Chapter 22: Treasure the Moments Part 2

1008 Words
Caleb I'm really having fun today. Ngayon lang yata ako naging ganito kasaya. 'Yung nalalabas ko 'yung different side ko. Because of Eucha, I was able to enjoy life like this. Nahahawa ako sa kakulitan niya. And her laughter is like music to my ears. Sana nga hindi na ito matapos pa, eh. Sana ganito na lang kaming dalawa palagi. Because with Eucha, there is no pretentions. Totoong-totoo siya. Kaya nailalabas ko rin kung ano talaga ako. Hay... Eucha is just like a breath of fresh air for me. At mukhang nag-e-enjoy siya na pag-trip-an ako today. Ano naman kaya ang sinasabi nitong main event? Hay... Wala na akong pakialam kung ano man 'yon. Basta ang mahalaga. I am with her. She is happy and I'm happy, too. And I will treasure every moment of us together. Eucha Ito na ang main event na sinasabi ko kay Caleb. Dito masusubukan ang pagmamahal niya sa akin. Sa pagkain ng balot. Pinipigilan ko ang matawa. "What is it, Eucha?" Nagtatakang tanong sa akin ni Caleb. Nandito kami sa puwesto ni Manong na magbabalot. "Egg." Inosenteng sagot ko naman sa tanong niya sa akin. "I know egg ito. What I mean is, ano ang gagawin natin dito?" Naguguluhan na tanong ulit ni Caleb. "Kakainin. Gayahin mo ang gagawin ko, ha." Ipinukpok ko sa noo ko 'yung itlog. "Ouch!" Napangiwi ako sa sakit. "Hey! Don't hurt yourself." Nag-aalalang hinimas niya ang noo ko. Ang tanga ko naman kasi. Bakit sa noo ko pa naisipan na ipukpok 'yung balot? In fairness ang sakit ha. "Ayan namula na tuloy. Masakit ba? Alam ko kung ano ang gamot diyan." Nakangiting saad ni Caleb habang hinihimas ang noo ko na nasaktan. At bago pa ako makapagtanong sa kaniya kung ano ang gagawin niya ay na-kiss niya na ang noo ko. Kaya tulala na naman ako. "You're blushing. Ang cute mo talaga, girlfriend." Nakangiti pa na sabi ni Caleb. Pakiramdam ko ang pulang-pula ng mukha ko. "H-Heh! Bigla ka na lang nanghahalik. Tuloy na natin 'to." This time sa handle ng basket ni Manong ko na ipinukpok 'yung balot. Tapos hinigop ko 'yung sabaw ng balot at nilagyan ko ng asin at dinalawang subo ko 'yung balot na may sisiw na maliit. At pagtingin ko kay Caleb... Literal na nakanganga siya. "Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit ganiyan ang itsura mo boyfriend?" Nakakatawa talaga ang reaksyon ng mukha niya. Kaya hindi ko napigilang tumawa. "Y-You eat the chick?" 'Di makapaniwalang tanong niya sa akin. "Yeah. Ang sarap nga, eh. Kainin mo na 'yang sa'yo." Sabi ko habang ngumu-nguya pa. "Ha? No thanks. Busog na ako, eh. Let's go." Ibinalik niya kay Manong 'yung balot at hinawakan ang kamay ko para umalis. Pinigilan ko naman siya. "Hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka kumakain niyan." I told him. "Eucha... Let's go. Ihahatid na kita late na." Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Kapag hindi ka kumain ng balot, ibig sabihin hindi mo ako mahal." Naka-pout kong sabi na kunwari nagtatampo. "Are you serious? Dahil lang sa balot na 'yan?" Hindi makapaniwala na bigkas ni Caleb. "Oo." Sagot ko naman. "Eucha naman, eh." Reklamo pa niya. Pero maya-maya hindi rin naman niya ako natiis, eh. Kinuha niya ulit kay Manong 'yung balot at ginaya niya 'yung ginawa ko. Hindi maipinta ang mukha niya habang kinakain 'yung sisiw. Kaya pigil na pigil ko ang tumawa ng malakas at palihim ko siyang kinuhanan ng video. "Satisfied, girlfriend?" Tanong niya habang umiinom ng tubig. "Very satisfied." Abot tenga ang ngiting sagot ko. "Let's go." Kumapit na ako sa braso niya at nagsimulang maglakad. "I love you, too, boyfriend." Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "Hay... Mas mahal kita. Ang weird 'nung pinakain mo sa akin." Sagot niya. "Ang sarap kaya." Hindi ko na napigilan ang tawa ko. "Tsk! Oo na lang. Let's go. Baka mapagalitan ka na ng parents mo." Aya sa akin ni Caleb. Hay... I really enjoy this day with him. Pero hindi pa kami umuwi kaagad. We decided na maglakad-lakad muna sa park. Maaga pa naman, eh. Marami-rami pang tao sa park. May mga pamilya na magkakasamang kumakain habang naglalaro ang mga anak nila sa paligid. Mayroon din namang solo flight ang peg. At siyempre, marami ang kagaya namin na magkapareha na namamasyal. Magkahawak kamay na naglakad-lakad kami. Enjoying the cold breeze. And our moments together. And I will surely treasured this moments forever. "Mahal mo talaga ako, ano? Imagine? Kinain mo 'yung balot?" Natatawa pero at the same time kinikilig na sabi ko. "I will do everything to make you happy, Eucha." Nakangiting sambit ni Caleb habang nakatingin sa akin. Pero bakit gano'n? Parang hindi umabot sa mga mata niya 'yung ngiti niya? Kahit ramdam ko naman na masaya siya at mahal niya talaga ako. Kaya nga siya nandito ngayon 'di ba? Maybe I'm just thinking too, much. "Thank you," sagot ko na lang sa kaniya. "Ako ang dapat mag-thank you." Kasi, you make me feel this way. I am so happy because of you, Eucha," Caleb said. "Masaya rin ako dahil sa'yo kaya it's a tie," I joked. Pero, I felt weird deep inside. Parang may kakaiba pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Because what matters right now is that we are together, we are happy, and we love each other. Maya-maya pa ay napagdesisyunan na naming umuwi. Sumakay kami ng taxi at hinatid muna ako ni Caleb sa bahay namin bago siya nagpahatid sa hotel na tinutuyan niya. Inaya ko siyang pumasok sandali sa bahay namin pero tumanggi siya dahil masyado ng late. May ibang araw pa naman daw para makilala niya ang parents ko. And as expected, dinaan niya na naman sa bilis ang paghalik sa akin. Saka siya nagmamadaling sumakay ng taxi. "Goodnight! Dream of me, girlfriend." Sigaw ni Caleb habang nakangising kumakaway sa akin. Naiiling at nangingiti na kinawayan ko na lang din siya bago ako pumasok sa gate namin. I'm not expecting his naughty side but I'm loving it. At kinikilig ako. Mukhang mapapanaginipan ko na naman talaga siya tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD