Chapter 10

2078 Words
Tagumpay ang unang misyon ni Victor sa target nito na si Macy Hampton, isang socialite model na kasosyo sa negosyo ni Howard Chan, ang Chinese businessman na ayon sa impormasyon ay may kaugnayan sa Drug trade sa loob at labas ng bansa. Ang negosyo ni Chan ay high end clubs, SPA clinic, at aesthetic center. Dahil sa galing ni Victor na manglansi ng babae ay napakanta nya si Macy tungkol sa mga negosyo ni Chan. Pati ang mga pinupuntahan nitong lugar at maging ang negosyo nito na hindi alam ng ibang tao bukod na lamang sa mga pinagkakatiwalaan nito. Nang makakuha ng sapat na impormasyon si Victor ay nagpaalam ito sa babae. Pero naisip niya na malamang ay mas madami pa syang malalaman dito kapag patuloy silang magkikita. Gagamitin nya si Macy para makakuha ng iba pang impormasyon sa kanilang mga target. Sa hinuha niya ay Hindi lang din ito Basta kasosyo sa negosyo. May mga detalye kasi itong nabanggit sa kanya na Hindi lubos na maliwanag. At may pagkakataon pa na tila nagulat ito sa nasasabi, marahil ay dala ng espiritu ng alak kaya ito naging madaldal. Sinamantala ni Victor Ang pagkakataong iyon para magkwento Ang babae tungkol sa negosyo nito at sa mga taong madalas na nakakasalamuha nya. " see you around Victor my darling", malanding sabi ni Macy ng magpaalam ang binata sa kanya. Pagkalabas ng Remington Tower ay pinaharurot ng binata Ang kanyang sasakyan patungo sa condo nya. Pakiramdam nya ay naubos Ang lakas nya sa babaeng katalik kanina. Pagpasok sa sariling unit ay dumirecho sya sa banyo para maligo, Hindi nya namalayan na nakatulog pala sya habang nagpapatuyo ng buhok. Alas nuebe y media ng magising sya dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone, pagsipat nya ay nakitang si Hans Ang tumatawag. " Bok, balita?", namamaos pa nyang sagot sa linya. " Hanep Bok, mukhang naubos Ang lakas mo kagabi ah", kantyaw Naman ng kaibigan. Napakamot muna sya sa ulo at biglang umupo sa kama bago sumagot. " Tanginang babae yun, parang bampira makasipsip, kulang na lang pati itlog ko lunukin." "Hahaha!", malakas na tawa ni Hans sa kabilang linya. " Wala na Bok, mukhang nanghihina ka na sa chix ah!", kantyaw ulit nito sa kanya. " Tangna Bok, kilala mo Naman ako, alam mo Ang Karakas ko pagdating sa babae, pero syempre mahirap na, may hinihintay pa ako alam mo Yan", sagot Naman nya sa kaibigan. Napatango naman ang kausap sa kabilang linya, wari bang nakikita sya nito, " so pano, magkita na lang tayo sa headquarters mamaya?", si Hans. " Sige Bok, ngayon din ba dating ng FBI agents" " Oo, kasama daw mamaya sa meeting sabi ni General". Matapos mag-usap ng dalawa ay agad na tumayo si Victor para maghanda sa pagpunta sa headquarters. Tila ba may kung anong magnet Ang humihila sa kanya ng araw na iyon para sa meeting. Kahit masakit Ang ulo nya dahil sa puyat at pagod ng mga nagdaang araw ay parang hindi nya ito iniinda. Parang excited sya na Hindi nya mawari, excited ba sya na makita ang nag-iisang babaeng agent na pinadala ng FBI. Ito lang Naman Kasi Ang pumupukaw sa curiosity nya, lalo na ng malaman nya na Hindi pangkaraniwan Ang skills nito kumpara sa ibang mga babaeng alagad ng batas. ______________________ Ayla Grace POV: " Good Morning Manila", pangalawang araw ko na ngayon dito sa Pilipinas. Gaya nga ng napag usapan namin ni Papa kagabi ay gagamitin ko muna ang araw ko ngayon para makapunta sa puntod ni Mama. Ilang taon na din ang nakalipas at sa loob ng mahabang panahon ay ngayon ko Lang madadalaw Ang libingan nya. Mahaba na din ang tulog ko kaya nakapagpahinga na ko ng maayos. Ayoko mag aksaya ng Oras, bawat segundo ay mahalaga Kaya kung ano man ang dapat kong gawin ngayon ay tatapusin ko din agad. Tumayo ako sa kama at dumirecho sa banyo, napasigaw pa ako sa pagtama ng malamig na tubig ng shower sa aking balat. Makalipas Ang 20 minuto ay lumabas ako galing sa shower room. Dahil Wala Naman akong masyadong dalang damit Kaya napagpasyahan Kong magsuot na lang ng dark blue jeans, black sando at rubber shoes, mas komportable at madaling kumilos sa ganitong damit. Hiniram ko din ang isang sasakyan ni Papa, kahit gusto nya na isama ko Ang driver nya ay Hindi ako pumayag, mas gusto ko kasi ng Walang ibang inaabalang tao, at ayoko din ng may kasama, sanay na akong kumilos mag Isa. I'm not a typical daddy's girl, naging independent din Kasi Ako at the age of 16. Marahil ay nasanay na din ako dahil sa kultura na na-adapt ko na sa Amerika. Isang Oras Ang naubos ko sa byahe papunta sa himlayan ng aking Ina, Isa itong museleo at kasama nya dito Ang grandparents ko, mga magulang niya, naisip Kong kahit papano ay masaya na din siguro si mama sa heaven, dahil kasama na nya sina Lolo at Lola. Inilapag ko Ang tatlong basket ng bulaklak, pinili ko ang combination ng white, red and yellow flowers na gusto ni Mama at ito Ang dinala ko dito sa libingan nya. Nagsindi Rin ako ng kandila at umupo sa sinadyang upuan. Maganda Ang museleo nila mama, in fairness, kahit sa huling hantungan ay ipinadama ni Papa Ang pagmamahal nya sa kanya. Natatandaan ko kasi noon na hindi Naman ganito kaganda ito, marahil ay pinaayos ito ni Papa dahil nandito na ngayon si Mama. Nag-usal ako ng isang panalangin at matapos ay kinausap ko si Mama sa hangin. Hindi ko namalayan na naglakbay na pala Ang aking diwa sa nakaraan... 12 yrs ago... Dalawang buwan na lang ay graduation na namin sa high school, excited na kaming lahat lalo na ako dahil alam kong sa graduation ay uuwi si Papa para sa araw na iyon . Ang aming pamilya ay Hindi typical family, si Papa ay may mataas na katungkulan sa gobyerno, dati ay nakatira kami sa Manila kasama siya, pero sa di inaasahan ay kailangan naming lumipat dito sa probinsya ng Camarines Norte para sa aming kaligtasan. Noon pa man ay mulat na ako sa uri ng trabaho ni Papa, sabi Kasi nya meron silang malalaking tao na nasagasaan dahil sa kanyang trabaho, at kailangan nya kaming itago ni Mama para maging ligtas kami sa posibleng banta ng karahasan. Dinala kami sa Camarines Norte ni Tito Samuel, Isa sya sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan ni Papa, dating sundalo si Tito Samuel, malayong kamag anak din sya ni Papa. Nung nag-aral ako sa probinsya ay ginamit ko Ang apelyido ni Mama, sabi Kasi ni Papa ay kailangan naming itago Ang aming identity para hindi kami masundan ng maaring maging kalaban nya sa trabaho. Third year highschool na ako ng malipat kami dito sa probinsya. Araw ng sabado meron kaming training ng C.A.T., naiwan si Mama sa bahay kasama Ang kasambahay namin, si Tito Samuel ay nasa Manila dahil may pinagawa sa kanya si Papa. Half day lang ang training, ala una ng hapon ay tapos na kami, nagkayayaan ang barkada na dumaan sa tambayan, isang kubo yun na ginawa malapit sa ilog. Nang mga oras na iyon ay parang kakaiba ang pakiramdam ko. Hindi ko mawari yung kaba na nararamdaman ko, parang may mangyayari na hindi maganda. Kaya naman halos para akong lutang habang kausap ako ng mga kaibigan ko. " Ayla, dai mo pagparaisipon ta padaba ka man kaito", narinig ko na lang na sabi ni Andrea ng mapansin nyang lutang ang isip ko, ibig nyang sabihin ay wag ko daw masyadong isipin dahil mahal naman daw ako nun. " mauli na ako Dng, baka tighahanap na ako ni Mama dai ako nagpaaram na malakwatsa ako",sagot ko naman, ibig sabihin ay uuwi na ako at baka hinahanap na ako ni Mama lalo na't hindi ako nagpaalam na gagala ako. At dahil napansin nila na wala nga ako sa mood ng araw na iyon kaya naman pinayagan na nila akong mauna ng umalis. Sinabayan naman ako ni Andrea, habang naglalakad pauwi ay binibiro pa nya ako na baka namimiss ko lang si Ace, hindi kasi sya nakasama sa tambayan dahil sya ang Corps Commander namin sa C.A.T at nagkataon na may meeting sila ngayon. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya at nakatuon lamang ang isip ko sa pag-uwi. Ang bahay nila Andrea ay una naming madadaanan kaya ng matapat kami sa kanila ay nakita namin ang nanay niya na nakatambay sa maliit na kubo habang nakikinig ng panghapon na drama sa radyo. " Marhay na hapon po May Nita", bati ko sa nanay ni Andrea na ang ibig sabihin ay Magandang hapon po Tyang Nita. " Halika Grasya!", ito Ang tawag sa akin ni Tyang Nita kapag naglalambing ito, Ang Tagalog daw Kasi ng pangalan ko ay Grasya, sa English ay Grace, " daan ka muna at nagluto akong maruya, magmerienda muna kayo ni Andeng habang mainit pa, pag malamig na ito di na masarap", pag-aalok ni Tyang Nita. At dahil nahiya naman akong tumanggi kaya naisip kong dumaan muna, tutal naman ay alas tres ng hapon pa lang kaya medyo mainit pa ang tama ng sikat ng araw sa balat. Pagsapit ng alas kwatro ay nagpaalam na ako kina Tyang Nita at Andeng, nabusog ako sa kinain ko, Ang totoo ay paborito ko talaga ang maruya, kapag weekend nga ay ito ang lagi kong nire-request kay mama na merienda. Habang nasa daan pauwi ay biglang kumabog ang dibdib ko, parang may malakas na tambol ang tumama sa puso ko, kaya naman bigla kong binilisan ang paglalakad. Ewan ko ba pero naisip ko bigla si Mama ng mga oras na iyon. Medyo may kalayuan pa ang bahay namin, maglalakad pa ako ng mga sampung minuto mula sa bahay nila Andrea. Halos patakbo na ang lakad ko ng mga oras iyon, ng biglang may tumapat na sasakyan sa akin, napalingon ako at nagulat ng makitang si Tito Samuel pala iyon, " Ayla, bilis sakay". Nahimigan ko ang pagmamadali sa tinig ni Tito kaya naman madali akong sumakay sa tabi nyang upuan. " Tito nakabalik na po pala kayo, bakit po nagmamadali kayo?, tanong ko sa kanya. Aligaga sya habang nagmamaneho at panay ang tingin sa rear view mirror at side mirror ng sasakyan. "Makinig ka Ayla, kailangan mong makarating ng ligtas sa Manila ngayon, ano man Ang mangyari ay kailangan mo manatiling ligtas, naiintindihan mo ba?" patingin-tingin siya sa akin habang nagsasalita at nagmamaneho ng mabilis, halos lumipad na ang sasakyan namin sa sobrang bilis. " Ano pong ibig nyong sabihin Tito, saka asan po si Mama, ano po ba nangyayari", sagot ko sa kanya. " wag ka ng magtanong Ayla basta ang importante ligtas ka, ihahatid kita sa Tagkawayan ngayon at naghihintay doon Ang taong magsasama sayo sa Manila, wag kang mag-alala dahil hinihintay ka na ng Papa mo doon. Kahit anong mangyari iligtas mo ang sarili mo, marunong ka humawak ng baril di ba?" " Opo ", maikling sagot ko sa kanya. Iniabot nya sa akin ang isang pocket pistol, " gamitin mo iyan kapag kailangan, wag kang matakot, nasa panig tayo ng batas" , paalala nya sa akin. Kinuha ko ang baril kasunod ang isang jacket na binigay ni Tito. Mabuti na lang at naka maong pants ako at puting t-shirt. " Tito si Mama po?", tanong ko sa kanya. Umigting ang panga nya at saka sumagot, " ako na ang bahala sa kanya, ang importante ay mailayo kita at masigurong ligtas". Magtatanong pa sana ako pero pinili ko na lang na tumahimik. Nang nakarating kami sa Tagkawayan Quezon ay huminto si Tito Samuel sa isang gasolinahan, kinausap nya ang isang lalaki at pagkatapos ay nakipag kamay. Lumapit sya sa akin at inakay ako palabas sa sasakyan. "Ayla, please ingatan mo ang sarili mo, hinihintay ka na ng Papa mo sa Manila". "Opo Tito, salamat po". Niyakap ako ni Tito ng mahigpit at saka nagpaalam sa lalaking kanina lang ay kausap nya. " Ikaw na bahala sa pamangkin ko Bok, mag-ingat kayo", wika nya sa lalaki. " wag ka mag-alala Bok, tinitiyak ko sayo Ang kaligtasan nya". Dahil sa tawagan nila ay nasiguro kong sundalo din ang kausap ni Tito. May isang parte ng puso ko na nalungkot sa paghihiwalay namin ni Tito Samuel, sa halos dalawang taon Kasi na kasama namin sya sa bahay ay parang naging tatay din sya akin. Hindi ko man alam ang nangyari pero sa tingin ko ay kailangan kong sundin ang mga sinabi ni Tito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD