Hindi nakarating sa meeting ang FBI agent na si Liz Harris. Ayon sa mga kasamahan nito ay may importanteng nilakad ito ng araw na yun. Nakatakda Sana na magharap harap sa meeting ang mga team leader ng bawat grupo. Napagkasunduan Kasi na Ang grupo nila Victor ang syang special forces na tutulong sa operation ng FBI at NBI.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay nag-uumpisa na si Agent Harris sa kanyang mission. At bago sya nag umpisa ay binasa nya muna ang profile ng lahat ng mga kasama nya sa mission.
Magaling na secret agent si Liz Harris, Marami syang paraan para makakuha ng mga sensitibong impormasyon.
Samantala, si Victor naman ay nadismaya ng hindi niya nakita Ang FBI agent na syang hinihiling nyang makilala ng araw na iyon. Pagkatapos ng meeting ay sumakay siya sa kanyang Rover at nagpasyang tumungo sa location ng isang project nila. Nagkataon na matrapik na ng mga oras na iyon, habang sumasabay sa tugtog na nakakabit sa kanyang sasakyan ay nagpalinga linga si Victor sa labas, nagpapatanggal sya ng bagot dahil sa matinding trapik. Minsan ay napapatapik pa sya sa manibela na tila humahampas ng drums. Sa pagpihit nya sa kaliwa kung saan sya malapit ay nakita nya Ang isang Red Ducati Monster 623 na motor na nakatabi sa kanya. Napahanga sya sa Ganda ng motor, alam nya Kung gaano ito kamahal dahil meron din syang ganitong laruan. Pero ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay Ang taong nakasakay doon. Nakahelmet ito pero kitang Kita Ang nakatakas na blonde hair nito na nakatirintas, at Ang hubog ng seksing katawan ay halata sa suot na fitted black pants and jacket. Tila nakita nya sa personal si black widow. Wow! ito ang nasambit ng binata sa kanyang sarili dahil sa labis na paghanga sa nakita. Hindi man nya maaninag Ang mukha nito pero alam nyang may nakatagong ganda sa helmet na iyon. Nang mag green Ang stop light ay Hindi agad ito nakita ni Victor dahil nakatuon Ang tingin nya sa babaeng nasa motor. Nang may bumusina ay saka lang sya natauhan, at dahil sa kahibangan ay sinundan nya Ang motor na kasalukuyang papalayo na. Determinado si Victor na maabutan ang motor kaya naman hindi nya ito nilulubayan.
_________________
Ipinasya ni Agent Harris na gumamit na lang ng motor ng umalis sya sa bahay, bilang special agent at secret agent at the same time ay Hindi problema Kay Liz Ang pera. Kung tutuusin ay sobra sobra pa Ang kinikita nya sa mga mission na natatapos nya. Bukod sa motor bike ay naging hobby na din nya ang pagiging car racer, ng college ay Hindi alam ng kanyang Mom and Dad na sumasali sya sa mga competition.
Ang plano ni Liz ng araw na iyon ay ang lumibot muna sa lugar kung saan madalas naglalagi ang kanyang target. Balak nyang pilayin ang organization na kinabibilangan nito, ganito ang strategy na naiisip nya para palabasin sa lunggang pinagtataguan Ang pinaka leader ng sindikato. Naniniwala sya na kapag naparalisa Ang operasyon nito ay siguradong magwawala ito. Matagal ng panahon na pinag aralan nya Ang kilos ng mga sindikato, at sa tagal na nyang secret agent ay alam na alam nya kung ano ang pinaka mainam na pansilo sa mga ito.
Bilang agent ay kailangan nya ng privacy para makagalaw sya ng maayos at walang sagabal. Matagal na din gustong magbakasyon ni Liz sa Pilipinas para makapunta sa sikat na mga white beaches sa bansa.
Bago pa man lumipad papuntang Pilipinas si Liz ay nagpatulong sya sa kanyang kaibigan upang maka-acquire ng property dito.
Sa isang newly developed subdivision nya napiling kumuha ng lupa, at sa tulong din ng kaibigan ay nakuha nito Ang gusto nyang disenyo ng bahay na maraming hidden passages. Sa labas ay Isa itong normal na bungalow typed house na nakatayo sa 800 square meters na lote. High-tech Ang pagkakagawa ng bahay nya na natapos sa loob ng anim na buwan. Meron itong
roll up gate na kasya ang isang Ducati at isang Porsche 718 Spyder. Pagpasok naman sa kabahayan ay walang mababakas na ito ay pag-aari ng babae.
Very minimalist ang design nito na tanging puti at krema ang tema. Kumpleto na Ang kagamitan sa bahay na ito, at sa tulong ng pinagkakatiwalaan na tauhan ni Liz dito sa Pilipinas ay maayos nyang nai-set up Ang lahat ng kagamitan nya sa trabaho na naglipana sa bawat sulok ng kabahayan.
