Chapter 5. Candle

1915 Words
P  H  O  E  X  E . . .  "Bag," inulit niya rin ang tanong ko kaya tumango ako at hindi na nagsalita, hinihintay ang sagot niya. "I don't have it right now," kibit balikat niya. "So, nasa'yo nga?" tanong ko pa ulit. Tumango ito bilang sagot. "Ibig sabihin, ikaw 'yon?" nakakunot ang noo ko, "You are my kidnapper?" Matalim ang tingin ko sa kaniya pero muli akong kinabahan nang saglit itong tumawa sa akin, damn bakit ang ganda sa pandinig ko? The fvck?! What is happening to me?! Kailangan ko na talagang mapatignan ng isang doctor. "Chill, wala lang 'yon." sabi pa nito at tumalikod sa akin. Hinabol ko siya habang hatak-hatak ko pa rin ang push cart ko. "Patawa ka ba? Alam mo bang hindi ako nakatulog dahil don? Tapos nagaalala ako sa bag ko, ngayon sasabihin mong wala lang 'yon? Are you making me an idiot? I demand for a justifiable reason." pinanood ko lang siyang kumukuha ng tatlong boteng wine pati boteng tubig. Puro beverages ang kinuha niya at nilalagay niya sa basket na hawak nito. "Ibabalik ko rin naman sa'yo 'yung bag mo." tamad na sabi nito. "Hindi, hindi. I need to know the answer." And now, he's starting to grab candies and sweets. "I don't have any time to explain for now," naglakad na ito sa counter kaya sumunod lang ako habang tulak-tulak ang push cart. "Bakit?" napakunot pa ang noo ko nang makita ko na sinusulyapan siya ng babae sa cashier counter habang nasa likod niya ako. Mukhang maganda ang aura niya ngayon, sana ako rin. "I'm in a hurry." sagot nito sa akin. "Okay," napangiwi ako habang binabayaran niya ang pinagkukuha niya. At nang tuluyan nang mailagay sa paper bag ang binili niya ay naglakad na siya paalis, hindi man lang lumilingon sa akin. Tsk. Pinalagpas ko na lang 'yon at nilagay ang mga binili ko sa track. Nakangiti pa rin 'yung cashier kaya naman tumitig na lang ako sa screen at tinitignan kung tama ba sa budget ko ang mga pinagkukuha ko. Siguro naman tatamaan siya ng konsensiya at ibabalik niya rin sa akin ang bag. Kasi kung hindi, madudungisan ang maganda nitong mukha at ang malinis kong kamay. Muli akong nabuhayan nang may makita ulit ako. Bumalik 'yung kidnapper ko at ngayon hindi niya na dala ang mga paper bags. Oh, so meron siyang kotse? "Ballpen," nilahad niya ang kamay niya sa akin. "Seriously, wala ka ba talagang—" "Ballpen," ulit niya kaya inis kong kinuha sa bag ko ang jollibee ballpen ko at nagsimula nanaman siyang magsulat. Napatingin pa ako sa babae nang makita nito ang design ng ballpen ko. I frowned on her reaction, nakakatawa ba talaga? Well, para sa akin, hindi. Pinunit niya ang papel at binigay ito sa akin kasama ng ballpen. Hindi pa ako tuluyang nakakasagot nang mabilis itong tumalikod at naglakad palayo. "Ano 'to?" I asked loudly even though I know that he will never answer my question. Tinignan ko ang sinulat niya sa papel at una kong nakita ay mobile number. At sa ilalim nito nakasulat ang, 3 PM tomorrow @your unit's gate "He's really a stalker." I mumbled at myself. Nilalagay ko na ang mga pinagbibili ko sa ref at sa mga lalagyan nito habang nakatitig sa isang pirasong papel na nakalagay sa lamesa. Alam niya na nakatira ako sa unit at mukhang alam niya rin kung saan 'yon! At bakit kailangan pa naming magkita kung pwede namang ipadala na lang niya sa akin ang bag ko. Oh right, I need to talk to him clearly. At kung sabagay, hindi ko rin naman siya tatantanan dahil kailangan kong malaman ang sagot niya. Matapos kong kumain ay mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga nanaman sa kama ko. And then I was dreaming. . . Again. Isang kandila ang nagpadilat sa mga mata ko. Kandila? Bakit may kandila dito? Sinubukan kong tumingin sa paligid pero kadiliman lang ang nakikita ko. Tinitigan ko ulit ang kandila. Sobrang laki nito at halos kalahati ng katawan ko ang tangkad