Chapter 4. Scent

1522 Words
P  H  O  E  X  E . . .  I was stunned in the voice in my mind. I know that voice, I heard that before. But this is freaking impossible! That can't be the guy in my back. He was so close at me, I can almost feel his even breathing. I can smell the manly scent of this guy. I can feel his strong left arm grip in my waist. His hand in my mouth is so soft, I can barely feel it with my dried lips. Kung magsalita man siya, mararamdaman ko ang vibration ng kanyang paghinga. Pero wala, nanggaling sa utak ko iyon. Para bang kinausap ako nito sa aking isip. But there's no time to react. I need to escape from this. What if the guy in my back is Epiales? What if Im his next target? Instead of fighting, I relaxed. Lowered my tensed shoulder and drop my hands in both sides. I focused on inhaling and exhaling air in my nose to prevent myself from hyperventilating. I waited for something to come, but there's nothing. A few more minutes, a car passed by a narrowed street where we stand. That's my signal when I needed to escape. Ipinadyak ko ang aking paa sa aking likuran. Kaya natapakan ko ang paa ng may hawak sa akin. I heard his teeth clenched and his arms around me loosened. Siniko ko siya at pinakawalan na nito ang aking bibig. Ngunit hawak pa rin ako nito sa aking bewang. Kaya ginamit ko ang aking bag at pinanghampas ko iyon sa kanya. Sa sobrang pagkataranta ko ay nabitawan ko ang aking bag ng sandaling ihagis ko ito sa pagmunukha niya. Kukunin ko na sana ito ngunit kapag ginawa ko iyon, maabot nanaman ako nito. Wala na akong ibang nagawa kungdi tumakbo para sa kaligtasan ko. Bahala na. . . *** Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin. Handa na akong umalis. Kinuha ko ang listahan ng bibilhin ko ngayon. Wala na kasing stock ang ref ko at mukhang ngayong araw na lang ako pwedeng mag-grocery. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. I should be traumatized right now. I should be overthinking; am I going to encounter my kidnapper again? Who are they? What do they want? All that I could think of was that what I did is the right thing to do. Hindi ko na binalikan ang bag ko at iniwan na lang doon, mukhang pera lang naman ang kailangan ng kidnapper ko. Mabuti na lang din at hindi ko dala ang sketchbook ko. Pero hindi ko talaga makalimutan ang mismong pakiramdam. Err, it sounds so weird but I think I'm attracted to my kidnapper. I can still remember the scent of a manly perfume of the man behind me, it's rough and strong hands in my waist but the gentleness of the other hand on my mouth. Hinayaan niya akong makahinga sa mga oras na 'yon at hindi tinakpan pati ang ilong ko. Ugh, I should consult to a pyschologist if I even have a stockholm syndrome. I should be terrified by my safety right now. But hell, why can't I? Lumabas na ako ng apartment at naglakad. Malapit lang naman ang supermarket sa apartment na tinutuluyan ko. Matapos kong hugasan ang nagamit kong pinggan ay napagisipan kong bumili na ng pagkain na maaring iistock. I made my mind. Kung sakali mang makita ko ulit ang taong 'yon, I'll definetly do something to know if he was Epiales. Siya lang ang naiisip kong kayang gawin 'yon sa akin, nangyari lang naman ang lahat nang 'to nang matanggap ko 'yung letter. Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako. Tumawid ako dahil nasa kabilang kanto ako. Nang malapit na ako sa hangganan ng pedestrian lane ay nagulat ako ng muntik na akong mahagip ng isang motor. Bigla itong nagu-turn at dumiretsyo sa parking lot ng supermarket. Hindi na lang ako nagreklamo pero halata sa mukha ko ang pagkainis dahil hindi man lang ako nilingon ng driver. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa madaanan ko silang dalawa na nakaangkas sa motor kaganina. Malalagpasan ko na sana sila nang may tumama sa hita ko. This time nilingon ko na sila ng may nakakunot na noo. Ang tumamang bagay sa akin ay itim na helmet, ngayon nasa may paanan ko ito. Tila nagbabangayan silang dalawa at napagtripan nilang ihagis ang helmet na hawak nila. Napatigil sila ng may matamaan silang tao kaya tinitigan ko sila ng masama dahil hindi ko na sila mapapalagpas sa ginawa nila. "Sorry, po. Ate!" sabi nung isa. Ngayon ko lang napansin na kambal sila. Halos magkamukha ang kanilang mukha, ang pinagkaiba nga lang ay ang damit na suot nila pati ang shades na kulay ng buhok nila. Yung isa ay may itim na itim na buhok habang ang isa ay may dark brown na buhok. Kita ito dahil sa sinag ng araw na tumatama dito. Kinuha ko naman ang helmet at lumapit sa kanila. "Sa susunod, mag-ingat kayo. Hindi lang kayo ang taong nandito. Tss" nakakunot pa rin ang noo ko at binigay sa kanila ang helmet. Mukha naman silang gangster at mga walang pakialam na teenager. Kung tutuusin, halos magkakasing edad lang kami. Sila 'yung tipong walang pakealam basta masaya sila, masaya sila. Nakangiti pa rin sila kahit na masama na ang tingin ko. "Opo, Ma'am." sabi nung itim ang buhok. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagkagalang sa tono ng boses niya. Nangaasar lang ata ang isang 'to. Hindi ko na lang sila inintindi kaya pumasok na ako ng super market.  Kumuha ako ng basket at push cart, at nagsimula nang kunin ang listahan sa wallet ko. Habang kinokumpleto ko ang nasa listahan, patuloy na nagpapaikot-ikot sa isip ko ang nangyari noong nakaraang gabi. I should be aware of my surroundings, pero mukhang mas lumala pa ata dahil sa patuloy kong iniisip kung sino ba ang lalaking 'yon. Sa sobrang laki ng supermarket na ito ay natagalan akong maghanap. Halos naikot ko na ang buong lugar. Tinignan ko ang relo ko at magaalas-onse na. Napakunot ang noo ko nang may makita ako sa di kalayuan. Napatigil din ang taong 'yon at tumingin sa akin. Without a second thought, it walks towards my direction. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya napatingin ako sa paligid pero ako lang ang nandito. Nakatitig nanaman 'yung lalaki at sa pagkakatanda ko ang pangalan niya ay. . . Henry? Iniliko ko na lang ang push cart sa aking kanan dahil hindi ko naman alam kung ako ba talaga ang pupuntahan niya. Heck, bakit naman niya ako pupuntahan? Nang maramdaman ko na malapit na siya, nagpanggap ako na tumitingin-tingin sa napkin na nasa harap ko. There's no way na dito siya maghahanap ng kailangan niya. "Hello?" I awkwardly look back at him, at tipid na ngumiti. "Hi," I answered before grabbing one pack of napkin. Nakatingin pa rin siya sa akin at unti-unti nanaman akong naiirita. "May kailangan ka ba?" Wala na ang gala sa boses ko dahil sa pagkakataong 'to, hindi ko na siya costumer at sarado ngayon ang W.U Cafe dahil sa nangyari noong nakaraang gabi. "May gusto lang akong itanong," kinilabutan ako sa pagkakasabi nito dahil hindi ko alam kung anong meron sa inosente nitong mukha at tinagilid niya pa. "Ano?" "Do you have a ballpen?" napapikit ako sa sinabi niya at hindi agad naproseso ang tanong niya. "Ballpen?" pag-ulit ko pa. "Yes, ballpen." tango nito. Sa pagkakatanda ko ay may ballpen ako sa bag ko kaso. . . Huli na nang mapagtanto ko ang design nito. Jollibee. . . Agad kong tinago 'yon at umiling sa lalaking nasa harap ko. "Wala," pinilit ko na ngumiti kahit na alam kong nakita niya na 'yung ballpen. He heaved a deep sigh, "It's fine, you don't have to lie." "Okay," nahihiya kong sagot matapos kong bumuntong hininga at binigay na sa kaniya 'yung ballpen, hindi ko sinasadyang mapatingin sa kamay nito na bahagyang nahawakan ang kamay ko. Napaubo naman ako kaya iniwas ko ang tingin ko habang may kinuha siyang maliit na papel sa bulsa niya at may sinulat doon. Damn, what am I thinking? Basta, bahala siya kung anong isipin niya kung bakit ako nay Jollibee ballpen sa bag. Siguro iniisip na nito na part time job ko rin 'yon o baka isipin na sa nakababatang kapatid ko 'yon pero wala naman akong kapatid. Mukha kailangan niya rin naman ng ballpen, wag na siya mag-inarte. "Salamat," sabi nito pero hindi ngumiti sa akin, binalik niya na sa akin 'yung ballpen. Sht, buti pa si Jollibee nakangiti sa akin pero 'yung lalaki, hindi. Napangiwi ako sa iniisip ko at tumango na lang sa lalaki. He went passed beside me and I gasp as I smell that scent. . . Sweet grapes with the mixture of an expensive wine... Or maybe dry leaves. I don't know. 'Yon ang amoy ng lalaki noong gabing 'yon, naalala ko. Because the scent is really addicting. Bago pa siya tuluyang mawala at tuluyang makalimutan ang amoy niya ay lumingon ulit ako at nagsalita. "Wait," he paused and looked back. "May itatanong din ako." I said as I raised my index finger. He didn't say anything but he waited for my question. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa mata niya. Nagba-bakasakaling masasagot niya ng maayos ang tanong ko. "Do you have my bag?"  . . .  UNEDITED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD