Eucha
E! It feels like I'm on cloud nine.
Paano ba naman, almost everyday kaming magkasama ni Caleb.
Kung hindi siya dumadalaw sa bahay, kung saan-saan kami gumagala. Minsan kasama namin sina Gab at Enzo. Pero most of the time, kaming dalawa lang.
Noong isang araw nagpunta kami sa tagaytay. Sinubukan namin 'yung zipline. Nakakakaba pero ang saya.
Ang sarap mag-zipline na magkahawak kayo ng kamay ng taong mahal mo.
Because of him, I was able to overcome my phobia of heights. And I had a great time.
The other day naman nagpunta kami sa Manila zoo at Manila Ocean park. Ang ganda ng fireworks display kinagabihan at ang cute ng mga animals. May kamukha nga si Enzo, eh. Alam niyo na kung ano ang kamukha ng best friend ko.
Nag-enjoy kami sa pagpapa-picture. Tapos nagpakain kami ng fish, birds, and other animals.
I can also tell that he had a terrific time.
'Nung sumunod na araw sa Intramuros at Luneta Park naman kami nagpunta. Sumakay kami sa kalesa. Oh,'di ba? Feeling turista lang ako.
Walang katapusang picture taking na naman. Parang lahat ng part ng park gusto niya may kuha kami.
And today, sa mall lang kami. Arcade, window shopping at kapag may nagustuhan bibilhin.
Kapag napagod kakain. Tapos maghaharutan.
Sana lagi na lang kaming ganito. Pero naisip ko, paano kapag kailangan niya ng bumalik sa California?
Ibig sabihin, magkakalayo na naman kami? Magkakahiwalay na naman kami. At mami-miss na naman namin ang isat-isa.
Minsan napapansin ko biglang natatahimik si Caleb. At parang may iniisip siya.
Baka kailangan na siya sa company nila tapos mas pinili niya na puntahan ako. Assuming lang?
But that bothers me. Paano na ako kapag bumalik na siya sa California?
Paano na kami?
We are going back to being far apart again.
Parang hindi ko na kaya 'yon. Pagkatapos ko siyang makasama ng medyo matagal ngayon.
Ayaw ko ng magkalayo kami ulit.
Kung puwede lang sana na dito na lang siya.
Kung puwede lang na hindi na kami maghiwalay ulit.
Caleb
I was having the time of my life with Eucha.
Ngayon ko lang naranasan na mag-enjoy ng ganito.
Ngayon ko lang naranasan lahat ng ito ng walang ibang iniisip.
I wasn't able to do this in California. Because I am the eldest son, I have to focus on business. I have no time to go out and have fun.
But because of Eucha, I am experiencing this happiness.
Almost everyday kaming magkasamang dalawa at namamasyal. Admiring the beauty of Philippines and enjoying each other company.
And I'm happy to see Eucha, smiling and laughing. Masaya ako na napapasaya ko siya.
Pero ako rin ba ang magiging dahilan para masaktan at malungkot siya? Worse yet, induce tears in her.
I know that this would come to an end.
Ayoko mang dumating ang araw na iyon. Alam ko na masasaktan ko siya kahit na ayoko.
Kaya gagawin ko muna ang lahat ngayon para maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. At sana kapag dumating na ang araw na iyon, maintindihan niya ako. Sana mapatawad niya ako. Sana mahalin niya pa rin ako. Sana mahintay niya ako.
Naalala ko 'yung videoke machine sa arcade kanina. At may naisip akong gawin. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya palabas sa restaurant na iyon.
"Huh? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Eucha.
"Basta sumama ka na lang, girlfriend." Kinindatan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkadating namin doon, tamang-tama walang tao sa may videoke machine. Pinaupo ko muna siya sa may upuan saka ako lumapit sa machine. Pumili ako ng kanta saka naghulog ng coins.
Nagtataka lang siyang nakatingin sa akin the whole time.
"Kakanta ka?" tanong niya.
"This song is for you, my girlfriend." And I started singing, The Photograph by Ed Sheeran.
Nanlaki ang mga mata niya at napatakip siya sa bibig niya nang marinig niya ang boses ko.
While I'm singing, I'm looking straight to her eyes. Through my song, Maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal, I'm hoping for that.
Exactly like the music. She'll be reminded of my love for her by those pictures of the two of us.
Sana lang nga talaga pwede niya akong hintayin. Well, I'm hoping.
After ng kanta bumalik na ako sa kaniya. And I saw her na pasimpleng pinunas ang luha niya sa pisngi.
"Hey! Did I make you cry?" Niyakap ko siya pagkalapit ko sa kaniya at hinagod ang likod niya.
"Nakakainis ka talaga! Ang hilig mo sa surprises. Ang ganda ng boses mo in fairness." Hinampas niya ng mahina ang dibdib ko while saying that. "Kinilig ako." Dagdag pa niya.
Hindi ko napigilan ang tumawa. "Ang cute mo namang kiligin, girlfriend."
"Heh! Next time kakantahan din kita. Akala mo ikaw lang ang may boses, ha," she said to me. Hindi talaga siya papatalo.
"Bakit hindi pa ngayon?" tanong ko sa kaniya. Binitiwan ko na siya.
"Wala ako sa kondisyon, eh. Medyo malat ako. Dapat matapatan ko ang boses mo, noh!" Palaban na wika ni Eucha.
"Sabi mo, eh. Aabangan ko 'yan, ha. Let's go. Bibilhan pa natin ng pasalubong ang parents mo, eh," aya ko sa kaniya.
"Sila lang? Paano naman ako?" Naka-pout niyang tanong.
"'Wag ka na. Baka tumaba ka na masyado, eh." Pang-aasar ko sa kaniya. Habang naglalakad kami.
"Tse! Sexy kaya ako." Parang batang pumadyak pa ito.
Natawa na lang ako. Ang saya talaga niyang kasama.
"Oo na. I agree na sexy ang girlfriend ko." Inakbayan ko siya.
"Dapat lang, ano! Hindi ka puwedeng mag-disagree," she said, kaya naman nagkatawanan kami.
"I love you so much, Eucha," I told her while looking in her eyes.
"I love you so much more, Caleb," she said with a smile.
Then I gave her a bear hug, and she reciprocated. We remain in that state for some time.
Inihatid ko na siya pagkatapos naming bumili ng pasalubong.
And I'm excited for another special day with her.
I have to make the most of my time with her while I can, as long as I'm still here.