Nalaman ni General Matias ang nangyari sa isang warehouse sa Cavite kung saan naabutan na lang ng mga kapulisan ang mga walang buhay na katawan ng mga lalaking hinihinalang sangkot sa illegal na gawain. Ayon sa imbestigasyon ay walang bakas kung sino ang gumawa nun, napag-alaman din na ang isang lalaki na napatay ay syang kanang kamay ng isang malaking sindikato na nag-ooperate hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asia Pacific region maging sa America at Mexico. Naging palaisipan sa mga may kapangyarihan kung sino ang gumawa nun, maging ang mga myembro ng media ay walang makuhang lead sa nasabing insidente.
Samantala sa opisina ng Heneral ay nagpatawag ito ng urgent meeting sa mga kawani ng NBI at FBI maging sa grupo ni Victor na syang Special Force na tumutulong sa dalawang ahensya upang mahuli ang nasabing sindikato.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagpasa na ng report si Ayla sa kanyang ama tungkol sa nangyari kahapon sa nasabing warehouse. Kasama sa report nya ang nalaman tungkol sa mga susunod na transaction ng sindikato.
Ibinigay ni General Matias sa grupo ng mga NBI ang ilang impormasyon na nakalap nila, ngunit ang ibang maseselan ay pinanatili ng Heneral sa kanya, balak nya itong ipagkatiwala kay Victor at sa anak na si Ayla.
Nang matapos ang meeting ay napagpasyahan ni Victor na magpaiwan sa opisina ng Heneral upang personal itong makausap. Sinamantala nya ang pagkakataon na may sariling lakad ang nobya kasama ang mga FBI agents.
Samantala, alam na ni General Matias na batid na ng binata ang sikreto ng
kanyang anak. Sinabi ito ni Ayla sa ama ngunit ang hindi binanggit ng anak ay kung paano ito nalaman ni Victor.
Ang hindi alam ng dalawa ay batid na ng Heneral ang nakaraan nila kahit pa wala naman talagang linaw kung ano ba sila noon. Si Hans ang may sala kung bakit ito nalaman ng tyuhin. Noong mga panahon kasi na pinapahanap ni Victor si Ayla ay nabanggit ito ni Hans sa kanyang tyuhin na siyang ama ni Ayla. Nang mga panahon na iyon ay di pa
alam ni Victor kung ano ang relasyon ng
tatlo.
Nakaupo ang heneral sa kanyang swivel chair habang si Victor naman ay nasa tapat nyang upuan.
" Kumusta ang negosyo mo Victor", tanong nito sa kanya.
" Maayos naman po Ninong, nagkaroon lang ng minor problem sa isang site pero naayos naman agad", sagot nya.
" Maigi kung ganon, bata ka pa lamang ay alam ko na malayo ang mararating mo sa buhay, kaya pag-igihan mo hijo para sa magiging pamilya mo balang araw", payo ng ninong nya.
Napatango lang ang binata sa tinuran ng heneral, hindi nya alam kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin, nag-ipon sya ng lakas ng loob at humugot ng malalim na paghinga. Hindi ito nakalampas sa paningin ni General Matias kaya muli syang tinanong.
" May gusto ka bang sabihin Hijo?".
Tumingin sya sa Ninong nya na waring nahihiya pero ng makahuna ay nagwika din, " Ninong hihingin ko po sana ang basbas nyo", usal nya.
" Kung tungkol sa hawak mong kaso Victor, alam mong malaki ang tiwala ko sayo kaya wala kang dapat ipag-alala doon", saad ng Ninong nya.
" Hindi po tungkol doon Ninong",
Napatuwid ng upo ang Heneral,
" kung ganoon, tungkol saan?"
" Hihingi po ako ng basbas para pakasalan ang babaeng mahal ko Ninong", napatungo si Victor matapos iyong sabihin, pakiwari nya ay nakaharap sya sa husgado at lilitisin ng huwes.
Napakunot naman ang kausap sa tinuran ng binata, muling umangat ng ulo si Victor at tahasang nagsabi, " Ninong gusto ko pong hingin sa inyo ang kamay ni Ayla, sana po pumayag kayo na pakasalan ko ang anak ninyo".
Nabalot ng katahimikan ang paligid, nag de kwatro ang heneral na nakasandal sa kanyang swivel chair, ipinatong ang kamay sa baba, hinimas himas ito at tila
ba nag-iisip.
" Sigurado ka na ba sa sinasabi mo Victor?, tanong nya sa binata.
Mabilis naman ang naging pagsagot ni Victor.
" Siguradong sigurado po ako Ninong", seryosong saad nya.
Tumayo sa upuan nya ang heneral at lumapit kay Victor saka sya tinapik sa balikat.
" Bueno, kung yan ang magpapasaya sa inyong dalawa sino ba naman ako para humadlang pa, You have all my blessing son".
Tila pumalakpak ang tenga ni Victor dahil sa narinig nya, hindi nya inaasahan na papayag agad ang Ninong nya, sa totoo lang ay mabait ito sa kanya at tinuring na syang anak, subalit iba pa din ang pakiramdam nya ng sabihin nya ang totoong pakay sa anak nito.
" Thank you Ninong, wag po kayo mag-alala dahil pakamamahalin ko siya ng buong buhay ko", nakangiting sabi nya.
" Don't promise anything Victor, just do it", saad naman ng heneral.
"I will Ninong, I will".
" So kelan nyo balak magpakasal?"
" Gusto ko po sana sa lalong madaling panahon, pero hindi pa po ako nakakapag propose", napatapik pa ng batok ang binata habang sinasabi iyon.
"Anak ka ng bakang dalaga!, ano pang hinhintay mo Pasko?", natatawang wika ng heneral.
" Eh Nong, naghahanap pa ako ng tyempo, alam nyo naman amasona yung pakakasalan ko", saad nya habang nagkakamot pa ng ulo, samantala biglang umalingawngaw sa opisinang iyon ang halakhak ng heneral dahil sa tinuran ng binata.
_______________________________
Samantala, naiinip na si Ayla sa mabagal na pag usad ng kanilang imbestigasyon, kaya naman humantong sya sa
desisyon. Tumawag sya sa pinuno ng kanilang organisasyon. Bilang secret agent ay mas gamay ni Ayla ang lumakad na mag-isa para imbestigahan ang kanyang mission. Masyado syang nababagalan sa Sistema ng batas dito sa bansa, bagay na hindi naman lingid sa kanyang kaalaman. Humingi ng suporta ang dalaga sa kanilang organisasyon upang mapadali ang kanyang mission. Sa ganitong pagkakataon ay mas gusto nyang mag isa na lang syang kikilos. Sa katunayan ay naumpisahan na nya ito ng madali nya ang kanang kamay ng sindikato, natimbog na nya ito, kahit papano ay gumaan ng kaunti ang kanyang dinadala dahil ang lalaking napatay kahapon ng di kilalang salarin diumano ay sya ring dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. Pakiwari nya ay nabigyan na nya ng hustisya ang ina kahit papaano. Palaisipan sa mga otoridad ang nangyari kahapon sa nasabing lugar, ngunit ayaw nyang ma-expose sa ganitong issue kaya't minabuti nya na itago ito at tanging ang ama lamang na heneral ang nakakaalam sa kanyang ginawa.