Kinabukasan matapos magtapat ni Ayla kay Victor tungkol sa mga nangyari sa kanya, naisipan nya na ituloy ang balak na pagpunta sa hideout ng kanyang target.
"Ito na ang hinihintay kong pagkakataon para makamit ang hustisya para kay Mama", sa isip ng dalaga. Hindi nya ipinaalam sa kasintahan ang balak nyang gawin ngayong araw, tanging si Phoenix lamang ang may idea sa kanyang mga plano. Sinamantala nya ang pagkakataon na abala si Victor sa araw na iyon, ayaw na kasi ng binata na gumagawa sya ng plano na hindi nito alam. Isinuksok ng dalaga ang kanyang baril sa jacket at kumuha ng swiss knife na sinuksok sa sapatos. Bihasa ang dalaga sa ganitong lakaran dahil nagagamit nya ang kanyang skills dito bilang secret agent. Muli nyang pinasadahan ng tingin ang larawan na binigay ni Phoenix sa kanya, nagngangalit ang mga ngipin ng dalaga dahil sa poot na nararamdaman nya sa taong iyon, ang taong mismong pumatay sa kanyang ina. Sumakay ang dalaga sa kanyang Ducati Motorcycle, makaraan ang isang oras ay narating nya ang kinaroroonan ng kanyang target. Ilang metro ang layo sa hideout ng pakay nya ay bumaba na sya sa kanyang sasakyan, medyo liblib na lugar ito sa isang bayan ng Cavite. Mataas ang bakod ng buong lugar, at napansin nya din na hindi ito basta mapapasok dahil may CCTV camera na naka install sa labas ng gate. Nakatago ang camera na iyon pero dahil matalas ang kanyang pakiramdam kaya nagmasid masid muna sya, at bingo! nakita nya ang camera na halos nakatago na sa mga dahon ng puno. Tinawagan nya si Phoenix gamit ang Bluetooth na nakakabit sa tenga at nagdial sa multi function watch. Isang ring lang ay sumagot na ito,
" Violet anong problema?", tanong ng kaibigan.
" Can you disable the CCTV?",si Ayla
" Give me a minute".
Makaraan ang ilang sandali ay muling nagsalita si Phoenix sa kabilang linya.
" You can move now".
"Thanks".
Agad na umakyat ang dalaga sa pader at naglakad pa ito sa taas nun para maghanap ng pwedeng talunan. Ilang sandali pa ay napansin nya ang bakanteng lugar kung saan walang bantay. Agad syang tumalon doon at naghanap ng mapagtataguan ng marinig nya ang boses na paparating.
" Boss, ayos na ang kargamento, nagawan na ng paraan ng tao natin sa customs".
" Mabuti naman, yung mga babae kumusta?, kailangan maging maayos ang bidding natin, sa isang araw na yun".
"Kulang pa tayo Boss, saan pa ba tayo kukuha?"
" Ako na bahala, kokontakin ko yung kakilala ko baka may marerekomenda sya".
Pagkatapos ng usapan na iyon ay naghiwalay ang dalawang lalaki, nakilala agad iyon ng dalaga at kating kati na ang kamay nya na sakalin ito ngunit gusto nyang marinig ang pinag-usapan nila. Nakabuo tuloy sya ng panibagong plano dahil dun. Maingat syang sumunod sa lalaking target nya, hanggang sa nakarating siya sa silid nito na hindi man lang namamalayan ng lalaki. Pagkapasok sa kwarto ay nagulat ito ng makita sya. " sino ka?", singhal nito sa kanya. Akmang kukuha ng baril ang lalaki sa tagiliran nito ngunit mabilis ang dalaga na pinaputukan ang kamay nito na ngayon ay nagdudugo na.
"Hayup kang babae ka!, papatayin kita".
Susugod na sana ito sa kanya ngunit tinutukan ito ni Ayla, silencer ang gamit nyang baril kaya't hindi ito naglikha ng ingay. " Ang susunod na bala nito sa pagitan ng hita mo tatama",pagbabanta ng dalaga.
" Sino ka ba?", tanong ulit nito sa kanya.
" Hawak ko ang buhay mo ngayon, kaya ako lang ang magtatanong, kung gusto mo pang mabuhay siguraduhin mong tama ang tono mo kapag pinakanta kita".