nito. Kasing laki rin ng braso ko ang lapad nito. Nanatiling nakatirik ang apoy, tinutunaw ang katawan nito. Napatitig na lang ako dito at nakita ko na may maliit na taong nakatayo malapit sa tuktok ng kandila. Nahihirapan, nasasaktan, nasusunog! Tila ba pilit niyang tinatanggal  sa katawan niya ang apoy. Natakot ako ng nasa dulo na siya ng tuktok ng kandila. Baka mahulog siya! Bigla na lang akong nakarinig ng ingay, malakas na sigaw na nakapagbigay ng isang malakas na bugso ng hangin. At tuluyan ng namatay ang kandila, kasabay nito ang pagkamatay ng maliit na tao sa tuktok nito. Naging abo, at tuluyang natumba ang kandila. At nang sandaling mawalan ng liwanag ay humugot ako ng isang malalim na paghinga atsaka ako napabalikwas ng bangon sa higaan. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko at halos hinahabol ko na ang paghinga ko. "Kandila..." nabulong ko na lang. Tinandaan ko ng maigi ang itsura nito at hindi kinalimutan. Isang pangitain, ano ang sinisimbolo ng kandila? Bakit kandila? Napatingin ako sa orasan. Ang malaking kamay nito ay nakatapat sa pagitan ng 5 at 6 habang ang maliit na kamay nito ay nakaturo sa 11. Muli akong humugot ng isang malalim na paghinga at hinawi ang buhok ko sa aking mukha. Ramdam ko rin ang araw sa bintana na tumitirik sa aking balat. "11:28... na pala..." Bumangon ako sa higaan at doon ko naramdaman ang gutom. Tinignan ko ang ref at doon lang ako nakaramdam ng pagkatamad sa pagluluto. Nilabas ko ang tinapay doon pati ang butter. Nilagyan ko iyon ng butter at ni-toast ko iyon sa oven.  Pumunta muna ako sa cr at inayos ang sarili ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kitang-kita ko ang mga mata kong dark gray na halos lapit na sa kulay ng itim. Oval din ang hugis ng aking mukha kaya nagmukha akong mapayat pero hindi mababa. Magulo rin ang straight kong buhok kaya sinuklay ko ito. I have a small nose, and a pale lips. Halatang hindi ako laging lumalabas dahil sa kutis ko na matamlay ang kulay. Matapos ko namang pagmasdan ang sarili ko at ang pagaayos ay lumabas na ako ng cr. Saktong pagkalabas ko ay may kumatok sa pinto. Nagtaka naman ako doon kaya binuksan ko na lang ito at nakita ko si Lina na mukhang walang tulog. Binati niya ako ng matamis na ngiti. Ang laki rin ng eyebags niya at mukhang paalis siya dahil sa suot nito. "Hi..." nakangiti nitong bati. "Hello, Lina. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko Nagulat naman ako ng makita ko ang sumbrero ko sa kaniya. Binigay niya ito sa akin atsaka nagsalita. "Naiwan mo sa bag ko. Hindi ko alam kung paano napunta sa bag ko iyan. Pero siguro nalagay lang ng mga pulis noong kinuha nila ang bag natin doon. Hindi naman ako makapunta sa Coffee shop dahil bawal pang pumasok doon. So..." sabi nito ng may matamlay na ngiti. Bigla naman ako nakaramdam ng awa sa kaniya kaya nginitian ko siya. "You can have your rest, Lina. Get some sleep. You really need it." sabi ko naman. Habang siya tumatango sa akin. "I hope I can get some. Bye-bye." Kahit na mukhang pagod siya ay ngumiti pa rin siya sa akin atsaka umalis. Sinarado ko naman ang pinto at doon ko narinig ang pagtunog ng oven. Sinyales na luto na ng tinapay. Kinuha ko ito at nilagay sa plato. Nagtimpla rin ako ng kape atsaka ko ito nilagay sa lamesa. Umupo na ko dito upang kumain. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa napanaginipan ko. Inisip ko kung anong mangyayari mamaya. Dalawa lang ang naiisip kong mangyayari.  