bang! bang! bang!...
Habang palabas sa club ay sunod sunod na putukan ang narinig ni Victor. Mula sa kanyang tagiliran ay agad na binunot ang .45 caliber automatic colt pistol at sinipat ang nangyayari sa labas. Naalarma ang mga guard ng club ngunit agad silang binigyan ng instructions ni Victor at sinabi na i-secure Ang vicinity para na rin sa kaligtasan ng mga nasa loob. Mabuti na lang at maingay dahil sa lakas ng tugtog Kaya Wala man lang kamalay-malay Ang mga tao doon kung ano ang nangyayari sa labas. Mula sa likurang bahagi ng establishment ay lumitaw sina Lester at Ridge na parehong may hawak na baril.
Samantala si Jigger naman ay umakyat sa opisina nito sa second floor ng club at tinutok ang mga mata sa CCTV. Hinahanap nya kung saan nagpunta Ang kanina lang ay target nila ngunit sa di inaasahan ay Ang palitan ng putok ng baril Ang tumambad sa kanyang monitor.
Sa tantya nya ay nasa labas na Ang mga kaibigan Kaya agad hinanap ang location ng mga ito. At di nga nagtagal ay nakita nya Ang tatlo na tila nagsesenyasan. Napansin ni Jigger ang isang lalaking naka hood na patungo sa direction ng putukan, may pagmamadali sa kilos nito kaya Naman naisip nyang timbrehan Ang mga kaibigan.
Mula sa earpiece na nakakabit sa tenga ay narinig ni Victor Ang boses ni Jigger,
" Alpha, three o'clock". Ito Ang code name ni Victor. "copy Ryder", sagot Naman nya Kay Jigger.
Bumaling sya sa kanang bahagi at nakita Ang tinutukoy ng kaibigan. Patungo Ang lalaki sa kabilang parte ng kalsada at tila may hinahabol, bigla itong nakipag palitan ng putok sa isang grupo na galing sa SUV na umibis sa harapan. Sya namang sunod sunod na putukan ulit Ang narinig nila. Mula sa left side ni Victor ay may balang umalpas, mabuti na lang at mabilis nya itong nailagan.
Hindi kilala ni Victor Ang nakahood na lalaki pero may kung ano sa kanya na nagtutulak para tulungan ito. Paglingon nyang muli sa pinanggalingan ay Nagpakawala sya ng sunod sunod na putok sa kalaban at halos sabay sabay nagsibagsakan ang tatlong lalaki. " cover me Hunter", si Victor na nanghingi ng back up kay Lester." copy alpha", sagot Naman nito na nagpakawala ng sunod sunod na putok habang pinapaulanan ng bala Ang mga kalaban na nasa likod nila.
Nang makalabas si Victor sa pinagkukublihan ay dumirecho ito sa direksyon na tinatahak ng lalaking nakahood. Nakita nyang may kinukuyog ng bala Ang mga lalaki sa kabilang kalsada. Nang makatawid ang lalaking nakahood ay agad itong nagpakawala ng sunod sunod na putok at tila tinulungan Ang babaeng kanina lang ay kinukuyog ng bala.
" Takte, babae!", sa isip ni Victor.
At Hindi lang Basta babae, isang seksi at matangkad na babae. Naka heels ito at spaghetti strap fitted dress pero nakikipagpalitan ng bala sa mga bruskong lalaki.
" You're so hot baby", usal ni Victor sa hangin. Para syang nakakita ng live action movie ni Angelina Jolie. Pinagmamasdan niya ang mga galaw nito na para bang sanay na sanay na sa pakikipaglaban.
Nagkubli si Victor sa isang puno at pinagmasdan Ang nangyayari. Napagtanto nya na ito ang babaeng nakita nya kanina sa loob ng club base sa suot nito.
" Ryder", tawag nya Kay Jigger.
" come in Alpha", sagot naman nito.
"I want full details ng babaeng nakikita ko ngayon", alam Kasi ni Victor na napapanood ng kabila Ang lahat ng nangyayari mula sa CCTV nito. High tech Ang mga kagamitan ni Jigger Kaya alam nyang magagawa ito nito.
" Roger that".
_______________________
Before the encounter...
Ilang saglit na pinasadahan ng tingin ni Agent Harris ang loob ng Club, nakita nya mula sa kanyang peripheral vision ang isang lalaki na panay ang tingin sa gawi nya. Naisip nya na baka naghahanap lang ito ng makaka ulayaw ng gabing iyon kaya Hindi nya ito masyadong binigyan ng pansin. Sanay na sya sa mga lalaking madalas lumalapit sa kanya kapag nasa ganitong lugar sya. Hindi lang iilang beses syang nalagay sa ganung sitwasyon dahil kasama ito sa trabaho niya bilang secret agent.
Samantala, nakita nyang umalis sa kinauupuan Ang target nya, Kaya Naman mabilis Ang kilos nyang sinundan ito at tinahak Ang daan patungo sa CR.
"Hi handsome", pagbati ni Liz sa lalaki na may kasama pang malanding ngiti at paghimas sa braso nito. Napakagat labi Naman Ang lalaki at halatang nadala sa kanyang pang-aakit. Pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan ni Liz na waring napakasarap na putahe. Kinabig sya nito palapit at hinampas ng marahan Ang kanyang pang-upo.
" nice butt huh", bulong nito sa kanya.
" wanna go somewhere else?", tanong ni Liz. " my place", sagot nito sa kanya.
Hudyat na iyon kay Liz para gawin ang susunod na hakbang.
Nang akbayan sya ng lalaki ay agad niyang itinurok ang syringe na naglalaman ng kemikal. Agad na umepekto ang gamot at biglang nabuwal ang lalaki. Mabuti na lang at malapit na sila sa fire exit sa likurang bahagi ng club kung saan naghihintay ang isang FBI agent at ang asset ni Liz.
Agad nilang isinakay ang lalaking walang malay sa passenger seat ng sasakyan at ipinosas ito para siguradong Hindi makatakas. " sleep well, asshole", bulong ni Liz sa kanya na tila mahimbing na sa pagkakatulog. Agad na umibis Ang sasakyan ni Agent Ford at naiwan si Liz na kausap Ang kanyang asset. Lingid sa kaalaman nila ay may nakakita sa paglabas nya sa fire exit ng club. Samantala, hinahanap na ng mga bodyguard Ang lalaking ngayon ay tinangay na ng kasamahang agent ni
Liz.
" Good job, Phoenix!", aniya sa asset na malaki ang naging parte para makakuha ng impormasyon sa kanyang target.
" No worries, just let me know if you need my help Lady Violet". Ito Ang codename ni Liz kapag nasa mission sya dati as secret agent. Dito sa Pilipinas ay si Phoenix ang kanyang asset at matagal ng pinagkakatiwalaan. Magaling na asset ito at kahit ni minsan ay hindi nagmintis sa impormasyon. Nakilala nya ito sa Las Vegas ng minsang nagkaroon sya ng mission doon. Nalaman nyang nawalan ito ng trabaho kaya't nagpalaboy na lamang sa naturang syudad, ngunit dahil sa angking kabaitan ni Liz Kaya tinulungan nya ito.
Walang working permit si Phoenix sa naturang bansa kaya ito natanggal sa trabaho, ngunit ayaw namang umuwi ng Pilipinas dahil sa hiya na baka kutyain ng
mga kamag anak.
Ilang taon pang nanirahan si Phoenix sa US hanggang sa maging US reserve army ito sa tulong na din ni Liz. Mula ng araw na makita ito ng dalaga ay naging magkaibigan na sila at halos kapatid na din Ang turingan sa isa't Isa. Si Phoenix ang isa sa mga piling tao na nakakaalam sa pagiging secret agent nya.
Tumawid ng kalsada si Liz kung saan nakaparada Ang kanyang sasakyan, samantalang si Phoenix Naman ay tinahak Ang daan papunta sa motor na nakaparada sa di kalayuan. Akmang papasok sa kotse Ang dalaga ng may humawak sa kanyang pulsuhan, iwinaksi iyon ng dalaga na syang ikinagulat ng lalaki.
" where is our boss?", tanong nito sa kanya.
" I don't know what you're talking about Mister, now if you excuse me I have to go", saad ni Liz.
" you think we'll let you go?", sagot nito sa kanya sabay hinaklit sya sa braso pero mabilis Ang reflexes ng dalaga
kaya nadepensahan nya Ang tangka ng lalaki na buhatin sya. Hindi umubra ang laki ng katawan ng katunggali ni Liz Kaya Naman humugot ito ng baril at pinaputukan sya, subalit mabilis sya na nakapagtago sa likod ng mga nakaparadang sasakyan. Kinuha nya ang
baril na nakasabit sa holster na nakakabit sa kanyang hita. Nakita nyang may mga lalaking nagsilapitan sa kanyang direksyon, mukhang nakaagaw ng atensyon Ang ingay ng baril Kaya nagsidatingan Ang kaalyado ng lalaking nakasagupa nya.
Samantala, pasakay na ng kanyang motor si Phoenix ng marinig nya Ang sunod sunod na putok mula sa kabilang kalsada. Naisip nya agad si Liz kaya't dali-dali syang pumunta sa direksyon nito. Hinugot Ang baril sa tagiliran
at nagpaulan ng putok sa mga kalaban na unti unti ng kinukuyog Ang kanyang kaibigan.
Nang makita ni Liz si Phoenix na kinocover sya ay nakuha nya Ang pagkakataon para abutin ang isa pang baril na nasa loob ng kotse nya. Nang masigurong puno ng bala Ang dalawang baril ay tumayo siya mula sa pinagtataguan at sunod sunod na nagpakawala ng bala, Walang nasayang doon dahil sa bawat putok ay may humahandusay na kalaban.