" Hindi mo ko matatakot babae!",sigaw nito sa kanya.
Napikon si Ayla kaya't nagpakawala sya ng isang bala na tumama sa tuhod nito, dahilan para mapaluhod ito.
Biglang narinig nila ang katok sa labas ng pintuan, " Boss ayos ka lang ba?, ", sagot ng nasa labas.
Tumingin si Ayla sa lalaki at muli itong tinutukan ng baril, " sumagot ka ng tama, kung hindi alam mo na ang magyayari".
"A...ayos lang ako Bogart, may...may kausap lang a..ako sa cellphone".
" Sige Boss, nasa labas lang kami pag kailangan mo kami".
"s..sige", nauutal na wika ng lalaki. Halatang nangangatal na ito dahil sa pinaghalong galit at takot.
Nang matantya ni Ayla na wala na ang kausap sa labas ay lumapit sya sa lalaki pero nagbigay sya ng kaunting distansya. Ihinagis nya dito ang isang posas at inutusan ang lalaki na iposas ang sarili at ikabit iyon sa bakal na nasa dingding. Nang una ay ayaw itong sundin ng lalaki ngunit ng makita nito na babarilin ulit sya ay mabils itong kumilos at walang ilang segundo ay nakaposas na ito.
"Marunong ka naman palang sumunod eh", wika ng dalaga na kinuha ang nakadisplay na samurai sa dingding. Naglakad sya palapit sa lalaki at isinuksok na muli ang baril sa kanyang tagiliran. Tinitingnan sya ng matiim ng lalaki at pilit na sinisipat ang kanyang mukha, ngunit hindi sya nito makikilala dahil ang maskara nya ay lapat na lapat sa mukha.
"Ngayon gusto ko lahat ng itatanong ko sasagutin mo, isang maling sagot isang hiwa sa katawan mo, isipin mo na lang naglalaro ako ng hiwa-hiwaan", saad ng dalaga.
Binusalan nya ito ng panyo sa bibig upang hindi makasigaw.
Nag-umpisang magtanong ang dalaga,
ng hindi ito sinagot ng lalaki ay hiniwaan nya ito sa may hita, dahilan upang mapasigaw ito ngunit walang boses na lumalabas.
Ikalawa at ikatlong tanong ay nakuntento sya sa sagot, ngunit dalawang magkasunod na tanong ulit at hindi ito nasagot ng lalaki kaya hiniwaan nya ito sa may parteng malapit sa pagkalalake nito. Napapikit sa sakit ang lalaki dahil sa ginawa nya, pero ang dalaga ay napipikon na din sa hindi pagsagot sa kanya ng tama.
" Sige na nga, ayaw mo ng larong hiwa-hiwaan, ibahin na lang natin, maglaro naman tayo ngayon ng patay-p*****n"., nakangising usal ni Ayla na sya namang nakapagpagising sa ulirat ng lalaki.
" Kapag hindi ka sumagot, papagulungin ko na lang ang ulo mo papunta dun sa mga tauhan mo....ano, deal or no deal?".
Nakakuha pa ng ibang impormasyon si Ayla ngunit sa huli ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nito at tumambad sa kanya ang mga tauhan ng lalaki.
Akmang babarilin sya ng isa ngunit agad nyang naiwasiwas ang samurai na syang dahilan upang masugatan ito at mabitawan ang baril. Mabilis nabunot ni Ayla ang baril nya at pinaulanan ng bala ang mga kalaban, habang nakikipag palitan sya ng putok ay napansin nya na pilit kumakawala ang lalaki sa posas. Mula sa kinaroroonan nya ay lumipat sya sa likuran ng lalaki kaya hinabol sya ng bala ng mga tauhan nito, subalit dahil sa bilis nya ay parang hangin lang na dumaan sa kanya ang mga bala at napunta lahat ng ito sa lalaking nakaposas. Nagmistula itong shield nya ng saluhin nito ang mga bala na para sa kanya. Nagulat naman ang mga tauhan nito sa nangyari ngunit huli na dahil wala ng buhay ang boss nila. Nang makakuha ng tyempo ay binunot ni Ayla ang isa pang baril at sabay na ipinutok sa mga kalaban, halos sabay na nagsipag handusay ang mga ito na wala ng buhay.