Mawawalan ng kuryente mamaya? Kung ganon, kailangan kong bumili ng kandila para maghanda. Pero anong kinalaman ng taong nasusunog sa tuktok non? Ang malakas na pagsigaw. Hindi kaya? Magkakaroon ng sunog? Saan? Kailan? Bakit? At paano kung si Epiales ang may kagagawan nito? Pero ano nanamang motibo? Kinuha ko ang sketch book at lapis ko sa cabinet. Ginuhit ko ang malaking kandila, ang nanatiling nakatirik na apoy, at ang lalaki sa gilid ng tuktok nito. Sinigurado kong nashade-an ko rin ang gilid para magmukhang madilim sa paligid.9          Akala ko ay mabibigyan ako nito ng clue kapag ginuhit ko na pero ganon pa rin ang nakikita ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain nang malalim ang iniisip. *** Unknown  :I'm here You: Ayaw mong umakyat dito? Unknown  :I want to talk somewhere You: Sige, maghintay ka. Sinave ko na ang number nito sa cellphone ko pero mas gusto kong pangalanan siya ng Unknown. Even if I remember his name—Henry, because of his order in WU cafe—, he's still a stranger to me. Kahit ayaw kong kumilos ay naligo ako at nag-ayos para bumaba. Mukha ring mag-uusap kami ng matagal-tagal kaya nagsuot ako ng desenteng damit. Yellow turtle neck at highwaist na pantalon. Kumuha na lang ako ng kahit anong bag na babagay sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit nilagay ko rin doon ang ginuhit ko kanina. Hindi ako nagmamadali nang makalabas ako ng apartment ko. Nakita ko naman si Manong Guard na nagbabantay sa may gate at nakaupo sa loob ng guard house. "Kuya," tawag ko kaya lumapit ito sa akin. "May nagpadala ba ng letter sa akin?" "Phoexe, diba?" "Opo." "Wala akong natanggap na letter para sa'yo," mabait na sabi nito. "Kahit po 'yung paglagay sa tapat ng unit ko?" pagpipigang tanong ko pa. "Hindi, alam mo naman na bawal kong iwan ang gate na'to diba?" "Ah, sabi ko nga po." Umalis na rin ako matapos nang pag-uusap na'yon. Hindi ko naman plinano na magtanong pero nagbakasakali pa rin ako. Paglabas ko ng gate, napalingon-lingon ako sa paligid kung may tao pero ang nakita ko lang ay ang isang magarang kotse sa di kalayuan. Nasaan na 'yon? Halos mapatalon pa ako sa gulat nang marinig kong bumisina ang kotse na nakita ko kaya naman pinuntahan ko iyon, at habang papalapit ay nakita ko nga ang lalaki doon. "Get in," he said. Mukhang mamahalin ang kotse kaya naman maingat akong pumasok hanggang sa makaupo ako sa shotgun seat. Iilan lang ang kaalaman ko sa mga brand ng kotse, hindi rin naman kasi ako interesado. Pare-parehas naman silang madudumihan ng alikabok dahil sa lansangan, pero ang isang 'to? Alam kong isa 'to sa mga mamahaling kotse dahil bihira lang ako makakita ng ganitong kagarang kotse. Hell, that's only a car, Phoexe.  Hinanap ko pa ang seatbelt at mabuti na lang ay nahanap ko rin agad kungdi magmumukha akong tanga dito. I crinkled my nose with the strong scent of the car. "Amoy grapes," I mumbled. I heard his low chuckle before driving. "Where are we going?" inosente kong tanong. "Kakain?" he shrug. "What? Is this a date?" I grimaced. "Ikaw lang nakaisip niyan," he said as he pursed his lips. Binigay niya sa akin ang bag ko kaya naman ininspection ko 'yon kung meron bang nawala o nadagdagan. Mukhang wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag. Sinigurado ko rin na may ballpen ito at hindi na jollibee ang design. Baka mamaya wala nanaman siyang ballpen, at ako pa ang mahiya dahil sa ballpen ko. Tsk, alam ko naman na hindi ako ganong kayaman katulad niya. "So..." I started, "What was really the reason?" Naalala ko pa na bago mangyari 'yon ay nakatitig pa siya sa akin sa cafe shop buong magdamag, napakacreepy niya pero kailangan kong malaman ang sagot. I trust my guts, at hindi naman ako kinakabahan ngayong malapit siya sa akin. I know this is not nervousness, there is excitement in myself that I can't understand. Hindi pa rin siya sumagot at nang huminto ang kotse ay napatingin ako sa paligid pero napatigil din nang bigla siyang lumingon sa akin ng seryoso. At para bang naubusan ako ng dugo sa mukha nang marinig ko ang sunod na tinanong niya sa akin. "Now, where is your sketch book?" . . .  UNEDITED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD