tinuran ni Liz, Hindi sila agad nakapag salita. Agad namang pumasok sa sasakyan Ang dalaga at Walang pakundangan na inatras ito habang Ang bintana ay nakababa.
Nang medyo mahimasmasan ay si Ridge Ang nagsalita, "nakakapagsalita ka ng Tagalog?"
" fluently guys! linguist eh", she answered sarcastically,
"by the way, Hindi lang ako amasona, Kaya ko din bumuga ng apoy, Kaya mag-ingat ka Captain Sandoval, baka matusta ka",
sabay pinaharurot Ang Sasakyan paalis.
Naiwan Ang dalawa na tulala, Hindi nila lubos na maisip na naintindihan sila nito. Pero si Victor ay Hindi kumbinsido, parang may mali sa isip nya.
Nakalimutan nila na linguist nga pala Ang amasonang iyon. Kaya marahil ay Marami talaga syang alam na salita, ngunit parang ayaw itong i-absorb ng utak ni Victor. May tila bumubulong sa kanya na Hindi paniwalaan Ang katwiran nito na Isa lamang syang linguist.
The way she speaks Tagalog sounds the same way on how she speaks English, it's as if the two languages is her native tongue.
Nang makabalik sa ulirat at maalala Ang huling sinabi ni Liz ay tila kulog na dumagundong Ang halakhak ni Ridge habang nakapamewang na humarap sa kaibigan.
" Hanep Bok! mukhang apple of the eye
ka talaga ni Amasona", pang aasar nito Kay Victor.
Natatawa din Ang binata sa huling sinabi ni Liz, " abnormal talaga Yung amasona na yun, akalain mong pagbantaan akong matusta, eh kung sya kaya tuhugin ko, baka sya ang mag-init.
_____________________
Matapos ang meeting sa opisina ni General Matias ay ipinasya ni Victor na bumyahe na patungong Camarines Norte. Umalis sila ng Manila ng alas singko ng hapon at naisipan na magconvoy na lang silang dalawa ni Ridge. Dumating ang magkaibigan sa bahay ng Gobernador alas diyes ng gabi. Sinalubong sila ng katiwala ng mansion at sinabi na kakatulog lamang ng Gobernador kaya't minabuti ni Victor na wag na itong istorbohin. Nagpaalam si Victor sa mayordoma at sinabi dito na babalik na lang sila kinabukasan. Sa mansion nila Victor mananatili Ang magkaibigan. Mainam na din iyon para Hindi sila masyadong expose sa mga tao dahil ito ang napagkasunduan nila sa meeting. Lahat ng gagawin nila dito ay naayon sa suggestion ni Liz, Hindi Naman sila tumutol dito dahil mukhang maayos naman ang plano nito.
Samantala sa Manila naman ay nag-aayos na si Liz para sa kanyang pagpunta sa probinsya ng Camarines Norte. Bago sila naghiwalay kahapon ni General Matias ay pinaalam nito sa kanya na naitawag na nito sa Gobernador Ang kanyang gagawin sa probinsya. Nakausap na din nya ito sa tulong ni General Matias at ipinaliwanag kung ano ang magiging ganap nya doon.
_____________________
Ayla Grace POV:
" Anak, sigurado ka na ba sa gagawin mo?", tanong ni Papa sa akin.
"Yes Pa, I've readied for this long time ago, and there's no turning back now. I'm doing this for mama".
" You know I don't tolerate you doing all this things anak, pero Kung Yan Ang makakapag pagaan ng loob mo ay sino ba Naman ako para tumutol".
" Thanks Pa, and please trust me on this, malapit na natin makuha Ang hustisya para Kay Mama".
" I'm sorry if I failed you for being a father, and for being a good husband to your mother, if I can just turn back time gagawin ko Ang lahat para hindi na mangyari pa Ang bangungot ng nakaraan, Sana masaya Tayo ngayon kasama Ang mama mo".
Nakikita ko Ang lungkot sa mga mata ni Papa, Hindi man nya tahasang sabihin ay alam Kong hanggang ngayon ay sinisisi nya pa rin ang sarili sa nangyari kay Mama noon.
" Pa, let bygones be bygones, Hindi na po natin maibabalik ang nakaraan, at sa tingin ko Naman ay masaya na si Mama ngayon, alam ko Kung gaano mo sya kamahal, kaya nga hindi ka na ulit nag-asawa di ba?, kumusta na nga pala Yung mga chix na nagpapacute sa'yo?"
Natawa si Papa sa sinabi ko, kinurot nya ako ng bahagya sa tagiliran at niyakap.
" Loko ka talaga!, Wala akong chix, kayo lang ng Mama mo Ang mga babae sa buhay ko,at Wala akong balak palitan ang mama mo."
" Ay sus! Pa, alam ko naman na mahal mo si Mama pero syempre ayoko Naman humadlang sa happiness mo, Kaya if ever man, okay sa akin na mag-asawa ka ulit. Saka hello! sa edad nyo di na uso Ang ligaw no, my goodness Pa, magpapabebe ka pa ba eh ranggu ka na!"
"anong ranggu",nakakunot noong tanong nya.
"ranggu, gurang, pshh! para namang di Yan uso ng panahon nyo, wag ka pa-olats repa".
Natawa sya sa sinabi ko,
" anong gurang!, kalabaw lang tumatanda anak, saka Hindi ko alam yang sinasabi mong kapanahunan ko yang pabali-baliktad ng salita, Hindi ko na inabutan Yan no",
" naku, Papa! wag ka nga in-denial, if I know nung kabataan mo naka bell bottom ka pa na may plits sa gitna tapos siguro nung nililigawan mo si Mama naka pamada ka pa ng Tancho ba yun,
ano Pa, di ba Tama ako?
" sobra ka Naman anak, Lolo mo Ang gumagamit ng pamada, gel na Ang inabot ko saka suave, saka kathniel na Ang inabot Kong loveteam, hindi ko na inabutan sina Guy and Pip", mahabang Saad nya.
"Hindi mo inabutan pero Kilala mo, Matulog ka na nga Pa, puyat lang Yan, baka mamaya makita pa kita nagtitik-tok ka na din".
" meron nga anak, follow mo Yung account ko ha!", hirit pa nito habang palabas ng kwarto ko.
" Ano!", Papa matulog ka na, bawal mapuyat ang ranggu! saka wag ka magkalat sa social media ha!"
"Maya-maya pa ko matutulog anak, pagkatapos ko mag-Tinder".
"whaaaat", Tinder talaga Pa?,
Diosmio Marimar!