Sa kitchen ay may isang drawer na puno ng ibat-ibang klase ng kutsilyo. Sa hagdan papuntang second floor ay may nakadisplay na katana. Sa may ibaba ng hagdan ay may vacant space kung saan nakalagay Ang isang pares ng Arnis. Mukha lang itong simpleng design ng bahay pero isa yun sa skills ni Liz na kabisado nyang gawin.
Habang binabagtas ni Agent Harris ang kalsada pauwi sa kanyang bahay ay napansin nya na may sumusunod sa kanyang isang Black Range Rover. Sinipat nya itong mabuti mula sa kanyang side mirror, sa ilang sandali ay pinakiramdaman nya ito. Binilisan nya Ang takbo ng kanyang motor, nagpa ekis ekis sya sa kalsada para maiwasan ito Kung sakali man may balak itong gawin mula sa kanyang likuran. Ilang saglit pa ay naisip ni Liz na iligaw ang sumusunod sa kanya. Binilisan nya pa Ang pagapapatakbo sa kanyang motor, pagdating sa isang kalsada kung saan hindi gaanong daanan ng tao ay lumiko sya. Pinakiramdaman nya ulit kung susundan pa sya ng sasakyan, ng Makita nya itong nakabuntot sa kanya ay nasiguro nya na sadyang sya nga ang pakay nito. Hindi takot Ang naramdaman ni Liz sa tagpong iyon, para sa kanya ay Hindi ito banta, magaling syang makiramdam ng panganib, at sa hinuha nya ay Hindi iyon bagay na dapat ikababahala.
"C'mon dude! let's play a game", sabi ni Liz sa sarili habang nagpapaharurot sa kalsada.
Muli nyang iniliko ang motor sa isang kalsada na Walang katao-tao, Wala din masyadong kabahayan sa parteng iyon.
Sinadya nyang magpahabol sa Range Rover.
Samantala si Victor naman dahil sa eagerness nya na makita ang mukha ng babae sa likod ng helmet, ay patuloy pa Rin sa pagsunod sa Ducati. Hindi sya papayag na Hindi nya masilayan ito.
Badtrip sya ng araw na iyon dahil Ang hinahangad nyang makita sa meeting na syang pumukaw ng curiosity nya ay hindi din nagpakita. Napansin nya na bumilis Ang takbo ng sinusundan nyang motor,
"nice one babe, astig ka huh!", usal ni Victor habang patuloy sa pagsunod. Napakagat labi pa sya habang nangingiti dahil sa kabaliwan na pinaggagawa nya.
Habang bumilis Ang takbo ng motor ay sya ding bilis ng paghabol nya dito, hanggang sa napansin nya na lumiko ito sa kalsadang di kadamihan Ang taong dumadaan. Medyo napaisip sya ng konti kung itutuloy ba nya Ang pagsunod dito, batid nyang napansin na ng babae na sumusunod sya dito. Nagtatalo Ang isip nya kung itutuloy pa ba nya Ang kalokohan, pero sa huli ay mas nanaig Ang curiosity nya Kaya mas pinili nya itong sundan, hanggang sa muli itong lumiko sa isang kalsada na malayo Ang Agwat ng kabahayan.
Biglang nag ring ang phone ni Victor na nakakabit sa Bluetooth ng sasakyan Kaya pinindot nya ito, sa isang iglap ay parang magic na nawala Ang motor sa kanyang paningin. Napakunot noo tuloy siya habang sinasagot Ang tawag sa kabilang linya.
"Hello, Boss Vic", sagot sa kabilang linya.
Si Jaz, Ang kanyang assistant sa opisina Ang tumatawag,"Jaz, anong problema?",
tanong naman nya sa kausap.
" Boss remind lang kita, may meeting ka in about an hour", anas nito.
" re-sched it Jaz, I've more important things to do, I can't go there by now"
" copy boss".
Matapos yun ay agad na ini-off ang tawag at pinaglandas ang kanyang mga mata sa kalsada. Dahil di na nya namalayan kung saan napunta Ang sinusundan Kaya idinirecho na lang nya Ang Sasakyan, pero bago yun naisip nya Ang possibility na Hindi ito ordinaryong babae dahil para itong Palos na bigla na lang nawala sa paningin nya.
"tangna, saan na Kaya Ang babaeng yun?", kausap nya sa sarili. Nagpalinga linga sya sa paligid habang mabagal na pinatatakbo Ang Sasakyan. Nang matanaw nya ang unahan ay napamulagat syang bigla sa nakita.
Nakaharang Ang Ducati ng babae sa gitna ng kalsada na tila ba sinadya nitong hintayin sya doon, habang Ang nakasakay ay nanatili sa kinauupuan nito. Napapreno si Victor sa nakita, pero Ang di nya napaghandaan ay ang sumunod na nangyari.
bang!bang!,
dalawang magkasunod na putok ang umalingawngaw kasabay ng paglundo ng sasakyan ni Victor.
Matapos yun ay biglang humarurot ang motor paalis.