____________________________________
Samantala si Victor naman na kanina pa naiinip sa meeting ay panay text sa kasintahan ngunit wala syang natatanggap na sagot mula dito.
Alas sais ng gabi ng natapos ang meeting ni Victor ng araw na iyon, pagod din sya sa buong araw dahil sa pagbisita nya sa site ng isang project na nagkaroon ng kaunting aberya. Nagtataka sya dahil walang paramdam ang dalaga sa kanya. Naiinis na sya kaya naisipan nya itong tawagan agad ng makalabas sya sa meeting. Magda-dial na sana sya ng makita nya ang text ni Ayla.
MahalKo: Love, see you later, I miss you!
Napangiti si Victor sa nabasa nya, na-excite sya na nagtipa ng reply ...
" Can't wait to see you mahal ko".
Sa kabilang banda naman ay nagkukumahog si Ayla na maghanda ng hapunan, marunong naman syang magluto ngunit kakapusin na sya sa oras kaya bumili na lang sya sa restaurant. Alam nyang tatanungin sya ng binata kung nasaan sya kanina kaya't gagawa sya ng excuse, kunwari ay napagod sya kakaluto pero ang totoo ay napagod sya sa pakikipagbarilan. Tatlong putahe ang niluto nya kunwari, buttered garlic shrimp, chicken parmigiana at potato salad. Sigurado naman sya na kaya nyang gawin ang mga iyon sakali man na itanong ni Victor. Nakahanda na ang lahat, nakapagbihis na din ang dalaga, naka maluwag na tshirt na mahaba lang sya at tanging panty lang ang suot na pang ibaba. Kailangan nyang umakto na wala syang ginawang kababalaghan kanina. Makalipas ang kalahating oras ay may humintong sasakyan sa labas, batid nya na ang kasintahan ito. Binuksan nya ang pinto at sinilip iyon. Hindi nga sya nagkamali, nakaisip na naman sya ng kalokohan, agad syang tumakbo sa couch at humiga ng nakataas ng bahagya ang isang binti, sinipat nya pa kung okay na ang ayos nya, kunwari ay natutulog sya pero ang ayos nya ay nang-aakit, nakalilis ang kanyang tshirt at labas ang kanyang maumbok na pang-upo. Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Victor, nakapikit sya kunwari ngunit narinig nya ang mahinang pagmumura nito.
" Ay tangina!, "
Naramdaman nyang lumapit ito sa kanya at hinalikan sya sa may tungki ng ilong at sa labi. Nagkunwari syang kakagising lamang, " Love, kanina ka pa ba?", tanong nya.
" Ngayon lang mahal ko", tiningnan sya ni Victor na napakagat labi,
" Masyado mo akong tinatakam mahal ko".
Napangiti naman ang dalaga na para bang nagwagi sya, " Mag-dinner na tayo Love", wika naman nya.
" Ikaw ang gusto kong dinner, mahal ko".
" Pwede mo naman akong gawing dessert mo, Love", ganti naman ng dalaga na natatawa.
Tumayo si Ayla at nagtungo sa dining table para iayos ang hinanda nyang dinner. Lumapit si Victor at akmang tutulungan sya ngunit pinigilan sya ng dalaga at pinaupo na lamang.
" Love umupo ka na, alam kong pagod ka kaya ipinaghanda kita ng dinner".
" Thank you mahal ko", sagot naman ni Victor, pero imbes na umupo ay niyakap nito ang dalaga mula sa likuran, hinalikan sya sa pisngi at saka bumulong,
" Mahal ko, napagod ako maghapon kaya ikaw naman ang papagurin ko".
_____________________________________
Huy!! ano ba Victor nakakarami ka na!,
try nyo nga magvideoke tapos kantahin mo yung "o tukso layuan mo ako".
Ayla nyo isa ding pasaway, ayaw mapagalitan ng jowa kaya para-paraan din. Hay buhay! Mga marurupok dyan, labas na!!!...
_____________________________________
Sinong may gusto kay Papa Victor, ipapamigay ko sya sa mga susunod na chapter, comment na kayo guys!