Eucha
Kanina pa ako gising pero hindi pa rin ako bumabangon. Nakatulala lang ako sa kisame habang yakap-yakap ko ang stuff toy na ibinigay sa akin ni Caleb kahapon. 'Yung partner nitong stuff toy na sa kaniya. Parang couple stuff toy.
Habang nakatulala ako, ini-imagine ko 'yung mga nangyari kahapon sa Enchanted Kingdom.
Sobrang saya ko. Bawing-bawi 'yung ilang buwan na pagka-miss namin sa isa't-isa.
Walang dull moments kapag kasama ko siya. Kaya niya rin na sakyan ang kakulitan ko. And he is a perfect gentleman. Kahit bigla na lang nanghahalik. Actually, kinikilig ako, eh. Pero hindi ko maiwasan mag-blushed kahit sa pisngi o noo niya lang ako hinahalikan.
Hay... Thank you, Lord. For giving me a boyfriend like him. I really love Caleb.
Feel na feel ko pa ang pagre-reminisce nang mga moment namin kahapon nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Mom! Hindi uso ang kumatok sa pinto?" Napabangon tuloy ako.
"Heh! Bumangon ka riyan. At i-explain mo sa amin ng daddy mo kung paano ka nagka-boyfriend ng hindi namin alam," tuloy-tuloy na sabi ni Mommy.
"Ha? Mommy, ano'ng sinasabi mo?" Hindi ko pa nga pala sa kanila nasasabi 'yung tungkol kay Caleb. Gusto ko kasi kapag nagpunta na dito sa Pilipinas si Caleb. Pero hindi pa namin napag-uusapan ang pagpunta niya rito, eh.
"Ano'ng sinasabi ko? Ayaw namin ng daddy mo na bigla na lang may susulpot dito sa bahay at sasabihing, nandiyan po ba si Eucha? Ako po si Caleb, boyfriend niya." Nakapamewang pa na talak ni Mommy.
Naitakip ko sa aking bibig ang isang kamay ko at nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko.
"Nasa ibaba si Caleb?" 'Di makapaniwalang tanong ko.
"So, boyfriend mo nga ang guwapong binata na iyon?" Hindi makapaniwala na tanong ni Mommy. "Eucha!" Sigaw pa nito.
With that napatakbo ako palabas ng kuwarto ko pababa sa sala. Hindi niya sinabi na ngayon na siya pupunta dito sa bahay. At ganito pa kaaga. Hindi ko na pinansin si Mommy kahit narinig ko na tinatawag niya ako.
Pagkababa ko nasa sala siya kausap si Daddy. At napalingon sila pareho sa akin.
"Goodmorning, girlfriend. Nice jammies, huh." Nakangisi na sabi sa akin ni Caleb.
Nanlaki na naman ang mata ko sa shocked. Tinawag niya ako ng ganoon sa harapan ni daddy?
"Anak, baka gusto mo munang magpalit ng damit at maghilamos." Natatawa na wika ni Dad.
Napatingin ako sa suot ko. Shocks! Humarap ako sa kaniya na nakapantulog pa at hindi pa naghihilamos?
With that, napatakbo ako pabalik sa kuwarto ko. Kailangan ko ng quick bath.
Caleb
Nakakatawa talaga siya. Halatang kagigising niya lang. Nakapantulog pa siya at gulo-gulo pa ang buhok. Pero ang cute niya pa rin.
Hindi ko kasi sinabi sa kaniya na pupunta ako ngayon dito sa bahay nila, eh.
Halatang nagulat pati ang parents niya. Hindi pa pala niya nasasabi ang tungkol sa amin.
Pero mukha naman silang mabait. 'Yung daddy niya nagtanong lang ng konti about myself. Tapos 'yung mommy niya naman hindi pa makapaniwala noong una pero pinaghanda ako ng pagkain at inumin.
Pero 'yung reaksyon talaga ni Eucha ang nakakatawa. Sayang hindi ko siya nakuhanan ng picture kanina.
*****
"Nakakainis ka! Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka, ha! Ginulat mo ako." Hinampas niya ako sa braso.
Nandito kami sa may mini garden nila. Mahilig din pala sila sa mga halaman at mga alagang hayop tulad ng mga aso at ibon.
"Surprise nga 'di ba?" Natatawang sabi ko.
"Ang hilig mo sa surprise. Hindi nakakatuwa, noh!" Naka-pout na reklamo niya.
"What's the matter? Okay naman sa parents mo, ah. Mukha ngang boto sila sa akin, eh." Nakangiting sabi ko.
"Heh! 'Wag mo nga akong ngitian diyan!" Inis na sabi ni Eucha.
I hold her hand. Pilit niya itong binabawi pero hinigpitan ko lang lalo ang pagkakahawak ko.
"Bakit ba ang sungit mo? Dapat nga matuwa ka na nandito ako 'di ba? Oh, baka naman kasi nahihiya ka na nakita kita na ganoon ang ayos mo? Ang cute mo kaya." Pang-aasar ko sa kaniya. Namula naman siya.
"Heh! Kainis ka! Aalis ba tayo ngayon?" Eucha asked.
"Hindi. Bukas na lang. Dito na lang tayo mag-stay sa inyo today. Pupunta raw sina Gab at Enzo mamaya," sagot ko sa kaniya.
"Wow, ah! Close na kayo? Kailan pa? Simula noong nagsabuwatan kayo?" Sarcastic na tanong niya.
"Oo. Simula 'nung araw na iyon. Girlfriend, mukhang boto sa akin ang parents mo, ah. Pakasalan na kaya kita?" Seryoso kong saad sa kaniya.
Nanlaki na naman ang mga mata niya.
"K-Kasal agad? Ang bata ko pa, noh!" Eucha exclaimed.
"Bata ka riyan. Ayaw mo bang pakasal sa akin?" tanong ko ulit sa kaniya.
"G-Gusto. Kaya lang siyempre hindi pa ngayon, noh. Pinagti-trip-an mo na naman ako, eh." Nag-pout na naman siya. Ang cute lang.
"Of course not. Pero tama ka hindi pa ngayon." Natahimik ako. Gusto niyang rin na makasal sa akin someday. Ako rin gusto ko siyang pakasalan someday. Pero...
"Hey! Bakit bigla kang nalungkot diyan? Dont tell me na gusto mo talaga akong pakasalan, ha," untag ni Eucha sa akin.
Natawa tuloy ako. "Oo naman. Pero hindi pa ngayon. Maybe someday." I said looking at her.
Biglang tumunog ang doorbell ng gate nila.
"Nandiyan na yata sila. Wait lang ha, bubuksan ko ang gate," paalam ni Eucha.
"Okay." Sinundan ko na lang siya ng tingin.
Sa bahay lang nila kami nag-stay maghapon. Naglaro kami ng scrabble, chess, baraha. Ipinagluto rin kami ng mommy ni Eucha ng lunch, merienda hanggang dinner.
I had fun with them today. I was able to see who is Eucha inside their house and with her love ones.
She has a very happy family and nice friends. Bigla ko tuloy na-miss sila mommy. With that bigla akong nalungkot.
"Hey! Sabay ka na sa amin? O, dito mo balak matulog?" tanong sa akin ni Enzo.
"Heh! Sasabay siya sa inyo. Ingat kayo, ha," bilin sa amin ni Eucha.
"Sus! Dont worry iingatan namin itong boyfriend mo," biro ni Gab.
"Siya gagabihin na kayo masyado sa daan. Mag-iingat kayo, ha," sabi ni Tita, Eucha's Mom.
"Bye, tita. Salamat po sa masarap na pagkain, ha," I said to her.
"Your welcome, hijo. Bumalik ka ulit dito. Ipagluluto kita ulit," Eucha's mom.
"Sige po," I agreed to her.
"Sige na anak, ihatid mo na sila sa labas," Eucha's mom.
"Opo. Tara na. Pinapalayas na kayo ni Mommy. Makahalata na kayo," pabulong na sabi sa amin ni Eucha habang palabas kami.
"Gustong-gusto kaya ako ng Mommy mo," bulong ko rin sa kaniya.
"Heh! Yabang. Paano sinuhulan mo ng chocolates at pabango. Tapos si daddy binigyan mo ng relo at wallet," pambubuko sa akin ni Eucha.
"Masuhulan nga rin ang mommy ni Gabby para ipakasal na kami," biro ni Enzo.
"Tse! Ayoko pa ngang matali, noh. Ayoko pa'ng maging mommy," Reklamo naman ni Gab.
"Kasal pa lang ang usapan. Sa'yo anak na agad, Gab." Natatawa na wika ni Eucha.
"Doon na iyon papunta, eh." Sabay irap ni Gab.
"Don't worry kapag nagkaanak tayo for sure kasing ganda mo, babe." Sabay akbay ni Enzo sa nag-blushed naman na si Gabby.
"Ang cheezy nyo. Paano bye na. Thanks sa pagpunta rito sa bahay. Kahit na ginulat mo ako," Eucha told me.
Nasa labas na pala kami. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Hey! Baka hindi na ko makahinga." Reklamo niya pero hindi ko pa rin siya binitawan.
"Sandali lang. Gusto lang kitang yakapin. I love you, girlfriend." I said while hugging her.
"I-I love you, too," she said at niyakap din ako.
"Sino kayang cheesy. Babe, sakay na sa kotse. Baka makagat ka ng langgam." Parinig ni Enzo habang pasakay sa kotse.
"Sige na aalis na kayo. Late na." Pagtataboy sa akin ni Eucha.
Binitawan ko na siya. "Goodnight." Then i kissed her forehead. Saka sumakay na ng kotse.
"Goodnight," Eucha replied. "Ingat kayo."
Hinintay niya munang makalayo kami bago siya pumasok sa loob ng bahay nila.
Today, I had another memorable day with Eucha.