Chapter 14

1040 Words
Pagkalipas ng dalawang araw matapos Ang insidente sa club na pag mamay Ari ni Jigger ay lumabas na Ang report ng imbestigasyon nila sa kung sino Ang babaeng tinutukoy ni Victor. " Bok, baka di ka maniwala sa sasabihin ko", paunang sabi ni Lester. " Yung mga babae mo Lang Naman Ang Naniniwala sayo Bok, Kaya kung ano man Yan malamang di nga kapani paniwala" , banat Naman ni Ridge. "Sira ulo ka Bok", natatawang sagot ni Lester sa kaibigan habang hinagisan ng pinilipit na tissue. Mula silang nagkita-kita ng mga kaibigan sa club na pag aari ni Jigger. Di gaya ng nakaraan na apat lang sila, ngayon ay kasama na sina Hans , Lemuel, Krisanto at Brandon. Nasa VIP room sila ng club sa ikalawang palapag. "Bok, mas maganda siguro kung Makita mo muna Yung footage bago ko sabihin Ang supresa", pahayag ni Jigger Kay Victor habang natatawa. Napakunot noo sya sa tinuran ng kaibigan pero pinili pa din nyang sundin Ang suggestion nito. Walang anu-ano ay inabot sa kanya ni Ridge ang laptop at pinindot ang play button. Sa una ay kitang Kita nila ang galing sa pakikipaglaban ng babae, mula sa pagpilipit nito ng kamay sa lalaking kausap, sinubukan syang matumbahin ng lalaki ngunit higit na mas mabilis ang kilos ng babae, kahit mukhang may alam sa martial arts Ang lalaki dahil sa paraan ng pagkumpas nito ng kamay, ngunit Hindi naging hadlang Ang suot ng babae na naka fitting dress at heels para makipagsukatan ng lakas sa kalaban nyang maton. Kitang Kita sa footage na Hindi man lang nalapatan ng kamao ng lalaki Ang dalaga sapagkat sa bawat pag unday nito ay nasasalag agad ng seksing babae. Hanggang sa humugot ng baril Ang lalaki ngunit bago pa man nya ito maiputok ay nakapagtago na ito sa likod ng mga sasakyan. Kitang Kita sa footage kung paano paulanan ng bala ng mga lalaki Ang Sasakyan at Ang pakikipag palitan dito ng putok ng babae. Sa di kalayuan ay nahagip ng camera Ang lalaking naka hoody jacket na maagap na nakipag palitan na din ng putok sa mga lalaking kalaban ng babae. Dito ni Victor nakumpirma na kasamahan ito ng babae , at ito din ang lalaki na kanyang sinundan. Samantala, napa wow silang lahat ng ilang sandali pa ay lumabas Ang babae mula sa pinagtataguan nito at sabay inangat ang dalawang kamay na may baril at lahat ng mahagip ng bala nito ay walang mintis. Tumayo pa ito sa gitna ng kalsada na tila naghahamon, parang nanonood sila ng isang action pack Hollywood movie na isang babae ang bida. Ito Ang eksenang hindi nakita ni Victor ng magtago sya sa likod ng puno dahil nasa kabilang parte ang nangyaring bakbakan. Matapos mapatumba ng babae Ang mga kalaban ay madali itong pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito hanggang sa Hindi na mahagip ng CCTV Ang Sasakyan. " Tangina, baka mahalikan ko yang babaeng Yan pag nakita ko ulet", tahasang komento ni Victor. Natawa Naman si Hans sa sinabi ng matalik na kaibigan. " may good news at bad news ako sayo Bok", saad ni Lester "pota, kanina ka pa Bok, pa-suspense ka, ano ka chix?", naiinis na usal nya dito. "Hahaha", sabay sabay na tawa ng mga kaibigan nya. "Eto na, sasabihin ko na", sabay lapag ng litrato ng babae, kinuha Naman agad ito ni Victor at pinakatitigan. Pixelated ang picture na iyon dahil kuha lamang sa zinoom na footage kaya't di masyadong maaninag ang magandang mukha ng dalaga, ngunit kahit ganun pa man ay nakuha nito ang atensyon ni Victor. "Wala na bang mas lalabo pa dito?", tanong nya sa kaibigan. " meron syempre", sagot ni Ridge Sabay lapag sa mesa ng isa pang litrato ng dalaga kung saan nakahawak ito sa kanyang helmet, Isa itong stolen shot pero mas malinaw at kitang Kita Ang magandang mukha ng babae. Nang Makita ni Victor Ang helmet at motor nito na katabi ay tila nabuhusan sya ng malamig na tubig dahil sa pagkagulat. Napagtanto nya na ito Ang babaeng kanyang sinusundan at sya ring bumaril sa gulong ng kanyang sasakyan. Pinaglipat -lipat nya ang tingin sa dalawang litrato at inangat Ang tingin kay Hans na nasa harapan nya. May pangtutuya ang ngiti ng kaibigan sa kanya habang nakasandal ito sa couch at naka de kwatro. " Kung ano man yan Bok, tama ang naiisip mo", makahulugang sabi nito sa kanya. "And here's another thing", sabi naman ni Brandon habang umupo sa tabi nya matapos kumuha ng baso at magsalin ng alak, " she is no other than", binitin muna Ang sasabihin bago muling tumingin sa litrato at inabot Ang baso para sa kanya. " she's no other than, the one and only Liz Harris". "You mean Elizabeth Harris!", tanong nya ulit. Walang kagatol-gatol na tumango si Brandon sa kanya. " Walang duda Bok", sabi ni Ridge. " Tangina, sabi ko na nga ba eh!", anas nya. " Unang sipat ko pa lang sa babae na yun habang nakasakay sa motor alam ko na agad, may iba sa kanya". "Paano ba yan Bok, mukhang naisahan ka na agad ah", may pang-aasar na wika ni Lemuel. "Anong naisahan, nakadalawa na kamo", sabat naman ni Krisanto na natatawa. "Malaki-laki na ang sisingilin ko sa kanya", sagot ni Victor. "Mukhang kakaiba ang singilan na mangyayari ah". Natawa si Victor sa tinuran ni Hans, pero sa totoo lang ay parang may kakaiba sa babaeng iyon. Hindi nya mapangalanan kung inis ba o panghihinayang Ang nararamdaman nya dito. Inis dahil sa unang beses na nagtagpo ang landas nila ay binaril nito Ang gulong nya at Wala man lang syang nagawa. At sa pangalawang pagkakataon naman ay nasira ang nakatakdang operasyon nila kung saan naunahan sila nito na kunin ang target sa club na pagmamay-ari mismo ni Jigger. Panghihinayang naman sa kabilang banda dahil kung sa ibang pagkakataon ay gusto nya itong makilala ng maayos, iyong tipong they don't hold any grudges with each other, pero mukhang Hindi ganun Ang mangyayari dahil para sa kanya ay parang natapakan nito ang kanyang p*********i. Sino ba naman kasi ang makakaisip na isang babae lang pala ang makakahuli sa isang mailap na tao. __________________________ Abangan ang pagtatagpo nila Agent Liz Harris and Captain Victor Salvador. Excited na ba kayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD