Isang nakaparadang Porsche Spyder ang naabutan ni Victor sa labas ng headquarters kung saan ipinatawag sila ni General Matias. Walang ibang bakanteng slot sa parking kung Hindi sa tabi ng nasabing sasakyan. Mabuti na lang at naisipan ni Victor na gamitin Ang kanyang Lamborghini Gallardo na bago pa lamang nya na-acquire. Regalo nya ito sa sarili dahil sa three consecutive years na pananatiling nasa topnotch ng industriya ang kanilang kompanya, at ito ay nag umpisa ng sya Ang mag take over sa company mula ng magretiro ang ama.
Dahil sa sipag at angking galing ni Victor ay Hindi maipagkakaila na malaki na Ang naabot nitong tagumpay, Hindi lang sya magaling na sundalo, isa din syang de kalibreng inhenyero. Sa edad na 29 ay madami ng napatunayan si Victor sa buhay, naniniwala sya na kapag hinawakan nya ang isang bagay ay hindi nya ito bibitawan hangga't hindi nagiging ginto. Kaya Naman ng ipasa sa kanya ng ama ang pamamahala sa kanilang kompanya ay inaral nyang mabuti Ang pasikot sikot dito, at sa unang taon ng pamamahala nya ay biglang nahigitan nito Ang mga dating nangunguna sa industriyang kinabibilangan.
Nang makalabas si Victor sa kanyang nakaparadang sasakyan ay may tumapik sa balikat nya, " Bok, ngayon ka lang?", tanong nito sa kanya.
" Oo Bok, dumaan ako sa opisina, may ipinagbilin lang ako Kay Jaz, kanina pa ba nag umpisa Ang meeting?", balik tanong nya Kay Hans.
" Hindi naman, sakto lang Ang dating mo", sagot nito sa kanya.
"Hanep to, buti na lang dinala ko Yung bagong girlfriend ko, kung Hindi manliliit akong tumabi dito", si Victor habang itinuturo ang katabing Porsche na nakaparada. Ang tinutukoy na girlfriend ng binata ay ang kanyang sasakyan.
Natawa Naman Ang kaibigan sa tinuran nya, " makikilala mo din sa loob ang may-ari nyan Bok", sagot ni Hans.
Tumuloy sa conference room ang magkaibigan kung saan naroroon na din ang team leader ng NBI na nakikipagtulungan sa operasyon nila.
Bilang mga alagad ng batas ay Hindi na nakapagtataka na magkakakilala na sila, Kaya Naman bilang pagbati ay agad silang nakipag kamay sa mga ito.
"Captain Salvador, kumusta?", tanong ni Agent Ramirez.
" Eto, binata pa din Attorney, baka may irereto ka,", sagot ni Victor habang natatawa.
"Ayan tayo eh, puro kasi pagpapayaman ang inaatupag mo", sagot ng kausap.
"Maniwala kayong Walang chix yan, sa gandang lalaki nyan ni Kapitan baka nakapila pa mga babae nyan sa labas ng opisina", saad naman ng isang kasama nila.
Si Victor at Agent Ramirez na syang Senior Investigation Agent ng NBI ay ilang beses ng nagkaroon ng pagkakataon upang magkatrabaho sa ilang hinawakan nilang maseselan na kaso. Ilang minuto pa silang naghintay sa loob ng conference room habang nagkukwentuhan.
Samantala naglalakad na sa pasilyo sina Agent Harris kasabay si General Matias at ang NBI Director. Nang bumukas ang bulwagan ng conference room ay sabay-sabay na nagsitayuan at sumaludo ang mga nasa loob hudyat ng pagbibigay respeto sa mga nakatataas na opisyal. Sabay na pumasok si General Matias at Director Punzalan, habang nasa likod nila ang dalawang FBI agent at sa likod ng mga ito ay si Agent Harris.
" Carry on", saad ni General Matias sa kanila. Tumayo sa magkabilaang kabisera ng upuan Ang dalawang mataas na opisyal. "Gentlemen, I want you to meet FBI Special Agent Liz Harris", sabay tingin ni General Matias sa babaeng huling pumasok. Tila naman may anghel na pumasok dahil sa pagtahimik ng buong kwarto, Wala ni Isa man sa mga lalaking naroon Ang nangahas na magsalita. Habang naglalakad si Agent Harris papunta sa kanyang nakalaan na upuan ay tila ba nag slow motion Naman Ang lahat ng kilos nito sa paningin ni Victor. Sa tingin ng binata ay Isa itong Modelo na naglalakad palapit, sakto Naman na Ang upuan nitong napili ay Ang nasa kanyang tapat. Hindi makapaniwala Ang binata na ang babaeng nakita nya sa CCTV footage na Walang habas na nakikipag palitan ng putok sa mga maton at Ang babaeng bumaril sa gulong ng kanyang sasakyan ay nasa harapan na nya.
"Teka, amazona nga pala ang isang ito", kausap ni Victor sa sarili. Pero kahit anong gawin nya ay para syang hinahatak ng Kung anong bagay para masipat ng maigi Ang mukha nito. Hindi sya makapaniwala na Ang amazona na nakikita nya ngayon ay kabaliktaran ng hitsura nito. Para syang namamagnet ng maamong mukha nito, Ang mapulang labi na hugis puso, mahahabang pilik mata, matangos at manipis na ilong, at Ang mata nito na tila ba nangungusap, lahat ay bumagay sa kanya lalo na Ang buhok nito na ash blonde, litaw na litaw Ang pagiging foreigner pero Ang ganda ay Hindi nakakasawang tingnan. Lalo pang dumagdag sa alindog nito ang magandang hubog ng katawan.
Nang magsimula ang meeting ay hiningan ng suggestion Ang kanya-kanyang grupo kung paano nila mapapadali Ang trabaho. Habang nagsasalita si Agent Ramirez ay matiim na nakikinig Ang lahat, samantala si Victor naman ay hindi maalis Ang tingin Kay Agent Harris. " Ang ganda talaga ng amazona na to", bulong nya sa sarili.
Samantala, Hindi Naman maitago sa peripheral vision ni Liz ang panaka nakang pagtitig sa kanya ng binata, Kung minsan pa nga ay nahuhuli nya ito na matiim na nakatitig sa kanya. Napapangiti na lang Ang dalaga ng lihim. Hindi Naman lingid sa kanya na marami talaga Ang humahanga sa likas nyang ganda. At dahil dun, may naisip na kalokohan Ang dalaga. Hahanap lang sya ng tyempo para magawa iyon. Ngayon pa lang ay natatawa na sya sa naiisip.
Samantala, natapos magsalita si Agent Ramirez ng dumako sa kanya Ang tingin ni Director Punzalan.
"by the way, I would like you all to know that thru the efforts of our FBI partner agents headed by Officer Harris, one of the most elusive target is now under our custody, thank you Officer Harris. As soon as he tells us the names then we will soon finish this mission", mahabang pahayag ng Director.
Bago matapos Ang meeting ay nagsuggest si General Matias na mas makakabuti kung mag partner si Captain Salvador at Agent Harris, pero Hindi man ito tahasang tinutulan ng huli, kitang Kita Naman na parang ayaw nito sa suhestyon ng Heneral.
" With all due respect General, but I am more confident working alone, I mean, no offense meant to you Captain Salvador but I don't intend to work with someone who in turn became my responsibility".
Sa pahayag ng dalaga ay parang sinampal si Victor, Hindi nya inaasahan na ganito pala katalas magsalita Ang amasonang nasa tapat nya. Hindi na din sya nakapagtimpi Kaya sumagot sya...
" with all due respect Sir, I also don't intend to work with someone who might in turn became a clingy girlfriend, I mean no offense meant to you too Officer Harris".
Nakangiting Saad ni Victor na may halong pang-aasar.
Sasagot pa sana si Agent Harris pero pinutol na ito ni General Matias.
" That would be enough for today gentlemen, meeting adjourned, you may now leave,except for Captain Salvador and Officer Harris".