Victor POV:
Tinapik muna ako sa balikat ni Hans bago tuluyang lumabas sa conference room. Katulad nga ng sinabi ni General Matias, Hindi muna kami lumabas ni amasona dahil kakausapin nya kami.
Langhiya talagang amasona to, mukhang masesermonan pa yata ako ni Ninong dahil sa kanya.
Nanatili lang akong nakatitig kay amasona habang sya Naman ay nakikipaglaban ng tingin sa akin. Wala akong emosyon na nababasa sa mga mata nya. Nang kami na lang Ang nasa loob ay narinig ko Ang pagtikhim ni Ninong, tumayo ito at biglang nagsalita.
May mga detalye syang ipinaliwanag sa amin kaya nya kami pinaiwan, Isa na dito Ang koneksyon ni Uncle Ramon sa kasong ito. Hinala Kasi ni Ninong na maaring maulit Ang nangyari noon dahil hanggang ngayon ay Hindi pinapayagan ni Uncle Ang pagpapatayo ng gusali sa kanyang nasasakupang lalawigan.
" it's better if the two of you will start to get along well because from now on, you Agent Harris and Captain Sandoval will work hand in hand on this mission, no but's no if's. Understood?"
" yes sir" , sagot ko, habang si amasona Naman ay tumango lang. May kakaiba talaga dito Kay amasona, Walang takot Kay General, siguro dahil nga hindi Naman sya directly under Kay General pero dahil sa mission Kaya kailangan nya pa din kilalanin Ang position nito bilang pinuno ng sandatahamg lakas ng bansa.
"that's all, you may leave"
Sa di kalayuan sa labas ng conference room ay nakita Kong nakikipag usap si Hans Kay Agent Ramirez, nang makalapit ako ay nakipag kwentuhan pa ito saglit at maya-maya ay nagpaalam na. Paglabas sa headquarters ay napagkasunduan namin ni Hans na dumaan muna sa restaurant ni Jigger, nagpadala Kasi ito ng message sa group chat na nandoon umano ang grupo at hinihintay kami ni Hans para mapag usapan ang naging meeting.
Ilang minuto lang ay magkasunod kaming dumating ni Hans at magkatabi na din Ang Sasakyan namin sa malaking pay parking lot sa malapit. Sabay na kaming pumasok sa private room ng restaurant kung saan kami iginiya ng attendant. Pagpasok pa lang ay mga nakangisi na ang mga Gago, mukhang may niluluto na naman silang kalokohan.
" Bok, balita ko nagkita na kayo ni amasona mo ah", tanong ni Jigger.
" ayun oh, kumusta Bok?, nahalikan mo ba?", pang aasar ni Ridge.
" Taena mga Bok, di lang amasona eh, dragona pa, tanong nyo pa Kay Hans", sagot ko naman.
" Nabugahan nga sya agad kanina ng apoy eh", si Hans.
Sabay-sabay Naman nagtawanan ang mga kolokoy sa sinabi ni Hans.
"Langhiya Bok, mukhang di na nagana Yung karisma mo sa mga chikababes ah"
" Putcha, pag na-corner ko yun yari sa akin yun", kompyansa Kong sagot.
" Pero Bok, Yung totoo, maganda ba talaga sa personal?", si Lemuel.
Napangiti muna ko habang napailing bago sumagot, " Walang duda".
"ayun oh!",
" yun naman pala",
halos sabay-sabay nilang reaction sa sagot ko.
Mula ng makaharap ko ang amasonang dragon na iyon ay hindi na sya nawala sa isip ko. Para bang may kakaiba sa akin na hindi ko maipaliwanag. Nang araw na kinausap kami ni Ninong ay hindi ko akalain na makikipaglaban sya ng titigan sa akin. Walang gustong magbawi ng paningin sa aming dalawa, pero Wala din naman akong emosyon na mababakas sa kanya. Marahil ay magaling lang syang magtago nito. Pero aminin ko man o Hindi, ay may parte sa puso ko na gusto ko ulit syang makita. Ang mga titig nya ay parang pamilyar sa akin.
______________________
Lumipas ang tatlong araw ay may nakuha kaming Intel na may assassination plot Kay Uncle Ramon. Mukhang tama Ang hinala ni Ninong, Hindi talaga titigilan ng sindikatong iyon Ang tyuhin ko hangga't di nila nakukuha Ang gusto nila. Kapag nawala si Uncle ay papalit ang Vice- governor nito, pero sa hinuha ko ay may pagka uto-uto Ang isang iyon at malamang ay alam ng mga kalaban na madali nila itong mapapasunod. Bago pa mangyari iyon ay kailangan may gawin ako para maprotektahan si Uncle Ramon. Nang makuha ko Ang report na ito ay agad akong tumawag Kay Ninong para ipaalam. May nabuo syang plano, ayon sa kanya ay pinag isipan nya muna ito, ngunit ng sabihin nya na si Agent Harris mismo ang nagsuggest ay hindi agad ako nakakibo. Ipinasya ko na puntahan si Ninong sa kanyang opisina upang mapag usapan namin ito ng maayos. Isinama ko na din si Ridge dahil nagpresinta sya na magpanggap na isa sa magiging bodyguard ni Uncle pagdating namin sa probinsya. Pagpasok namin sa opisina ni General Matias ay sumaludo kami ni Ridge, " carry on", sabi niya.
Pinaupo kami sa harap na upuan ng kanyang lamesa, kinuha nito Ang cellphone at may binasa, pagkatapos ay nagsalita muli, " let's wait for the other one before we start". Nagtaka Naman kami ni Ridge, may hinihintay pa kaming Isa, sino Naman Kaya, ngunit sa isip ko Sana ay si amasona Ang dumating. Parang gusto ko talaga syang Makita kahit sandali lang ng araw na iyon.
Makalipas Ang siguro ay tatlumpong Segundo may kumatok sa pinto ng opisina, " come in", sagot ni General.
Halos mapatayo ako sa tuwa ng makita ko ang mala-anghel na mukha ni Amasona.
" Good morning", pagbati nito habang nakangiti, " have a seat Officer Harris", sagot ni General.
"oh!, so, the baby boy is here!", may pang-uuyam sa mga ngiti nito habang nakatingin sa akin. Tangna talaga tong amasona na to, tinawag akong baby boy, ano ako sanggol?, inumpisahan na naman ako nito ha! Lalo akong nabadtrip ng matawa si Ridge sa tinuran nito. Tumayo si Ridge at iginiya si Amasona para paupuin sa tapat ko, habang sya Naman ay humila ng isang upuan. Ako Sana Ang gagawa nun pero dahil na-bad trip ako Kaya hinayaan ko si Ridge gumawa para sa kanya.Hinintay ko muna sya makaupo sa tapat ko. Then
I leaned closer to her at bumulong,
" next time you call me baby boy I'll make sure to give you one". Ako Naman Ang natawa habang dahan- dahan na tumapat sa mukha nya, halos tatlong pulgada lang Ang layo ng aming mga mukha kaya naaamoy ko Ang bango ng hininga nya na strawberry scent. Nawala ang mapang asar na ngiti nya at pinanliitan ako ng mga mata. Ano ka ngayon? nakaisa din ako. Nagdiwang ako ng palihim ng makita ko ang reaction nya. Mukhang Hindi ito sanay na binabara ng lalaki, sorry na lang sya dahil barumbado ako.
Humarap si Ninong sa aming tatlo matapos makipag usap sa kanyang cellphone, at pinakilala si Ridge Kay Amasona.
" Officer Harris I want you to meet Captain Montoya, he used to be with the Philippine Airforce and like Captain Sandoval I know he will be of big help in your mission".
"Please to meet you Officer Harris, and no need for formality, please call me Ridge". Inabot nito Ang kamay Kay amasona at agad Naman tinanggap ng huli. "Nice to meet you Ridge, I'm Liz Harris,call me Liz then", sagot Naman nito.
Nag-init ang bumbunan ko sa dalawang to, taena nito ni Ridge para-paraan, alam ko naman na na-starstruck din sya Kay amasona. Uunahan pa yata ako ng gagong to, pero teka, bakit ba ako naiinis, nagseselos ba ako? Kailangan Kong bumawi, tangna lagi ako naiisahan ni Amasona ah!
Nang matapos Ang meeting ay nagpaalam kami ni Ridge kay Ninong, bago ako lumabas ay tiningnan ko muna si Amasona, nginitian ko sya at kinindatan matapos kong magpaalam sa kanya, " see you around baby girl".
______________________
Dahil maraming nag-aabang ng update sige na nga eto na, bukas pa dapat to pero dahil nagrequest kayo sige na, eto na. Nag-eenjoy din ba kayo kapag naba-badtrip si Victor? Nag-isip ako ng magandang pangalan ng loveteam nila eh, Liz&Ace= LACE, Victor&Grace=VRACE
Ayla&Victor=AYVI. Ewan, sabaw na ko. pagod na mga besh!